Alay ng Sarangani

Page 6

6 ANG ALAY

OPINYON

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL, SANGAY NG SARANGANI, REHIYON DOSE, POBLACION, ALABEL , SARANGANI PROVINCE

BANTAY Pagsapit ng alas diyes JOHN MARK POLISTICO

Ang kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan kung sila mismo ang salot na sumisira sa imahe ng ating lipunan?

Iginuhit ni MCZOMAR DONQUE

MUNTING BOSES

Palawigin o Nuynuyin? CHARLOTTE IBAHAY

“Kung iniisip ninyong ang edukasyon ay magastos, piliin ninyong maging mangmang.” Ipinapakita sa kasabihang ito kung gaano kahirap maabot ng isang tao ang minimithing dekalidad na edukasyon. Kamakailan lang, idiniklara ni Mayor Vic Paul Salarda ang pagpapatupad ng Zero Collection Policy sa lahat ng paaralang nasasakupan ng munisipyo ng Alabel, alinsunod sa DepEd Order No. 19 s., 2008. Sa katunayan, dapat sana ito ay matagal nang ipinatupad ngunit hindi madaling tanggalin ang mga babayarin sa mga paaralan, kaya ito ay nanatiling kautusan lamang. Pero ngayon na ito ay ipinatupad na walang pag-aalinlangang marami ang natutuwa at umaasang ito ay makatutulong nang malaki lalo na sa mga nasa mababang antas ng pamumuhay. Gayon pa man, maraming mga bagay ang nalagay sa alanganin. Sa pagpapatuloy ng kalakarang ito,nahihirapan ang paaralan sa paglaan ng badyet para sa mga aktibidad. Ito ay ang mga sumusunod Intramurals, Buwan ng Wika,National Science Club Month, English Festival at iba pa. Kahit

na may “Mode of Operating Expenses” (MOOE), hindi pa rin matutugunan lahat na pangangailangan ng paaralan sapagkat hindi lahat ng gastusin ang saklaw nito. Kaya kailangan natin ng ibang mapagkukunan upang matugunan ang mga gawain na may kaugnayan sa pagkakaroon ng kaalaman at paghubog nang wasto sa mga mag-aaral. Bagama’t ang hangarin ng nasabing kalakaran ay para sa kabutihan at kapakanan nang nakararami lalong-lalo na sa mga mahihirap na mamamayan, ngunit nailalagay pa rin sa alanganin ang ibang gawain ng mga mag-aaral na may kaugnayan sa paghubog ng kanilang kakayahan at kaalaman.Ang ilan sa mga ito ay mga kompetisyon na taunan at buwanang idinaraos. Hindi magagawa ng mga mag-aaaral na lalahok sa isang paligsahan na walang perang gagamiting pambili ng mga kagamitang kailanganin, pataan, pagkain at minindal, at bayad sa rehistrasyon.

MUNTING BOSES

Para sa Lahat

PAMELA LOPEZ

“Ang katalisikan ay hindi lamang nasusukat sa apat na sulok ng silid-aralan.” Ito ay bansag na madalas nating naririnig araw-araw. Sa taong panuruan 2016-2017 nagsimula implementasyon ng Policy Guidelines on Awards and Recognition para sa K to 12 Basic Education Program. Marami ang tumutol ng talakayin ang nasabing paksa lalong lalo na ang mga mag-aaral na aktibong lumalahok sa Extra-Curricular Activities (ECA) ginawang ng pulong ng PTA sa paaralan. “DepEd order no. 36 s. 2016 sumasaklaw at binigyang diin ang sumusunod: Honors are purely academic based; ECA are not included as part of the criteria in selecting honors; and ECA shall have separate awards.” Ang nabanggit ay nagbibigay diin sa hindi pagsasama ng ECA sa ranking of honors. Ito ang dahilan ng pagkayamot at panghihinayang ng mga magaaral sa kanilang pagpunyaging magsikap. Lahat nang kanilang kagalingan ipinakita ay nawalan ng saysay.

Ang nagbigay ng kauutusan ito ay bigong isaalang-alang ang paghihirap na dinanas ng mga mag-aaral upang maipakita lamang ang natatagong kahusayan sa ibat ibang aspeto ng kanilang talento sa bawat sinalihang patimpalak. Higit pa rito, ang kanilang pagsisikap na pag-aralan ang naiwang leksiyon na nakokompromiso paglahok sa patimpalak. Sa madaling salita, ang mga estudyanting nangunguna sa pangakademikong gawain ay aktibo rin sa ECA, ibig sabihin ang mga magaaral na ito ay mapagkakatiwalaan

Samakatuwid, kinakailangan talagang may koleksiyon at ibang mapagkukunan para makalikom ng perang panggastos sa nasabing aktibidad maliban sa MOOE. Alam nating lahat na kung walang edukasyon, mawawala rin ang pagkakataong makahanap nang maayos na trabaho,makasasalamuha ng mga mahuhusay na kaibigan, at pagkakaroon ng kumpyansya sa sarili kung ihambing sa mga taong may magandang pinagaralan. Sa madaling salita, kung walang edukasyon mas lalo tayong malulugmok sa kamangmangan. Gayunpaman, ang pagpasok sa paaralan ay hindi lamang tungkol sa pagkamulat sa katotohanan at pagtamo ng kaalaman, kundi, paano ito gagamitin sa pakikibaka sa tunay na buhay kaya kailangang magkaroon ng maraming kasanayan ang bawat mag-aaral, sa pamamagitan ng pagsali sa mga kumpetisyon at seminar. Batay sa zero collection policy, ang layuning hubugin nang buong-buo ang mga kabataan ay tila ipinagkait. Ayon sa nakararami, “Ang pagkatuto ay hindi lamang sa apat na sulok ng silid-aralan. Mas madali tayong matuto kung ito ay ating nararanasan; dahil ang karanasan ang pinakamagaling na guro”. Samakatuwid, malaking tulong ang pagkakaroon ng mapagkukunan ng pinansiyal upang matugunan ang mga bagay na ito.

sa responsabling pagbabalanse sa parehong pang-akademiko at ECA na mga aktibiti. Samakatuwid, sila ay nararapat lamang bigyang-puri sa pamamagitan ng pagsasama ng ECA sa ranking process. Malungkot mang sabihin na ang paglabas ng kautusang ito ay nakapagpupukaw ng mga gurong nag-aalinlangan payagan ang mga kalahok at pinapayuhang huwag nang sumali sa paligsahan kaya, ito ang nagpahina sa sigasig ng mga mag-aaral. Ang ECA ay hindi ituring na nakapagpadagdag ng gayak at gastos kundi ito’y humuhubog at nagpapatibay ng sangkatauhan upang maging isang “ globally competitive individual.” Ayon sa isang pilosopo “Learning could be best taught if you experience it; for experience is the best teacher.” Kaya, ang kaalaman ating nakuha ay magiging mabisa kung ito’y ilagay sa kilos. Kung gayon, ang ECA ay behikulo sa pagpapaunlad kasanayang nararanasan ng isang indibiduwal na hinding-hindi makalimutan. Ang tagumpay na natamasa ng isang mag-aaral sa patimpalak ay nagbibigay karangalan at legasiya sa paaralan.

Ang sangkatauhan ay hindi na ligtas. Masasamang kaasalan sa ibatibang sulok ng ng pamayanan ay ating masasaksihan. Mga lansangan sa gabi ay may palaboy mga “batang hamog” na pinapabayaan ng mga magulang. Nagdudulot ng kaguluhan tuwing pagsapit ng gabi, “gang wars” kung tawagin ng bagong sibol na mga kabataan, “Nationwide Curfew” ba ang sagot sa “riot” na masaksihan sa lansangan. Nakababahalang isyu na dapat tugunan na pamahalaan. Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay natatakot sa mga nangyayaring patayan at panganib sa gabi dulot ng mga taong mararahas sa kapwa. Kabilang pagnanakaw sa kabahayan, mapanganib na pag-akyat sa mga trak, paninigarilyo, paggamit ng “ruby” higit sa lahat paggamit ng ipinagbabawal na gamut. Bilang tugon sa nakasisindak na isyu, may mga ordinansang nagpapatupad ng kurpyo na pinapatupad ng mga kapulisan at ng lokal na pamahalaan upang pigilan ang paglubo ng insidente sa bawat barangay. Kasabay nito ang pagpasa ng panukalang batas sa House of Representatives “The Disciplinary Hours for Minors Act” ni 4th District Representative Helen Tan na ipinagbabawal ang magpagala-gala ng mga menor de edad sa lansangan at pampublikong lugar mula 10:00 p.m.-5:00 am. Ang ordinansang kurpyo ay ipinatupad ng mga pulis at mga barangay tanod tinatawag nilang “Oplan Rody”(Rid of the streets of Drunkards ang Youths). Unang pagpapatupad nito dinadampot at dinadala ang mga kabataan sa barangay hall at presinto at saka pinagsasabihan ang mga ito. Sa pangalawang pagkakataon na mahuli ay mananagot ang mga magulang. Malaki ang responsibilidad ng magulang kung bakit palabuy-laboy sa kalye ang kanilang mga anak at ang iba ay kinulong . Ating masasaksihan ang di kaaya-ayang kilos ng ibang nating kababayan. Kasabay sa pagpapatupad ng kurypyo ay ang paghuhuli sa mga kalalakihang nag-iinuman sa kalye, nagvivideoke na nakabubulahaw sa mga kapitbahay at mga nakahubad baro ay hindi pinapatawad na naging dahilan sa pag-iwas ng mga kabataang lumabas sa lansangan mula (9pm-5am). Kasali rito ang mga umiinom ng alak at walang damit pang-itaas. It ay may layuning protektahan ang bawat barangay sa panganib. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pagpapatupad ng kurpyo ay nabunga ng magandang resulta sapagkat nabawasan na ang krimeng kinasasangkutan ng mga kabataan. Bumaba ang porsiyento sa mga naiulat na pagnanakaw, paghahablot ng bag at cellphone at iba pang mahahalagang bagay mula ng ipatupad ang kurpyo. Ngunit sa kabila nito’y may mga lugar na natigil ang an pagpapatupad ng kurpyo sapagkat nag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court at pagsampa ng reklamo ng mga grupo ng kabataan na labag daw sa Juvinile Justice and Welfare Act o ang Republic Act No. 9344. Sa katunayan, nagpapakita ng positibong resulta ang kurpyo sapagkat makatutulong ito upang makaiwas sa panganib. Kaya malaki ang maitulong nito lalong-lalo sa mga magulang na nababahala dahil na may sinusunod na ordinansang makaagapay upang makaalpas sa mga pangyayari sa labas ang mga anak. kaya, upang maging ligtas umiwas labas pagsapit ng alas diyes.

P U L S O Persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa Pagpapalawig ng Martial Law Sa kabila ng pagtatagumpay ng kampanya ng tropang militar laban sa mga teroristang Maute sa Marawi, pinalawig ni Pangulong Duterte ang Batas Militar sa Mindanao. Sa harap ng isyung ito, minarapat ng Alay ng Sarangani na hingin ang opinyon ng mga mag-aaral ng Alabel National High School (ANHS) ukol dito. Narito ang kanilang mga tugon. “Sang-ayon sa pagpapalawig ng batas militar dahil mas nagiging ligtas tau laban sa mga masasamang elemento katuwang ang mga militar na nangangalaga sa kapayapaan .” Feblits Sollano, Grade 10 “Nakakatakot ang Martial Law nong panahon ni Marcos ayon na rin sa mga kuwento ng mga magulang ko. Kaya hindi ako pabor sa pagpapalawig nito.” Jessa Bagan, Grade 12

“Mas magiging ligtas ang mga lansangan at uuwi ng maaga ang mga kabataan, kaya magandang hakbang ang pagpapahaba ng Martial Law.” Vina Diaz, Grade 11

“Pabor ako upang masiguro natin na ubos na ang mga Maute at para hindi sila ulit makapag ‘recruit” ng mga bagong miyembro. Sana magtagumpay ang kampanya ng gobyerno laban sa mga tulisan.” Francis Nicole Amador, Grade 9


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Alay ng Sarangani by BRYLL REGIDOR - Issuu