Bukluran 2.0

Page 6

Sa Ating Mga Kabataan ni Rechiel Mandigma Marahil nagtataka tayo sa mga nangyayari sa ating kapaligiran, lalo na sa pagkawasak ng kalikasan. Maraming mga mapagsamantala ang patuloy na gumagawa ng masasamang gawain na nakasisira at nakapipinsala sa kapaligiran. Patuloy nilang pinuputol ang mga puno, tinatapunan ng basura ang mga ilog, at pinapatay ang mga hayop. Total destruction ang ginagawa sa kapaligiran. Ngunit may ginagawa ba tayong aksyon laban sa mga ito? Hindi lingid sa ating mga kaalaman na tayong mga kabataan ang siyang makikinabang sa mga likas na yamang ito na bigay ng Maykapal sa darating na bukas. Tayo na mismo ang

dapat ba mangalaga nito, dahil tayo anbg makikinabang sa mga ito sa araw ng bukas. Huwag sana nating hayaang maglaho ang yamang ito sa ating paningin at ipagkait sa ating magiging mga anak na makita ang tunay na kagandahan ng ating kapaligiran. Ngayon na, mga kapwa kabataan ko, ang tamang panahon upang simulang putulin ang masasamang gawain at pagsirang ito sa ating kapaligiran. Batid kong hindi naman tayo papayag na mawalan ng sariwang hanging malalanghap at punongkahoy na masisilungan. Samakatuwid, gawin na natin ang ating responsibilidad sa ating komunidad. Kahit sa murang gulang , simulan na nataing baguhin ang tanawin sa ating kapaligiran.

Mula sa pahina 2... aasahan. Sa pamilya nina Sonny, Berong at Kuya Obet, hindi lang kayo nawalan, kami din. Nawalan kami ng isang mabait na kapitbahay. Si Berong, Rescue Team member ng Buklod Tao SL2, na di na kailangang tawagin pa kapag sumasampa na ang tubig ng ilog - ay nakasakay na siya sa rescue boat ng Buklod Tao, at tumutulong sa mga pamilyang magsisilikas. Si Kuya Obet na makulit. Ang inyo pong pagluha ay pagluha din po naming lahat dito. Tayo po ay muling nagsamasamang lahat pero hindi na sa ibabaw ng bubong kundi sa harap ng altar ng Panginoon sa Banal na Misang ipinagdiriwang natin ngayon. Sa lahat po ng tumulong sa aming lahat tulad ng Center for Disaster

Preparedness, Christian Aid, Oxfam, Association of Filipinos in East Timor, Myanmar priest, sisters and laymen in the Philippines, Ateneoville Homeowners Association, Filipino-Chinese Association, HEKS, Swiss Solidarity, Disaster Emergency Committee, at si Dr. Mel Luna. Kina Ma’am Cloei at Sir Raul sa Katharina Werk sa muli po naming pagbangon at sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na muli silang makapag-aral upang ituloy ang kanilang mga pangarap na hindi po kayang ibigay ng kanilang mga magulang. Kay Prof.Elmer Ferrer at sa lahat ng kanyang mga estudyante lalo napo kina Glennis at ate Mina at sa lahat lahat po ng tumulong, marami pong salamat sa inyong lahat!

Isipin na lamang natin na kung tayo’y nabubuhay sa ganitong sitwasyon - parang paraiso ang ating kapaligiran - maaring di natin nanaising pumanaw sa buhay na mala-paraiso. Lubos akong umaasa na tayong kabataan ang siyang susi upang manumbalik muli ang likas na yaman, sapagkat naniniwala pa rin akong tayo ang tanging pag-asa ng bayan. Bibiguin ba natin si Inang Kalikasan na humihingi ng tulong sa atin? Kung gayon, simulan na natin ang pagkilos habang may natitira pang panahon! Bago mahuli ang lahat, dahil ang pagsisisi ay alam nating nasa huli. Rechiel is a member of Buklod ng Kabataan. Mula sa Pahina 2... ng Marikina at Barangay Nangka gawa ng ayaw nilang ipaalis ang mga basura na itinapon nila sa Nangka River. Pero hindi kami natinag/natakot sa kanila. Kasama namin ang Imbestigador ng isang mass media group (GMA-7) at si Ka Noli.

ERRATUM Inadvertently missed to mention in the line-up in the first issue of Bukluran released on 13th of August 2010 is one more participating organization during the stakeholders’ consultation: SAMAKABA.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.