
1 minute read
circa 2014
Grade 7 pa lang ako noon, bagong sabak sa mundo ng high school. Kumbaga very hinog pa ang kaalaman ko sa high school at sa naglalakihang mundo sa labas ng school ko. Naghahanda na ang 4th year students sa kanilang interpretative dance sa may tabi ng stage, pero tinigil sila ng isang teacher. Kinuha niya ang isa nilang prop, isang placard na may nakapaskil na malaking, “ERAP RESIGN.” Sabi ni teacher bawal daw gamitin ito sa performance, kaya hindi siya ginamit ng mga students. Hindi niya sinabi kung bakit, pero ang kumalat na balita ay may isang student na kamag-anak si Erap. (Totoo ito, may student nga na kamag-anak si Erap).

Advertisement