DAPITAN 2022: Hintayan

Page 130

SA ILOG NG PAGHINTAY ni Lance Jester S. Zafe

a

ng tila aspaltong ilog ng siyudad ay ganap nang huminto. kanina lang, tila mabigat pa ang agos ng trapiko. mahirap din naman makipagsagupaan. hindi ako marunong lumangoy. hindi ako marunong magpal mas nanaisin ko pang manatili sa metal na bangka, baka sakaling umagos muli ang ilog. baka sakali kasi na magpatuloy muli sa pagbaybay sa mga tanawin sa ‘di kalayuan na siyang parating nadaraanan. mga matatanaw na nagsasabing malapit na o malayo pa. Mga lugar na nagsasaad ng mga alaala ng masayang pag-uwi mga dalamhating pasalubong, mga pagod na paa, mga nakangiting mga mata, o minsan nama’y pangkaraniwan. sa mga pagkakataong naghihintay, nakakaaliw na baybayin ang mga tanawing malayo’t ‘di pa matanaw nang buo. ang tila ilog ng siyudad, kanina lang ay tila mabigat pa ang agos, ay ganap na bang naging aspalto? F

130

DAPITAN


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
DAPITAN 2022: Hintayan by The Flame - Issuu