ALSFL4-19

Page 38

ARALIN 3

Santo ng mga Estero Kilala mo ba si Mother Teresa? Maraming beses na siyang bumisita sa ating bansa bago siya namatay noong 1997. Naging tanyag si Mother Teresa dahil sa kanyang pagkakawanggawa para sa mga mahihirap at maysakit sa India. Makikita natin sa araling ito kung paano siya nakilala sa kanyang pagkakawanggawa para sa kapayapaan. Ating susuriin kung paano natin magagamit ang kanyang mga halimbawa at itinuro sa ating lipunan. Tingnan natin kung magagamit natin ang mga ito upang maitaguyod ang kapayapaan sa ating lipunan. Matapos pag-aralan ang araling ito, makakaya mo nang: ♌

mailarawan ang mga ginawa ni Mother Teresa;

♌

suriin ang kanyang mga kontribusyon para sa kapayapaan; at

♌

gamitin ang mga halimbawa ni Mother Teresa upang maitaguyod ang kapayapaan sa ating bansa.

Basahin Natin Ito

Ako si Sister Nirmala mula sa Missionaries of Charity. Nagtatrabaho ako rito sa Calcutta, India. Inaalagaan ko ang mga maysakit, mahihirap at mga malapit nang mamatay. Mahal ko ang trabahong ginagawa ko rito. Dahil dito, pinasasalamatan ko si Mother Teresa, ang nagtaguyod ng Missionaries of Charity.

38


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.