Caraga InFocus – August 14-20, 2021

Page 14

GCQ quarantine with heighthened restrictions patuloy na ipatutupad sa lungsod ng Butuan

Matapos inanunsyo ng Malacañan na mananatiling nakapailalim sa GCQ o General Community Quarantine with heightened restrictions ang Butuan City hanggang Agosto 31, nagpalabas ng bagong Executive Order (EO) si Mayor Ronnie Vicente Lagnada. Contributed photo Nakasaad sa EO No.38 na patuloy ang paggamit ng color coded quarantine pass, mananatili pa rin ang liquor ban maging ang curfew mula alas 12 ng hating gabi hanggang

14

|August 14-20, 2021

alas 4 ng umaga. Hindi muna pahihintulutan ang mga pagtitipon maliban na lamang kung ito’y government services o kaya’y health activities. Ang mga dadalo sa anumang religious gatherings dapat ay 30% lamang ng venue capacity habang 50% naman ng seating capacity ng isang public transport ang pwedeng pasakyan. Kailangan pa rin ang negative result ng RTPCR Test kung ba-byahe patungong Butuan, pero kung fully vaccinated

na ay maaaring ang vaccination card na lamang ang ipakita. Bagamat unti-unti nang bumaba ang bilang ng mga bagong nahawahan ng Covid-19 hindi pa rin dapat magpakampante at importante pa rin ang pagsunod sa minimum public health protocols. Sa ngayo’y nasa 7,351 na ang kabuoang bilang ng mga kompirmadong kaso sa Butuan pero 291 na lamang ang aktibong kaso. (May Diez, Radyo Pilinas Butuan/PIA Agusan del Norte) Caraga INFOCUS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Caraga InFocus – August 14-20, 2021 by Caraga InFocus - Issuu