Skip to main content

Alay ng Sarangani

Page 17

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL, SANGAY NG SARANGANI, REHIYON DOSE, POBLACION, ALABEL , SARANGANI PROVINCE

AGHAM

HINAY HINAY SA PAGBULONG L E A

B

K A T E

C A B A R R U B I A S

Shhh… May sasanihin ako. atid niyo ba na ang pagsasalita nang mahina sa paraang hangin lang ang lumalabas sa ating bunganga ay may hatid na pinsala?

Ang pagbubulong ay ang pagsasalita nang mahina na walang halong panginginig ng boses na ginagawa ng iilan upang hindi marinig ng iba. Sa pag-aaral nina Dr. Rubben, direktor ng Lakeshore Professional Voice Center sa Michigan, ang pagbubulong ay mas nagbibigay ng puwersa at nakakasira sa loob ng tubo ng ating lalamunan. Ito ay pumipiga ng mahigpit para makabulong, na dapat ikabahala dahil ito ay nakakasira ng ating babagtingan. Ayon sa naturang pag-aaral, sa mahigit 100 na pasyente, 69 porsyento ay nagpakita ng pagtaas ng pagpalabas ng glottis sa loob ng lalamunan at sobrang paggamit ng babagtingan. “If you have to talk, do not whisper, but rather talk in a soft voice.”- payo ni Dr. Robet T. Sataloff, tagapamahala ng Otolaryngology Department. Dapat nating malaman na kahit ang mga simpleng pang araw araw nating ginagawa ay may dala sa ating pinsala. Sundin ang mga payo ng doktor nang hindi malagay sa peligro ang ating kalusugan.

ANG ALAY 17

We need hugs a day -Satir NI ALLAN PAREJA

“We need four hugs a day for survival. We need eight hugs a day for maintenance. We need twelve hugs a day for growth.” Kasabihang inihayag mula sa family therapist, Virginia Satir. Mula sa Marcus Julian Felicitti’s blog, pinamagatang “10 Reasons Why We need at least 8 Hugs a Day”, ang hugging theraphy ay isang malakas na sandata para gamutin ang iba’t ibang karamdaman. Pinatunayan ng pahayag na may humigit 32 pursyentong benepisyong taglay ang simpleng yakap na nakakagaling ng mga karamdaman, sakit, kalungkutan, depresiyon, at pagkabalisa. Aniya, ang pagyakap ng mahigpit ay nakapagbibigay benepisyo sa sangkatauhan sa paraang,

1 2 3 4 5

Instantly boosts oxytocin levels, which heal feeling of loneliness, isolation and anger; Holding a hug for an extended time lifts one’s serotonin levels, elevating mood and creating happiness; Strengthens immune system; Balances out the nervous system; Hugs educate us how love flows both ways in receiving and being receptive to warmth;

It gets you out of your circular thinking patterns and connect you with your heart, feelings and breath.

“Hindi kawalan sa tao ang tumanggap ng yakap. Gayunpaman, sa panahong mayroon tayong seryosong karamdaman huwag umaasa basta sa yakap lamang at ‘wag ipagsasawalang bahala”’ If symptoms persist consult your doctor, paglilinaw pa ni Virginia Satir.

Likas sa isang Ina by Ralph Castillo Higit pa sa isang tawag nng tungkulin Sa wakas ang araw ay bumati sa mga taga-Surigao del Sur lalo na kay Officer Rochelle Gordo na pumasok sa kanyang trabaho bilang isang pulis, ngunit para sa kanya ang araw na iyon ay hindi isang ordinaryong araw. Pagkalugod “ Good job seargent. Breastmilk is the best for babies. God bless you” Ito ang nakasulat na pagpapahalaga na iginawad sa kanya ng admin ng sa “Dinagat Island Police Station Facebook page” para sa kabayanihang nagawa ni Gordo na tawag ng tungkulin hindi bilang isang pulis kundi ang tunay na diwa pagkababae: ang pagiging ina. Ang tunay na nangyari Isang babae ang dumating sa kanilang estasyon na may dala at inalagaang isang buwang sangggol, balisa, umiiyak na parang wala sa kanyang katinuan. Ang tono ng kanyang pagsasalita ay magulo,ligalig at naguguluhan natahasang sinabi na siya ay wala sa matinong pag-iisip. Sa kalaunan, sa pagpapatuloy ng pag-iimbistiga napag-alaman ng pulis na ang babae ay nakararanas ng tinatawag na “Postpartum Depression.” Ang Kalagayan Ang “Postpartum Depression ay isang malubha at pangmatagalang uri ng kondisyon na nangangailangan ng mahabang medikasyon. Ito ay isang mental at emosyonal na “post-birth complication” na nangangailangan ng medical na atensiyon. Ito ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kakulang. Nangyayri ito kadalasan sa mga ina pagkatapos ng panganganak. Pakikiramay Walang sinuman ang makauunawa ng matinding paghihirap ng ina kundi ang kanyang kapwa ina. Ang ina na ito ay walang iba kundi ang babaeng pulis na walang alinlangang ibinigay sa bata ang pinakamasustansiyang pagkain: ang kanyang breast milk. Ito ang likas na halimbawa ng isang ina na may pagmamahal sa anak. Siya ay isang ulirang “policewoman” na handang tuparin ang kanyang katungkulang para sa kanyang kapwa at bayan. Isang pagpupugay an gaming hatid sa isang alagad ng batas na gumawa ng kabayanihan kahit lampas na sa kanyang katungkulan kagaya ni PNP Officer Rochelle Gardo.

SOURCE:https://www.ahealth log.com/postpartum-depression-quiz.html

Photo SOURCE:htheAsianparent.com Philippines.html


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook