Skip to main content

Endurance

Page 81

Ni Raniel C. Ponteras

Bawat segundo aking dala-dala Mga nabubuhay kong mga ala-ala Na bumabalik sa akin sa panahon Kung kailan ako’y hinamon Ng isang nene na hindi ko pa noon kilala, Na sa unang hagikhik niya, agad na akong nagsinta. Sabi niya’y wala siyang kalaro sa kanyang barbie Wala akong maisip, pero ito aking sinabi, “Oo.” Sa paglipas ng panahon, merong bagong hamon ang aking pagbibinata, at kanyang pagdadalaga. Mga dating laro ay kinalimutan, at dumami na ang mga salita: sa aming maagang pagmamahalan. Paraiso ang tambayan namin sa ilalim ng mangga kung saan, aking inukit ang mga salitang, “mahal kita” kasama ang isang hugis ng malaking puso. At sa piling niya’y ako’y parang nasa isang kastilyo Sa maliliit na oras na iyon, nakita ko siyang humahagikhik, kaligayahan ang hugis ng kanyang mga labi, nagkatinginan kami, pumapalapit, hanggang natapos sa isang halik. Nag iisang-labi nang pumatak ang unang anak ng ulan; Basang-basa sa piling ng ulan, habang siya’y aking hinahawakan: Sa tulang ito, nais kong ialay ang daigdig, para lang matamo ang matamis mong pag-ibig. Sa mga maliliit na himig,

sa mga maliliit na tula, Lumalakas ang pagsuyo, lumalakas ang pagsinta. At sa oras ng kawastuhan o kamalian Merong gumagabay sa atin na kasaysayan. Kapag ika’y nangangamba, lalakad ako bilang iyong kasama. Hanggang sa dulo, tayo’y hawak-kamay; tatanda, at sabay tayong mamamatay. Ang panahong iyon, ay puno ng hiyaw, dahil siya’y aking kasama sa araw-araw. Hanggang dumating ang isang katunggali, isang problemang hindi man tama o mali. Unti-unti na akong naging mag-isa sa tinatahak kong daan: Mga araw na puno ng pag-ibig, ngayo’y tuldok nalang sa nakaraan. Kung saan dati ay isang ngiti; ngayo’y nakatalikod na pagbati. Bawat araw bumibigat ang dalang pasan, hanap-hanap ang nawalang kasiyahan. Oh saan na nga ba? Saan na nga ba? Ang una kong sininta? Natuto man akong magmahal, pero hindi ko alam ang masaktan. Sa halip, sa lahat ng ito’y may isang gintong aral: Buhay man ang aming pag-iibigan hindi kami pwedeng sabay tatanda, dahil siya’y mayaman, at ako’y isang dukha.

Volume CI No. 4 | NoVember 2010-APrIl 2011

www.centralecho.blogspot.com|www.thecentralecho.journ.ph

79

Photo Credit: public-domain.zorger.com

“Pag-ibig sa Panahong Lipas”

§

§

Tula


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Endurance by The Central Echo - Issuu