DAPITAN 2022: Hintayan

Page 126

MAG-ISA

ni Jericho Christian B. Lopez

u

maalingawngaw ang mga kotse sa kalsada, ngunit sa eskinitang pinasukan, tanging usok lang, dala ng ihip ng hangin, ang sumisipol sa pagitan ng mga tahanang nagsisiksikan, at mag-isa akong naglalakad sa liwanag ng kidlat, sa gitna ng putikan gawa ng bawat pagpatak— may nakatitig sa akin sa kalayuan. sa kada hakbang ko, sinusundan niya ang mga paa kong nanginginig sa lamig ng semento ngayong alas singko ng umaga. tinuloy kong lakarin nang hindi pinapansin ang sabay na kaluskos ng tsinelas sa lapag at paghingang nagtutugmaan sa ritmo ng puti at dilaw na linya sa daan. ngunit ang nagnakaw ng aking mga mata: ang takot na nakapinta sa mukha naming dalawa na pinagtapatan sa dumi at burak ng nilalakaran na naging paalala—babala—na hindi kami nag-iisa. F 126

DAPITAN


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.