The Mark of Excellence

Page 33

Aking hinagpis OMBAO, MARJORIE B.

Tubig at Mantika Zharina Joy N. Monedero

Tubig at mantika; parehong likido pero magkaiba. Parang tayo pare-parehong tao pero magkakaiba ng ugali. “Ugali” ang salitang minsan ay mabuti at minsan ay masama. Minsan ay ikinabuti mo at minsan ay ikinasira mo. Minsan ay siyang nagtulak na magustuhan ka ng iba at misan para ayawan ka. Minsan ba ay natanong mo na ang sarili mo na “masama ba ugali ko?” kung nagawa mo, tatanungin din kita “ kilala mo ba ang sarili mo?” Sa mundong ito pag hinalo mo ang mantika sa tubig laging mantika ang pumapaibabaw. Dahil di maikakaila sa kahit anong aspeto ng buhay ng tao laging may isang mangingibabaw. Nagging mantika kana ba sa classroom mo? minsan ba ay akala mo naiiba ka sa kanila at iniisip mo na wala sayong nakakaintindi na para kang mantikang lumulutang sa ibabaw ng tubig. Dahil akala mo di ka nila gusto. At iniisip mo na nasa kanila ang problema pero ang totoo na sayo ang problema. Nag-aantay sila na lumapit ka, pero ikaw itong pilit na umiiiwas at lumalayo. Bakit iniisip mo na di ka tatanggapin? Bakit nag-atubili ka man lang bang lumapit? Kung di mo pa nasubukan, wag mong isipin na sa kanila ang problema. Tandaan mo, marami sila at iisa ka lang. kaya palagi mo iniisip na mabuti pa ang mag-isa pero sa huli pero sa huli sasabihin mo “buti pa sila may kaibigan”. Patunay lang yan na tao ka dahil napakaindecisive mo. Minsan naman sa barkadahan hindi maiiwasan ang may magbanggaan. Dahil para sayo tama ang isang bagay at para sa kanya mali. Para sa kanya pangit , para sayo maganda. Nayayabangan ka sa kanya pero di mo alam mayabang din ang pagtingin niya sayo. Akala mo close kayo kaya kahit anong jokes ang ibato mo sa kanya hanggang sa dumating sa punto na yung jokes mo ay no longer funny but deadly na ay sasakyan ka niya. Kasi iniisip mo na open-minded ka pero di mo man lang naisip na di siya katulad mo. pero lahat nga ng akala ay akala, dahil di mo alam sa likod ng mga ngiti at tawa ay ang totoong siya na pilit kang pinapatay sa imahinasyon niya. Tandaan pareho kayong tao, pero magkaiba ng inugatan. Umaasta kang karakter sa isang koreanovela. Kung saan ikaw ang bida at sila ang kontrabida. Na ikaw ang biktima at sila ang nangbiktima. Pero di mo alam na sa istorya nila, sila ang bda at ikaw naman ang kontrabida. Akala mo pinagkaisahan ka dahil na saiyo lahat ang turo. Pero di mo alam na ang katotohanan ay may iba’t ibang anggulo. Sa isang anggulo may tama ka pero sa lima pang ibang anggulo ikaw ang may mali. Matutong sisihin ang sarili mo, wag puro iba. Ang pagkilala sa sarili mong mali ay daan upang malinawan ka tulad ng tubig na malinaw. Lahat ay may pagkakaiba, ngunit ang pagkakaibang yan ay hindi tumubo diyan sa sarili mo upang ayawan ka ng iba. Nakadepende yan kung paano mo ibabagay ang sarili mo o ang ugali mo sa ugali ng iba. “Pakikisama” ang pinakaimportanteng formula para di ka maging mantika. Kung kilala mo sarili mo, alam mo kung ano ugali mo. kapag lubos mo ng kilala ang sarili mo, open ka na para kilalanin ang iba. Kahit makipagplastikan ka sa iba para matanggap ka, sa huli lalabas ang totoong ikaw na aayawan nila. Kailangan mo lang ay ang magpakatotoo ka sa sarili mo. Tsaka mo nalang mahahannap yung company kung saan ka babagay.

Mula ng makilala ka aking sinta Ating pagsasamahan ay subrang saya Oras ay kay bilis pag ikaw kasama Sana ikaw ay laging aking kasama Mga yakap mo na laging aking hanap Mga halik mo na walang kasing sarap Mga ngiti mo na walang kasing tamis At mukha mo na laging aking namimiss Yong mga pangako na lahat na pako Nasabi mo, ikaw at ako sa dulo Nasabi mo na aaway lamang tayo Pero bakit ngayon wala ng tayo? Napakasakit isip na wala na At nawala ang dating aking kasama Pero bakit mahal pa rin kita sinta Oh hindi ko pala kaya na wala ka.

HAIKU ni Art S. Paceño

Hindi digmaan Dapat ipaglaban Sa kaunlaran. Mga pinatay Sa dahilang nanlaban O walang laban. Siya’y marikit tingin ko’y nakadikit Titig malagkit. Magtutulungan Para sa kaunlaran Ng Inang Bayan. Magandang buhay Sana’y puno ng kulay Makamtang tunay.

AKROSTIK NA TULA ni Marjorie B. Ombao

M-Mapagmahal na dalaga A-At may magandang ugali R-Raranasinkung iyong makikilala J-Juana ang kanyang pangalan O-Oh iyong pakamahalin R-Raranasin mo rin I-Iibigin kang walang hanggan E-Eh kaya naman wag mong lukohin O- Oh kailangan kita M-Magpakailanman pa man B-Buhay ko ay tanging sayo lang A-Ako sayo at ika’y akin lamang O-Oh wagas na pag-ibig ko sayo lamang


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.