1 minute read

PetMalu

Sa kabalintunaan ng mga pusa at aso na kilala bilang mortal na mag kaaway, ngunit ang pares na ito ay tila isang hindi mapaghihiwalay na kaibigan. Magkahalong gulat at nabighani. Magkasama silang kumakain, natutulog, at naglalaro nang may kagalakan.

Advertisement

Takbo doon..takbo dito.. higa doon..higa dito.. malilikot ang mga galaw at isip lahat na yata ay tumitingala sa kanila dahil sa natatanging katangian. Natatawa. Nabubuhayan.

Kitang kita mula sa mga mata ng pusa’t aso ang saya ng bawat halakhak. Ikaw talaga’y mapahanga sa kaakit-akit na aura ng dalawang gala na hayop, mapapanganga ka talaga! napaka bet na pet! talagang malupet!

Madarama mo ang isang pusong natutunaw sa magagandang sensasyon kapag makikita ng mata mo ang pusa na natutulog nang may kagalakan at komportableng balahibo ng aso habang ninanamnam ang maaraw na araw at ang simoy ng hangin ng Disyembre. Akala mo na isang balitang kutsero ngunit hindi! mapapa WOW! ka talaga

Nakapagtataka kung paano sila nagsimula, Ang mga hayop na karaniwang hindi nakikipag-ugnayan sa isa’t isa ay naging matalik na kaibigan ay kakaiba, May relasyon ba talaga sila, Nakapagtataka... Nakapagtataka.. Walang ideya kung bakit hindi kapanipaniwala isipin na ang iba’t ibang hayop ay maaaring magbahagi ng pagmamahal na hindi natin inaasahan. Maaaring hindi ka maniwala, ngunit sila ay malupet na kaibigang karnal.

This article is from: