1 minute read

Posisyong Posisyong papel

Dagdag pa rito, iginiit na ang pandemya ang nagbigay ng pansamantalang epekto sa mga operasyon ng terorismo sa Pilipinas Sa patuloy na pagtaas ng low-intensity terror operations (LIO) sa Pilipinas–beheadings, drive-by shootings, at kidnappings–nagbigay daan ito upang isulong muli ng mga bagong halal na pinuno ng bansa ang mandatory ROTC.

Sa bagong pamamahala ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Pangalawang Pangulo Sara Duterte, nagnanais na isulong muli ang mandatory military service na ROTC para sa lahat ng Pilipino, babae man o lalaki, sa pagsapit ng edad na labing-walo. Ang ROTC ay isa sa tatlong programa ng NSTP na nakatutok sa pagbibigay ng military training at paghahanda sa pambansang depensa. Ang programa ay direktang inihayag sa publiko na para sa paghahanda ng mga kabataan upang maipamalas ang halaga ng pagkamakabayan, nasyonalismo, at pagbuo ng karakter (Raposas, 2017). Inilulunsad ito upang ihanda ang mga kabataan at estudyante na magkaroon ng pagsasanay, karanasan, at praktikal na kasanayan upang matulungan ang mga kabataang magtagumpay sa anumang kumpitensya Kaakibat din nito ang pakikilahok sa programang sibilyan na naglalayong buoin at palakasin ang tulungan at kapatiran ng mga Pilipinong sundalo. Ang mandatory ROTC ay ang isinasaad na solusyon ng Pilipinas sa terorismo at indulhensiya. Ang programang ROTC ay nagbibigay ng daan upang humantong ang PIlipinas sa paglutas ng mga isyu, hindi lamang praktikal na isyu kundi sa mas malaking isyung pampulitika kaugnay na rito ang papel ng militar sa lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng ROTC magkakaroon ng pamumuno, pagtutulungan, at management skills ang mga kabataan na kailangan upang maging opisyal sa Philippine Army. Higit sa lahat, makakatulong ang programang ito sa mga Pilipino na bumubuo ng mga institusyon, pamahalaan, at bansa upang gawing institusyonal ang kalayaan at karapatang pantao.

Advertisement

Ang military service o serbisyong militar, isang paksa na inilahad sa pampublikong talakayan at lipunan upang mabigyang aksyon sa pamamagitan ng mandatory ROTC. Sa pagdami ng kawalang-kaugnayan ng serbisyong militar sa buhay ng karamihan sa mga mamamayan, pangangatwiran sa publiko na ang layunin ng serbisyong militar ay palakasin at pagtibayin ang prinsipyo ng pagkamamamayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglilingkod sa bansa sa oras ng pangangailangan. Gayunpaman, mahalagang maunawaan ang makasaysayang ugnayan sa pagitan ng militar at ng lipunan, gayundin ang pagsasaalang-alang sa kasalukuyang kalagayan ng gobyerno at serbisyong militar ng bansa (Marguiles, 2018). Ang paraan upang pasiglahin ang pagiging makabayan ay hindi sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa serbisyong militar. Ang muling pagpapakilala ng mandatory ROTC ay maaaring makita bilang isang hakbang tungo sa militarisasyon ng lipunan, na maaaring humantong sa pagkawalang bisa ng kalayaang

This article is from: