M NITOR
BALITA
KampObrero, Nilahukan ng Daan-daang Manggagawa,
Mass Regularization, Inapela sa DOLE Dalawang linggo bago ang Ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 24, 2017, lumahok sa serye ng mga pagkilos ang daan-daang manggagawa para igiit ang pagpapahinto sa kontraktwalisasyon kasabay ng panawagang itigil ang batas militar sa Mindanao. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno, KILOS NA Manggagawa at All Workers Unity ang kampuhan ng mga manggagawa na tinawag na “KampObrero”. Itinayo ang kampuhan sa tapat ng tanggapan ng Department of Labor and Employment sa Intramuros, Maynila mula
Hulyo 10 hanggang 16.
karapatan sa loob ng trabaho.
Kabilang sa mga lumahok sa “KampObrero” ang mga manggagawang agrikultural ng Freshmax Fruit Corp. at Shin Sun Tropical Fruit Corp mula sa Compostella Valley , mga minero mula sa rehiyon ng Caraga at mga manggagawa mula sa Southern Mindanao at Metro Manila.
Mass Filling for Regularization
Hulyo 17 nang itinayo nila ang kampuhan sa Mendiola kung saan sila nagsagawa ng State Workers Address para ilatag ang mga kinakaharap na isyu ng mga manggagawa gaya kontrakwalisasyon, mababang sahod, at iba’t ibang porma ng paglabag sa
Sa ikalawang araw ng “KampObrero” noong Hulyo 12, nagsagawa ng mass filling sa DOLE ang KILOS NA Mangggawa para iapela na gawing regular ang mahigit tatlong libong kontraktwal na manggagawa. Isinumite nila kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang listahan ng mga kumpanya na nagpapairal ng malawakang kontrakwalisasyon. Inihain rin ng KILOS NA Manggagawa ang ikalawang batch ng apela para
sa regularisasyon ng mga manggagawa noong Agosto 12. Hinimok ng grupo ang DOLE na aksyunan ang mga kaso ng kontrakwalisasyon at paglabag ng mga kumpanya sa karapatan ng mga manggagawa. Sa kabuuan, walong libong manggagawang kontrakwal ang sakop ng isinagawang mass filling para sa regularisasyon. Ang KILOS NA Manggagawa ay isang pambansang organisasyon ng mga manggagawang kontraktwal. Itinayo ito noong Marso 3 kasabay ng ika-dalawampu’t walong taon ng pagsasabatas ng Herrera Law na nag-ligalisa sa kontraktwalisasyon sa bansa. Kryzl Mendez
Walang Happiness ang mga Manggagawa sa Coca-cola “Walang happiness!” Ito ang kalagayan ng mga manggagawa ng Coca-Cola Bottlers Philippines Inc. (CCBPI) lalo na sa planta nito sa Meycauayan, Bulacan at Sta. Rosa, Laguna. Nagsagawa ng botohan ang mga miyembro ng Coca-Cola Sales Union Meycauayan (CSSUM) pabor sa paglulunsad ng welga noong Setyembre 4 dahil sa deadlock ng Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagitan ng CCBPI at CSSUM. Ilang araw bago ang botohan, nagsagawa ng kilos-protesta ang mga manggagawa at mga taga-suporta sa tapat mismo ng planta sa Meycauayan noong Setyembre 2. Nagkaroon ng deadlock sa negosasyon ng CBA dahil sa hindi mapagkasunduang punto tulad ng 1. Dagdag-sahod 2. Regularisasyon HULYO - SETYEMBRE 2017
at kilalanin bilang miyembro ng unyon ang mga kontraktwal na empleyado 3. Rice Allowance 4.Bayaran ang mga manggagawa tuwing sabado ng “daily rate” imbes na “buy-out” na mas mababa ng halos o higit sa kalahati ng arawang sahod. Samantala, nakapiket sa kasalukuyan ang mga kontraktwal na manggagawa ng Coke sa plant ng Sta. Rosa, Laguna dahil sa pagkakatanggal ng 675 sa kanila. Ito ay sa kabila ng desisyon ng DOLE Region 4A noong Abril 2017 na i-regular ang mga kontraktwal na manggagawa sa ilalim ng CCBPI. Karamihan ng mga kontraktwal ay nagtrabaho ng isang taon at ang pinakamatagal ay 16 taon bilang kontraktwal sa nasabing kumpanya. Mula rin ang mga kontraktwal sa iba’t ibang manpow-
er agency, na ayon sa mga nakapanayam na manggagawa ay nag palipat-lipat sila ng agency ngunit sa loob lang din ng Sta. Rosa sila pumapasok. Dagdag pa, inrereklamo din nila ang hindi pagbabayad ng overtime pay, hindi pagbabayad sa kanila ng sapat na sahod at hindi o kulang
sa paghuhulog sa kanilang mga mandatory benefits. Binuo ng mga manggagawang kontrakwal ng Coke Sta. Rosa ang kanilang samahan ng Liga ng Pinalakas na Manggagawa ng CocaCola Femsa (LPMCC) para sa layunin na pagkaisahin ang mga manggagawa at isusundan sa p.5
Larawan| Picket protest ng mga manggagawa sa sa Coca-Cola Sta. Rosa Plant sa Laguna
3