
11 minute read
Posisyong Posisyong papel
Ang pagkamakabayan ay hindi ipinatutupad; itinatatak ng mandatory ROTC program sa kolehiyo at Senior High School na ang nasyonalismo ay isang obligasyon at solusyon sa terorismo, hindi isang moralidad na mayroon ang isang tao kung kaya gawin sa halip na mandatory, gawing boluntaryo ang ROTC. pahayag ni Bb Alirah Vien M Angulo ukol sa mandatory ROTC
Ang terorismo ay udyok ng mga perspektibo mula sa isang organisadong grupo na naghihinalang walang-katarungan ang sumasaklaw sa halos lahat ng aspeto ng aktibidad at pamumuhay ng tao sa lipunan Isang pandaigdigang krisis; isang laban na patuloy na sinu-solusyunan ng buong mundo upang walang ekonomiya o bansa ang bumagsak sa kamay ng aktibismo na ginagamitan ng karahasan Ang Pilipinas ay kilala bilang “haven for terrorists” , isang bansa kung saan karaniwang naninirahan ang mga organisasyong nagaaklas ng terorismo (Fabe, 2013). Buhat ng mahinang seguridad sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ang Pilipinas ay humaharap sa mga gawaing terorista gaya ng bombings, kidnap for ransom, at iba pang gawaing pangingikil na ginagamit ng mga terorista upang makakuha ng atensyon sa publiko nang sa gayon ay maisiwalat ang kanilang plano (Archetti, 2013).
Advertisement
Sa pagsiklab ng terorismo sa ilang panig ng Pilipinas, naalerto ang bansa upang magsulong ang gobyerno ng programa ang ROTC upang ihanda ang mga kabataan sa paglilingkod sa militar at maging bahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Reserve Force (Tongol, et al, 2018) Inaasahang sa pamamagitan ng programang ito, ang serbisyong militar ng Pilipinas ay magiging handa sakaling magkaroon ng digmaan o kalamidad sa bansa Ang Reserve Officers’ Training Corps or ROTC ay isa sa mga programa sa National Service Training Program (NSTP) ng gobyerno na naglalayong maghanda at magbigay preparasyon sa mga kabataan upang maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng hukbuhing lingkod o military service (Tongol, et. al, 2018). Ayon sa NSTP Law of 2001, ang programang nasa ilalim ng NSTP ay tinatayang na maging mandatory o obligadong paguutos ng gobyerno sa mga estudyanteng nasa kolehiyo upang magkaroon ng military discipline ang mga kabataan at kakayahang maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng military service. Subalit noong 2002, ang programa ay binago at ginawang opsyonal matapos ang krisis ng isang ROTC cadet na si Mark Welson Chua, isang estudyante mula sa Unibersidad ng Santo Tomas, na namatay dahil sa programa. Nang mailunsad ang batas noong 2001, ang ROTC ang sumakop sa buhay ng mga estudyante sa kolehiyo Ayon sa mga mababatas na isiniwalat ni Cepeda (2018) sa publiko, walang sapat na pangangalaga sa mga sibilyan at napuno ng pang-aabuso at korapsyon ang programa Ang ipinagbabawal sa kasalukuyan na hazing o paggamit ng karahasan sa programa ay ginawang pamantayan sa ROTC upang masubok ang katapangan, katatagan, at integridad ng isang cadet; nasalamin sa kaso noong 1995 na isang ROTC cadet mula sa De La Salle
Posisyong Posisyong papel
University ang sumuko sa mga pinsalang natamo mula sa mga hazing activities ng cadet officers (Formoso, 2022). Mula sa hazing crisis na ito, nawalan ng buhay ang isang ROTC cadet na nagbigay dahilan upang mawalan ng bisa ang pagsasabatas ng pagiging mandatory ng ROTC at nagging ospsyunal o boluntaryo na lamang ito sa pamamagitang ng Republic Act No 9163 o ang NSTP Law of 2001 (Cabral, 2022) Sa kasalukuyan, ang ROTC ay hindi muli maisasabatas na maging mandatory hanggang ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay hindi pa muling pinipirmahan ang mga programang nasa NSTP Law na maging mandatory.
Ayon sa 1987 Constitution of the Republic of Philippines Article II Section XII, kinikilala ng estado ang mahalagang papel ng kabataan sa pag-unlad ng bansa at dapat itaguyod at protektahan ang kanilang pisikal, moral, espirituwal, intelektwal, at panlipunang kapakanan. Buhat nito ang pagiging makabayan at nasyonalismo ng kabataan, at hikayatin ang kanilang pakikilahok sa mga gawaing pampubliko at sibiko. Sa konstitusyong ito, isinaad na ang mga kabataan ay mayroong karapatang maprotektahan ng estado mula sa mga karahasang maaari nilang maranasan habang sila ay nasa ilalim ng programang ROTC Kaakibat din ng konstitusyong ito, hihikayatin ang mga kabataan na makilahok sa mga gawaing pampubliko at sibiko. Subalit napatunayan sa mga nagdaang taon na laganap parin ang mga isyung pampolitikal na nagbigay dahilan upang mapawalang bisa ang pagsasabatas ng mandatory ROTC sa NSTP Law gaya ng korapsyon at hazing Dahil dito, nangingibabaw parin na ang kalagayang politikal ng Pilipinas ay hindi nagbibigay ng seguridad sa mga kabataan na ang hazing krisis na naganap sa isang ROTC cadet noong 2001 ay hindi mararanasan sa kasalukuyan Ang ROTC ay maaaring isabatas muli ngunit maging opsyunal lamang sa mga kabataan sapagkat ang pagkamakabayan ay hindi ipinatutupad Ang isinusulong na mandatory ROTC program sa senado naisusulong hindi lamang sa kolehiyo, pati na rin sa Senior High School ay nagtatatak na ang nasyonalismo ay isang obligasyon at solusyon sa terorismo, hindi isang moralidad na mayroon ang isang tao kung kaya nararapat na gawing boluntaryo o opsyunal ang ROTC, huwag gawing mandatory. Sa pagsabog ng malalang SARS-CoV-2 o COVID pandemic sa Pilipinas noong 2020, hindi nito naitatago ang mga terorismo at kontra-terorismo na naganap sa parehong taon (Relief Web, 2021) Ang pangangailangan upang punan ang agarang lohistikal at mga puwang sa kakayahang makontrol ang populasyon, sumubaybay, at mamahala ay nagdulot ng mas malapit na pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa mga institusyong pangseguridad sa mga sibilisadong lugar. Ang epekto ng pandemya ay nagbigay limitasyon sa mga tao na kumilos na nagresulta sa pagtawag ng mga rebeldeng komunista na umatras upang bigyang daan ang gobyerno na unahin ang pagresolba sa pandaigdigang pandemya (Akebo, 2020) Subalit sa pagtatapos ng araw ng pag-atras ng mga rebeldeng komunista, nagpatuloy muli ang terorismo sa pagitan ng pag-atake ng New People’s Army (PA) sa
Posisyong Posisyong papel
mga patrol ng militar at pulisya. Dagdag pa dito ang naganap na killings ng NPA sa mga sundalo ng Philippine Army (PA) sa Aurora noong Abril 2020 Samantalang ilang linggo matapos ang eleksyon, ang ilang grupo tulad ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay nagkaroon ng raid mula sa mga PA na nagresulta ng malaking kawalan sa magkabilang panig. Ang engkwentrong ito ang nagbigay hudyat muli sa walang hanggang laban mula sa mga militante at sundalo Ayon sa Relief Web (2021), ang taong 2020 ang isinaad na tugatog na taon ng terorismo sa Pilipinas kung saan parehong tumaas ang low-intensity terror operations (LIO) at high-intensity terror operations (HIO) sa bansa. Dagdag pa rito, iginiit na ang pandemya ang nagbigay ng pansamantalang epekto sa mga operasyon ng terorismo sa Pilipinas. Sa patuloy na pagtaas ng low-intensity terror operations (LIO) sa Pilipinas–beheadings, drive-by shootings, at kidnappings. Dagdag pa rito, ayon sa International Crisis Group (2021), ang pangingibabawa o pag-aangkin ng dawalawang panig sa South China Sea na nagbigay dahilan sa alitan ng Pilipinas at Tsina. Nagbigay daan ito upang isulong muli ng mga bagong halal na pinuno ng bansa ang mandatory ROTC upang pag-iralin ang kahalagahan ng national defense sa bansa dahil makabubuo ito ng mga kabataang komandante sa military na handing tumulong, magserbisyon, at magpakita ng nasyonalismo sa darating na hamon, sa loob man o labas ng Pilipinas. Sa bagong pamamahala ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Pangalawang Pangulo Sara Duterte, nagnanais na isulong muli ang mandatory military service na ROTC para sa lahat ng Pilipino, babae man o lalaki, sa pagsapit ng edad na labing-walo Ayon sa unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, ang pagpapatupad ng mandatory ROTC ay ipapanumbalik sa kolehiyo at idadagdag din sa kurikula ng Senior High School upang mahubog ang kanilang katatagan, kaalaman sa military, at pagkamakabayan. Mula sa legislative agenda ng ipinapaabrubang House Bill 4500, o ang ROTC Bill of 2022, ang ROTC courses na idadagdag sa kurikula ng Grade 11, Grade 12, at kolehiyo ay ipapatupad sa lahat ng paaralan at institusyong pang-edukasyon. Ang programang ROTC ay isa sa tatlong programa ng NSTP na nakatutok sa pagbibigay ng military training at paghahanda sa pambansang depensa. Alinsunod sa pahayag ni Raposas (2017), ang programa ay direktang inihayag sa publiko para sa paghahanda ng mga kabataan upang maipamalas ang halaga ng pagkamakabayan, nasyonalismo, at pagbuo ng karakter. Inilulunsad ito sa kongreso sa ilalim ng Senate bill No 2024 na ihanda ang mga kabataan at estudyante na magkaroon ng pagsasanay, karanasan, at praktikal na kasanayan upang matulungan ang mga kabataang magtagumpay sa anumang kumpitensya Kaakibat din nito ang pakikilahok sa programang sibilyan na naglalayong buoin at palakasin ang tulungan at kapatiran ng mga Pilipinong sundalo.
Posisyong Posisyong papel
Sa kasalukuyan, ang programang ROTC ay binibigyang diin na hindi na muling magbibigay daan upang iparanas sa mga kasalukyang kabataan ang masalimuot na nakaraan ng mga cadet Sinisiguro ng Senate bill No 387 na ang kasiguraduhan at proteksyon ng mga kabataan sa loob ng programang ito ay ipapaloob sa mga batas at patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon ang Batas Republika Blg 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitations, and Discrimination Act), Batas Republika Blg. 11188 (Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict Act), at Batas Republika Blg. 8049 (Anti-Hazing Act of 2018). Mula rito, mabibigyang siguro na magiging maayos ang mga kabataan habang sumasailalim sa mandatory ROTC program. Higit pa rito, batay sa Division of Military Education (n.d.), ang inaasahang programa ay handang magbigay ng benipisyo para sa mga kabataan. Edukasyon sa militar at sa bayan; ang mga kabataan ay mabibigyan ng bagkakataon upang paghubugin ang kanilang kakayahang mamuno, maging isang lider sa bayan sa anumang hamon o sitwasyong kanilang kahaharapin Katayuang pisikal at edukasyong pang-kalusugan; ang mga kabataan ay magkakaroon ng programang magsusulong ng mga aktibidad na magsasayaos ng kanilang kalusugan at pangangatawan Malawakang oportunidad; maliban sa ROTC ang NSTP ay marami pang programang magbubukas ng mga opurtunidad na magkaroon ng trabaho sa labas ng military gaya ng pagiging rescue, medic, at iba pang posisyon sa ilalim ng mga ahensya ng gobyerno (Cabral, 2022).
Ang mandatory ROTC ay ang isinasaad na solusyon ng Pilipinas sa terorismo, indulhensiya, at para sa kapakinabangan ng mga kabataan. Ang programang ROTC ay nagbibigay ng daan upang humantong ang Pilipinas sa paglutas ng mga isyu, hindi lamang praktikal na isyu kundi sa mas malaking isyung pampulitika kaugnay na rito ang papel ng militar sa lipunang Pilipino. Sa pag-iimplementa ng ROTC magkakaroon ng pamumuno, pagtutulungan, at management skills ang mga kabataan na kailangan upang maging opisyal sa Philippine Army. Higit sa lahat, makakatulong ang programang ito sa mga Pilipino na bumubuo ng mga institusyon, pamahalaan, at bansa upang gawing institusyonal ang kalayaan at karapatang pantao sa pamamagitan ng pakikibahagi sa programang nagsusulong ng konseptong pagkakaisa, pagkakakilanlan, at pagmamahal sa bansa bilang isang Pilipino. Ang military service o serbisyong militar, isang paksa na inilahad sa pampublikong talakayan at lipunan upang mabigyang aksyon sa pamamagitan ng mandatory ROTC. Sa pagdami ng kawalang-kaugnayan ng serbisyong militar sa buhay ng karamihan sa mga mamamayan, pangangatwiran sa publiko na ang layunin ng serbisyong militar ay palakasin at pagtibayin ang prinsipyo ng pagkamamamayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglilingkod sa bansa sa oras ng pangangailangan. Gayunpaman, mahalagang maunawaan ang makasaysayang ugnayan sa pagitan ng militar at ng lipunan, gayundin ang pagsasaalang-alang sa kasalukuyang kalagayan ng gobyerno at serbisyong
Posisyong Posisyong papel
militar ng bansa (Marguiles, 2018). Ang paraan upang pasiglahin ang pagiging makabayan ay hindi sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa serbisyong militar Ang muling pagpapakilala ng mandatory ROTC ay maaaring makita bilang isang hakbang tungo sa militarisasyon ng lipunan, na maaaring humantong sa pagkawalang bisa ng kalayaang sibil at pag-alis mula sa mga demokratikong pagpapahalaga. Ang paggawa nito bilang isang obligasyon ng pagkamamamayan sa mga kabataan ay magpapalalim ng pagkakahati sa pagitan ng mga naglilingkod at ng mga hindi naglilingkod sa lipunan. Sa gayon, kung ang nais ipamalas sa kabataan nang isusulong na mandatory ROTC ay nasyonalismo at kaalaman ng kabataan sa pagsisilbi sa bansa, mayroong mga pamamaraan na maaring isulong sa halip ng obligatory pagseserbisyo sa militar.
Una, sa pagpapatupad ng mandatory ROTC, bibigyang laan ng gobyerno ng malaking halaga at pondo ang mga resources upang isagawa ang obligadong ROTC program, na maaaring magresulta ng hindi mabuting pambansang depensa o seguridad sapagkat nangangailangan ito ng makabuluhang pondo, na mabibigay ng pabigat sa gobyerno at mga nagbabayad ng buwis Isinaad ni Formoso (2022), sa pagbubukas muli ng mga paaralan at unibersidad matapos ang dalawang taon ay hindi pa sapat upang makasiguro na ito ang mga kabataan ay magiging ligtas Kaakibat parin ng sekto ng edukasyon ang mahinang sistema at mababang pondo para sa mga pasilidad lalo at hindi parin tapos ang pandemya Dagdag pa rito ang kaakibat na gastusin ng mga mga kabataan para sa uniporme, kagamitan, at gastusin sa pag-aaral (Routon, 2013) ay nakaaapekto sa pinansyal na katayuan ng mga Pilipino lalo na at laganap parin ang inflation sa bansa. Ang isang malaking reserba na pwersang militar ay magiging mahirap mapanatili. Maraming proseso na kasangkot sa pamamahal ng isang hukbong sandatahan; mula sa pagsasany, pag-ikot ng serbisyong military, pagtutugma sa talentong pang-militar, pagpaplano, at pag-suporta sa mga cadet ay nangangailang ng malaking pasilidad na hindi masisigurong masalo ng mga paaralan Mangangailangan ito ng mas malaking mapagkukunan upang pakilusin at armasan ang mga kabataang nasa ilalim ng programa na lalong hindi magiging epektibo kung walang modernisasyon Ayon kay Ford (2020), sa pagdating ng elektronikong digmaan, ang bagong kadete ng ROTC ay kailangang sanayin gamit ang pinakabagong kagamitan at ang pinakabagong mga pamamaraan ng pakikidigma upang magkaroon ng epektibo at progresibong resulta ang nasabing programa. Sa pamamagitan ng makabagong pundasyon, mas mapapabuti ang depensa at mapapanatili ang maayos na pagsasamahan at pamamahala ng mga reserbang military at opisyal ng militar upang mas ligtas ang mga mamamayan ng bansa. Ngunit sa kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan, mataas parin ang kaso ng kahirapan, unemployment, at mababang ekonomiya pagkaraan ng pandemya na mas nararapat na bigyang pansing ng gobyerno (Philipp, 2021).
Pangalawa, upang repormahin ang mandatory ROTC, mangangailangan ito ng reporma
Posisyong Posisyong papel
mula sa Armed Forces of the Philippines sa pangkalahatan. Ang professional force ang magsasanay sa mga kadete ng ROTC ay nangangailangang magpakita ng progresibong sistema ng hustisya kung ang reserbang puwersa ng ROTC ay inaasahang hindi makararanas ng pang-aabuso at katiwalian mula sa isasagawang programa Sa pagsiklab ng liberal na pananaw, nagiging mas malapit sa konsepto ng isang perpektong demokrasya ang bansa. Ang pagsasabatas ng obligadong serbisyong militar ay magbibigay daan upang hayaan ang mga tiwaling opisyal sa gobyerno na magkaroon ng higit na kontrol sa bansa (Marshal, 2022). Inihayag ni Cabral (2021), na hanggang ngayon, ang pamilyang ng namayapang cadet na si Chua ay humihingi parin hanggang ngayon ng
“full justice” . Kaakibat nito ang pagsisiwalat ng kataka-takang pangongolekta ng bayad sa mga ROTC manuals na dapat ay provided o bigay na ng istitusyon at kung hindi magbabayd nang nasabing manual fee ay mapaparusahan. Mula rito, masasalamin na mayroong korapsyon at pagmamaltrato ang mabubuo sa loob ng program kung hanggang ngayon ay hindi parin nabibigyan ng buong hustisya ang pumanaw at naalipastangang cadet, babae man o lalak Kilala rin na ang dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsasalang ng batas na ito sa hukuman ngunit paano mapapagkatiwalaan ng mga kabataan ang mandatory ROTC program kung ang dating namumuno ay siya ring utak sa pagpaslang ng mga nakararami sa bayan (Erandio & Madanglog, 2023). Kabilang na rin dito ang kasalukuyang kaso ng pagkamatay ng isang estudyante na si John Matthew
Salilig mula sa Adamson University na pumanaw dahilan ng kasalukuyang hazing na patuloy na nagaganap sa isang kilalang fraternity sa bansa (Mateo, 2023). Talamak na ang gobyerno, kung mismong ang dating pangulo ay nandaya upang matakasan ang programang ito, tiyak na hindi ito magbibigay ng ihemplo sa mga kabataan upang makilahok sa programa kung kasaysayan na mismo at pamumuno na ang nagpapakita na madilim ang justice system ng bansa hanggang ngayon (Montalvan, 2023). Kung mayroon nang pondo ang nakalaan para rito, nararapat na mayroon ding pondo para sa ibang prayoridad gaya ng pag-sasaayos sa Pilipinas katulad ng pagtulong sa 26.14 milyong mahihirap na Pilipino o pagbibigay ng kasangkapan sa mga Local Government Unit (LGU) na mas angkop sa pangangailangan ng pandemya o pagpapabuti ng imprastraktura na matanggal nang naantala bago pa ipasa ang ipinapaabprubang programa sa hukuman.
Higit sa lahat, ang programang ROTC na ilulungsad sa mga estudyanteng nasa kolehiyo at Senior High School ay mag-aantala ng mga landas sa karera ng mga mag-aaral at posibleng makagambala sa kanilang buong pag-aaral o maging sa kanilang pagtatapos.
Maaaring hindi kapaki-pakinabang sa dumaraming bilang ng mga mag-aaral sa bansa ang biglaang i-backtrack upang ma-conscript dahil sa serbisyong militar na isinagawa.
Habang mas maraming estudyante ang nag-eenrol sa mga paaralan at sistema ng pagaaral sa buong bansa, tiyak na mas mabuting manatili sa ganitong paraan ang mga