Alay ng Sarangani

Page 16

16ANG ALAY

AGHAM

Problema sa paninigarilyo, tutuldukan? EDITORyAL

Kamakailan lang ibinalitang maghahain ng panukalang batas ni senator Manny Pacquiao, isa sa mga senador ng Pilipinas na nagsasabing dagdagan pa ang pagbubuwis sa industriya ng tobacco products sa kaniyang Senate Bill No. 1599, iginiit niyang pataasin ang presyo ng bawat pakete ng sigarilyo mula sa 30 hanggang sa 60 pesos sa darating na ika-1 ng Enero, 2018. Ang sigarilyo ay isa sa mga pangunahing problema ng bansa lalo na’t ayon kay Gng. Cherry Uchi, Guidance Counselor ng Alabel National High School, tunay ngang napatunayan na hindi lang may trabaho ang gumagamit nito kundi pati narin ang mga kabataan sapagkat abot kaya ang halaga ng yosi sa bansa. Marami ang hindi pabor sa naturang ordinansa lalong lalo na ang mga negosyante at mga naninigarilyo sapagkat para rin naman ito sa ikabubuti ng lahat at ayon sa pananaliksik, ang pagyoyosi ay nakapagtataas ng tyansang magkaroon ng kanser sa baga, liver ciorhosis, tuberculosis at Psoriasis na maaaring magdala sa isang indibiduwal tungo sa kamatayan. Hindi man tuluyang mapatigil ang paninigarilyo sa bansa, napatunayan naman ng Sin Tax Teform Act na epektibo ito sa pagbabawas ng mga adik sa sigarilyo lalo na ang mga binatilyo pati na rin ang mga sakit nang dahil sa bisyo at layunin din ng batas na ito na makalikom ng pondo ang gobyerno para sa pagpapatupad ng Universal Health Care.

SA TOTOO LANG

Yo Si?

LEAH KATE CABARUBIAS

Sa bawat pagsindi Nadaragdagan ang posibilidad ng pagdapo ng sakit sa iyong katawan. Sa bawat paghithit Ang kulay ng balat mo’y nag-iiba’t ika’y nagkakaroon ng kulubot sa talukap ng mata. Sa bawat pagbuga Ang tagal ng iyong buhay sa mundo ay mas lalong napapadali. Masarap sa pakiramdam, nakagagaan ng kalooban. Iyan ang hatid ng puting usok na nahihithit papasok sa lalamunan diretso sa baga. Ito’y nagdudulot ng kanser sa ating katawan, nakapipinsala ng ating baga at ng ating puso

ngunit hindi ba ninyo alam na nakasisira rin ito ng ating balat na nagdudulot ng mabilisang pagtanda ng ating balat? Mga linya sa mata, kulobot, pagtuyo, pag-iiba ng kulay at mabilisang pagtanda ng balat ay hatid sa inyo ng paninigarilyo. Dapat itong ikabahala ng mga naninigarilyo dahil ayon sa pag-aaral, kapag ika’y gumagamit nito, tumataas ang tyansang ika’y magkaroon ng Psoriasis at kapag ika’y nagkaroon ng sakit na ito, ito’y dadalhin mo hanggang sa ikaw ay mamatay. Kahit walang lunas ang ganitong uri ng sakit, maaari mo itong mapagaan. Ayon kay Dr. Daisy Lim-Camitan, kumukunsulta sa

iyong dermatologo para sa iyong gamot. Nakatutulong rin ang pag-inom ng DNA syrum sap ag pagaan ng sakit na ito, isang bote sa isang araw at sa isang buwan, anim na araw ka lang pwedeng uminom nito. Mapapagaan ng mga gamot ang sakit na ito ngunit hindi mo na maiaalis ang katotohanang panghabang buhay mo na itong dadalhin kapag ipinagpatuloy mo pa ang bisyo mo. Mag k a k aro on ka ng sakit, bubutas pa ang bulsa mo, bakit ka pa maninigarilyo? Kung ang paninigarilyo’y hatid sa inyo’y saya, ipagpapalit mo ba ang buhay mo sa panandaliang saya na ito?

IGINUHIT NI

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL, SANGAY NG SARANGANI, REHIYON DOSE, POBLACION, ALABEL , SARANGANI PROVINCE

Hanna Peligro

Maskara ni ALLAN PAREJA

“Sa tulong ng plastic surgery ay mababago ang takbo ng buhay ng binatilyo.” Ito ang mariing pahayag ni Dr. Samuel Eric C. Yapjuangco hinggil sa pagpapalit anyo Marlou Arizala sa tulong ng siyensiya at makabagong medisina na tinaguriang “Dr. Yappy” kung tawagin ang plastic surgeon sa ICON Clinic, Septyembre 1. “Pag ako’y gumwapo WHO YOU kayo sa akin!” bulong sa sarili ng makaharap ang doktor. Iilan lang yan sa mga sagot na lingid sa kaalaman ng iba na siyang pinanghahawaka ko sa kadiliman ng aking buhay. Siguro hanggang salita na lang siya. Tabi kayo dyan pre, dadaan ‘yung GWAPO! Hindi ko mawari kung totoo ba ang sinasabi nila sa kanya o pang-aapi ang lumalabas sa bibig nila. Oo, napakatamis ang aking mga nauulanigan ngunit may nakausling pang-uuyam sa kabilang banda. May pa habol pa silang HAHAHA. PANGIT! Yan ang sabi nila… Salat ang ilong, makakapal na labi, parang di mahuhulugang karayom ang tigyawat sa kanyang mukha, singkit na mga mata, di kaaya-aya, mala-tsokolateng balat at mala-paliparan na noo. Nono sa punso! Yan ang tingin nila. Bahala na! Di ko pagkatao ang opinyon nila! Tanging yun lang ang mga salitang namutawi sa kaniyang mga labi sa oras na iyon. Patuloy lang. Kaya mo yan. Maging positibo. Tiwala lang. Ang pabulong niyang sabi sa sarili kahit nasasaktan na. Sabi nila, di natin malalaman ang panahon…Kaya ngayon, hindi niya akalain na makilala na ang pangalan niya sa mundo ng social media at sa tulong na rin ng HASHT5. Laki niyang pasasalamat dahil isa sa kanyang mga pangarap ay natupad na. “Masakit pero kaya kasi po, ito talaga ‘yung pangarap ko. Ito talaga ‘yung goal ko, ‘yung magbago ‘yung sarili ko,.” saad pa niya. Isa sa mga dahilan kung bakit niya ipapatuloy yung operasyon dahil maraming tao ang nambubully sa kanyang pisikal na kaanyuan. Binanggit din ng doctor ang mga dapat tandaan: “It must be safe, Don’t expect that result would be similar to your celebrity peg, Ask for second or third opinion, The plastic surgery should be coherent with the rest of the body parts, The surgery must be easily reversible.” “Oo, dito ako nakilala pero may pangarap ako. Pangarap ko yun nga, ‘yung magbago ako. Kasi lahat naman ng tao nagbabago eh.” Pagmalaki pa niya, “Lahat ‘yung kulay ko, hairstyle, pananamit kung ano man yung nakita niyo ngayon lahat yun magbabago.” Lunes, ika-4 ng Setyembre, matindi ang sikat ng araw ng inumpisahan na ang operasyon sa Marikina Doctors Hospital and Medical Center. Para mapaganda ang hubog ng kanyang mukha kinakailangan niyang baguhin ang hugis ng kanyang pisngi at ilong. Nilagyan ng silicone ang pisngi, kumuha ng kartilago sa tenga para ilagay sa kanyang ilong upang tumaas. Anim na oras ang ginugol sa operasyon. Kirot. Hapdi. Ang kaniyang dinanas ng simulan ang dental procedure na ang kanyang ngipin ay nilagyan ng ceramic veneers sa harapan, cashmere stranding ang pamamaraang ginamit para maging makapal ang kaniyang eyebrows at ang kaniyang labi ay gawa sa redder para mabago ang kulay. Mga kulubot niya sa bandang panga at noo ay binago, pinakapal ang kanyang buhok at nilagyan ng ekstensiyon ang kaniyang pilik-mata. Naging matagumpay ang cosmetic surgery niya at kinakailangan niya ng matagal na pahinga. Ako nga ba ito? Bulong niya sa kanyang sarili sa harapan ng salamin. Hindi ko na ulit masisilayan yung itsura niya pagkinakausap niya ako sa oras na nasasaktan na siya sa sinasabi ng iba. Ito na… ito na talaga. Sa tulong ng iba, nagbago siya. Nakamit ang nais niya… ang bagong mukha. Ang dating opinyon ng iba ngayon ay pagkatao na niya. Marlou Arizala… Hindi ko alam kung bakit pati ako napalingon sa pagsambit ng pangalang iyon. Nasa bawat pagsambit wala siyang ibang naalala kundi ang pait, takot at puro pighati. Xander Ford… “Gusto kong ipakita sa tao na ‘yung dating Marlou na nilalait nila, kahit laitin nila ngayon, hindi na yun ‘yung ako. Ang bagong pangalang titilian ng bawat kababaihan. Binago para sa ikakakuntento ng mga matang mapanghusga,” wika pa niya. Ako pala ang kaibigan niya, ‘yung nagbibigay payo, numero unong tagahanga, at masasandalan sa oras ng pangangailangan. Huling sabi ko pa nga sa kanya, “Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang dehado kahit ikaw na ‘yung nagbago at kung sana hindi lang mapanghusga ang mga tao, edi sana siya pa rin siya.” ‘Yung ako ‘yung kakausapin, ‘yung ako ang pakikinggan sa lahat ng hinaing dahil yung repleksiyon niya sa salamin ay unti-unti nang naglalaho at mapapalitan na ng bagong mukha. ‘Yung dating kamukha ko ay wala na. Wala na yung tao sa likod ng maskara. “Xander, Xander pwede pa picture?”


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Alay ng Sarangani by BRYLL REGIDOR - Issuu