A Lasting Faith | Moms Magazine

Page 12

FIGURATIVELY SPEAKING

Dapat Ba Akong Maging Concern sa Delta Variant ng COVID-19?

by Dr. Claire Celiz-Pascual

M

ahigit isang taon na mula ng nag-umpisa ang lockdown sa Pilipinas dahil sa banta ng Covid 19. Marami nang nagbago, mula sa matinding paghihigpit sa paglabas ng tao, nakaranas din tayo ng taas ng mga kaso, at nandito na tayo sa panahong meron nang mga bakuna na maaring magbigay ng karagdagang protection. Hindi pa man tayo bumabalik sa dating takbo ng ating buhay, meron namang mga balita tungkol sa bagong variant o version ng COVID-19 virus: ito ay tinatawag na Delta variant. Paano nabubuo ang mga variant at ano ang Delta variant? Ang mga virus katulad ng Sars Cov 2 (ang virus na nagdudulot ng sakit na COVID-19), ay palagiang nagbabago sa pamamagitan ng mutation. Ang mutation ay isang proseso kung saan nagbabago ang structure, na nakasalalay sa mga pagkakasunod-sunod ng mga genes . Ito ang isang magandang illustration ng mutation ayon sa Center for Disease Control: Ang virus ay parang isang

12

puno na tinutubuan ng mga sanga. Ang bawat sanga ay magkakaiba, at ang mga variants ay mahahalintulad sa mga sanga galing sa original SARS COV 2 virus. Ang mga scientists ay lubusang pinag-aaralan ang mga variants na ito. Minsan may variants na mawawala nalang bigla, pero may ilan na pinahihintulutang mas kumalat ang virus o hindi talaban ng mga gamot o bakuna. Ito ang mga variants na mas kailangan suriin o bantayan. Ang Delta variant ay unang natagpuan sa India. Sinasabing ito ay mas madaling kumalat kung ikukumpara sa iba, ito ang dahilan kung bakit sinasabing mas mapanganib siya, dahil ang bilis ng pagkalat ay maaring maging peligro lalo na sa sinasabing vulnerable population, katulad ng mga matatanda, may sakit, mga buntis at sa mga hindi pa nababakunahan. Dapat ba matakot sa Delta variant? Ang Department of Health ay nagdeklara ng heightened alert kumakailan dahil sa pagtala ng Delta


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.