Ang Diaryo Natin (Taon 13, Blg. 533

Page 1

Small Coconut Farmers led by Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM)-Quezon picketed at United Coconut Planters Bank (UCPB) Lucena Branch, demanded a platoon substitution in the UCPB Board of Directors, June 2, 10:00 a.m. CLAIM-Quezon

ANG Hunyo 9 – Hunyo 15, 2014

IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 533

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

Coco farmers picket at UCPB Lucena by CLAIM-Quezon

T

he peasant group Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) and the claimants’ movement Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM) today picketed a branch of the United Coconut Planters Bank (UCPB) in

Lucena City to protest what the groups doubt as collusion between the bank and the Presidential Commission on Good Government (PCGG). “Our worst fears of a collusion between UCPB and PCGG was bolstered by the latter’s continuing silence on the former’s ridiculous

P15.6 billion claim over the coco levy funds. But far more suspicious is Aquino’s deafening silence on the issue despite the outrage against the UPCB board,” says CLAIMQuezon spokesperson Arvin Borromeo. “Small coconut farmers are yet to benefit from the

coco levy funds and what we see is grand design to further plunder the money,” he said blasting the filing of cases as against the PCGG as a scam and systematic plunder led by UCPB insiders themselves. Recent reports said that see COCO FARMERS | p. 3

tingnan ang SUNOG | p. 3

Programa ng “Bagong Lucena”

50,000 na estudyanteng Lucenahin, nabiyayaan ng libreng school supplies

ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Humigit-kumulang limampung-libong (50,000) mga mag-aaral n`g iba’t-ibang Lucenahin ang nabiyayaan ng libreng schools supplies mula sa Pamahalaang Panglunsod sa pangunguna ni Mayor

Roderick “Dondon” Alcala. proyekto. Samantala, lubos ang Mismong si Mayor Dondon naging pasasalamat ng Alcala ang nagbigay nito sa mga mag-aaral at mga mga estudyante ng paaralang magulangin na nabiyayaan ng kaniyang pinuntahan simula nasabing programa sapagkat ng ikalawang araw ng walang exempted o piniling pasukan. hindi bigyan kundi lahat ay nabiyayaan ng nasabing tingnan ang SCHOOL SUPPLIES | p. 3

Humigit-kumulang limampung-libong estudyanteng-Lucenahin ang nakinabang ng libreng schools supplies na ipinamahagi na Pamahalaang Panglunsod ng Lucena sa unang linggo ng pasukan nitong nakaraang linggo. Leo David

(2014) West Philippine Sea Dispute

Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

HUNYO 9 - HUNYO 15, 2014

Kon. Zaballero, kinuwestiyun ang ipinalabas na advisory ng QMWD ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Kinuwestiyun ni Councilor Dan Zaballero sa ginawang sesyon ng Sanguniaang Panglungsod ang ipinalabas na public advisory ng Quezon Metropolitan Water District hinggil sa kawalan ng daloy ng tubig sa ilang lugar sa Lucena. Ang naturang public advisory ay ang pansamantalang pagpapaputol ng linya ng ilang mga consumers sakaling mahina hanggang sa walang pumapatak na tubig upang hindi na makapagpabayad pa

ng monthly dues. Ayon kay Councilor Zaballero, lubhang hindi katanggap-tanggap na rason ang ipinalabas na panawagang ito ng QMWD para lamang masagot ang usapin ng kakulangan ng supply ng tubig sa ilang barangay sa lungsod. Hindi rin aniya magandang rason ang inilahad ng naturang tanggapan na nasa kritikal na level na ang mga pinagkukunang tubig ng QMWD. Dahil ayon kay Kon. Zaballero, hindi angkop ang rason nilang ito dahil aniya katulad ng Angat Dam na siyang pinagkukunan ng water

supply ng buong Metro Manila na nasa kritikal na level na ay hindi nagkakaroon ang mga ito ng ganitong uri ng mga problema. Dagdag pa ni Zaballero, kahit na nasa kritikal na level na ito ay nakakayanan pa nitong magrasyon ng tubig sa kanilang mga consumers. Sa huli ay inilabas ni Konsehal Zaballero ang kaniyang pagkadismaya sa QMWD dahilan sa hindi magandang serbisyo at sa halip ay sinang-ayunan nito ang mungkahi ni Konsehal Benny Brizuela na isapribado na lamang aang pagsu-supply ng tubig sa Lucena.

Refrigerated van, ipinagkaloob ni Gov. Jayjay Suarez by Reygan Mantilla, Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON “Ito ang kauna-unahang refrigerated van na ibibigay ng pamahalaang panlalawigan sa anumang bayan o anumang samahan”, ito ang naging pahayag ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa isinagawang pagbabasbas at inagurasyon ng refrigerated van sa basketball court sa harap ng San Luis Parish Church, Lucban, Quezon noong June 2, 2014. Ang naturang refrigerated van ay ipagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan sa samahan ng Lukban Langgonisa Makers Association (LUKLAMA) sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa Kabuhayan.

Ayon kay Governor Suarez, kilalang-kilala ang bayan ng Lucban hindi lamang sa Pahiyas Festival kundi maging sa langgonisang lukban na ang problema lamang kapag dinadala na ito sa merkado ay medyo bumababa ang quality nito dahil sa mahabang byahe. “So we want to make sure ang mga langgonisang lukban pagdating sa Metro Manila ay malalasahan nila ang freshness, quality na parang dito ka namili sa bayan ng Lucban”, dagdag pa ng gobernador. Dagdag pa ng gobernador na ang mga biyayang itinutulong ng pamahalaang panlalawigan sa mamamayan ay ang kanyang ipinangako na ibababa ang kapitolyo sa mga samahan,

barangay, pamilya at sinumang indibidwal na nangangailangan ng tulong, suporta, proyekto at programa. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Olivier Dator sa gobernador sa pagkakaloob ng naturang programa para sa mas ikauunlad ng kabuhayan ng mga gumagawa ng langgonisang lukban, gayundin sa tulong at suportang patuloy na ipinagkakaloob sa bayan ng Lucban. Ang LUKLAMA ay samahan ng mga gumagawa ng langgonisang lukban na nabuo noong November 2005 sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Lucban at Department of Trade and Industry – Quezon (DTI) at sa suporta ng Department of Science and Technology IV-A (DOST). ADN

Ang kauna-unahang refrigerated van na ibibigay ng pamahalaang panlalawigan sa samahan ng Lukban Langgonisa Makers Association (LUKLAMA) sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa Kabuhayan. PIO-Quezon

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Samantala, sa usapin naman ng muling pagpapakabit, sakaling ipa-disconnect itong mga consumers, sinabi ng

pamunuan ng QMWD na wala nang babayaran ang mga ito para sa re-connection ng kanilang ipinaputol na linya ng tubig. ADN

Adopt-a-Reef Project, inilunsad sa Catanauan ni Reygan Mantilla, Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON - Inilunsad sa bayan ng Catanauan ang pangsiyam na Adopt-A-Reef Project ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Pangisdaan sa Brgy. Ajos noong June 4, 2014. Ayon kay Provincial Agriculturist Roberto Gajo, itinaguyod ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang naturang proyekto dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nahuhuling isda ng mga mangingisda sa mga pambayang katubigan ng lalawigan. Bukod sa bayan ng Catanauan, naisagawa na rin ang naturang proyekto at kasalukuyang pinakikinabangan ng mga mangingisda sa bayan ng Infanta, Sariaya, Padre Burgos, Unisan, San Francisco, Plaridel, Gumaca at Guinayangan. Ang adopt-a-reef project sa Catanauan na itinayo sa tulong ng pribadong sektor sa naturang bayan sa katauhan ni Ka Oscar Tan ay magkakaroon ng kapakinabangan para sa humigit kumulang tatlong daang (300) mangingisda sa tatlong barangay, ang Ajos, Pala at Madulao. Ang Adopt-A-Reef Project ay isang konsepto na kung saan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay magbibigay ng mga gamit upang bumuo ng isang pangitlugan ng mga isda at ilalagay sa mga pambayang katubigan. Ito ay ipaaampon o itu-turn-over sa komunidad na kung saan ang sangguniang barangay, Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) at iba pang sektor sa komunidad ang mangangalaga nito at ang tanggapan ng panlalawigang agrikultor ang magiging responsable sa pamamahala o pagmo-monitor ng naturang proyekto. Ayon pa kay Gajo, nakita sa proyektong ito na higit na nagiging daan upang patuloy

na dumami ang mga uri ng isda sa mga pambayang katubigan. Sa katunayan aniya, kung datirati ang mga mangingisda ay nag-aani lamang ng isang kilo sa bawat paglabas para mangisda, ngayon ay may mga tala na umaabot na sa tatlo hanggang limang kilo ang huli ng mga mangingisda. “Patunay lamang ito ng naisin ni Governor Suarez na mabigyan ng maayos na buhay ang ating maliliit na mangingisda ay nagkakaroon ng katuparan. Patuloy na isinasagawa ng gobernador ang iba pang proyektong pampangisdaan para higit mabigyan ng kakayahan ang mga kababayan nating mangingisda”, dagdag pa ni Gajo. Ayon pa dito na patuloy na itataguyod ng pamahalaang panlalawigan sa iba pang coastal communities ang naturang proyekto dahil nakita sa impact assessment ng proyektong ito ang patuloy na pagtaas o pagdami ng huli ng mga mangingisda. Sa naging pahayag naman ni Oscar Tan o mas kilala sa tawag na Ka Oca, ang privatecounter part ng naturang proyekto, naniniwala siya na sa ganitong paraan para maibabalik at muling dadami ang isda sa karagatang sakop ng bayan ng Catanauan. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Santiago Seguros, MFARMC Chairman kay Governor Suarez sa pagkakaloob ng naturang proyekto na malaking maitutulong sa kanilang maliliit na mangingisda. Hiningi din nito ang kooperasyon ng mga mangingisdang patuloy na nagsasagawa ng iligal na paraan ng pangingisda na tumigil na sa gawaing ito upang maging matagumpay ang naturang proyekto. Bukod sa siyam (9) na concrete artificial reef, dalawampung (20) bottom set payao at pitong (7) bamboo rack, nagkaloob din si Governor Suarez ng apat (4) na motorized banca sa barangay at samahan ng mga mangingisda na magagamit sa pagbabantay sa mga inilagay na mga artificial reef. ADN


ANG DIARYO NATIN

HUNYO 9 - HUNYO 15, 2014

Mga batang manlalarong Quezonian, binigyang pagkilala ni Gov. Suarez ni Francis Gilbuena

L

ALAWIGAN NG QUEZON Kaalinsabay ng isinagawang blessing at turn-over ng bagong school building ng Quezon National High School ay binigyang pagkilala ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pamamagitan ng pagbibigay ng Awards of Excellence sa mga batang manlalarong Quezonian na nagwagi sa Palarong Pambansa 2014 na isinagawa sa lalawigan ng Laguna noong May 4- 10, 2014. Ayon kay Governor Suarez, ang mga batang manlalarong ito ay maituturing na mga bagong bayani ng lalawigan

ng Quezon dahil itinataguyod nila at dinadala ang pangalan ng Quezon sa ibang lalawigan para makipagkumpetensya sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan. Isa sa pumukaw-pansin sa gobernador ay ang isang tumanggap ng Award of Excellence na nagwagi ng gintong medalya sa paligsahan ng paglangoy na si Marco Tamisan. Ayon kay Governor Suarez, isang inspirasyon sa lahat si Marco na sa kabila ng kalagayan ay hindi ito tumigil na makamit ang tagumpay. Isinilang si Marco na wala ang ibang bahagi ng katawan mula hita hanggang paa at wala ang isang braso ay

Si Marco ay labing-limang taong gulang at nasa ikalimang baitang sa Talipan Elementary School sa Pagbilao, Quezon. Isinilang si Marco na wala ang ibang bahagi ng katawan mula hita hanggang paa at wala ang isang braso ay naging bahagi ng delegasyon ng lalawigan ng Quezon sa isinagawang palarong pambansa sa kategoryang special Olympics kung saan nakamit nya ang gintong medalya sa paligsahan ng paglangoy. Contributed by Quezon PIO PIO-Quezon

naging bahagi ng delegasyon ng lalawigan ng Quezon sa isinagawang palarong pambansa sa kategoryang special Olympics kung saan nakamit nya ang gintong medalya sa paligsahan ng paglangoy. Si Marco ay labing-limang taong gulang at nasa ikalimang baitang sa Talipan Elementary School sa Pagbilao, Quezon. Ayon kay Marco, sa kabila ng kanyang kapansanan ay naging inspirasyon niya ang pagmamahal, suporta at tiwala ng kanyang pamilya ay mga taong nakapaligid sa kanya. Samantala, kabilang sa mga nabigyan ng award of excellence ng gobernador ay sina Patrick Gonio at Gerald Matas (Gold-Basketball), Kim Malabunga (Gold-Volleyball), Wilfredo Paleracio, Jr.(GoldAthletics/Triple Jump at SilverAthletics/Long Jump), Apple Macalla (Silver-Athletics/ Javelin Throw), Joyce Ann Fuentes (Silver-Athletics /100m Hurdles), Gerald Lolo (Silver-Billiards), Cristel Jane Villar (Bronze-Arnis), Claudia Neil Rodriguez (BronzeGymnastics/RG Ball), Zay Louis Cajes(Bronze-Taekwondo/ Welter Weight), Jolan Camacho (Special Olympics Gold-Goal Ball) at Regine Salcedo (Special Olympics Gold-Swimming). ADN

2 barangay sa Tayabas, napagkalooban ng water supply system by Reygan Mantilla, Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON Dalawang barangay sa lungsod ng Tayabas ang napagkalooban ng water supply system project ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez matapos maisagawa ang turn-over ceremony nito noong ika-2 ng Hunyo, 2014. Kasalukuyan ng napapakinabangan ng 114 pamilya ng Barangay Lalo at 464 pamilya ng Barangay Camaysa ang maayos na daloy ng tubig sa kanilang lugar matapos maisagawa ang pagsasaayos ng mga pinagmumulan ng tubig at mga pipeline. Ayon kay Governor Suarez, batid niya ang pangangailangan ng maayos na daloy ng tubig sa mga barangay dahil isa sa malaking usapin ngayon sa buong bansa ay ang problema sa suplay ng

tubig lalo na ngayong panahon ng tag-init. Dagdag pa ng gobernador na importante na magkaroon ng maayos, malakas at malinis na daloy ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan na isa sa tinututukan ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng kanyang administrasyon. Inatasan ng gobernador ang Provincial Engineering Office sa pamumuno ni Engr. Johnny Pasatiempo na gumawa ng pag-aaral para mas mapalakas pa ang daloy ng tubig sa mga lugar na ito. Ipinahayag din ng gobernador na sa susunod na taon ay maglalaan naman ang pamahalaang panlalawigan ng pondo para sa filtration system ng mga water supply system para masigurong malinis at maaaring inumin ang mga tubig dito. Ito umano ay para matiyak na hindi lamang may dumadaloy na tubig, matiyak din na malinis at ligtas inumin ang mga tubig para maiwasan

ang pagkakasakit na kalimitan ay mga bata. Nagkaloob din ng paunang tulong si Governor Suarez ng halagang isandaang libong piso (P100,000.00) sa Barangay Camaysa para sa mga kakailanganin pang tubo para mapakinabangan na nang barangay ang maayos at malakas na daloy ng tubig. Ayon sa dalawang kapitan na sina Renato Mayor ng Brgy. Lalo at Carmelo Cabarrubias ng Brgy. Camaysa, hindi na mararanasan ng kanilang mga kabarangay ang mawalan ng tubig kaya naman lubos ang pasasalamat ng mga ito sa pamahalaang panlalawigan lalo’t higit kay Governor Suarez. Samantala, nagkaroon din ng open forum sa dalawang barangay upang personal na idulog sa gobernador ang iba pang pangangailangan ng mga residente ng naturang barangay na agad namang binigyan ng aksyon ng gobernador. ADN

3

Ang Diaryo Natin

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: Michael Alegre Mobile: 0998-411-7282

E-mail Ad: michaelalegre.i.ph@gmail.com

SCHOOL SUPPLIES mula sa p. 1 Ang programang ito ni Mayor Alcala ay nasa ikalawang taon na at sinabi pa ng alkalde na gagawin niya ito sa mga susunod pang taon. Isa sa pangunahing programa ng punong lungsod ay ang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga kabataang Lucenahin na makatapos ng pag-aaral kung kaya’t isang paraan rin ang programang ito na hakbang upang ang lahat ay makatapos ng pag-aaral. Ilan sa mga problemang kinakaharap kasi ngayon ng mga magulang sa lungsod kung bakit hindi makapasok sa paaralan ang kanilang anak ay ang kawalan ng kagamitan, tulad ng notebook, papel, lapis at kung anu-ano pa. Ngunit dahilan sa programang ito ni Mayor Dondon Alcala, hindi na ito

magiging rason upang hindi pumasok ang kanilang anak dahil sa halip na maglaan sila ng pera para sa kagamitang ito ay libre na itong ipinagkakaloob ng alkalde. Isang malaking tulong rin ang programang ito sa mga magulangin dahilan sa malaki ang kanilang matitipid at sa halip na bumili pa ng gamit ay maari na nilang ilaan ang kanilang budget na pangbili sa iba pa nilang pangangailangan sa bahay. Sa huli ay sinabi ni Mayor Dondon Alcala na hindi titigil ang kaniyang administrasyon na umisip ng mga paraan upang mas matulungan pa ang mga mag-aaral na Lucenahin na makamit ang kanilang pangarap dahilan sa isa sa mga prayoridad ng punong lungsod na ang lahat ng mga kabataan sa Lucena ay makatapos ng kanilang pag-aaral. ADN

SUNOG mula sa p. 1 in December 2012, UCPB, through Divina Law, a law firm owned by UCPB director Atty. Nilo Divina, initiated two special civil actions for declaratory relief in Makati; the first on behalf of the UCPB and against Coconut Industry Investment Fund Oil Mills Group (CIIF OMG) and the PCGG; and the second on behalf of COCOLIFE and against CIIF OMG and the PCGG. Members of the UCPB board of directors are elected by the PCGG with the approval of the President. The Supreme Court, in a decision last July 2013, stated that the government fully owns 72 percent, or is the majority owner, of UCPB. “It is totally revolting that PCGG-appointed board of directors are being paid by coconut farmers’ money but, in reality, are scheming to plunder the whole coconut levy fund,” Borromeo said.

Borromeo called for a “platoon substitution” at the UCPB saying that “the bank’s directors, including bogus and self-proclaimed coconut farmer-representatives in the board” are feasting and have enriched themselves over the funds. “The multi-billion coco levy fund remains vulnerable to continuing plunder due to the Aquino-administrationappointed vultures in the UCPB. These vultures must be kicked out of UCPB,” Borromeo said. The KMP and CLAIM reiterated calls for the passage of House Bill 1327 that seeks the return of the coco levy funds to genuine small coconut farmers. According to KMP and CLAIM, HB 1327 is the “legislative counterpart” of the small coconut farmers’ proposal for the “cash distribution of the recovered funds. ADN

WWW.ISSUU.COM/ANGDIARYONATIN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

HUNYO 9 - HUNYO 15, 2014

EDITORYAL

Muli, ang Kwento ng Matandang Hangal

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Founding Publisher Reynaldo V. Gonzales Publisher Meynard Pantinople Chairman, Advisory Board Criselda C. David Editor in Chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David Darcie De Galicia | Bell S. Desolo | Lito Giron Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Ronald Lim Mahalia Lacandola-Shoup | Christopher Reyes | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa Broadcast Village, Channel 8, Red-V, Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

DIBUHO MULA SA MANILATIMES.NET

H

indi maikakaila na sadyang malaki ang impluwensya at papel na ginampanan ng mga mamamahayag ng Quezon sa paghahasik ng binhi ng katotohanan at pagmamahal sa kalayaan ng mga mamamayan ng lalawigan. Ilang beses na itong napatunayan ng komunidad, sa gitna ng iba’t-ibang mga isyu’t usapin ng mga mamamahayag ng lokalidad. Sa pagadaan ng panahon, ang kanilang binhing itinanim ay naging malabay na puno na namunga kung kaya’t maraming mga mamamahayag na ang naghahangad na magtaguyod ng malayang pamamahayag sa ating lalawigan. Muli, ginugunita na naman ng pahayagang ito ang kwento ng isang matandang hangal na nais magpatag ng bundok. Ayon sa kwento, meron daw isang matandang magsasaka na nais na patagin ang bundok. Ang bundok na ito ay kumakanlong sa kanyang mga pananim tuwing umaga, dahilan upang maging puyot at masasakitin ang kanyang mga tanim . Inutusan ng matandang hangal ang kanyang dalawang anak na kumuha ng piko at tulungan siyang patagin ang nasabing bundok. Marami sa mga dumaraan ang nagtatawa at tinawag pa nga ang matanda na may sira ang ulo subalit patuloy lang ang matanda at ang kanyang mga anak sa pagpapatag. Sabi pa niya, maaaring makamatayan na namin ang paghahangad na mapatag ang bundok na ito subalit ang mga apo ng aming kaapu-apuhan ay magpapatuloy sa aming mithiin hanggang sa tuluyan ng mapatag ang bundok na ito. Samantala, narinig naman ng Bathala ang panawagan ng matanda at kanyang mga anak kaya dali-dali nitong hinipan ang bundok at tuluyan ng nasikatan ng araw ang mga pananim ng matanda. Ang kwento pong ito ay kwento ng ating panahon. Maaaring sa kasalukuyan ay hindi pa rin natin natatamasa ng ganap ang kaganapan ng malayang pamamahayag sa ating bansa, marami sa atin, sa ating mga kasamahan ang mawawala, subalit marami pa rin naman ang mananatili at madadagdag at magpapatuloy ng alab ng pag-ibig sa isang malaya at makataong lipunan. ADN

O

Bah, humbug!

n the seventh day, even God rested. And so they say, a “workaholic” is a person who is addicted to work. While the term generally implies that the person enjoys their work, it can also imply that they simply feel “compelled” to do it. Ang sabi nga, wala namang katanggap-tanggap na medical definition ng kondisyong ito maliban sa ito’y isang porma ng stress, impulse control disorder, obsessive-compulsive personality disorder at obsessive-compulsive disorder na maaaring may kaugnayan sa pang-araw araw na trabaho. Indeed, sa mga workaholics, walang puwang ang pahinga (Gasp!). Palagi nalang may gagawin: pending paper works, email na hindi nabasa, balitang kailangang eedit kahit oras na ipapahinga na. Hehe. Weekends? Holidays? Family? Ang sabi nga ng isang uber-workaholic na si Ebenezer Scrooge, “Bah, humbug!” This writer has something to confessed. Eversince I can’t remember when, I’ve struggled with this issue many times, trying to figure out why I absolutely have to work every now and then. It must be inbuilt in me to the point of being a kind of addiction -- like writing news everyday. If I miss one day, I feel awful. Indeed, until now, I don’t get a pretty good night sleep with this issue. Honestly, it’s quite disturbing, not to mention that it’s not that healthy. Sa kulturang palaging naghahabulan ang mga tao (ratrace nga eh),kung saan ang usapin work ethics, overachievement at financial success, ang mga taong adik sa pagtatrabaho ay tinitingang marunong, ambisyoso/a at kapitalista. Bihag ng sahod, alipin ng paggawa. Now, what this writer was trying to point out is none other than work-life balance. Not every workaholic, however, is able to achieve the balance that some has found. Hay! Matatagpuan din kita. *** Edukasyon para sa lahat Kinakailangan ang matrikula sa pagpapatakbo ng isang paaralan. Kung wala nito, tila isang makinang walang gasolina ang mga paaralan. Hindi makakatakbo at hindi makakapag-operate. Sa kasalukuyan, mayroong 282 pribadong kolehiyo at unibersidad sa buong bansa. Ayon sa Commission on Higher Education o CHEd, mayorya sa mga nagtapos ng hayskul sa taong ito ay hindi nakapasok sa mga kolehiyo at unibersidad na ito. Dahilan ito sa halos sabayang pagtataas ng matrikula ng mga paaralang pangkolehiyo ngayong taon. Ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), naglalaro sa pagitan ng 10 hanggang 15 porsiyento ang aasahang paglobo ng babayarang matrikula ng mga estudyante at ng mga magulang nila kapalit ng pag-aaral nila. Sa datos mismo ng naturang tanggapan, dalawa sa limang nagtapos ng hayskul, o halos 40 porsiyento ng mga kabataang nag-aral sa elementarya ay hindi na tumutuloy sa kolehiyo.

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

ALIMPUYO Ni Criselda C. David

Taliwas sa memorandum ng CHEd na naghahati sa matrikula sa 70, 20 at 10 porsiyento: 70 porsiyento ang madalas na nakalaan para sa suweldo ng guro at kawani, samantalang 20 porsiyento naman ang para sa operasyon, pagmamantina at pagpapaunlad ng pasilidad ng paaralan. Ang natitirang 10 porsiyento ay para sa direktang kita o return of investment ng paaralan. Samantala, taliwas sa sinasabing hatian na ito, wala at hindi nangyayari sa aktwal ang sistemang ito ng CHEd. Butas-butas ang batas na nakalaan para sa bagay na ito. Isang halimabawa ang nakasaad sa Seksiyon 46 ng Batas Pambansa Blg. 232, o ang Education Act of 1982 na nagsasabing na may kalayaan ang pribadong mga learning institutions na tukuyin kung magkano ang isisingil nilang matrikula at miscellaneous fees. Subalit nakasaad din na dapat ikonsulta sa mga magulang, estudyante at kawani ng paaralan, nagtuturo man o hindi, ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin. Ang siste, lumalabas na mayor na problema sa batas na ito, una, na nagiging pormalidad lamang ang mga konsultasyon sa mga paaralan katulad na lamang nang nangyayari sa mayoridad ng mga eskwelahan dito sa ating lalawigan. Isa pa, magkaroon man ng dayalogo sa pagtaas ng matrikula ay hindi naman kasali sa mapaguusapan ang miscellaneous fees at iba pang bayarin na taon-taon ay padagdag naman ng padagdag. Mahalaga umano ito dahil pabigat na nga nang pabigat ang pasaning gastos ng mga magulang, bunsod ng sunud-sunod na pagtaas ng mga bilihin. Hindi na dapat ito madagdagan pa ng dagdag-bayarin sa matrikula. Sumatotal, kahit hindi pormal na itinaas ang matrikula, mas mahal pa rin ang magiging bayarin ng mga estudyante at mga magulang nila. Lumalabas na tila hindi na serbisyo ang edukasyon kundi negosyo na tala ng iilang mga indibidwal na yumayaman at nagpapayaman pang lalo sa pamamagitan ng pangangapital sa edukasyon. Ayon sa isang ulat ng United Nations Educational, Social and Cultural Organization o Unesco noong 2008, 73 porsiyento na umano ng mga kabataang Pilipino ang tumitigil sa pag-aaral dahil sa mahal na halaga ng edukasyon at palubhang mga kondisyon ng pamumuhay. Kung hindi aaksyon ng konkreto ang kasalukuyang rehimen, mapag-iiwanan nang tuluyan ang ating mga Juanito at Juanita sa kangkungan ng kasaysayan. ADN


ANG DIARYO NATIN

HUNYO 9 - HUNYO 15, 2014

D

espite the government’s intensified campaign against timber poaching and illegal logging, forestry law violators still persist in their illegal activities. This only shows that President Aquino’s Executive Order No. 23 is not that effective contrary to what his administration was saying shortly after its issuance. E.O. 23 declares a moratorium on the cutting and harvesting of timber in the natural and residual forests. It also creates the anti- illegal logging task force. It was on February 1, 2011 when E.O. 23 was issued by PNoy. That was more than three years ago. The question is, “Did the timber poachers and illegal loggers stop what they have been doing in the past decades, following the logging moratorium issuance?” With all honesty, the answer is, “No!” Being the chairman of Regional Multisectoral Forest Protection Committee for Calabarzon region since 2011, yours truly speaks with authority. When it comes to the number of persons arrested for violating forestry laws and apprehension of illegally sourced forest products including logs and flitches, and conveyance by the Department of Environment and Natural Resources and other law enforcement agencies, I know almost exactly the figures because it is regularly presented during our meetings. Based on figures, timber poaching and illegal logging activities never stopped though a significant decrease has been noted comparing the present situation to that of the last three years. Basically, had the illegal activities have been stopped, no arrest of offenders and seizure of forest products would have been recorded almost every month. The government’s stepped up campaign backed by PNoy’s E.O.23 only lessens the number of illegal cutting

N

and illegal logging incidents but it doesn’t stop the problem at all. Even with the creation of Anti- Illegal Logging Task Force that operates nationwide, the problem still exists. Chaired by the DENR Sec. Ramon Paje, the well- equipped task force is composed of selected DENR personnel, military men and policemen and representatives from private sector. But still, violators continue to persist in many areas nationwide. Let us localize the issue! In Northern Quezon towns otherwise known as REINA (Real, Infanta, Gen. Nakar) area, DENR has a very efficient and competent Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) in the person of Forester Millette Panaligan. Knowing her personally, CENRO Millette is a very brave woman who fears no one when it comes to forest protection. She operates any time of the day even with only a handful of trusted unarmed men, and strikes everywhere, even outside Northern Quezon. Have you seen a lady forester who uses an ordinary rented motorboat just to run after those who are illegally transporting forest products via huge motorboats along the deep sea of Pacific Ocean? She is frequently seen in Mauban town running after illegal transporters coming from Northern Quezon and those from Palanan, Isabela. Her being not afraid of anyone as long as she’s doing the right thing is the leading trade mark of the lady CENRO. But again, despite all her all out effort, she still could not stop the illegal activity. For me, there are only few things needed to address

GEMI A BREAK

By Gemi O. Formaran the problem which has been there since time immemorial. 1. Strong political will of the local and national leaders, especially the governors and mayors. 2. Prosecute those national and local government officials including those in the law enforcement agencies who are in cahoots with the illegal activity. 3. Educate barangay officials on forest protection laws 4. Deny the market for the illegal forest products. 5. Impose higher penalties for the offenders. Protection of our forests and natural resources being a social problem is everybody’s business, except of course, for those who are already getting tired of breathing. DENR alone could not stop it, even with the assistance of the military and the police. We have learned our lesson! Climate change, the primary effect of global warming has been felt by every living thing in this planet. Denudation of our forests greatly contributes to global warming. The next thing to happen depends on what we are going to do! Let us act now before it becomes too late! ADN

‘Inter-agency task force’ kontra sakit

ilikha ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang isang interagency task force na tutulong sa pamahalaan upang mabisa at maayos na matugunan ang sumusulpot na nakahahawang mga sakit sa bansa upang mapangalagaan ang kalusugang pambayan, sabi ni Kalihim Tagapagpaganap Paquito N. Ochoa, Jr. Sinabi ni Ochoa na Mayo 26, 2014 nang lagdaan ng Pangulong Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap 168 na nagtatag ng Task Force laban sa sumusulpot na nakahahawang mga sakit na ang mangunguna ay ang Department of Health (DOH) upang matiyak na maagap na masusugpo at maiiwasan ang posibleng paglaganap nito sa Pilipinas. “Dahil sa panganib na maaaring ibunga ng mga ganitong uri ng sakit sa ating mga kababayan at ekonomya, mahalagang pag-ibayuhin ng gobyerno ang paghahanda,” sabi ni Ochoa. Dinugtong ni Ochoa na ang task force ang tataya, susubaybay at gagawa ng hakbang para huwag lumaganap ang ganitong uri ng sakit sa bansa, gayundin sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang mga bansa.

L

Let us act now!

5

Binanggit ni Ochoa ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at ang Middle East Respiratory Syndrom Cirronavirus (MERS-CoV), gayundin ang paulit-ulit na banta ng meningococcemia, leptospirosis, antimicrobial resistant tuberculosis at iba pa ang dahilan kaya itinatag ang task force na magiging kagawad din ang mga tanggapan ng Department of Interior & Local Government (DILG), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Tourism (DOT) and Department of Transportation and Communications (DOTC). Mangunguna ang “task force” sa pagtukoy, pagsusuri at pagtulong sa mga Pilipino na pinaghihinalaang dinapuan ng ganitong uri ng sakit, gayundin ang pagsisikap na maiwasang lumaganap ang naturang karamdaman sa bansa at kung paano ito masusugpo agad. Binibigyang-kapangyarihan din ng EO 168 ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Pambansang Pulisya at iba pang tagapagpatupad ng batas na magpatupad ng mga kautusan sa pag-quarantine o ang maagap na paghahatid sa mga maysakit. Ang DOH-Task Force Control din ang maghahanda ng EID

MULA SA PIA

EDISYON

Ni Lito Giron Preparedness Manual kung saan ilalagay ang mga hakbang at paraan upang masupil ang paglaganap ng nasabing sakit at ang karampatang mga paraan upang malaman ng sambayanan ang mga dapat gawin at ang pananagutan ng mga sangay ng pamahalaan ukol dito. Ang pondo ng “task force” ay magmumula sa kasalukuyang pondo ng mga kasaping ahensiya sa pasimula at isasama na sa taunang panukalang badyet ng General Appropriations Act at ang karagdagang pondo naman ay kukunin sa umiiral na badyet ng task force na dapat tukuyin at ipagkaloob ng Department of Budget and Management (DBM). ADN

Bola lang pala!

alo nang naglaho ang pagasa ng ilang masigasig na kapulisan na makakolekta ng kalahating milyong pisong naipangako umano ni dating Laguna Governor E R Ejercito dahil nawala na ito sa puwesto. Noon daw kasing mapatay itong isang kagawad ng lungsod na si Egay Adajar na isa ding Kometarista sa Radyo ay nangako umano si E R na nakahanda siyang magkaloob ng pabuyang Kalahating Milyong piso sa sinumang makakahuli sa taong bumaril dito. Dahil dito naging masigasig ang kapulisan at di nga naglaon ay nadakip ang principal suspek na siyang itinuturong bumaril sa biktima.Sa wari ay mistulang nagbibilang na ng kanilang paghahatian ang tropa sa matagumpay nilang operasyon laban sa suspek. Ang marikit ka dito ,ng tunguhin ng mga pulis ang tanggapan ng Gobernador upang kolektahin amg pabuya, nadismaya ang mga ito ng sabihin kuno ng gobernador na kelangang madakip muna nila ang mastermind na siya umanong nasa likod ng gunman at siyang nagutos upang patayin ang biktima. OMG!!! bakit ganun? Bakit naiba ang dialogue? Samantalang nagpatawag pa ng press conference si gobernador para lang sabihing magbibigay siya ng nasabing pabuya basta mahuli lang ang taong bumaril dito! Ngayong nahuli na nga ay yun daw namang mastermind ang hulihin? Bola lang pala yun! !Eh papanu ngayon na wala na sa puesto si E.R ? Eh di siyempre lalong wala na din silang pagasang makuha ang ipinangakong kalahating milyon, dahil nabola lang pala sila!

MAHIRAP DING MAGING HEPE!!! Ito naman ang waring naging damdamin ng isang dating hepe ng pulis sa isang bayan dito sa Quezon. Nagsipag kasi ang hepe at panay ang utos sa kanyang mga tropa na dakpin ang lahat ng mga gumagawa ng mga illegal, at mga taong nagtatago sa batas. Sunod sunod ang isinagawang operasyon nito lalo na sa mga bookies na nagkalat sa kanyang bayan, huli dito, huli doon ang ginawa kung kayat umiyak ng husto ang mga nasasagasaan. Ang masakit nito, nagsumbong sa isang high ranking politician sa kanilang lugar ang mga illegalistang nasagasaan. Ang nangyari , sa halip na purihin ang kapulisan at pangaralan ang mga illegalista ay kinampihan pa ito ng opisyal. Ang nangyari tuloy, nasibak sa puesto si hepe, kaya ayon at namamayagpag na naman ang bookies sa bayang ito. Saan na kaya tayo lalagay nito? NABUTATA???!!! Now its final. Hindi umano puedeng baguhin o palitan ng pangalan ang isang bahagi ng kahabaan ng Granja St dito sa lungsod ng Lucena na katulad ng isinasaad ng Ordinance No. 2517 na ipinasa at inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Lucena sa isinagawang special Session noong ika-6 ng buwan ng Mayo. Ito ang nakasaad sa isang liham mula sa National Historical Commission of the Philippines na nilagdaan ni Maria Sereno Diokno, ang Punong Tagapagpaganap. Layunin sana ng naturang ordinansa na ang

For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.

ANO BA YAN?!! Ni Johnny Glorioso

isang bahagi ng Granja St., ay palitan ng pangalan at gawin itong Felix Y. Manalo St., ang founder ng makapangyarihang sekta ng Iglesia ni Kristo. Ang ordinansa ay isinulong ni Kagawad Benny Brizuela at Kagawad Rey Oliver Alejandrino at sinangayunan ng lahat maliban kay Kagawad Rhaetia Marie AbcedeLlaga. Kung anuman ang tanging layunin na nagtulak sa mga kagalang galang na mga kagawad upang ito ay isulong at palitan ng pangalan ay tanging sila na lamang ang nakakaalam. Subalit sangayon kay Lucena Bishop Emilio Marquez, ang pangunahing kritiko ng nasabing ordinansa, wala siyang nakikitang dahilan maliban sa nais lamang ng mga itong magpa pogi at sumipsip upang masigurong makukuha nila ang suporta ng kapatiran sa darating na halalan. Kung sila man ay nabutata , ito ay sa kakulangan ng nararapat na konsultasyon na dapat sana ay isinagawa muna bago nila ipinasa ang nasabing ordinansa. Naniniwala ang nakararami na ni ang kapatiran ay hindi muna kinunsulta bago ito isinulong .ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

ANG DIARYO NATIN

HUNYO 9 - HUNYO 15, 2014

Mayor Dondon Alcala, tinaguriang perennial Sta. Claus ng Lucena ni PIO Lucena / Francis Gilbuena

L

UNGSOD NG LUCENA – Dahil sa sunod-sunod na mga biyayang ipinaaabot sa mga mamamayan ng lungsod ay tinaguriang “perennial Sta. Claus ng Lucena si Mayor Roderick “Dondon” Alcala. Ito ang ibinansag sa punong lungsod nina Kon. Felix Avillo at Kon. Vic Paulo na madalas sumama sa mga programa ni Mayor Alcala. Ayon sa mga konsehal na binanggit,tulad ng

kasalukuyang isinasagawang pamimigay ng mga libreng school supplies para sa lahat ng estudyante ng mga pampublikong paaralan sa lungsod, ay marami pang mga programang maihahalintulad dito ang ipinararating ng alkalde sa mga lucenahin sa iba’t-ibang sektor nito. Ilan lang sa mga naipaamahagi ni Mayor Alcala sa mamamayan ay ang mga bagong service vehicle para sa ilang barangay, ang buwanang birthday gift para sa mga senior citizens, pagbigay ng munting

regalo para sa banking sector, pamamahagi ng mga farming equipment sa mga agrikultural na barangay, pagbigay ng financial assistance para sa mga nasunugan sa palengke, at maraming iba pa. Tulad ni Sta. Claus na kilalang-kilala sa pamimigay ng mga aginaldo sa panahon ng kapaskuhan, ay nagpapatuloy pa rin si Mayor Alcala sa pagbibigay ng mga regalo sa mga mamamayan ng lungsod na lubos namang pakikinabangan ng mga ito. ADN

Binatilyo, inireklamo matapos gahasain ang nobyang 14-anyos ni Topher Reyes

M

AUBAN QUEZON Nahaharap ngayon sa reklamo ang isang binatilyo matapos umanong gahasain ang kanyang girlfriend sa Mauban, Quezon nitong nakaraang linggo. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na mismong ang mga magulang ng 14-anyos na dalagita ang nagtungo sa pulisya upang magsampa ng pormal na

reklamo sa 16-anyos na salarin. Nabatid na nagpaalam umano sa kanyang mga magulang ang biktima na dadalo sa apat na araw na pagsasanay sa volleyball. Ngunit walang kaalamalam ang mga magulang nito na nakipagkita pala ang biktima sa kanyang boyfriend. Limang araw umanong nagsama ang dalawa at doon na rin ginawa ng suspek ang panghahalay sa biktima na hindi na rin nagawa pang

manlaban matapos mangako ang suspek na pananagutan siya. Naganap umano ang panggagahasa sa biktima noong Mayo 27 hanggang Mayo 31. Napag-alamang bago naging magkasintahan ay naging mag-textmate muna ang biktima at ang suspek. Kaagad naman inaresto ng mga pulis ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610. ADN

Mayor Dondon Alcala pinangunahan ang isinagawang invitational shootfest

ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang isinagawang 1st Mayor Dondon Alcala Shootfest kamakailan sa Banahaw Firing Range sa Ouans’ Worth Farm and Resort. Sa isang simpleng seremonya, sinabayan nina Konsehal Benny Brizuela, Police Provincial Director Ronnie Ylagan, Lucena City

PNP Chief Col. Allen Rae Co, tournament director Gemi Formaran at ng iba si Mayor Dondon Alcala sa ginawang pagpapaputok na nagsilbing hudyat sa pagbubukas ng naturang torneyo. Ang nasabing okasyon ay sinalihan ng iba’t-ibang gun club sa lungsod at maging sa ibang lugar tulad ng Camarines Norte, Maynila at maraming iba pa. Kaniya kaniyang pakitang gilas sa pagputok ang mga kalahok na kung saan ay

nagpabilisan rin ang mga ito sa oras upang mapabilang sa mga magiging finalist. Bukod sa kinakitaan ang mga ito ng galing at talino sa pagbabaril ay naging daan rin ito upang magkakilanlan ang mga kalahok. Lubos namang nagpasalamat si Mayor Alcala at ang tournament director na si Gemi Formaran sa lahat ng mga dumalo at sumali sa kanilang patimpalak at sa pagsuporta nito sa kanila. ADN

ALCALA CUP. Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala (3rd from left) leads the ceremonial shoot during the opening rites of “1st Mayor Dondon Alcala Invitational Shootfest”, a Level 2 PPSA- sanctioned match held at Banahaw Firing Range, Ouan’s Worth Farm in Lucena City on May 31 and June 1. Hosted by K- 609 Gun Club, the shootest was part of the week- long “Pasayahan sa Lucena”. With Alcala are (from left) range owner Rocky Sarmiento, Quezon police director Senior Supt. Ronnie Ylagan, Lucena City police chief and Match Director Supt. Allen Rae Co, K- 609 Gun Club president Gemi Formaran, and City Councilor Benny Brizuela. Lucena CPS-PIO

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

LEGAL NOTICE Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region

CATALLA by the name MA. CRISANTA CATALLA MENDIOLA before the office of respondent Office of the BRANCH 54 Civil Registrar of Lucena City LUCENA CITY be cancelled and declared as null and void. The Court finds IN RE: PETITION FOR the Petition to be sufficient in CANCELLATION form and substance, let the OF PRIOR REGISTRATION Petition be set for initial trial on OF LIVE June 26, 2014 at 8:30 in the BIRTH OF JAMICA CATALLA morning. ERRONEOUSLY Let a copy of REGISTERED AS MA. this Order be published once a CRISANTA CATALLA week for three (3) consecutive MENDIOLA , IN weeks in a newspaper of OFFICE OF THE CIVIL general circulation in the REGISTRAR OF Province of QUezon and LUCENA CITY Lucena City at the expense of the Petitioner. Anyone who MELANY RODRIGUEZ have any opposition thereto CATALLA, may file their said opposition Petitioner, with this Court within fifteen (15) days from the last date of -versuspublication. Let copies of this Order be sent to SPEC. PROC. No. 2013-17 the Office of the Provincial LOCAL CIVIL REGISTRAR Prosecutor, the Office of the OF LUCENA Solicitor General, the Local CITY AND ALBERTO Z. Civil Registrar of Lucena MENDIOLA, City, Alberto Z. Mendiola, Atty. Crisanto R. Buela and Respondents. Petitioner. x-----------------------------------x SO ORDERED. ORDER Lucena City, An amended verified petition April 28, 2014. for Cancellation of Prior Registration of Live Birth was ROBERT VICTOR C. filed by Petitioner Melany MARCON Rodriguez Catalla thru Atty. Presiding Judge Crisanto R. Buela, praying that after due notice, publication 3rd Publication and hearing, the prior June 9, 2014 registration of said JAMICA May 26, June 2 & 9, 2014 Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Lucena City OFFICE OF THE EX-OFFICIO PROVINCIAL SHERIFF NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2014-62 Upon petition for extra-judicial foreclosure state of real state mortgage under Act. 4118, filed by the RURAL BANK OF LUCBAN (QUEZON) INC. of Lucban, Quezon againsts Morgtgagor/s SPS. JOSELITO T. ARIOLA and JOSEFINA L. ARIOLA of Lot 9 Blk. 7, Olive St., Greenville Subd., Lucban, Quezon to satisfy the mortgage indebtedness which amounts to Seven Hundred Fifty Two Thousand Thirty One Pesos and 50/100 (Php.752,031.50), including past due interest and attorney’s fee as per statement of account as of April 30, 2014, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on July 21, 2014 (Monday) at 10:00 o’clock in the morning, at the main entrance of the Office of the Provincial Sheriff of Quezon, Regional Trial Court Building, Lucena City, to the highest bidder, for cash or manager’s check and in Philippine Currency, the following property/ies with all its improvements, to wit: TRANSFER OF CERTIFICATE OF TITLE NO. T-260155

“A parcel of land (Lot 9 Blk. 7 of the subd. plan, Psd-04013951, being a portion of Lot 3489-G-10, (LRC) Psd274377, LRC Rec. No) LOCATION: Situated in the Barrio of Ayuti, Mun. of Lucban, Prov. of Quezon BOUNDARIES: Bounded on the SW., along line 1-2 by Lot 10; on the SW., along line 2-3 by Lot 7, on the NE., along line 3-4by Road Lot 6, on the SE., along line 4-1 by Lot 11 all of the subd. plan AREA: containing an area of ONE HUNDRED FIFTY (150) SQUARE METERS. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on July 28, 2014 (same time), without further notice. Lucena City, Philippines, May 20, 2014. TRISTAN JIFF B. CLEDERA Officer-in-Charge/Clerk of Court V JOSEPH HENRY E. CONSTATNTINO Sheriff-in-Charge NOTED: ROMEO L. VILLANUEVA Vice-Executive Judge 1st Publication June 9, 2014 June 9, 16 & 23, 2014


ANG DIARYO NATIN

HUNYO 9 - HUNYO 15, 2014

7

QNHS, may bagong school building, kaloob ni Gov. Suarez ni Reygan Mantilla, Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON Sa pagsisimula ng pasukan ngayong taon, bagong school building ang sumalubong sa mahigit siyam na libong mag-aaral ng Quezon National High School sa lungsod ng Lucena matapos isagawa ang blessing at turn-over ceremony ng 2-storey, 12 classroom school building noong ika-2 ng Hunyo, 2014. Personal na pinangunahan ni Governor David “JayJay” C. Suarez ang naturang aktibidad na nagkaloob ng naturang proyekto sa paaralan sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Edukasyon na nagkakahalaga ng P21,892,563.29. Ayon kay Governor Suarez

ang naturang gusali ang pinakamalaking school building sa buong lalawigan na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa mga paaralan. Bukod sa pagkakaloob ng gusali, ipinangako din ng gobernador ang pagkakaloob ng mga bangko, lamesa at apat na electric fan bawat classroom sa bagong gusali upang maging komportable sa pagaaral ang mga gagamit nito. Inatasan na din ni Governor Suarez ang Provincial Engineering Office sa pamumuno ni Engr. Johnny Pasatiempo na puntahan ang silidaklatan ng naturang paaralan upang tingnan ang maaaring gawin ng pamahalaang panlalawigan dito. Ang atas na ito ng

gobernador ay bunsod ng kahilingan ni Marvin Fuentes, Pangulo ng General Parents Teachers Association ng QNHS na tulungan silang maibalik sa ayos ang nasunog na silidaklatan ng paaralan na agad namang tinugunan ng gobernador. Ipinahayag din ng gobernador ang planong pagpapagawa pa ng karagdagang tatlong palapag na school building na paglalagyan ng computer laboratory ng paaralan na lalagyan ng 30 computer units, LCD projector at fully airconditioned. Pare-pareho namang nagpahayag ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan at DepEd-Quezon sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Tolentino Aquino, QNHS Principal na si Carolina Zaracena at Pangulo ng

Mangingisda, patay sa taga ng magsasaka ni Ronald Lim

Q

UEZON, QUEZON Agad na binawian ng buhay ang isang mangingisda matapos na pagtatagain ito ng magsasaka sa Quezon, Quezon nitong nakaraang linggo. Nakilala ang biktimang si Perlito Inisin, 59 anyos, residente ng Brgy. Sabanag sa naturang bayan. Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas sais ng umaga nang magtungo sa lamay ng kaniyang pamangkin ang

biktima. Habang nasa lamayan ay nagkaroon ng komprontasyon ang mangingisda at ang isang Mario Iglesia hinggil sa hiniram na bangka ng biktima. Agad rin namang naawat ng mga kaanak na dumadalo sa lamayan ang komprontasyon ng dalawa. Ayon naman sa bayaw ng biktima na nakasaksi sa insidente, nilapitan ng suspek na si Alberto Iglesia alyas “Berto,” si Inisin at sinabing tigilan na ang pakikipagkompron-

tasyon sa kaniyang tiyuhin. Ngunit sa halip na pagbigyan ang pakiusap ng suspek ay sinagot ito ng magsasaka na “hindi pwede”. Dahil dito, agad na tumayo ang si alyas Berto at binunot ang kaniyang bolo at pinagtataga ang biktima sa iba’t-ibang parte ng katawan na naging sanih ng agaran nitong pagkamatay. Mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa mabundok na bahagi ng barangay at ngayon pinaghahanap na ng mga awtoridad. ADN

GPTA Marvin Fuentes. Napakaswerte umano ng QNHS dahil walang sawang tumutulong at nagbibigay ng suporta

aalagaan nilang mabuti ang naturang gusali upang mas marami pang makinabang na mga mag-aaral sa susunod na mga taon. ADN

Dra. Caridad Diamante, pormal ng itinalagang hepe ng City Health Office ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA - Pormal ng itinalaga bilang hepe ng tanggapan ng City Health Office ng lungsod si Dra. Caridad Diamante. Ngunit bago pa man hiranging hepe ng naturang tanggapan si Diamante, may mga ilang konsehal rin ang nagtanong sa kaniya hinggil sa trabahong ginawagawa nito sa CHO. Malugod namang sinagot ng bagong hepe ang katungang ito ng mga konsehal at kaniya ring inilahad ang mga kasalukyang programa ng City Health na patuloy na pinakikinabangan

ng mga mamamayang Lucenahin. Ilan sa mga ongoing programs ng CHO ay ang distribution ng mga kulambo na may insecticide panlaban sa sakit na dengue, ang pagbabakuna sa mga nakagat ng aso upang makaiwas sa rabbies, mga maternity programs para sa mga buntis at marami pang iba. Sa paglalahad ng mga proyektong ito ng nabanggit na tanggpan ay iminungkahi rin ng ilang miyembro ng Sanguniaan ang ilang pamaraan upang mas lalo pang mapaganda ang ibinibigay na serbisyo ng CHO.

Matapos ang ilang pagtatanong at pagbibigay ng mungkahi, isa-isang kinamayan at binati ng mga konsehal ang doktora na hudyat nang pagkakatanggap ng mga ito bilang opisyal na hepe ng City Health Office. Lubos namang nagpasalamat si Dra. Diamante sa mga konsehal sa pagtanggap sa kaniya bilang bagong hepe ng CHO at sinabi nitong mas pagbubutihin pa niya ang kaniyang trabaho upang mas mapagsilbihan ng maayos ang mga Lucenahin pagdating sa larangan ng kalusugan. ADN

Number 6 most wanted person sa Padre Garcia, Batangas, nasakote ni Francis Gilbuena

S

AN ANTONIO, QUEZON - Nasakote ng pinagsanib na pwersa ng San Antonio Police at ng Padre Garcia Police ang isa sa most wanted person sa bayan ng Padre Garcia kamakailan sa San Antonio, Quezon. Kinilala ang wanted person na si Bernal

Linatoc, 46-anyos at residente ng Brgy. Payapa, Padre Garcia, Batangas. Batay sa ulat, pasado alas diyes ng umaga ng madakip ang suspek sa bahagi ng Brgy. Magsaysay sa bayan ng San Antonio. Naaresto si Linatoc, na itinuturing na number 6 most wanted person sa bayan ng Padre Garcia,

Batangas, dahil na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Rosemarie ManalangAustria dahil sa kasong Murder. M a t a p o s ang isinagawang imbestigasyon sa suspek, pormal namang itinurn-over ng San Antonio PNP ang wanted person sa mga awtoridad ng Padre Garcia PNP. ADN

Wanted sa welder arestado sa lungsod ng Lucena ni Ronald Lim

L

Maigting na nanawagan sa gobyerno noong nakaraang Martes (June 3, 2014) ang mga magsasasaka nag-alay lakad buhat sa Timog katagalugan at Central Luzon patungong Maynila na kung maari ay ipagpatuloy ang programang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) na magtatapos ngayong darating na Hunyo 30, 2014. Tinatayang aabot sa 795,000 ektaryang mga lupain ang hindi pa umano natatapos na ipamahagi ng gobyerno sa buong bansa. Roy Sta. Rosa

si Governor Suarez sa naturang paaralan at sa buong DepEd-Quezon sa kabuuan. Ipinangako naman ng principal na iingatan at

UNGSOD NG LUCENA - Nadakip ng mga awtoridad ang isang wanted person na isang taong nagtago sa batas dahil sa pagpatay sa isang lalaki sa lungsod ng Lucena. Nakilala ang suspek na si Cecilio Nicolas alyas Russel, 42 anyos, residente ng Purok Rainbow Brgy. Ibabang Dupay sa naturang lungsod. Batay sa imbestigasyon, bandang alas diyes ng

umaga ng masakote nina SPO1 Tobias Carreon, SPO1 Norman Ayala, PO3 Ariel Cartago, PO32 Jessica Coloma, SPO1 Ernesto Martinez, PO2 Dennis Maligalig, PO3 Alex Berbano, PO3 Rodrigo Artuz, at PO2 John Frederick Latigay kasama si Brgy. Martketview Chairman Edwin Napule, ang wanted person sa Purok Balimbing. Inaresto si alyas “Russe”l dahil na rin sa warrant of

arrest na ipinalabas ni Judge Dennis Orendain dahil sa kasong Murder. Base sa background ng kaso, naganap ang krimen noong Abril ng nakaraang taon kung saan pinagbabaril ng suspek sa iba’t-ibang parte ng katawan ang naging biktimang kinilalang si Joseph Leda. Kasalukuyan na ngayong nakaditine ang wanted peson sa lucena city lock up jail. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

HUNYO 9 - HUNYO 15, 2014

IARYO NATIN D

ANG DIARYO NATIN

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 13, Blg. 533

Hunyo 9 - Hunyo 15, 2014

Sa pasukan, dagdag-suweldo giniit ng mga guro, sinuportahan ng kabataan ni Pher Pasion mula sa www.pinoweekly.org

M

uling sumalubong sa mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan ang dati nang mga problema sa eskuwelahan gaya ng kakulangan ng mga silid-aralan, mga upuan, mga libro, at mga guro. Sa pagkakataong ito, sinalubong din ng mga guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang unang araw ng pasukan ng isang protesta–isang paggiit sa administrasyong Aquino na dagdagan ang suweldo ng mga guro at taasan ang badyet sa sektor ng edukasyon.

Sinabi ng mga lider-guro ng ACT na walang bago sa kalagayan ng krisis sa sektor ng edukasyon. Pinabulaanan nila ang mga pahayag ng administrasyong Aquino na nabibigay ng gobyerno ang sapat na rekurso at pasilidad para sa mga estudyante at pampublikong mga eskuwelahan. Sa paanan ng Palasyo Sinugod ng mga guro at mag-aaral ang Malakanyang para singilin ang administrasyong Aquino sa “pagpapabaya sa sektor ng edukasyon.” Isang raling iglap ang isinagawa ng mga guro sa Gate 7 ng Malakanyang

nitong Hunyo 2 para sa kanilang panawagang dagdag sa sahod na patuloy na ipinagkakait ng adminstrasyon Aquino. “Pagpapahayag ito ng galit ng mga guro sa aming panawagan para sa nakabubuhay na sahod. Mula nang maupo sa puwesto si (Benigno) Aquino III, walang anumang narinig ang mga guro mula sa kanya tungkol sa aming panawagan,” ani Benjamin Valbuena, tagapangulo ng ACT. Panawagan ng ACT na itaas ang sahod ng mga guro sa P20,000 mula P18,549 at P15,000 mula P9,000 para naman sa mga kawani. Binatikos din nila ang

The Lucena City Library will commemorate its 62nd anniversary on July 1, 2014 with a theme “Aklat at Panulat daan sa ika-62 Kasaysayan ng Panglunsod na Aklatan”. For the first time, our office will celebrate the anniversary in order to be constant and primary provider of information to the people of Lucena. Our goals are to reach out the community to promote reading, let people get involved in sharing their learned knowledge and be friends of the library. The community event will be : (1) Design-a-Bookmark Contest on June 23, 2014; (2) Storytelling activities for Day Care preschoolers of selected barangays entitled “HatidKuwento kay Nene at Totoy” II on June 24-27, 2014; and (3) Thanksgiving Mass, short program, film viewing for Day Care preschoolers and photo exhibits which will be held at Lucena City Library on July 1, 2014. Contributed by City Library of Lucena

administrasyon sa tangkang pagtaboy sa mga guro na nagprotesta sa Malakanyang. Anila, imbes na hayaang makapagprograma, marahas umano silang itinaboy ng mga pulis. Maging ang mga babaeng guro ay nasaktan. “Pinipilit kaming itulak kahit kaming mga babae na teachers. Hindi nagawang pakiusapan ang mga pulis,” ayon kay Jocelyn Martinez, isa sa mga gurong nasaktan. Tinugunan din ng mga guro sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang protesta para sa dagdag-suweldo at karagdagang badyet para sa edukasyon. Samantala, nagmartsa naman ang mga mag-aaral sa paanan ng Mendiola sa Maynila para ipanawagan ang pagbabasura sa programang K+12 (Kindergarten + 12 taon), pagbaba ng matrikula, at dagdag na badyet para sa edukasyon. Problemang pinagtatakpan Nag-ikot sa unang araw ng pasukan si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa unang araw ng pasukan. Ayon kay Tinio, nanatili pa rin ang problema sa mga pampublikong eskuwelahan sa kabila ng pahayag ng Malakanyang at Department of Education (DepEd) na kanila na umanong natutugunan ang mga kakulangan sa sektor ng edukasyon. “Nakikita natin na nariyan pa rin ang mga dati ng problema tuwing pasukan. Siksikan pa rin ang mga estudyante dahil hindi lamang kulang ang mga silid-aralan kundi kulang ang mga eskuwelahan,” ani Tinio. Sinabi pa ni Tinio na apat sa sampung kabataan na nasa edad mula 13 hanggang 19 na taon ang wala o hindi nakatutuntong ng hiskul. Binigyan naman ng bagsak na marka ng mga mag-aaral si Aquino. Sa halip na mapaunlad umano ang sektor ng edukasyon ay mas pinalala ito ng mga polisiya ng administrasyon. “Unang araw pa lang ng klase, bagsak na agad ang gradong ibinibigay ng kabataan kay Pangulong Aquino. Bagsak sa pasilidad, bagsak sa curriculum, at bagsak sa pagsagot sa lumulobong presyo ng matrikula,” pahayag ni Kabataan Rep. Terry Ridon. Kabilang sa mga polisiya ang K+12 na dagdag dalawang taong sa pagaaral at ang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (Gastpe) para paluwagin (“decongest”) ang pampublikong mga paaralan. Ayon sa League of Filipino Students (LFS), maliban sa dagdag na

Rock the Shed is an opening activity for the upcoming college students of the university. The amalgamated different organizations provides a cultural night that will help us understand what our education really looks like through music and arts. Graphics by Guni-guri Collective

Maglulunsad ng street art exhibit ang Silayan (Sining Kalilayan) para sa darating na selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, layunin ng grupo na ipakita ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga likhang sining nila. Graphics by SILAYAN Quezon

gastusin ang K+12, hindi din ito tumutugon sa pangangailangan ng bansa kundi para sa mga kapitalista at dayuhang bansa na nangangailangan ng murang-lakas paggawa. “Ginagawa lahat ng administrasyong Aquino para ibenta ang kanyang kabataan,” ayon kay Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS. Ayon naman sa ACT, minadali ang pagsasanay para sa mga guro at nananatili pa ring kulang ang mga modules para sa K+12. Hindi naman umano tinutugunan ng Gastpe ang isyu sa kawalan ng pasilidad at guro. Katunayan, pinopondohan umano ng gobyerno ang pribadong sektor imbes na magbigay ng pondo sa publikong paaralan, ayon kay Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan. “Pinalala ng mga polisiya ng administrasyong Aquino ang krisis sa sistema ng edukasyon. Hinayaan ni Aquino na lalong maging

negosyo at prebilehiyo para sa iilan. May pera para sa pork (barrel) pero wala para sa ating mga paaralan at mga guro,” ayon Crisostomo. Para sa kay Valbuena, mahusay na napagtatakpan ng administrasyong Aquino ang krisis sa sektor ng edukasyon sa kapahamakan ng mga guro at mga magaaral. Babala Nagbabala ang mga guro ng isang malawakang mass leave kung mananatiling wala sa badyet para sa 2015 ang dagdag sahod para sa mga guro. Nakikiisa din ang mga mag-aaral sa labang ito na nagbanta din ng malawakang kilos-protesta at strike sa mga pamantasan. “Ang pang-iinsultong ito ni Aquino ay kinakailangan tapatan ng mga protesta. Kung mag ma-mass leave ang mga guro, susuportahan ng mga kabataan ng malawakang mga strike,” ayon kay Crisostomo. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.