2 minute read

KULTURANG TALANGKA: Kelan mawawala?

By Lito Mendoza Velasco

Hinabol ng guard sa isang sikat na Mall ang lalaki na nag-iwan ng basket na puno ng talangka: “Hindi mo dapat na iniwanan ng ganun-ganon na lang ang basket mong halos puno ng talangka sa bulwagan ng mall.

Advertisement

Makakaabala sa mga tao sa oras na makalabas mula sa basket at kumalat ang mga iyan sa sahig ng ating mall.”

“Mamang guwardiya, hindi po makalalabas ang mga talangka na yan mula sa basket,” wika ng customer.“Bakit naman at paano mo natiyak?” tanong ng gwardiya. “Filipino po kase lahat ang mga talangka na ‘yan. Sa oras na sumubok na umakyat ng isa, tiyak na hahatakin pababa ng kapwa n’ya!” mabilis na sagot ng customer at patuloy na iniwanan ang basket sa pintuan ng Mall. Mali po ba ako sa ginamit kong kwento? Sa katotohanan, narinig ko rin lang naman ang kwentong ito eh. Hindi rin lamang ako nakatiis na hindi muling ibahagi ito sa inyo. Ang nakakalungkot nga lamang, sa tuwinang maririnig ang salitang “crab mentality” tila baga nakakabit na ito sa ating lahi. Ihinahambing nila tayo sa mga talangka na nasa isang basket, hindi makaka-ahon upang lumabas at makaranas ng tunay na pangkalahatang pag-asenso dahil sa patuloy na paghihilahan, hindi paitaas kundi paibaba. Totoo naman po, maryoong mga umasenso, subalit sila lamang iyong mga itinulak ng sarili nilang diskarte at pagsisikap, at hindi dahil sa isang kolektibong pagkilos. Survival of the wisest ika nga.

Minsan nga nakakainggit ang mga Intsik at Asian Indian. Mamamasdan natin na kahit saan ka yatang sulok ng daigdig pumunta ay makakatagpo ka ng “Chinatown at mga Indian Street Malls.” Ito ay sa kadahilanan na sila-sila ay naghihilahan din tulad ng mga talangka. Ang kaibahan nga lamang, kapag may naunang nakaakyat sa kanila sa bunganga ng basket; at kapag nakita niya na may matatamong liwanag at mas malaking oportunidad para umasenso sa labas, kaagad niyang iniaabot ang kanyang kamay sa kanyang mga kasamahan upang hatakin paitaas. Magkakasama silang aakyat para sa pangkalahatang layunin upang makamtan ang tagumpay at kaunlaran. Tayo, anong meron tayo?

Paano tayo naghihilahan? Mas namamayani yata sa ating mga puso ang selosan, inggitan, pabonggahan, at payabangan kesa sa suportahan. Kung kaya nga, kapag lumakad tayo, kung hindi man grupohan ay solohan—lumalakad tayo bilang magkaka-alyado: Depende sa kung ano ang rehiyon, probinsya at Pilipinong-grupong kinaaaniban mo. Kinakailangang may sikat na grupo. May patalbugan at pabonggahan. Okey lang naman sana kung maiiwasan lamang na magsalita ng makasasakit laban sa iba. Okey din naman na tumaas ka, continued on page 7 ►

Learning for Interdependence and Global Awareness of the Philippines and Canada

LINGAP-Canada joins the world in celebrating International Women’s Day on March 8, 2023

“International Women's Day is a global day celebrating the social, economic, cultural, and political achievements of women. The day also marks a call to action for accelerating gender parity. Significant activity is witnessed worldwide as groups come together to celebrate women's achievements or rally for women's equality… The International Women’s Day (IWD) 2023 campaign theme is #EmbraceEquity. We can all challenge gender stereotypes, call out discrimination, draw attention to bias, and seek out inclusion. Collective activism is what drives change. From grassroots action to wide-scale momentum, we can all embrace equity… And to truly embrace equity, means to deeply believe, value, and seek out difference as a necessary and positive element of life. To embrace equity means to understand the journey required to achieve women's equality.” (https:// www.internationalwomensday.com/ About)

For 2023, LINGAP-Canada will be commemorating this event by featuring on our website (lingapcanada. com) short inspirational messages from Filipina/o/x-Canadians and Filipina/o/ xs in the Philippines on the campaign theme #EmbraceEquity. Those invited to share their reflections represent a range of academics, researchers, community leaders, NGO workers, and government officials involved in women’s rights here in Canada and the Philippines.

Some of those who will be sharing their reflections are the following:

the Philippines

From the Philippines From Canada

One of the Framers

1987 Constitution

Join LINGAP-Canada in celebrating International Women’s Day! Visit and read the inspirational messages from all the contributors at LINGAPCanada’s website [www. lingapcanada. com] beginning on March 8, 2023.

This article is from: