
1 minute read
SIGURONG SEGURIDAD
Mag-aaral na miyembro ng Gang, pinaghahanap
Paaralan: Isipin ang kinabukasan
Advertisement
Nagimbal ang Agusan del Sur National High School (ASNHS) matapos tinangkang saksakin ng higit sampong kalalakihang outsider ang isang Grade 9 na lalaking mag-aaral sa nasabing paaralan noong Enero 20, 2023 ng hapon.

Ayon sa guard (na itatago sa ngalan na Roberto para sa kaniyang kaligtasan) na nakasaksi sa pangyayari, na sa kabutihang palad napansin agad ito ng estudyante at ginawang pang harang ang kaniyang bag upang hindi siya masaksak.
”Napag-alaman namin na miyembro pala sila ng gang at meron na silang alitan bago naganap ang pangyayari at pinlano na nilang abangan ang biktima sa gate,” paliwanag ng school guard.
Dagdag pa dito, agad namang tumakbo ang grupo matapos silang sinita ng iba pang guard at hinabol ito.
Grace J. Barrete
“Naabutan namin sila sa may San Francisco Xavier Colleges (SFXC) at doon namin hinuli ang dalawang miyembro ngunit ang iba ay nakatakas na,” sabi pa ng Security.
Agad naman itong inaksyunan ng Philippine National Police (PNP) ng San Francisco Agusan del Sur at dinakip ang dalawang suspek.
Kabilang dito, hinihigpitan lalo ng pamunuan ng ASNHS sa tulong ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) na makilala ang mga miyembro ng iba’t ibang gang sa paaralan.

Paliwanag pa ni Punong Guro Marilou Curugan, “kadalasang gumagamit ng sigarilyo ay miyembro ng mga grupong madalas masangkot sa gulo at kasalukuyan, laganap na rin ang isyung meron umanong mga mag-aaral na sangkot daw sa gang at nangrerecruit ng estudyante sa loob ng paaralan.”


Patuloy pa ng Punong Guro na ang mahuling kasali sa grupong ito ay ididsmiss agad sa paaralan, kaya kung meron kayong kilalang miyembro ng grupo ay isumbong niyo agad sa inyong mga guro para mabigyang aksyon.
“Nananawagan ako sa mga estudyante na isipin muna ang mga maaaring kahantungan ng kanilang mga kilos, wag magpadala sa masamang impluwensiya ng kanilang barkada at piliin palagi kung ano ang tama,” panawagan pa niya.
Ipinaabot din niya sa mga guro na bigyang atensyon, kilalanin, at tutukan palagi ang kanilang mga estudyante upang mailayo sa kapahamakan.
Sa ngayon, patuloy pa rin tinitingnan ng mga tagapayo ng mga tagapayo ang bag ng estudyante bago sila pumapasok sa kanilang silid-aralan upang maisiguradong wala silang dalang ‘deadly weapons’.
