Artista Newsmagazine

Page 21

Heart & Chiz... con’t. from page 8

usapan ang issue para laging positive ang paligid nila kapag magkakasama. Dahil sa pananatili ni Chiz sa kanilang relasyon lalo raw napatunayan ni Heart kung gaano ka-supportive sa kanilang pagmamahalan ang senador. Nabagabag rin raw noong una si Chiz ayon kay Heart nang bumaba ang rank nito sa survey. Pero nakita naman niya sa kasintahan na hindi ito masyadong apektado kaya napalagay na rin ang loob niya. Hindi masasabing peaceful ang buhay ngayon ni Heart dahil sa gulo nila ng Mommy at Daddy niya, medyo panatag na rin ang loob ng aktres dahil tahimik sa paligid nila. Tumanggi lang itong magbigay ng opinyon o advice sa gulong pinagdaanan ng mga Baretto’s dahil hindi naman raw niya isyu ito. Kahit raw may away sa pagitan nina Gretchen at ang ina nitong si Inday Baretto, malayo pa rin raw ito sa gulong namagitan sa kanila ng Mommy niya ayon kay Heart. Samantala, makakasama niya sa isang pelikula sina Cristine Reyes, John Estrada at Derek Ramsay under Viva Films. Tatapusin muna raw ang eleksyon at saka sisimulan ang principal photography nito. Wala pang maibigay na title si Heart sa movie na gagawin dahil pinaguusapan pa lang raw ang tungkol dito. Maliban dito, may isa pang movie na gagawin si Heart sa Viva. Isa itong remake na pinagdahan raw noon nina Lorna Tolentino at Dina Bonnevie. At sa June naman uumpisahan ang bagong soap ng aktres sa GMA 7. Kaya naman magiging busy uli sa trabaho si Heart pagkatapos nang eleksyon kaya malabong magkaroon sila ni Chiz nang mahabang bakasyon para makapagpahinga. ARTISTA WINNIPEG MAY ISSUE

P 21


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.