Tumawa HAHAHAHA!!!! ka! Photo from: theconger4.blogspot.com.
Ni Airon B. Buenvenida
S
abi raw nila, ‘ang buhay ay parang telenobela.’ May mga pagkakataong mapapaluha ka, maiinis ka, magugulat ka, matatakot ka, o ‘di kaya’y magagalit ka. ang sabi ko naman, ‘ang buhay ay parang gag show!’ at bakit? Ewan. Eh gusto ko lang tumawa. Maging masaya. Ika nga ni Enrile, “gusto ko happy ka!” Kaya tawa lang mga kaibigan. Tuwing nakakarinig ako ng mga tawa ng tao, ang mga tenga ko ay napapangiti sapagkat para sa akin, ito ay isa sa pinakamagagandang tunog na pwedeng malikha sa magulo at mapag-imbot nating mundo. Walang lugar ang mga sigaw, hagulgol, at mga malulungkot na luha sa sulatin kong ito kaya balewalain niyo na lang ang huling kong sinabi. Kahit puro tawa lang ang mababasa niyo rito, hindi ito nangangahulugan na nakakatawa ang sinulat ko bagkus, sabay nating aalamin kung ano nga ba talaga ang pagtawa. Ang siyentipikong kahulugan ng pagtawa ay isang reaksyon sa isang stimulus. Ito’y kadalasang nagiging biswal na pagpapahayag ng ating nadaramang kasiyahan. Kadalasang nauuwi sa pagtawa ang mga joke na naririnig, kililitian, at kung ano pang stimuli. Ang pagtawa ay parte ng ating the CEntRALeCHO
pag-uugali na siyang kinokontrol ng ating utak. Sa pamamagitan ng pagtawa, nalilinaw natin ang ating intensyong makipag-ugnay sa ibang tao at siyang nagtutulay para bigyan ng emosyonal na konteksto ang ating pakikipag-usap. Minsan naman, ang pagtawa ay nagsisilbing palatandaan ng pagiging parte ng isang grupo dahil nagbabadya ito ng pagtanggap at positibong pakikipag-ugnay sa ibang tao. Bigyang pansin ang mga eksena sa mga palabas o pelikula kung saan ang bida ay bagong pasok sa isang barkadahan. Sa oras na matapos siyang ipakilala sa grupo, may mga ilan na ngingiti o tatawa sinyales ng pagtanggap, at meron na namang iba na tatawa sabay yakap, at pagkatapos ay biglang ipapakita ng camera ang likurang anggulo kung saan tumatawa pala siya na parang kakainin niya ng buhay ang bida.
84