ANG_AMUDYONG_USANT_JHS

Page 1


Liwanag ng Mata at Katotohanan.

Amudyong Ang

Tomo I Blg. 1 • Ang Opisyal na Publikasyong Pampaaralan ng University of Saint Anthony - Junior High School Department • Lungsod ng Iriga • Rehiyon V • Agosto - Disyembre 2024

TULONG-TULONG SA PAG-AHON.

Naglunsad ng programa ang USANT na tinatawag na “USANT Cares”

upang bigyang suporta ang mga empleyado at estudyante na apektuhan ng Bagyong Kristine na inanunsyo noong ika-2 ng Nobyembre, 2024.

- Izzy Magistrado larawan mula sa USANTOfficial

balitangrehiyonal

I-scan lamang ang QR Code para sa iba pang mga impormasyon.

USANT Cares, inilunsad para sa mga apektado ng Bagyong Kristine

ilang tugon sa mga apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine, nagpaabot ng tulong ang pamunuuan ng University of Saint Anthony sa mga empleyado nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng USANT Cares Program noong ika-2 ng Nobyembre 2024.

Tumanggap ng

mga benepisyo sa ilalim ng nasabing programa ang mga empleyadong lubhang naapektuhan sa pananalasa ng nagdaang bagyo kabilang na ang Cash assistance para sa nasiraan ng bahay, tulong pinansyal para sa mga mag-aaral na nawalan ng libro, pagbigay ng relief goods, trauma counseling, rehabilitasyon, at pagpapabuti ng mga apektadong pasilidad ng paaralan.

Kaugnay pa rito, tumanggap din ng 50% ng kanilang 13th month pay at buong sahod sa buwan ng Nobyembre ang lahat ng empleyado sa kabila ng patuloy na suspensiyon sa trabaho at klase upang maibsan ang hirap at matugunan ang pagbangon mula sa epektong iniwan ng bagyo.

“Our President, Atty. Mickey Ortega, has personally listened to the stories of our faculty

and staff, hearing what they went through and understanding how we can best support them during this challenging time. He also visited the campus to assess how we could rehabilitate and restore our facilities, and relief goods were distributed to those in need. An emergency meeting with all principals and deans was also called to focus on our student’s wellbeing and discuss how we can support them moving forward” ayon sa facebook post ng USANTOfficial.

Bukod rito, tumanggap din ng tulong na aklat, uniporme at iba pang gamit sa paaralan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng Donation drive na kabilang sa programa.

“Witnessing the devastation our community endured has been heartbreaking, but it has also strengthened our resolve to support those who need us most”, pahayag ni

Atty. Emmanuel SD. Ortega, LLM Presidente ng USANT sa kanyang Facebook post.

“Our USANT Cares programs are here to bring vital relief, including cash assistance for affected faculty and staff and subsidies for students who lost their school books. We are grateful for the opportunity to serve and uplift our USANT community. Together, we can rebuild and heal”, dagdag pa niya.

Sa kabila ng nagdaang bagyo, patuloy pa ring makararanas ng pag-ulan ang Kabikulan dahil na rin sa pagpasok ng Hanging Amihan at Easterlies na nagdudulot ng thunderstorms ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA. Kaugnay nito, pinag-iingat ng mga awtoridad ang bawat isa sa posibleng mga pagbaha at landslide.

DEPED RO V, nagsagawa ng Regional Training para sa mga School Paper Advisers sa Bicol

Bilang paghahanda sa Schools Press Conference, nagsagawa ang DEPED RO V o Department of Education - Regional Office V ng training na nakatuon sa Collaborative Desktop Publishing, Online Publishing at School Paper Production para sa mga School Paper Advisers mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bicol na ginanap sa Guinobatan, Albay noong Setyembre 26-28, 2024. Kaugnay rito, nakamit ng University of Saint Anthony (USANT) ang Overall 1st Runner-Up matapos nilang ipamalas ang kanilang galing at umani ng 56 na puntos sa nasabing Regional Training. Nasungkit nila ng 3rd Place sa Collaborative English Editorial Page at 2nd Place sa Feature Writing sa kategorya ng Elementarya. Sa Sekondarya naman, nakakuha naman sila ng 3rd Place sa Pagsulat ng Editoryal at Pahinang Lathalain. Ang mga tagumpay na ito ay nagpapakita ng kanilang pagsisikap at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Hindi rin nagpahuli ang USANT sa Online Publishing, kung saan nagtamo sila ng 1st Place sa Secondary Online Pub Sports at Best in Photos. Ang mga tagumpay na ito ay hindi lamang nagbigay karangalan sa kanilang paaralan kundi pati na rin sa mga guro at tagapayo na nagbigay ng suporta. Nagpapasalamat ang koponan sa DepEd Region-V, lalo na kina Dr. Joan Lagata, Dr. Rechie Salcedo, at Dr. Claudia Marilou Marpuri, at sa lahat ng mga kasamahan sa Bicol Region para sa natatanging karanasang ito.

ni CARL JOSHUA PANDES

USANT, nakapasok sa 2024 NAMCYA Junior Solo Category Ang USANT Rondalla ay pumili ng anim na kalahok na lumaban sa 2024 National Music Competition para sa Young Artists - Junior Solo Categorry (NAMCYA) na umabot sila hanggang finals ng kompetisyon. Sa 2024 NAMCYA Junior Solo Category elimination round, na naganap noong Setyembre 3, 2024, matagumpay na ipinamalas nina Precious Anne Apondar, Lovely Joy Cortero, at kanilang mga kasamahan na sina Adriane Manalo at Gideon Valdemoro ang kanilang mga talento sa musika sa pamamagitan ng isang video. Matapos ang elimination round, sina Precious Anne Apondar, Adrian M. Manalo, at Geraldine Abonalla, na kumakatawan sa USANT Rondalla, ay umabante sa semi-finals kasunod ng elimination round at muling nagtanghal ng kanilang galing sa musika sa Yaman Lahi Theater ng Emilio Aguinaldo College Gym noong Oktubre 5, 2024.

Nakapasok sa elimination round at umabot hanggang semi-finals ang University of Saint Anthony Rondalla (USANT Rondalla) sa 2024 National Music Competitions for Young Artists Junior Solo Category (NAMCYA) na isinagawa noong Setyembre 3 at Oktubre 5, 2024.

Bukod pa rito, ang NAMCYA ay isang kompetisyon kung saan ang mga kabataang musikero sa buong Pilipinas ay nagpapakita ng kanilang mga talento sa musika, ang taunang kompetisyong ito ay nagbibigay sa mga kabataan mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas ng isang entablado upang ipakita ang kanilang mga artistikong kakayahan at mga lokal na tradisyon ng musika sa isang pambansang madla.

larawan mula kay REGINE QUITE

PATUNGO SA MALIGAYANG

PASKO

Gift Giving sa San Pedro, isinagawa ng USANT

ni GUIA AMOR ALDIANO

pang magbigay saya sa mga

bata ng San Pedro ngayong

Pasko, nagsagawa ang

University of Saint Anthony Junior High School (USANT JHS) Faculty kasama ang iba pang organisasyon ng Gift Giving na may temang "Handog ang Pagkakaisa at Pag-asa" noong ika-14 ng Disyembre, 2024.

Maliban sa paghandog ng regalo, nagkaroon din ng iba pang aktibidad tulad ng iba’t ibang palaro para sa mga bata, at ang pagbigay ng mensahe ni Dr. Francia T. Buffe, punong guro ng USANT JHS. Ayon kay Bb. Louiella May B. Vargas, Community Extension Coordinator ng USANT JHS, naging fulfilling ang Gift Giving sa kanilang parte dahil lahat ng iyon ay nagmula sa mga guro at estudyante ng USANT.

Dagdag pa niya, ang ginawa nilang pagtulong ay nagparamdam sa mga bata na mahalaga sila, na bagamat malayo ang kanilang lugar ay nagagawa pa rin silang puntahan.

Lungsod ng Iriga, nilamon ng apoy

Sumiklab ang apoy sa pamilihan ng Lungsod ng Iriga matapos lamunin ang kalahati nito ng sunog noong madaling araw ng ika-2 ng Pebrero, 2024. Nagsimula ang apoy bandang alas dose ng madaling araw at tumagal halos tatlong oras. Nagsidatingan ang pulis, mga bumbero, at ilang mga lokal upang tumulong sa pagpatay nito. Tuluyan namang humapa ang sunog bandang alas tres ng umaga. Kislap daw ng isang charger di umano ang naging sanhi ng pagkaapoy, ayon sa ilang residente. Hanggang ngayon, hindi pa kumpirmado ang pinagmulan ng apoy. Nagbigay ang gobyerno ng salapi at relief goods bilang tugon sa pangyayari. Ayon naman kay Princess De Guzman, isang estudyanteng biktima ng sunog, “Kung tutustusin, ‘yung binigay na pera ng government ay hindi close compared sa mga pwesto na malapit na sa milyon ‘yung babayaran.”

Gurong mananayaw sa USANT, nagwagi sa Cheer Dance sa Thailand ni GUIA AMOR ALDIANO

sa University of Saint Anthony (USANT) Junior High School Department nang siya'y humataw sa Urban Cheer Dance Doubles Category sa 1st International Thailand Open Championship 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay G. Marcial, na isa ring dance coach sa USANT Dance Troupe, marami siyang naging paghahanda para sa kompetisyon. "Una, syempre yung disiplina sa sarili, kailangang matulog nang maaga at kumain ng tama at masustansiyang pagkain para may lakas araw araw. Pangalawa, yung training araw araw, nag eensayo kami ng tatlo hanggang limang oras sa isang araw para magpalakas ng stamina, katawan, flexibility, technique, acrobatic skills and

pag practice ng choreography para sa piyesa namin para sa kompetisyon. Pangatlo, yung pag prepare ng props, costume at pag asikaso ng requirements at iba pang kailangan para sa pag travel at competition namin. Pinakahuli, yung pag hingi ng tulong pinasyal para sa competition namin, pag hanap ng sponsors at donors dahil hindi naman kami suportado ng gobyerno o kahit anong organisasyon o institusyon. Kaya kanya kanya talaga kaming gastos para lang makatravel at makapag compete sa Thailand." Dagdag pa niya na hindi naging madali ang karanasan niya upang maging kampeon. "Natural na yung mapagod habang naghahanda at mag ensayo, pero syempre hindi lang din naman yun ang kailangan namin asikasuhin, since, independent kami at wala kaming inaasahang mag aasikaso saamin. Kami na lahat lahat ang gumawa, simula sa promotion para makahingi ng tulong pinansyal, funding, costumes, pag gawa ng props, maging sa pag bili at paghanap ng murang plane ticket. lahat ng yan kami ang gumawa", sabi niya. Hindi naman maipaliwag ang tuwang naramdaman ng guro matapos malaman ang resulta. Ayon sa kanya, "Sobrang saya at gaan ng loob dahil naging worth it lahat ng pagod at sakripisyo. dahil kung tutuusin wala naman talaga kaming ibang hinahangad o pinapangarap na mangyari sa pag sali namin sa Thailand Open, kundi mairepresenta ang Pilipinas at para manalo at makuha ang trophy just to bring pride and honor for our country at mai-showcase ang talento at galing nating mga bicolano lalo na ng mga Irigueño. sa una palang alam naming wala itong cash prize, pero meron kaming gustong patunayan na kaya naming manalo sa ganitong klaseng kompetisyon at hindi lang tayo pang probinsya lang, kaya rin nating makipagsabayan lalo na sa ibang bansa."

Nagpakita ng kahusayan sa pagsayaw ang University of Saint Anthony (USANT) Dance Troupe sa "Sayaw Pinoy: The NCAA National Dance Competition 2024" sa Kartilya ng Katipunan, Ermita, Manila noong Setyembre 28, 2024. Sumali sa kategoryang hiphop ang UDT gamit ang kanilang orihinal na sayaw na may titulong "Balat-Kayod." Sa kanilang makabago at dinamikong sayaw, matagumpay na naiparating ng grupo ang mensaheng nagtatampok sa ganda ng "kayumanggi" na kulay — simbolo ng pagkakakilanlan at lakas ng mga Pilipino. Base sa sayaw na itinanghal ng UDT, ang pagkakabuo ng "Balat-Kayod" ay naglalayong maipakita ang reyalidad ng buhay ng mga manggagawang Pilipino, na bagamat nahaharap sa iba't ibang pagsubok, ay patuloy pa rin na lumalaban. Ang “Sayaw Pinoy” ay isang makabuluhang plataporma para sa mga lokal na mananayaw na ipagmalaki ang kanilang talento at ipakita ang diwa at pagkakakilanlan ng lahing Pilipino. Sa pagkakataong ito, ang UDT ay naghatid ng inspirasyon sa kanilang mga kasamahan at mga manonood sa pamamagitan ng kanilang kahanga-hangang pagtanghal. Dagdag pa rito, ang nasabing kaganapan ay tinampukan ng mga prestihiyosong grupo mula sa iba't ibang paaralan sa buong

Nagpasalamat naman ang guro unang-una sa Panginoon, kaniyang pamilya, coaches at iba pa. "Sa aming pamilya na patuloy na sumusuporta sa pagsasayaw namin. Sa aming coach na si Sir Rodrigo Salando Jr. sa sakripisyo, tulong, gabay at pag hubog saamin, para maging disiplinado at magaling kaming mananayaw. Saludo kami sayo coach! At higit sa lahat, yung mga tumulong sa amin upang maging posible ang pagsali namin sa kompetisyong sinalihan namin, lalong lalo na sa mga sponsors at donors. Kung hindi dahil sa tulong nila kulang ang aming budget to finance our travel. Pati na rin sa may ari ng Monkey Naughty Cheer and Dance Team sa Thailand maraming salamat sa pagpapatuloy saamin sainyong dance studio para may mapag stay-an kami during our stay in Thailand. And syempre, sa lahat ng mga sumoporta simula nung una, sa mga naniwala, at patuloy na naniniwala sa aming grupong Movement Style Dance Co", dagdag pa niya.

“ Ang paglalakbay ay hindi lamang para sa gantimpala, kundi

pati sa mga aral na madadala.

Pagbubukas ng Kauna-unahang McDo sa Rinconada, nagantig atensyon ni ANGEL ZYANAH LARCENA

Napukaw ang atensyon ng mga tagaRinconada sa pagbu-bukas ng kauna-unahang McDonald’s sa Lungsod ng Iriga noong Disyembre 11, 2024. Ayon sa ibang estudyante, isa sa matagal nang inaasam ng mga tagaRinconada ang pagkakaroon ng McDonalds, sa kadahilanang hindi na raw nila kailangan bumiyahe sa karatig na bayan para lamang makakain sa nasabing fast food chain. Gayunpaman, ilang kostumer ang nagpahayag ng kanilang reklamo kaugnay sa mabagal na serbisyo ng establisyimento. Ayon sa kanila, umabot ng ilang oras ang kanilang paghihintay bago natanggap ang kanilang mga order, at sa kasamaang-palad, malamig na ang pagkain nang dumating ito.

Dagdag pa rito, ang pagbukas ng McDonalds ay nakapagbigay ng oportunidad para sa mga taong naghahanap ng mapagkakakitaan. Sa kabila nito, patuloy pa rin na dinarayo ng mga tao ang pagbubukas ng kauna-unahang McDonald sa Lungsod ng Iriga.

larawan mula sa USANT Dance Troupe OFFICIAL PAGE
Nakamit ang kampeonato ni G. Charles Shaine D. Marcial, isang gurong mananayaw mula
Higit kalahati ng pamilihan sa
Halaga ng
larawan mula kay Jesse DV Abonite Jr.

Dahil sa matinding epekto ng Bagyong

Waras Bridge, gumuho matapos ang Bagyong Kristine

Hirap sa transportasyon ang mga estudyante ng University of Saint Anthony na naninirahan sa Baao dahil sa pagbagsak kamakailan ng Waras Bridge matapos ang pagdaan ng Bagyong Kristine noong ika-24 ng Oktubre, 2024.

Ang tulay, na nag uugnay sa San Agustin, Iriga at San Jose, Baao, ay kamakailan lamang na hindi madaanan matapos ang halos kalahati nito ay gumuho dahil sa matinding baha na dala ng bagyo at kawalan ng steel reinforcement. Dahil dito, tumatawid ang mga pasaherong patungong Iriga o Baao sa mga mapanganib na alternatibong ruta tulad ng riles, na naging dahilan naman ng ibang Anthonians sa kanilang pagkahuli o pagliban sa klase. Tumaas rin ang bayarin para sa pamasahe dahil sa mas mahajabang ruta.

Sa ngayon, pinapalitan na ang tulay ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH) na may badyet na ₱39 milyon. Kasama na dito plano na palawakin ito mula sa dalawang linya patungong apat.

balitaopinyon Pagtaas ng Singil ng CASURECO III, Ipinatupad para sa Setyembre 2024: Mga Konsyumer, Apektado

ang mga konsyumer

matapos ang anunsiyo ng kooperatiba ng lalong pagtaas ng singil sa kuryente.

Ayon sa pinakahuling Power Rates Advisory ng cooperative, tumaas ng Php 3.69 per kWh ang kabuuang singil mula Agosto hanggang Setyembre 2024, na nagdala ng Residential Rate sa Php 18.55 per kWh. Ayon sa advisory ng nasabing cooperative, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng singil ay ang tumaas na gastos sa Generation at Transmission, na may pagtaas ng Php 2.60 at Php 0.30 per kWh, ayon sa pagkakabanggit. Ang System Loss ay nadagdagan din ng Php 0.43 per kWh, samantalang ang singil para sa Distribution, Supply, & Metering at RFSC (Reinvestment Fund for Sustainable CAPEX). Ang pagtaas na ito ay higit pang nadagdagan ng mga singil mula sa pamahalaan, tulad ng value-added tax (VAT), na lumono mula Php 1.40 noong Agosto sa Php 1.75 ngayong Setyembre. Nabangit sa advisory na ang Line Rental Charges at ang mga singil para sa Ancillary Services – Reserve Market ay ilan sa mga pangunahing dahi-

Anim na USANT Junior High School Teachers, ginawaran ng ICAPS bilang Outstanding Private School Teachers ni FERLY ATHENA BIGTAS

Ginawaran ng Iriga City Association of Private Schools (ICAPS) sina G. Ryan R. Roman, G. Jenri O. Azuela, Bb. Richelle C. Amaro, Bb. Angelica Mae R. Lizardo, Bb. Elyssa P. Evangelista, at G. Roy C. Saberdo, mga guro mula sa University of Saint Anthony Junior High School Department (USANT JHS) bilang Outstanding Private School Teachers noong ika-14 ng Oktubre 2024 bilang parangal sa walang tigil nilang kontribusyon at dedikasyon.

lan ng pagtaas ng transmission at generation rates. Ang mga singil na ito ay para sa mga dagdag na serbisyo ng grid upang mapanatili ang katatagan ng suplay ng kuryente. Para sa mga residente ng Iriga City,

Abot kayang presyo ng kuryente ang hiling ng mga mamamayan para sa mas progresibong bayan.

Maicah Magistrado isang mamamayan ng Rinconada

ang fixed rate ay mananatili sa Php 25.60 bawat customer bawat buwan, habang ang mga may Low Voltage ay magkakaroon ng singil sa Php 17.21 per kWh at ang may High Voltage ay papalo sa Php 15.32

per kWh. Ang demand charge para sa mga high voltage customers ay umaabot sa Php 213.96 per kWh.

SA IBANG PARTE NG RINCONADA Epekto sa ibang lugar ng rinconada, hindi lamang mga taga-Iriga City ang apektado. Sa ibang bahagi ng Rinconada, nakaranas din ng pagtaas ng singil sa kuryente. Sa residential rate, umabot ito sa Php 18.52 per kWh habang sa low voltage rates, katulad ng sa commercial at industrial sectors, umakyat sa Php 17.18 per kWh. Ayon sa Energy Regulatory Commission’s (ERC) Resolution No. 02, Series of 2021, ang CASURECO III ay pinapayagang mabawi ang lahat ng makatwiran at legal na singil kaugnay sa mga buwis na ipinapataw ng mga local government units (LGUs), tulad ng Franchise at Business Tax ng LGU Iriga.

ESTUDYANTE’S POV Marami namang estudyante ang dismayado dahil kailangan nilang gumamit ng

larawan mula sa PODS & PIX 6.7M

Sa kabilang banda, nakakuha rin ng Service Awards sina Gng. Francia T. Buffe, matapos nagbigay ng kanyang serbisyo ng 34 na taon, Gng. Neonita F. Marpuri na mayroong 37 na taon, G. Zaldy B. Buffe na may 35 na taon, Gng. Veronica F. Romaraog na may 38 na taon, at sina Gng. Mey S. Oliva at Gng. Bibona B. Veras na parehong nag bigay ng 23 na taon sa serbisyo.

USANT JHS, sinalubong ang mga Estudyante sa Pagbubukas ng Taon

Masayang sinalubong ng University of Saint Anthony - Junior High School (USANT JHS) ang mga mag-aaral mula baitang pito hanggang sampu noong ika-9 ng Agosto, 2024 sa USANT Forum. ni CARL JOSHUA PANDES

Ipinagdiwang

mga kagamitan sa tahanan kagaya ng telebisyon, laptop, electric fan at iba pa para sa kanilang pag-aaral. Dahil sa maghapong paggamit ng kuryente ng mga estudyante lalo na sa mga may online class, nahihirapan silang abutin ang layunin na bawasan ang paggamit ng mga appliances.

EPEKTO SA MAMAMAYAN Ayon naman sa isang mamamayan, Naapektuhan ng mataas na singil sa kuryente ang kanilang sambahayan sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kanilang buwanang paggastos. Sinubukan nilang gumamit ng mas kaunting mga appliances at naghanap ng mga solusyong matipid sa enerhiya. Inaasahan ng CASURECO III na mas magiging matatag ang suplay ng kuryente sa kabila ng mga dagdag na singil, habang patuloy itong nagsusumikap na mapababa ang gastos at mapanatili ang kalidad ng serbisyo para sa mga konsyumer.

pinagmulan: Office for the Coordination of Huminitarian Affairs

Ang programa ay nagsimula sa pag awit ng anthem ng Lupang Hinirang at pinangunahan ni Dr. Francia T. Buffe, punong guro ng Junior High, ang programa bilang pambungad pananalita, sinundan naman ito ni Dr. Jose B. Ballesteros ang Vice President of Academic Affairs.

Samantala, binigyang pagkilala ang mga nakapasa ng scholar sa Dona Felisa na naganap noong ika-15 ng Hulyo, 2024, na isinagawa sa loob ng mga silid-aralan ng Junior High School Department.

Dagdag pa rito, itinanghal ng USANT Performing Arts Group (UPAG) ang kanilang mga talento, kabilang na rito ang USANT Band, USANT Majorettes, USANT

Nagtipon ang Boy Scouts of the Philippines Outfit No. 72 at Girl Scouts of the Philippines USANT Chapter upang ipagdiwang ang Scouts' Month 2024 na may temang SIKLAP: Awakening the Flame of Scouting noong Oktubre 5, 2024.

Ang programa ay sinimulan sa pamamagitan ng Crew Yell at Flag making at binuo rin ng iba't ibang aktibidad tulad ng mga palaro na hindi lamang nagbigay tuwa sa mga Scouts kundi pati na rin ng mga hamon.

Layunin ng Scouts' Month na mabigyan ng karangalan ang mga scouts at palakasin ang samahan at pag-unawa sa isa't isa.

Ayon sa mga Scouts, ang pagdiriwang na ito ay nagbigay ng daan sa kanila upang ipakita ang kanilang lakas at dedikasyon sa kani-kanilang organisasyon.

Rondalla, USANT Dance Troupe (UDT), at USANT Chorale ang kanilang mga talento sa programa. Samantala, ipinakita ng Junior High ang mga uniporme mula sa iba’t ibang organisasyon, simula sa USANT JHS Uniform, USANT JHS P.E., Sports Attire, Girls Scout of the Philippines (GSP), Boys Scout of the Philippines (BSP), at Citizenship Training Program (CTP).

Pagkatapos, itinanghal na ang inihandang yell ng baitang pito. Ang bawat seksyon ay nagpakita ng kanilang pagkakaisa at enerhiya sa pamamagitan ng kanilang masiglang pagganap ng kanikanilang yell.

Siyam

Ang forum ay may temang “Systems and Anticipatory Thinking for Sustainable Student Activities and Stewardship,” na nagbigay-diin sa kahalagahan ng estratehikong pamumuno sa mga organisasyong estudyante at ang pagsasama ng napapanatiling mga kasanayan sa kanilang mga proyekto. Pinangunahan ng mga eksperto sa larangan ang mga workshop, keynote address, at

breakout session, kung saan natutunan ng mga kalahok ang mga bagong pamamaraan para mapahusay ang kanilang mga programang pang-estudyante. Ang pakikilahok ng mga lider na ito ay nagpapakita ng kanilang pangako sa progresibong pamumuno, at sa forum ay nagkaroon sila ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa mga kapwa estudyante at mga

kaugnay na balita USANT Cares, inlunsad para sa mga apektado ng Bagyong

Kristine

BALITA - PAHINA 1

14.85

18.55

tagapayo mula sa iba’t ibang institusyon. Inaasahan na ang karanasang ito ay magbibigay-inspirasyon sa kanila upang ipatupad ang mga natutunang estratehiya sa kanilang kampus, na may pokus sa pagiging inklusibo, napapanatiling aktibidad, at kahandaan sa pagbabago. Sa ganitong paraan, magiging mas handa silang lumikha ng positibong pagbabago sa kanilang mga komunidad

at magtaguyod ng responsableng pamumuno para sa mga estudyante.

Kristine,
ni AYESSA XIANELLE CARLOS
larawan mula sa Pasada Rinconada Camarines Sur
sa mga numero
Mga pamilya na apektado mula sa buong Pilipinas sa pananalasa ng Bagyong Krstine noong Oktubre 2024.
larawan mula

editoryal

LABAN SA AGAM-AGAM

ni WINCEL CENIT

Hindi natin maikakaila na kahit anong pagod ang ibuhos natin sa pagkamit ng ating kagustuhan ay may makakasalubong tayong iba na tila ba'y hindi man lang pinagpapawisan.

Nakakainggit, nakakabagot, nakakapanghina ng loob — hindi ba’t ginawang pantay-pantay ang bawat tao? Ngunit gaano man karami ang itanim na sagabal sa ating dinaraanan ay ganoon din ang oportunidad na malugod na nagpapakita sa kanilang direksiyon. Nakakainggit na makita ang pambihira nilang talento sa mga bagay na nagkukulang ang iba. Nilalampasan nila ang bawat balakid na may angking kagalingan ngunit dahil dito ay bihira nilang napagdaraanan ang mga aral na susi sa pinto ng magandang kapalaran. Ang mga sariling pagsisikap tungo sa pagbabago, na inilalarawan kung paano sila hinubog ng kanilang kapaligiran. Kung hindi ito maisasabuhay ay maaaring isang gabi lamang ang kanilang tagumpay. Datapwat, may mga sumusubok pa rin na lumaban katabi ng mga taong may likas na kagalingan, hindi maiiwasan ang pagbaba ng kanilang tingin sa sarili. Nakalahad sa isang artikulo ng WebMD noong 2024 na ang pagkababa ng ating tingin sa sarili ay naguugat sa ating kabataan na nakatutulong upang tayo ay mahikayat na pagbutihin ang ating sarili. Huwag lang natin itong dalhin sa paglaki dahil ito rin ang sanhi ng iba’t ibang sakit tulad ng depresyon at pagkabalisa. Panindigan natin ang ating katayuan sa lipunan at huwag itapon ang oras sa mga bagay na magpapabagal sa ating paglago. Sa kabila ng matinding hadlang, madali silang makapulot ng mga kalasag na pansangga sa mga problema at pantanggal ng buhol sa lubid ng kanilang kapalaran. Ito man ay nakakabagot, hindi kailangan ng paglago ang pag-iwas sa kinakailangang ibato na pasakit ng hinaharap. Sa halip ay maaaring umusbong pababa ang iyong tinatamo kung hindi mo kayang gawan ng solusyon ang mga suliraning iyong pinagdaraanan. Ang lubid ng kapalaran ay hindi

magbabago at patuloy na bubuhol sa bawat kalas ng isang tao.

Mabibigyan natin ng solusyon ang ating mga problema kung yayakapin natin ang ating mga pagkakamali. Isaisip natin na lahat naman ng tao ay naghihirap upang makamit ang kanilang inaasam kahit hindi nila ito pinapakita. Ayon sa isang artikulo ng Psychology Today, ang

Kahit saang dako man tayo mapadpad, lilitaw at lilitaw parin ang mga taong sa tingin natin ay mas nabiyayan ng talento. Dahil dito, madalas ay pinapairal natin ang kaisipang tayo ay nasa mababang katayuan at huli na upang mahabol sila sa pagtakbo. Kung susuriin, kaya natin silang mapantayan sa pagdaan ng panahon basta’t

makahanap ng tuwid na daan tungo sa iyong pangarap. Ang lahat ng iyong pinagdaraanan ay nararapat para sa tagumpay na naghihintay sa iyo. Pagtibayin ang iyong tiyaga at pasensiya para makaabot sa tuktok at huwag susuko kahit ano mang hamon ang sumalubong sa iyo. Ang totoong gantimpala ay hindi nakasabit sa gitna, ito ay nasa bawat sulok ng silid. Alalahanin nating tayo ay pantay-pantay sa mata ng tagumpay. Sa atin nakasalalay kung paano natin ito makakamit. Ang mga may kagustuhan nito ang aakyat ng may dangal at tapang kahit sila ay nahihirapan. Maging tapat sa iyong sarili at ibigay ang natatanging kakayahan dahil kahit ito ay sapat na upang umangat sa kinahihigaan. Lahat ay may talentong kailangang paigtingin upang maging pinakamahusay na bersyon ng sarili.

kanilang mga nararanasan. Sa huli, hindi magkakaroon ng talento ang isang tao kung hindi nila sisikaping mapasagana ito. Ang solusyon sa ating mga kinakaharap na suliranin ay sumasalamin sa kung paano natin ginagamit ang ating mga bagay sa ating paligid. Kung bibigyan natin ng pagkakataon ang ating sarili na ipamalas ang ating pinakamahusay na kakayahan, mawawala ang mga agam-agam na bumabagabag sa ating pagwawagi laban sa hamon ng buhay.

Sa mabilis na pag-ikot ng mundo, ang mga naglalakad ay natututong tumakbo habang ang mga tumatakbo ay natututong lumipad.

Simoun Verell M. Gedaca Punong Dibuhista Rhieanhel F. Mirandilla Katulong Dibuhista

Ma. Louis Adellaine I. Gonzaga Punong Tagalarawan Izzy Azhley C. Magistrado Katulong Tagalarawan

Syfiah D. Alcantara

Punong Direktor sa Tagapagbalita

Ayessa Xianelle B. Carlos Katulong Direktor sa Tagapagbalita

dibuho ni RHIEANHEL MIRANDILLA

MGA MAY AMBAG Agbanlog, Anjela Sofia Andes, Denise Rodelli Aquiler, Elijah Paulos Arizala, Rey Ysmaeil Berina, Marielle Nathally Bondoy, Harxander Brosas, Alliah Mae Camba, Isabella Canuto, Brenah Cortan, Peter Andrei Daza, Roseanne France De Lima, Jefferson Dematera, Francyn Chloe Deris, Franchezka Lyann Fernandez, Haris Drenz Fang, Patricia Isabelle Gabarda, Allana Yzabelle Gerasmio, Arben Calleigh Grado, Jamila Kai Hashimoto, Nikki Yumi Larcena, Angel Zyanah Luceña, Jaela Margarette Magistrado, Vhone Clarize Martinez, Earl Aelle Lewis Patano, Hannah Zoe Yvonne Pandes, Carl Joshua Postrado, Kristine Kaye Rifareal, Jeisha Rodriguez, Rheine Yliara Sanchez, Elaine Joie Solis, Yulian Taduran, Frances Nyah Tubig, Alliah Fatima Uvero, Joshua Miguel Vela, Keisha Ayel Avery Zarzoso, Trixie Farrah Zoilo, Ma. Yvette

Bb. Nemy Rose T. Achero School Paper Adviser

G. Bobby V. Nacario, Jr. Tagapayo ng Pahinang Balita

Bb. Shazny B. Victoria Tagapayo ng Pahinang Editoryal G. Jenri O. Azuela

Batas Pabor sa Mayaman, Hindi sa Mamamayan

Sa ating lipunan, ang hustisya ay tila isang malayo at imposibleng pangarap para sa marami. Mayroong matitinding bahid at malalim na mga bitak sa gitna ng sistema ng hudikatura ng ating bansa. Ang hustisya ay dapat maging ilaw ng isang bayan, ngunit sa kabila ng mga pangako, ito'y nagiging kasangkapan ng mga korupt na may kapangyarihan.

Bakit ang mga buwis na ating binabayaran, na nilalayong magsilbing benepisyo para sa ating bansa, ay sa halip ay ginagamit upang punuin ang mga bulsa ng iilang may pribilehiyo? Ano ang halaga ng isang sistema na nagbubulagbulagan sa mga taong dapat nitong paglingkuran?

Ayon sa isang artikulo ng Amnesty International, tinatayang 30,000 biktima ang hindi makatarungang pinatay sa mga extrajudicial killings sa panahon ng “War on Drugs,” habang nakakagulat na 20% lamang ng mga biktima ang nakakita ng hustisya. Isipin ang sakit at paghihirap na dinaranas ng kanilang mga pamilya at kaibigan, na nakasaksi sa pagkawala ng kanilang mga buhay at sa kawalang parusa na tinatamasa ng mga tinatawag na alagad ng batas, na nananatiling hindi napa parusahan.

Maaaring mangatuwiran na ang pagkamit ng isang Pilipinas kung saan nananaig ang hustisya ay halos imposible dahil sa katiwalian na umaabot sa ating mga opisyal. Gayunpaman, dapat nating tandaan na tayo ay isang demokratikong bansa. Nasa ating mga kamay ang kapangyarihan, kasama ang mga karapatan na ipinagkaloob sa atin ng ating mga ninuno.

Maraming iba pang mga bansa, tulad ng Denmark, ang halos nag-alis ng katiwalian sa pamamagitan ng samasamang pagsisikap ng kanilang mga mamamayan. Itaas natin ang ating mga tinig laban sa kawalan ng katarungan at magkaisa upang bumuo ng isang sistemang nagsisilbi hindi lamang sa makapangyarihan kundi sa lahat ng mamamayan, na nagtitiyak ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon. Sa mga salita ni José Rizal, "Ang kabataan ang pag-asa ng ating kinabukasan." Sama-sama tayong maging mga arkitekto ng kinabukasan na iyon, kung saan ang hustisya ay nananaig at ang bawat Pilipino ay nabubuhay na may dignidad at hustiya.

Isang Pagsusuri

Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga pinakamalaking hamon na kinakaharap ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay ang pagpapabuti ng kalidad ng pagtuturo at pagkatuto. Upang tugunan ito, inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Matatag Curriculum, isang makabagong inisyatiba na naglalayong pahusayin ang kakayahan ng mga mag-aaral at ihanda sila para sa hinaharap. Sa ilalim ng programang ito, ang mga pangunahing layunin ay ang pagsasaayos ng batayang kaalaman, paghahanda para sa makabagong mundo, at pagpapalalim ng kultural na kamalayan.

Ang pangunahing layunin ng Matatag Kurikulum ay ang pagsuporta sa mga mag-aaral sa kanilang pag-unlad. Una, nakatuon ito sa pagpapalakas ng mga pangunahing kasanayan sa pagbasa, pagsusulat, at aritmetika, na itinuturing na pundasyon ng mas mataas na pag-aaral. Sa ganitong paraan, masisiguro na ang bawat mag-aaral ay may sapat na kaalaman na kakailanganin nila sa kanilang akademikong buhay. Pangalawa, ang curriculum ay nagbibigay-diin sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa makabagong mundo. Sa pamamagitan ng integrasyon ng makabagong teknolohiya at mga kasanayang kailangan sa ika-21 siglo, tulad ng critical thinking at digital literacy, nilalayon ng Matatag Kurikulum na mas maging handa ang mga mag-aaral sa mga hamon ng modernong buhay. Panghuli, isinusulong ng curriculum ang pagpapahalaga sa lokal na kultura at kasaysayan. Sa pamamagitan ng mga aralin na nakatuon sa mga lokal na tradisyon at kuwento,

hinahangad na magkaroon ng mas malalim na pagkilala at pagmamalaki ang mga mag-aaral sa kanilangang pagkatao at bayan.

Isang natatanging aspeto ng Matatag Kurikulum ay ang paggamit ng interdisiplinaryo ng lapit sa pagtuturo. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba't ibang asignatura, nagiging

epektibong implementasyon ng kurikulum, nagbibigay ang DepEd ng mas masinsinang pagsasanay para sa mga guro. Ang mga guro ang pangunahing tagapagturo at mahalaga ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagdaloy ng bagong nilalaman at pamamaraan. Sa pamamagitan ng pagsasanay, maihahanda sila sa

ay magiging bahagi ng kabuoang pagganap ng mga estudyante, na nagbibigay ng pagkakataon sa kanila na ipakita ang kanilang natutuhan. Bagamat maraming positibong aspeto ang Matatag Kurikulum, may mga hamon din na kinakaharap ito. Isang malaking isyu ang kakulangan ng mga modernong kagamitan at pasilidad sa mga

Matatag na sistema ng edukasyon para sa mga kabataan, para sa mas matatag na indibiduwal ng kinabukasan.

mas makatotohanan at kapaki-pakinabang ang karanasan ng mga mag-aaral. Halimbawa, maaaring pag-aralan ang mga konsepto sa matematika habang nagsasaliksik ng mga katutubong kuwento, na nagbibigay-diin sa ugnayan ng kaalaman at kultura. Upang masiguro ang

Isang Dagitab Lamang

mga bagong hamon at estratehiya sa pagtuturo. Bukod dito, may kasamang masusing sistema ng pagsusuri ang curriculum upang matiyak na ang mga mag-aaral ay natututo at naghahamon sa kanilang mga kakayahan. Ang mga pagsusulit at proyekto

paaralan, na maaaring makaapekto sa epektibong pagtuturo. Sa maraming paaralan, ang mga guro at estudyante ay nagiging limitado sa mga sanggunian na kinakailangan upang maipatupad ang bagong kurikulum. May mga kritika rin tungkol sa pagsasanay ng mga

guro. Bagamat may mga inisyatiba para sa kanilang kaalaman at kakayahan, may mga nag-aalala na hindi pa rin ito sapat upang matugunan ang mga pangangailangan ng bagong kurikulum. Ang tagumpay ng Matatag Kurikulum ay nakasalalay hindi lamang sa magandang balangkas kundi pati na rin sa suporta at kakayahan ng mga guro. Sa kabila ng mga hamon, ang Matatag Kurikulum ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas magandang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ang layunin nitong pagyamanin ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral ay nagbibigay ng pagasa para sa hinaharap ng edukasyon sa bansa. Sa tulong ng mga guro, magulang, at komunidad, ang Matatag Kurikulum ay may potensyal na makagawa ng makabuluhang pagbabago at lumikha ng mga mamamayang handa sa hamon ng makabagong mundo. Sa huli, ang mga pagsisikap na ito ay naglalayong itaguyod ang isang mas matatag na sistema ng edukasyon na magdadala ng pagunlad sa ating lipunan.

Tuwing panahon ng press conferences, aktibong lumalahok ang mga campus journalist mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas dahil sa pagmamahal nila sa pamamahayag. Sa panahong ito, sila ay nagiging abala sa paggawa ng mga artikulo, kartun, layout, pahayagan, iskrip, at iba pa upang masungkit ang ginintuang medalya o ang unang gantimpala. Sa kasamaang palad, nakakaligtaan na ng karamihan na mas mahalaga na maging campus journalist na nagsusulat ng may layunin kaysa maging contest journalist na tila isang dagitab lamang.

0.31

sa isa ang kabuuang indeks iskor na natanggap ng Pilipinas sa criminal justice, kasama ang iba pang factor, ika-13 ang Pilipinas sa 15 bansa sa Asia Pacific Region sa usapang hustiyang kriminal.

pinagmulan: Statista.com

Lahat ay nais magwagi sa mga paligsahan ngunit hindi dapat ito maging rason upang kalimutan ang mga responsibilidad ng isang mamamahayag sa kaniyang bayan at kapwa mamamayan. Kahit hindi panahon ng press conferences ay may mga obligasyon ang mga campus journalist tulad ng pagpapakalat ng totoong datos. Mahalaga ring makilahok sa training workshops at iba pang kaganapan na nakatutulong sa ibang mga mamamahayag. Ang panghihikayat din sa iba na mas pahalagahan ang serbisyong palaging naibibigay ng mga campus journalist kaysa sa mga parangal ng isang contest journalist. Ayon sa Rappler, noong World Press Freedom Day 2024, maraming magaaral ang ginamit ang kanilang boses upang maagaw ang atensyon ng pamahalaan para sa mas maayos na campus journalism laws at palakasin ang kanilang alyansa laban sa censorship. Kinakailangang ipaglaban ng mga estudyanteng mamamahayag ang kalayaan sa pagsusulat sa bansa at hindi lamang sa paligsahan. Sa pamamagitan nito, maghahari ang katotohanan at hustisya at maibibigay sa mga mamamahayag, magaaral man o propesyonal, ang karapat-dapat sa kanila. Mananatiling mag-aalab ang pagmamahal para sa pamamahayag kung hindi ito hahayaang masabuyan ng tubig ng kung sino man — kahit ang sariling mga politiko ng bansa. Ang pamamahayag

ay mas higit pa sa kompetisyon. Ito ay higit pa sa pagtaas sa entablado, ito ay tungkol sa pagbibigay serbisyo. Ang mga gantimpala ay maaaring ipagmalaki ng mga mamamahayag, ngunit ang pagsulat ng may layunin at dedikasyon ay maaaring magdala sa bansang Pilipinas sa mabuting kalagayan. Subalit, upang makapagsulat, kailangan din makamit ng mga campus journalist ang kalayaan. Ang tipo ng kalayaan na hindi ipinagbabawal ang pagpapahayag sa sariling kuro-kuro tungkol sa isang paksa — tungkol man ito sa lipunan o hindi.

Mula noong taong 2010, halos 1,000 campus press freedom violations ang naitala at inireklamo ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa Commission of Human Rights (CHR). Dagdag pa rito, halos 200 pahayagan sa mga paaralan ay malapit nang hindi mabigyan ng pondo noong 2020. Isa ito sa ipinaglalaban ng mga tunay na campus journalist — ang kanilang kalayaan upang makapagsulat.

Para naman sa pamahalaan, nararapat nilang suportahan at aksyunan ang mga nararanasang panliligalig ng mga mamamahayag — propesyonal man o campus journalist. Ang mag-aaral na mamamahayag ay ang susunod na henerasyon ng

mga naghahanap para sa katotohanan, hustisya, at kalayaan kaya’t mahalagang pahalagahan sila at ipaintindi sa kanila na ang pamamahayag ay hindi lamang tungkol sa medalya, sertipiko, o unang gantimpala. Manatiling campus journalist na lumalaban din para sa bayan at hindi lang sa paligsahan.

Para sa susunod na henerasyon, nararapat na panatilihing malakas ang alab ng pagmamahal ng mga campus journalist para sa pamamahayag at hindi ito

magiging pansamantalang liwanag sa dilim. Sa halip na maging isang dagitab na lilitaw at agad ding maglalaho, mainam na ipaglaban din ang mga karapatan ng taong bayan at maging aktibo lagi bilang mga mamamahayag. Ang press conferences ay hindi lamang kompetisyon, ito ay makatutulong upang mapayabong pa ang kakayahan at madagdagan ang kaalaman ng mga campus journalist. Laging maging katalista ng pagbabago at hindi lang para magwagi. Iwasang maging isang contest journalist; huwag maging isang dagitab lamang.

sa mga numero

06 opinyon

Sino ang karapat-dapat?

Ilang tulog nalang ay bubuksan na ang botohan para sa 2025 Philippine midterm elections kaya’t sa mga nahuhuling buwan ng taong 2024 ay isinumite na ng mga kandidato ang kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa halalan. Binigyan lamang sila ng ilang araw upang magsumite ng kanilang COC filings, na nagsimula noong Oktubre 1 hanggang Oktubre 8. Sa kalagitnaan nito, nabahala ang mga mamayan dahil sa nilabas na listahan ng mga tatakbo sa nalalapit na halalan.

Ang pagpasa ng Certificate of Candidacy (COC) ay isa sa pinakaimportanteng parte ng buhay politiko dahil dito idenedeklara ng isang kandidato ang kagustuhan niyang mapabilang sa isang gobyerno. Ang mga kandidato ay inaasahang may mabuting puso, edukado, at may alam sa pamumuno. Kailangan nilang magkaroon ng boses upang mapalambot ang kalooban ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga mabulaklak pero matalab na pangako. Ngunit, paano kung ang mga lumalahok sa ganitong malaking serbisyo ay pawang mga normal na tao lamang? Ayon sa Respicio & Co. Law Firm, ang mga sumusunod ay mga kwalipikasyon para sa COC filings: pinanganak at naninirahan na Pilipino sa Pilipinas nang mahigit 10 taon, marunong magsulat at magbasa, botante, at 40(pangulo/ pangalawang pangulo), 35(senator), 25(congressman) taong gulang. Kung ganiyan na lamang ang antas na kailangang sundin upang maging opisyal ng bansa, hindi masasala ang mga taong may tunay at nagbabalat-kayong intensyon sa pamumuno. Ito ang naging dahilan kung bakit maraming artista o kilalang tao ang rumeretiro sa politika kahit wala naman silang talento sa pagkilatis kung ano ang nararapat o hindi sa ating ekonomiya. Para sa nalalapit na halalan, maraming kilalang tao sa social media ang nagsumite ng COC filings. Ito ang mga taong walang kinalaman sa politika ngunit may pinaglalaban na adbokasiya. Datapwat may katwiran ang kanilang pakikilahok, ang pagiging isang opisyal ng bansa ay may iba't ibang aspekto na sumasaklaw sa pagsasakripisyo at pagdedesisyon. Ang kalalabasan ng kanilang pagdedesisyon ay hindi lamang nakaaapekto sa kanila o sa isang baryo, ito ay nakaapekto sa buong bansa at sa paglago nito. Sa pagpasa nila ng kanilang COC filings, kailangang gamay nila ang daloy ng politika, hindi pamumulitika. Kung ang kwalipikasyon ng ating bansa sa pagpasa ng COC filings ay hindi mababago, sa mga mamamayan nakasalalay ang pagboboto ng mga natatanging opisyal na kailangan ng bansa. Huwag magpalinlang sa mga matatamis na pangako dahil ito ang nagiging sanhi ng sariling pagkagapos. Maging mapanuri sa mga nagdaang isyu ng mga iboboto at piliin ang tunay na tumutulong at may matalas na isip. Ang mabisang sangkap sa patas na pamumuno ay pinapausbong ng mga masinop na pinuno, hindi ipinapagkibit-balikat ng mga mukhang pinuno.

Ang mabisang sangkap sa patas na pamumuno ay pinapausbong ng mga masinop, hindi ipinapagkibitbalikat ng mga nagbabalat-kayo.

Lubid na Mapanakit

Kulungan ng Kakayahan

Kung mabibigyan natin ng sapat na suporta ang opinyon ng bawat isa, siguradong magiging malaya ang lahat na maglabas ng boses. Subalit makikita natin na ang ating mundo ngayon ay nakatira sa kabaliktaran, nakatira tayo sa mundo na punong-puno ng away at gulo kaya napipigilan ang ating kapwa na gamitin ang kanilang kakayahan na ipaglaban ang kanilang mga sarili at opinyon. Sumasalamin dito na ang kanilang mga gustong sabihin ay hindi naiilabas dahil sila ay nasa kulungan ng kakayahan.

Malaya man o hindi, wala pa ring kapangyarihan ang mga mamamayan na iboses ang sarili nila dahil hindi nila alam kung sila ba ay magiging biktima ng sarili nilang kapwa. Kung ang mga mamamayan nga ay nahihirapan na magkasundo sa kanilang kapwa, pa ano pa kaya sa politika na mas maraming kapangyarihan at mas mataas na estado, diba? Ang mga politika na ginagamit ang kanilang kakayahan na patumbahin ang isang opinyon ng tao upang hindi sila magkaroon ng pangit na mukha sa ibang tao.

Gaya na lamang sa sitwasyon ng Pilipinas kung saan marami pa ring politika ang gumagamit ng pera upang makabili

“ng mga boto. Kahit hindi naman ginugusto ng mga mamamayan ang mga ito ay napipilitan pa rin sila dahil kinakailangan nila ang pera lalo na ang mga bayarin at bilihin ngayon ay pataas lang nang pataas. Ang inflation rate ng bansa ay 3.7% nong Hunyo at naging 4.4% percent naman sa Hulyo. Makikita dito na wala namang ibang pagpipilian ang mga mamamayan kundi sumunod sa mga politika na may kapangyarihan at kontrol tungo sa kanila. Kung bibigyan din natin ng pansin ang buhay ng mga mamamahayag, ang kanilang trabaho ay mahirap at delikado sa pamamagitan ng paglalabas ng impormasyon at opinyon

nila tungo sa mga tiyak na tao at suliranin. Maraming mamamahayag ay "redtagged" dahil sa mga makasariling tao na ginugusto lamang ang magagandang opinyon tungo sa kanila. Ngunit sila ay dapat mag-isip ng maayos at tanggapin ang masakit na katotohanan. Ang susi sa pagkakaroon ng katahimikan at kapayapaan sa ating mundo ay ang pagkakaisa sa ating kapwa. Dapat tayo ay marunong rumespeto at pakinggan ang mga sasabihin ng bawat isa dahil kung hindi, magiging magulo at mahihiwalayhiwalay tayong lahat. Magkakaroon tayo ng

Ang bawat opinyon sa mundo ay mahalaga at nagdudulot ng malaking pagbabago para sa ikabubuti ng mundo, matuto tayong respetuhin ang bawat isa rito.

sama ng loob sa ating kapwa at mapuputol ang koneksyon natin sa kanila at mahihirapan ang ating bansa na umunlad. Ang bawat isa sa atin ay nagsisilbing susi sa kulungan ng kakayahan ng ating kapwa dahil dumedepende sa atin kung kailan tayo handa silang mapalaya.

dibuho ni SIMOUN GEDACA

Liham sa Patnugot

Mahal na Editor, Nais kong sabihin na ako ay namangha sa iyong mga gawa na nauukol sa mga isyung kinakaharap sa unibersidad. Ito ang ilang kapwa alalahanin na karaniwan nating nararanasan sa paaralan.

Una ay ang mga pasilidad. Maraming mga silid-aralan ang mayroong sira na mga blackboard kung saan mahirap para sa mga mag-aaral at guro na makita ang mga bagay na nakasulat dito. Ang ilang mga silid-aralan din ay mayroon ding mga pintuan na hindi talaga kayang masara ng ganoong kahusay kaya nahihirapan ang mga mag-aaral na lumabas at pumasok.

Hindi lang iyan kundi ang mga kuwadra sa comfort room kung saan ang mga pintuan sa kuwadra ay puno ng mga the vandalism na naglalaman ng mga komento sa ilang nga mag-aaral. Karaniwan ding hindi malinis ang comfort room. May mga pagkakataon din na walang supply ng tubig na nagiging sanhi ng hindi magandang amoy ng comfort room.

Pangalawa, napapansin ko rin na may mga estudyanteng napakawalang galang sa mga guro, kawani, at maging sa kanilang mga kaeskuwela. Ang ilan ay hindi pa marunong magsabi ng mga simpleng salita tulad ng “sorry” at “salamat.” May mga hindi rin bumabati sa mga guro at staff sa tuwing nakakasalubong nila.

Kaugnay nito, nais kong hilingin ang iyong tulong kung paano tayo makagagawa ng aksyon tungo sa mga alalahaning ito. Magagawa man ito ng mga mag-aaral, guro, at iba pa. Ano ang dapat nating gawin na mga mag-aaral upang malutas ang problemang ito? May aksyon bang maaring magawa ang mga guro dito?

Inaasahan kong makatanggap ng agarang tugon tungkol sa mga alalahaning ito. Salamat po.

Taos-puso, Rheine Yliara Rodriguez.

ni ANJELA SOFIA AGBANLOG

Trabaho ng isang tao’y tumatali sa kaniyang mga gawain. Pilit ipinapakita ang dedikasyon na unti-unting sumasakal at tinatanggal ang kaniyang kalayaan. Sa patuloy na paghigpit ng lubid, nag-iiwan na ito ng marka — bakas ng pang-aabuso sa sarili na may masakit na kapalit.

Kilala ang mga Pilipino bilang masisipag dahil bukod sa pagpapalawak ng kanilang mga kaalaman, nagsusumikap sila upang mairaos ang pamumuhay ng kanilang pamilya. Mula umaga hanggang gabi sila nagtatrabaho na umaabot pa ito sa puntong hindi na sila nakapagpapahinga. Kung ito ay magpapatuloy pa, ang sarili nilang dedikasyon ang siyang papatay sa kanila lalo na’t hindi naman ito masusuklian kailanman. Maraming

Pilipinong manggagawa, lalo na ang mga guro, ang nakararanas ng mapait na epekto ng pagiging overworked. Bukod sa kanilang orihinal na trabaho, sila ay nabibigyan pa ng mga karagdagang gawain na hindi naman nakatakda sa kanila. Kaya naman, isang malaking biyaya nang maisagawa ang Department of Education Order No. 2, s. 2024 na nagsasaad ng pag-alis ng administrative tasks ng mga guro. Gayunpaman, mayroon pa rin silang ikinahaharap na

suliranin — ang mababang sahod na problema na noon pa man. Ang sakit ng pagiging overworked ay hindi lamang nararanasan sa Pilipinas at nakasentro sa mga guro, ito ay nakakalat na sa buong mundo at nararanasan na ng lahat. Ayon sa isang pag-aaral ng Stanford University noong 2014, bumababa raw ang pagiging produktibo ng isang tao pagkatapos ng 50-oras na pagtratrabaho sa isang linggo at sa huli ay nagreresulta sa pagbagsak ng katawan. Nagpapakita

ito na hindi dapat sinasagad sa pagtatrabaho ang mga empleyado. Mapatrabaho man o sa mga gawain sa paaralan, mahalaga ang magpahinga. Ang pagpapagod ay hindi paligsahang pahabaan, at hindi rin ito palatandaan ng tagumpay ng isang tao. Ito ay hindi dapat ginagawang pangmatagalan bagkus kung kailan lang kinakailangan. Hindi dapat kailanman kumapit ang sino man sa isang lubid na mapanakit.

Karapatan na Pilit Inaayawan

Pagbati, Rheine!

Maraming salamat sa pagpapadala ng mensahe ito. Tunay na isa ka sa mga mag-aaral na may pakialam sa kalagayan ng ating unibersidad at ng iyong mga kapwa kamag-aral at bilang publikasyon, ganon din kami.

Upang matugunan ang iyong pangamba sa ating mga pasilidad kagaya ng mga sirang blackboard at pintuan sa mga silid-aralan, maaari tayong magsulat ng isang pormal na liham upang maiulat ito sa administrasyon nang sa gayon ay makabili sila ng mga bago at mas maayos na kagamitan upang hindi na nahihirapan ang mga guro at estudyante. Matapos nito, maaari na silang magpadala ng mga tao upang isaayos ang mga sirang kagamitan. Maliban pa rito, maaari rin silang magsagawa ng inspeksyon kada linggo o buwan upang matignan at masiguro na maayos pa ang mga gamit sa bawat silid-aralan.

Pagdating naman sa ating palikuran, mayroon tayong mga kahangahangang tauhan na naglilinis nito na siyang ipinapadala at may kanya kanyang nakatakdang lilinisan upang masigurado ang seguridad, kaayusan, at kaaya-ayang estado ng bawat isa rito. Pagdating naman sa mga vandal sa mga pintuan ng kuwadra, hindi ito maiiwasan. Ang maaaring gawin para diyan ay maglagay ng senyales bawal ito isagawa. Ang mahuhuling lalabag rito ay maaaring patawan ng multa. Para naman sa kakulangan ng tubig, kailangan natin mag-ipon habang ayos pa ang supply nito upang may magamit tayo sa oras na mawala ito. Dagdag pa rito, maaari tayong humiling ng poso upang maiwasan ang hindi magandang amoy dulot ng kakulangan ng tubig. Ngunit ang pagtatalaga nito ay kailangan idaan sa maayos na proseso.

Tungkol naman sa pag-uugali ng mga estudyante, maaari silang pagsabihan ng mga guro tungkol dito. Sa mga darating din na pagtatagpo ng mga tagapayo at mga magulang, ay maaari ring banggitin ito ng mga guro upang malaman rin ng mga magulang kung ano ang isinasagawa ng kanilang mga anak sa labas ng kanilang mga tahanan at mapagsabihan nila ito. Nawa’y nasagot namin ang iyong mensahe. Maraming salamat. Nagmamahal, Punong Patnugot.

Ang SOGIE Bill o kilala rin bilang Anti-Discrimination Bill at Crossdressing ay sumusuporta sa karapatan at proteksiyon ng mga Pilipinong parte ng LGBTQIA Community, na kusang kinukuha sa kanila ng kanilang kapwa Pilipino. Bilang isang 'ally' ng LGBTQ+ Community ay dapat nang isakatuparan ang batas at ekspresyon na ito upang matigil na ang walang katapusang pag-aalipusta sa ating mga kababayan.

Kung maisakatuparan man ang batas at gawain na ito ay paniguradong mababawasan ang pagtangkang pagsira ng katauhan at karapatan ng kapwa nating Pilipino. Sa pamamagitan nito ay masisigurado ang kanilang kaligtasan na pilit kinukuha sa kanila at malaya nilang maipapakita ang tunay nilang katauhan, subalit marami rin ang tutol dito sa maraming rason. Tulad nalang sa ating paniniwala o relihiyon, naniniwala ang ibang mamamayan lalo na ang ibang kristyanong filipino na "ang lalaki ay para sa babae, at ang babae ay para sa lalaki", dahil sa kaisipan na ito ay mas dumarami ang

tumututol sa batas at expression na ito. Karugtong nito ay ang oportunidad na magkaroon ng trabaho sa mga kompanyang naghahanap ng partikular na kasarian. Dahil rito ay magkakaroon ng pantay na kakayahan ang ating kapwa at mapipigilan ang diskriminasyon sa loob ng kanilang trabaho. Lahat tayo ay may karapatan na mabuhay nang malaya at walang kinikimkim na katauhan dahil hindi natatakot ang mga indibidwal na isigaw ang kanilang saloobin. Ang Crossdressing ay isang praktis na isinagawa ng LGBTQIA upang maipahayag sa lahat

na sila ay tunay na lalaki o babae. Dapat natin itong normalisahin dahil bawat isa sa atin ay may prebilehiyong ipakita na sa kung sino tayo o ano ang ating tunay na pagkatao. Hindi dapat nating ipinagbabawal ito dahil karapatan nila ang gawin ang mga bagay na ginagawa ng kanilang kinikilalang kasarian. Ang pagpapakita sa lahat ng tao sa mundo sa kung ano ang tunay mong katauhan ay hindi dapat ipinagbabawal, bagkus ay dapat nating yakapin o isakatuparan ang kanilang inaasam na karapatan at kalayaan. Dapat bukas ang ating mga isipan at ating supportahan ang pribelehiyo nilang

ihayag ang tunay nilang pagkatao, ano man ang ating kasarian ay hindi nito mababago kung sino at ano tayo. Sa bawat araw na lumilipas ay dapat nating maisip na may mga taong nakakatanggap ng labis na kahihiyan dahil lamang sa kanilang kasarian, sila ay mamamayan rin ng ating bayan, ang hangin na ating hinihingahan ay kanila ring nakukuha. Ang iba rin sakanila ay nakakakuha ng pisikal na pananakit, na hindi dapat nating gawing 'normal'. Dapat nating malaman na hindi dahil iba ang iyong isinasabuhay na kasarian ay iba na rin tayo sa karamihan.

TANONG: Sang-ayon ba kayo sa SOGIE Bill?

“Ang pagpapakita sa lahat ng tao sa mundo sa kung ano ang tunay mong katauhan ay hindi dapat ipinagbabawal, bagkus ay dapat nating yakapin o isakatuparan ang kanilang inaasam na karapatan at kalayaan.

07 opinyon

Mata sa Paaralan

Ang paglalagay ng mga surveillance camera sa mga paaralan ay nagiging uso na, na nagbubunsod ng mga argumento ukol sa mga benepisyo at negatibong epekto nito. Bagama’t layunin nitong itaguyod ang seguridad, maaaring ito rin ay lumalabag sa karapatan sa pribadong espasyo.

Ayon sa mga tagasuporta, mahalaga ang mga camera upang mapanatili ang isang ligtas na kapaligirang pangakademiko. Maaari nitong pigilan ang pagnanakaw, pambu-bully, at paninira ng ari-arian, habang nagbibigay ng mahalagang ebidensya sa paglutas ng mga alitan o pagharap sa mga emerhensiya. Sa harap ng tumitinding banta sa seguridad ng mga institusyong pangedukasyon sa buong mundo, ang mga sistema ng surveillance ay maituturing na hakbang sa pagprotekta sa mga mag-aaral at kawani. Subalit, binibigyang-diin ng mga kritiko ang implikasyon nito sa karapatan sa pribadong

pulsongmasa

Ang aking opinyon tungkol sa paglalagay ng CCTV sa ating campus ay makakatulong ito sa pagpapabuti ng seguridad sa unibersidad, lalo na’t malaki ang ating campus. Ang paglalagay ng CCTV ay makasisiguro na ang bawat estudyante ay nababantayan at ligtas sa mga araw ng pasok, pati na rin ang mga guro at empleyado, at maging sa mga araw ng pahinga. Sa tingin ko, magiging magandang motibasyon ito para sa marami dahil mas magtutuon sila ng pansin sa kanilang pag-aaral o pagtuturo at magiging mas maingat dahil alam nilang sila ay nababantayan.

- Daniella Abonite, Baitang 7

espasyo. Ang mga paaralan ay hindi lamang lugar ng akademikong pag-unlad kundi pati rin espasyo kung saan dapat maramdaman ng mga mag-aaral ang tiwala at respeto. Ang patuloy na pagmamanman ay maaaring magdulot ng pagkabalisa sa mga mag-aaral at kawani. Bukod pa rito, may pangamba ukol sa posibleng maling paggamit ng mga naitalang video at kung paano ito maaaring magdulot ng pagkasira ng tiwala sa komunidad ng paaralan. Napapanahon ang usaping ito sa Pilipinas, kung saan ang mga paaralan ay itinuturing na maliliit na komunidad na malapit ang ugnayan. Bagama’t mahalagang unahin ang

Sa tingin ko ay ito’y maganda pagkat magiging mas ligtas ang iskwelahan at masisiguro ang kaligtasan ng mga tao.

seguridad, dapat ding tiyakin ng paaralan ang paggalang sa karapatan sa pribadong espasyo. Dapat bumuo ng malinaw na patakaran sa tamang lokasyon ng mga camera at tamang paggamit ng mga naitalang datos, upang masigurong para lamang ito sa seguridad. Sa huli, ang desisyon ukol sa paglalagay ng camera sa mga paaralan ay nararapat na pag-usapan nang bukas ng mga administrador, magulang, at mag-aaral. Mahalaga ang parehong seguridad at pribadong espasyo, at kinakailangang mahanap

Ikinatutuwa ko noong malaman ko na nagkaroon na ng installment of CCTVs sa loob ng Junior High School campus dahil una ay mas makasisiguro tayo sa kaligtasan ng bawat mag-aaral, at pangalawa ay mas matututukan natin sila kung epektibo bang nagagampanan o naisasagawa ang mga patakaran sa loob ng paaralan lalong-lalo na sa oras ng klase. “

8

- Nichole Valeras, Baitang 9

ang balanse upang mapanatili ang isang ligtas at magalang na kapaligirang pang-edukasyon.

Bilang isang magaaral, naniniwala akong ang paglalagay ng CCTV sa kampus ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at organisadong kapaligiran. Sa panahong marami ang hindi inaasahang pangyayari, mahalagang magkaroon ng mga kagamitan na makakatulong sa pagprotekta at pagpapanatili ng kaayusan. Gayunpaman, mahalagang tiyakin na ang paggamit ng CCTV ay may pagsasaalang-alang sa privacy ng bawat isa. Dapat itong ilagay sa mga pampublikong lugar lamang, at hindi sa mga pribadong espasyo upang mapanatili ang respeto sa karapatan ng lahat. “

- Hanah Andalis, Baitang 10

TANONG: Bilang isang estudyante, ano ang iyong opinyon sa nabanggit na CCTV installment sa ating unibersidad?

sa mga numero
dibuho ni SIMOUN GEDACA
ni JIMMY JR LLANTE
dibuho ni SIMOUN GEDACA
- Liam Celaje, Baitang

Isang Kaibigan, Isang Kamangmangan

opinyon

Noong Nobyembre 2023, inilunsad ng Pangalawang Pangulo na si Sara Duterte, ang kanyang aklat na pinamagatang, "Isang Kaibigan". Ang libro ay binubuo ng isang mala-bata na paglalarawan tungkol sa pagkakaibigan sa pagitan ng isang kuwago at isang loro. Ayon sa Office of the Vice President, ang pag-imprenta ay nagkakahalaga ng ₱50 kasama ang budget

na ₱10 milyon para sa kabuuang proseso ng pag-imprenta. Ang manunulat ng libro ay sumailalim sa hindi mabilang na komento mula sa politika at midya. Kinuwestiyon ni Senator Risa Hontiveros ang badyet para sa proseso ng pag-imprenta. Matapos tanungin tungkol sa mga nilalaman ng libro, hindi lang sinagot ni VP Sara ang tanong kundi naghagis ng mga hindi kinakailangang komentaryo tungkol sa mga hindi nauugnay

Buwaya ng Luho

na tanong. Mula sa nilalaman, pabalat, at kung paano ginawa ang kwento. Sa pagdinig ng senado, isang kabataang aktibista at politiko na nagngangalang Raoul Manuel, ang nakapansin ng pagkakamali sa spelling at iyon ay ang "Banahaw" ngunit ito pala ay "Anahaw". Ang mga tao mula sa midya ay nagsimulang ituro kung paano ginawa ang pabalat na kahit isang bata ay maaaring gayahin ito at gumamit ng picsart upang i-edit ang mga

elemento. Ang libro ni VP Sara ay binatikos nang husto na walang bata ang gustong tumanggap dahil ito ay isang katatawanan saanman ito naiulat sa mga balita, hatirang pangmadla, at sa mga pulitiko. Para sa taong gumagastos ng milyunmilyong piso sa isang araw, may mga senador na nag-aalinlangan sa pagbibigay ng isa pang pera at nagdududa kung ang nasabing pera ay galing sa confidential funds.

Sa gitna ng pagod at pagdurusa ng mga OFW ng America, ang isang buwayang lumalamon ng luho ay tila nagpapakita ng tahasang pagwawalang-bahala sa mga biktima nito Malaki ang epekto ng pagkapanalo ni Donald Trump bilang US president, lalo na sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na umaasa ng magandang kinabukasan para sa kanilang mga pamilya.

Mga patakaran sa imigrasyon ay mahigpit na ipinatupad sa ilalim ng administrasyong Trump. Ang mga deportasyon ng mga iligal na imigrante, kabilang ang mga manggagawang Pilipino, ay tumaas ng 40% noong 2020, ayon sa data ng Pew Research Center. Kasabay nito, ang mga paghihigpit sa pag-iisyu ng mga work visa, lalo na ang H-1B visa, na kadalasang ginagamit ng mga propesyonal na Pilipino, ay nagpababa ng mga pagkakataon para sa skilled labor. Paano babangon ang mga manggagawa sa isang sitwasyon kung saan ang mismong sistema ay tila nagpapakulong sa kanila. Sa kabila ng pagtanggap ng katangitanging pagtrato para sa mga lokal na manggagawa, ang mga kontribusyon ng mga Pilipinong imigrante ay hindi isinasaalangalang sa panahon ng administrasyong Trump. Malinaw na ang patakarang ito ay nag-aalis ng karapatan sa mga dayuhang

manggagawa, kahit na sila ang nagpapalago sa ekonomiya ng Amerika. Habang yumayabong ang karangyaan ng mga nasa kapangyarihan, ang mga OFW ay nananatiling alipin ng

establisimyento Habang ang mga manggagawa ay nasa ilalim ng presyon mula sa mahigpit na mga regulasyon, ang rehimen mismo ay abala sa pagtataguyod ng sarili nitong mga interes

Nakababahala na ang mga sakripisyong ginagawa ng mga OFW ay hindi lamang binabalewala, kundi tila sadyang pinahihirapan. Ang tagumpay ng isang pinuno ay hindi dapat masukat sa bilang ng mga batas na kanyang ipinapatupad, ngunit sa bilang ng mga buhay na kanyang nilikha Ang pagwawalang-bahala sa kontribusyon ng mga OFW ay hindi lamang isang isyung pampulitika, kundi isa ring humanitarian Sa huli, ang buwaya na lumalamon sa luho ay dapat labanan at pigilin. Dahil ang tunay na pag-unlad ay hindinghindi makakamit sa pamamagitan ng pagwawalangbahala sa mga sakripisyo ng iba.

Sa gitna ng payapang mga alon at munting mga bulong ng buhay-dagat, ang mga mangingisdang Pilipino ay naglalakbay hindi lamang sa agos kundi pati na rin sa magulong tubig ng mga internasyonal na alitan. Sa ilalim ng pakitang-tao ng diplomasya na matagal nang ipinakita ng mga coast guard ng China ay isang katotohanan na sila’y walang awang nagpapahirap sa ating mga mangingisda. Ang malupit na pagtrato na ito ay nagdulot sa ating mga kababayan ng takot at naging isang panganib sa kanilang mga kabuhayan. Ngunit sa kabila nito, nananatili silang naninindigan; matatag sa harap ng kahirapan. Batay sa isang artikulo ng Air University, inaangkin ng China ang West Philippine Sea dahil sila ay may ‘historic rights’ sa mga isla rito. Sila ang unang nakarating at namuhay sa mga isla ng karagatan kaya’t sila ay may karapatang

kumontrol sa mga ito kahit kasama ito sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa natin. Ito naman ay mabilis na kinontra ng Pilipinas nang hainan nito ng reklamo ang China sa Permanent Court of Arbitration at the Hague, isang hakbang tungo sa pagkamit ng hustisya. Noong 2016, naglabas ng desisyon ang tribunal na ang ‘nine-dash line’ na ginagamit ng kabilang bansa upang bigyang-katwiran ang kanilang pag angkin ay walang legal na batayan. Ngunit, isinawalang bahala pa rin ito ng bansang China at patuloy nilang inaapi ang ating mga mangingisda. Ayon kay Faith Argosino, isang reporter ng Inquirer, puno ng pighati ang mga manlalaot sa Zambales sa patuloy na pang-haharass ng China sa Scarborough (Pantag) Shoal. Ani nila, ang patuloy na pagbabanta ng China sa kanilang palaisdaan ay nakagagambala sa kanilang hanapbuhay at ang patuloy na pagpapakita nito ang magtataboy sa mga mangingisda dahil sa mga

aksiyong ginagawa ng mga kawani ng Chinese coastguard. Mula pa noong 2014, isinasagawa na ng China ang pag-aatake gamit ang kanilang water cannons upang ma-angkin ang Scarborough Shoal, ani ni Leonardo Cuaresma. Magpahanggang-ngayon, ito parin ang kanilang ginagamit, ngunit napapadalas na ang kanilang pag daluhong na may kasamang paghaharang sa mga naghahatid ng tulong para sa mga nasaktan. Binalot man ng China ang ating dagat kanluran ng sandamakmak na karahasan at pagpapahirap, patuloy paring humahakbang ang mga Pilipino sa pagsupil sa mga dayuhang umaangkin sa yamang hindi naman sa kanila. Para sa mangingisdang Pilipino na si Arnel Satam, hindi niya hinayaang manaig ang kaniyang takot. Noong Mayo 1, 2024, pinaandar niya ang motor ng kanyang maliit na bangkang kahoy at sumugod sa mababaw na tubig ng Scarabough Shoal kasama ang mga

Ang "Isang Kaibigan" ni Sara Duterte ay hindi isang librong pang-edukasyon kundi isang pagbabalat kayo para sa kanyang sariling imahe. Ang paggamit ng pera sa buwis mula sa mga tao ay hindi makakabuti sa kalidad ng edukasyon sa anumang paraan bagkus ay gagawing libangan ang ating buong bansa sa iba pang sulok ng ating mundo.

ng Dangal

Sa bawat hakbang at tunog ng tambol, hindi lamang disiplina at tiyaga ang kanilang ipinamalas—kundi ang tapang na pinanday ng malasakit sa bayan. Ang mga kandidato ng Mandatory ROTC mula sa University of Saint Anthony (USANT) ay nagwagi ng ikalawang pwesto sa isang prestihiyosong patimpalak, patunay na ang tunay na karangalan ay hindi lamang nakukuha sa unang pwesto kundi sa walang humpay na pagpupursige para sa bayan.

Sa patimpalak na nagtipon ng mga pinakamahusay na ROTC mula sa iba’t ibang paaralan, ipinakita ng mga kandedate ng USANT ang kanilang kahusayan sa disiplina at dedikasyon. Ang Mandatory ROTC, na layong hubugin ang kabataan sa pagiging handa sa paglilingkod sa bansa, ay naging mas mahalaga pa sa panahong ito ng mga hamon. Para sa USANT, ang pagsungkit ng ikalawang pwesto ay hindi lamang simpleng pagkilala— ito ay simbolo ng tapang, disiplina, at pagkakaisa. Ang nasabing patimpalak ay sumubok sa mental at pisikal na katatagan ng mga kandidato. Sa bawat sabayang kilos, ipinakita ng USANT ROTC ang walang kapantay na kahusayan sa pormasyon at pagkakaorganisa. Ang kanilang pagkapanalo ay kinilala ng mga hurado, at ipinakita sa lahat na ang kanilang pagsasanay at sakripisyo ay hindi nasayang. Bagamat hindi unang pwesto, ang kanilang pangalawang karangalan ay sumasalamin sa kalidad ng kanilang programa at sa tibay ng kanilang loob.

Ang ikalawang pwesto ay hindi lamang medalya, ito ay simbolo ng pagtitiyaga at pagpapakita na handa ang kabataang Pilipino na ipaglaban ang kanilang tungkulin sa bayan. Sa bawat hakbang ng ROTC ng USANT, higit pa sa medalya ang kanilang natamo—ang kanilang pagkapanalo ay simbolo ng hindi matitinag na layunin na ipagpatuloy ang kanilang serbisyo sa bayan. Ang Mandatory ROTC ay hindi lamang isang programa, ito ay isang proseso ng paghubog sa mga kabataang handang magsakripisyo at magbigay ng kanilang lakas para sa kapakanan ng bansa. Sa kanilang pagkapanalo, napatunayan nila na ang kabayanihan ay hindi nasusukat sa unang pwesto, kundi sa patuloy na pagtahak sa landas ng paglilingkod.

speedboat ng Chinese coast guard sa isang mainit na pagtugis. Nasaksihan ito ng mga mamamahayag na sakay ng Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ship na BRP Datu Bankaw. Siya ang unang tumawid sa linyang ginawa ng China upang ipakita na sila ay hindi gumagalang sa internasyonal na batas. Ngayon, ang boses ng mga Pilipino at Tsino ay walang tigil sa pagsalungat. Patuloy pa rin ang pagsigaw ng Pilipinas na ang atin ay atin lamang. Atin ito—noon, ngayon, at magpakailanman. Ngunit, pursigido rin ang kabilang bansa upang pilit na maangkin ang West Philippine Sea. Ang mga dagat, na minsang pinagmumulan ng kasaganaan at pagkakaisa, ay dapat manatiling isang pinagsasaluhang espasyo kung saan nangingibabaw ang komunikasyon at paggalang sa bansa kaysa sa alitan at tunggalian.

Himig
ni HARXANDER BONDOY
dibuho ni JAMILA GRADO
ni DENISE RODELLI ANDES

Isa ang larangan ng pagnenegosyo ang pinakamahirap na trabaho. Sa trabahong ito, dalawa lamang ang maaaring mangyari: maaari itong umusbong o malugi. Marami ring mga pagsubok ang kinakaharap sa pagnenegosyo kagaya ng kawalan ng mga mamimili, kakulangan sa kapital at supply, at marami pang iba. Ngunit sa kabila ng mga hirap na pagdaraanan dito, nararapat lamang na patuloy na bumangon ang bawat negosyante upang makabangon mula pagkakadapa at muling magkaroon ng pagasa.

Si Ginoong Arnold Lasay ay isang pangkaraniwang empleyado lamang noon. Siya ay nagtatrabaho bilang Head of Human Resources bago nagkaroon ng pandemiya, at matapos naman ang ilang taon ay naging Hotel Operations Manager sa Manila sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Ngayon, siya ay may-ari ng isa sa mga tanyag na kainan na matatagpuan sa Lungsod ng Iriga. Ang Beyond Natúk. Natuk na nangangahulugang kakang gata. Ayon kay Lasay, nagsimula ang kwento ng negosyong ito noong taong 2017, kung saan naisip nilang dalhin sa Manila ang masasarap na pagkaing mula Bikol dahil maraming mga Bikolano ang nangungulila hindi lamang sa mga lasa nito ngunit ang mismong probinsiya. Kaya naman, nagtinda siya kasama ang kaniyang mga kaibigan sa hayskul ng santol sa gata at libas sa gata bilang kanilang part time. Kwento niya noong panahon ng pandemiya at siya ay nagtatrabaho sa isang kompanya, isa siya sa mga natanggal sa trabaho. Isa ito sa nagsilbing hamon ng kaniyang buhay bilang siya ang bumubuhay sa kaniyang pamilya. Dahil dito, sinabi niya sa kaniyang sarili na mas maganda na ang maging handa kesa sa magplano lang. Ang natúk nalamang ang kaniyang pagasa. Kaya naman, ginawa niyang full time ang pagtitinda ng mga pagkain online. Pagbabahagi niya, mahina ang benta niya sa mga unang linggo, may pagkakataon pa nga na dalawang linggo ay wala bumibili sa kaniya. Ngunit ang pangyayaring ito ang hindi naging rason upang siya ay sumuko. Bagkos, ito ang kaniyang naging motibasyon upang mas pagbutihin pa ang kaniyang ginagawa. Matapos ang pandemiya, napagdesisyonan nilang bumalik sa Iriga. At doon, itinayo nila ang kainan na matatagpuan sa baranggay ng Sta. Cruz Sur mula sa kanilang saving at sa tulong ng kaniyang kapatid. Ang kwentong negosyo ni Arnold Lasay ay tunay na kamangha-mangha at kapupulutan ng aral lalo na ng mga nagnanais na pasukin ang mundo ng pagnenegosyo. Na kahit wala man tayong yaman sa una, ay maaari parin tayong umasenso.

Langhap sa Pangarap

Ang EDAD ay Isang Numero Lamang

Ang mga batang negosyante ay karaniwan sa henerasyon ngayon, sa kabila ng kanilang murang edad at limitadong karanasan. Nagsusumikap pa rin sila upang mapalago ang kanilang mga negosyo.

Ano ang nagbibigay buhay sa kanilang hilig para sa entrepreneurship? Ano ang nag-uudyok sa kanila nang labis upang ito ay kanilang pasukin?

Bagama’t ang pangangailangan sa pananalapi ay tiyak na isang salik sa pagpasok sa pagnenegosyo, lalo na para sa mga mula sa mga mahihirap na pamliya, hindi ito ang tanging motibasyon. Maraming mga batang negosyante ang hinihimok ng isang malakas na pagnanais na makamit ang kanilang mga pangarap, subalit nandyan ang hilig at pagmamahal sa bagay na nais niyang gawin na lumikha ng isang bagay na makabuluhan. Hindi maikakaila ng mapanghamon ang landas ng isang batang negosyante. Ang pangangasiwa sa isang negosyo habang abala sa edukasyon, pagharap sa mga reklamo ng parukyano, pagharap sa pagaalinlangan ng pamilya, at sa kakulangan ng karanasan ay maaaring maging napakalaki.

Gayunpaman, sa kabila ng mga hadlang at pagpuna na ito, maraming mga batang negosyante ang nagtitiyaga. Aktibo silang naghahangad na paunlarin ang kanilang mga kasanayan sa pamahalaan at negosyo, galugarin ang mga makabagong paraan upang ipakita at ipakilala ang kanilang mga negosyo, at nagsusumikap na lumikha ng isang positibong epekto sa kanilang mga komunidad.

Sa pamamagitan ng pagsusumikap, dedikasyon, at madalas, pagtutulungan ng magkakasama, makakamit ng mga batang negosyanteng ito ang mabunga at matagumpay na mga negosyo. Ito ay nagpapakita na ang edad ay hindi isang batayan sa pagtukoy ng mga kakayahan ng isang tao. Hangga’t ikaw ay taglay na determinasyon, tiyaga at positibong pananaw,, ang tagumpay ay maaaring maabot.

Mt.Iriga:

SIKRETO SA PAG ASENSO.

Sa ika-3 ng Oktubre, buong galak na nagbahagi si ginoong Arnold Lasay ng kanyang kaalaman sa pag sisimula ng negosyo sa mga guro ng USANT bilang bahagi ng pagdiwang ng Teacher’s Day 2024. - Louis Gonzaga

Ang Natatagong Hiyas

Isang simpleng lungsod sa Camarines Sur, ay mayaman sa likas na kagandahan at makasaysayang pamanang natatangi sa rehiyon.

Sa kabila ng pagiging simpleng destinasyon, taglay nito ang mga tanawin at kultura na sumasalamin sa matatag na tradisyon at kasaysayan ng mga Bicolano. Mula sa berdeng kabundukan hanggang sa makukulay na selebrasyon, ang Iriga ay nag-aanyaya sa mga bisitang tuklasin ang natatagong yaman ng kanilang kultura at kasaysayan. Kilala ang Iriga sa pagiging Lungsod ng Katangian at dahil doon ay itinampok ng lungsod ang “Character Walk,” na nagpapakita ng mga eskultura na kumakatawan sa 12 pangunahing halaga, na lumilikha ng isang natatanging pampublikong espasyo na nakatuon sa mga prinsipyong ito. Buweno, mayroong isang buhay na halimbawa ng kultural na lakas at integridad na umaayon sa pananaw ni Iriga

sa pagpapaunlad ng isang matatag, pinahahalagahan na komunidad, kung saan ang pagkakaiba-iba at tradisyon ay ipinagdiriwang at itinataguyod. Sa pamamagitan nito ay makikita natin na ang mga pamayanan ng Aeta sa Iriga ay naging mahalaga sa kultural at makasaysayang tanawin ng lugar, kasama ang paghahalo ng kanilang mga tradisyon sa lokal na kultura habang pinapanatili ang natatanging mga katutubong gawi.

Matatagpuan sa eastern slope ng Mt. Asoga, ang Ilian Hill settlement ang iyong gateway sa isang nakakapagpayamang karanasan. Dito, namumuhay ang pamayanan ng Agta, mga inapo ng mga sinaunang Pilipino, na pinaghalo ang tradisyon sa akulturasyon. Sa pagpasok mo sa nayong ito,

ikaw ay tumuntong sa kasaysayan. Ang mga Agta, na pinangangalagaan ng gobyerno, ay nag-aalok ng isang tunay na sulyap sa katutubong pamumuhay ng mga Pilipino. Ang komunidad ay isang buhay, humihinga na museo kung saan ang bawat ngiti, sayaw, at kilos ay nagsasabi ng isang kuwento ng katatagan at pakikibagay. Ang Agta Village ay hindi lamang isang lugar upang bisitahin; isa itong karanasang dapat pahalagahan, pagkakataong matuto, at pagkakataong kumonekta sa isang mayamang tapiserya ng kultura. Kaya, ilagay ang iyong kuryusidad at simulan ang paglalakbay na ito upang matuklasan ang mga nakatagong cultural gems ng Agta Village sa Iriga. Sa konklusyon, ang pagkakakilanlan ng “City of Character” ng Iriga

ay ipinahayag hindi lamang sa pamamagitan ng mga pampublikong halaga kundi pati na rin sa pamamagitan ng buhay na pamanang kultura, na kinakatawan ng komunidad ng Aeta sa Agta Village. Ang komunidad na ito ay nagpapanatili ng mga natatanging tradisyon na sumasalamin sa katatagan, kakayahang umangkop, at pagmamataas—mga katangiang sumasama sa pananaw ng lungsod para sa isang pinahahalagahan, napapabilang na lipunan. Ang pagbisita sa Agta Village ay nagbibigay ng isang nasasalat na koneksyon sa pangako ng Iriga sa karakter at pamana, na nag-aalok ng nakaka-engganyong karanasan ng lalim at pagkakaiba-iba na tumutukoy sa diwa ng lungsod.

larawan mula sa USANT College of Teacher Education

Alab

Sa kabila ng masalimuot na mundo ng akademya at ng silid-aralang tahimik na dumidinig sa mga hinaing ng estudyante, may nakakubling pag-asang kumikinang ngunit tila mahirap abutin. Sa bawat pahina ng mga kuwaderno ay mga makukulay na guhit ng sining na hindi pa natatanaw ng iba; sa kabila ng katahimikang bumabalot sa mga silid aralan, may mga tinig na nananatiling hindi naririnig. Para sa marami, mahirap magpahayag ng damdamin at mga ninanais, at dahil dito, naaapektuhan ang kanilang pagganap sa akademika. Para sa kanila, tila isang matarik na bundok ang kailangang akyatin. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may mga pintong nakabukas sa paaralan na handang tumanggap at gabayan sila ng bukas-palad. Katulad ng isang apoy, nangangailangan ito ng tamang mga kagamitan at sangkap upang magningas. Gayundin, ang pagpapahayag ng kakayahan at pagkahilig ay nangangailangan ng tatlong mahahalagang elemento upang lalo itong mag-alab: tiwala, inspirasyon, at tiyaga. Kailangang magtiwala

ANG SANDIGAN BAWAT ANTHONIAN ng

sa sarili—sa kakayahan mong gawin ang iyong ninanais at sa kasiyahang dulot nito. Magkaroon ng paninindigan, iwaksi ang takot at kaba, at matutong magpasya nang may lakas ng loob. Ang inspirasyon naman ay nagbibigaylakas at layunin upang higit pang maipamalas ang iyong kakayahan. Samantalang ang tiyaga ay mahalaga sa pagkamit ng iyong mga pangarap, at ito ang nagsisilbing pundasyon sa patuloy na pagpapabuti ng iyong sarili. Malaki rin ang ginagampanan ng paaralan sa paglinang ng kakayahan at pagkahilig ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga organisasyon na kanilang sinasamahan, nahuhubog ang kanilang kakayahan sa pamumuno, nagiging daan ito tungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap, at nagkakaloob ng mahahalagang aral sa buhay na kanilang madadala sa hinaharap. Ang mga organisasyong ito ay tumutulong upang maging mas produktibo ang mga mag-aaral at mapagsabay nila ang pag-aaral at mga gawaing extra-kurikular. Bukod dito, nagkakaroon sila ng pagkakataong makakilala ng mga

bagong kaibigan at kasamang maaasahan at masasandalan. Sa mga ganitong pagkakataon, natutuklasan nila na ang pagpapahayag ng kanilang kahiligan ay hindi lamang para sa sariling kasiyahan, kundi nagsisilbing inspirasyon at

ang papel ng paaralan sa paghubog ng buong pagkatao at kakayahan ng bawat kabataan. Ito ang nagsisilbing pangalawang tahanan kung saan malaya silang ipahayag ang kanilang talento at kahiligan. Natutulungan ng paaralan na hubugin at pasiklabin

Kalinga at Kinabukasan

Sa kasalukuyan, dumarami ang mga sakit na kumakalat sa ating bansa, at ang mga kabataan ay madalas maging biktima dahil sila ay lantad sa iba’t ibang uri ng kapaligiran. Ang pagtugon sa mga medikal na pangangailangan ay isang malaking hamon para sa maraming paaralan. Gayunpaman, sa University of Saint Anthony, tinitiyak nilang matutugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang kalusugan at magpatuloy sa kanilang pag-aaral nang walang aberya. Ang USANT Clinic ay isang mahalagang pasilidad sa loob ng kampus na nagsisilbing tagapangalaga ng kalusugan ng mga mag-aaral, guro, at mga staff. Layunin nitong tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng lahat sa paaralan. Bukod sa pagbibigay ng mga serbisyong medikal, nagsasagawa rin ang clinic ng mga inisyatiba upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran sa loob ng kampus. Pinangunahan

ng mga propesyonal na manggagamot, ang mga bakuna at iba pang medikal na serbisyo na ibinibigay sa mga estudyante, guro, at mga kawani ng paaralan. Ang USANT ay hindi lamang isang lugar para mag-aral, kundi isang komunidad na nag-aalaga sa iyong hinaharap, pati na rin sa iyong kasalukuyan at kalusugan. Sa pamamagitan ng kanilang mga inisyatiba at pasilidad, tinitiyak ng paaralan na ang bawat mag-aaral ay suportado sa bawat aspeto ng kanilang buhay—mula sa akademikong pag-unlad hanggang sa kanilang kalusugan. Sa USANT, hindi ka lang basta mag-aaral; ikaw ay bahagi ng isang pamilya na nagbibigay gabay sa iyong tagumpay para sa kinabukasan.

Pag-asa sa Kabila ng Pagsubok ni ALFRED JHON LIQUEN

Sa mga araw ng pagsusulit at paghahanda para sa mga klase, marami sa ating mga estudyante ang nahihirapang sumabay sa takbo ng kanilang mga klase. Hindi nila kayang iwasan ang pangarap ng maginhawang bukas, ngunit nahihirapan silang m agtuon ng pansin sa kanilang mga klase, dahil sa mga alalahaning kinasasangkutan sa gastusin sa paaralan. Ang mga magulang na abala sa paghahanapbuhay, ang mga estudyante na gumugol ng gabi’t araw upang makapag-ipon ng pambayad sa matrikula, at ang mga patuloy na katanungang sumisiksik sa kanilang isipan tungkol sa mga susunod na hakbang. Lahat ito ay mga hamon na hindi maiiwasan. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, sila’y nabibigyang liwanag at pag-asa. Ang University of Saint Anthony o (USANT) ay isa sa mga unibersidad na tumutolong at may malasakit sa mga pangarap ng mga estudyante. Tila isang pook ng biyaya, ang unibersidad ay may mga inisyatibong ginawa upang matulungan ang mga estudyantel na nalulunod sa mga hamon pinansyal. Isa sa mga pinapahalagahang inisyatiba ng paaralan ay ang mga subsidiya para sa mga estudyanteng naghihirap. Higit pa rito, ang Dona Felisa Scholarship, isang iskolarshio na ibinibigay sa

pamamagitan ng pagsusulit, ito ay nag-dadala ng malaking tulong sa mga estudyantel na may ambisyon na magtagumpay ngunit hirap sa kakayahang pinansyal. Ang mga ganitong pagkakataon ay nagsisilbing sagot sa mga pangarap na nais mangyari ngunit nahihirapan sa mga balakid ng buhay. Bagama’t meron nang mga benepisyong hatid ng mga inisyatibong ito, ang mga estudyante ng unibersidad ay hindi ligtas sa mga sakit-puso at pasakit na dulot ng kanilang mga problema at pag-aalala. Ang mga estudyante na gumugol ng oras at lakas upang makabuo ng pera para sa kanilang tuition ay madalas na nakararanas ng pagka-stress at pag-aalala, na nagiging sanhi ng pagkabahala sa kanilang konsentrasyon. May mga pagkakataon na ang pagkaabala nila sa paghahanapbuhay ay nagiging sanhi ng pagka-bitin sa kanilang mga aralin. Ngunit hindi nila pinapabayaan ang mga estudyante na ito; naglatag sila ng mga “catch up classes” tulad ng MTAP classes para sa asignaturang Matematika para matulungan ang mga estudyan na makahabol at mapunan ang mga kakulangan sa kanilang mga aralin. Sa mga tulong na hatid ng USANT, ipinapakita ng paaralan ang kanilang di-mabilang na malasakit sa

kanilang mga estudyante, at isang pagpapakita ng malasakit na ang edukasyon ay hindi luho, kundi isang karapatan na dapat na matamo ng bawat kabataan. Sa mga pagsubok at sakripisyo, sila ay isang buhay na halimbawa ng unibersidad na hindi humuhusga, kundi naghahatid ng pagasa sa mga estudyante na nagsusumikap at naglalakbay sa daan ng pagkatuto. Sa mga estudyante ng unibersidad, ipinapakita na sa kabila ng lahat ng pagdududa, mayroong makulay na bukas. Sa kabila ng lahat ng mga suliranin, may mga institusyong handang magbigay ng pagkakataon at magbigay-daan sa mga pangarap ng bawat estudyante.

ANTHONIAN

Kaginhawaan, Kaalaman, at Kapaligiran

Isang karaniwang tanong para sa mga mag-aaral tuwing araw ng klase: “Bakit kaya ang init?” Sa mga paaralan na kulang sa tamang bentilasyon, ang matinding init ay nagiging sagabal sa mga magaaral upang mag-focus sa kanilang mga aralin. Habang ang mga guro ay nagsusumikap na magturo, ang mga mag-aaral naman ay abala sa pagpapawis at paghahanap ng ginhawa. Ang init na dulot ng hindi maayos na ventilation ay nagiging sanhi ng pagbaba ng konsentrasyon, pagka-bagot, at minsan pa’y pagkapagod, na nakaaapekto sa buong araw ng pagkatuto. Sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng matinding init, may mga paaralan na naghanap ng solusyon sa pamamagitan ng pag-install ng aircon sa mga silid-aralan. Sa unang tingin, ang mga aircon ay tila isang simpleng kagamitan lamang, ngunit ang mga benepisyo nito ay higit pa sa pagpapainit ng katawan. Sa tuwing ang mga silid-aralan ay malamig at komportable, napapansin ang mas mataas na antas ng konsentrasyon at mas positibong enerhiya mula sa mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral na dati ay nahihirapang mag-focus dahil sa init, ngayon ay mas handang makinig at mag-aral. Bukod pa rito, ang mas malamig na kapaligiran ay nagdudulot ng higit na kasiyahan at kaginhawahan, na nagpapabuti sa kanilang kalusugan at pagiging produktibo. Hindi lamang ito tungkol sa pisikal na ginhawa. Ang presensya ng aircon sa silidaralan ay isang hakbang patungo sa mas

makulay at mas positibong kapaligiran sa pagkatuto. Kung saan ang bawat mag-aaral ay may pagkakataong magtagumpay, hindi dahil sa kakulangan sa kagamitan, kundi sa isang kapaligirang nagbibigay suporta sa kanilang potensyal. Sa ganitong paraan, ang aircon ay hindi lamang isang pondo ng malamig na hangin kundi isang simbolo ng pagbabago— isang hakbang patungo sa mas matagumpay na edukasyon Ang pagkakaroon ng library sa mga paaralan ay mahalaga sa paghubog ng kaalaman at tagumpay ng mga mag-aaral. Ito ay nagsisilbing sentro ng impormasyon kung saan maaaring magbasa, magsaliksik, at mag-aral ang mga kabataan. Sa pamamagitan ng library, nagkakaroon ang mga mag-aaral ng akses sa iba’t ibang mapagkukunan tulad ng mga libro, journals, at iba pang materyal na nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa kanilang mga aralin. Sa ganitong paraan, natutugunan ang suliranin ng kakulangan sa learning resources na madalas na nararanasan sa maraming paaralan. Higit pa rito, ang library ay nakakatulong sa paglutas ng mga problema sa focus at motivation ng mga mag-aaral. Ang tahimik at maayos na kapaligiran nito ay nagbibigay ng espasyo para sa masinsinang pag-aaral, na mahalaga lalo na para sa mga nahihirapang mag-concentrate. May mga library rin na may teknolohiyang tulad ng computer at internet na tumutulong sa mga estudyanteng walang sariling kagamitan para sa pananaliksik. Sa ganitong paraan, natutulungan ang mga mag-aaral na makasabay sa modernong paraan ng pagkatuto. Bukod sa akademikong aspeto, ang library ay nagbibigay rin ng emosyonal na suporta. Ang simple ngunit maayos na espasyo nito ay nagiging kanlungan ng mga mag-aaral na humaharap sa stress at anxiety. Ang pagbabasa ng libro ay nagiging paraan para makapagrelax at magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. Sa kabuuan, ang library ay hindi lamang sagot sa mga suliranin sa edukasyon, kundi isa ring mahalagang pundasyon ng holistic na pag-unlad ng kabataan. Ang maginhawang kapaligiran sa pagaaral ay pundasyon ng matagumpay na edukasyon. Sa pamamagitan ng maayos, komportable, at tahimik na espasyo, nagkakaroon ng mas mataas na

konsentrasyon at produktibidad ang mga mag-aaral. Hindi lamang nito pinapabuti ang kanilang academic performance, kundi nakakatulong din ito sa kanilang mental at emosyonal na kalusugan. Samakatuwid, mahalaga para sa mga paaralan, tahanan, at komunidad na bigyangpansin ang paglikha ng mga lugar na akma at kaaya-aya para sa pag-aaral upang higit na maabot ng kabataan ang kanilang potensyal. at iba pang materyal na nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa kanilang mga aralin. Sa ganitong paraan, natutugunan ang suliranin ng kakulangan sa learning resources na madalas na nararanasan sa maraming paaralan. Higit pa rito, ang library ay nakakatulong sa paglutas ng mga problema sa focus at motivation ng mga mag-aaral. Ang tahimik at maayos na kapaligiran nito ay nagbibigay ng espasyo para sa masinsinang pag-aaral, na mahalaga lalo na para sa mga nahihirapang mag-concentrate. May mga library rin na may teknolohiyang tulad ng computer at internet na tumutulong sa mga estudyanteng walang sariling kagamitan para sa pananaliksik. Sa ganitong paraan, natutulungan ang mga mag-aaral na makasabay sa modernong paraan ng pagkatuto. Bukod sa akademikong aspeto, ang library ay nagbibigay rin ng emosyonal na suporta. Ang simple ngunit maayos na espasyo nito ay nagiging kanlungan ng mga mag-aaral na humaharap sa stress at anxiety. Ang pagbabasa ng libro ay nagiging paraan para makapagrelax at magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. Sa kabuuan, ang library ay hindi lamang sagot sa mga suliranin sa edukasyon, kundi isa ring mahalagang pundasyon ng holistic na pag-unlad ng kabataan. Ang maginhawang kapaligiran sa pag-aaral ay pundasyon ng matagumpay na edukasyon. Sa pamamagitan ng maayos, komportable, at tahimik na espasyo, nagkakaroon ng mas mataas na konsentrasyon at produktibidad ang mga mag-aaral. Hindi lamang nito pinapabuti ang kanilang academic performance, kundi nakakatulong din ito sa kanilang mental at emosyonal na kalusugan. Samakatuwid, mahalaga para sa mga paaralan, tahanan, at komunidad na bigyang-pansin ang paglikha ng mga lugar na akma at kaaya-aya para sa pag-aaral upang higit na maabot ng kabataan ang kanilang potensyal.

Dahan-dahang pagangat ng kinakabukasan

pagbibigay ng mga payo sa mga estudyante.

mabilis na pagbabago ng mundo, ang mga estudyante ay nagdurusa sa mga problemang hindi agad nasusulusyonan. Sa likod ng mga ngiti at mga tagumpay sa buhay, maraming mga estudyante ang nakakaranas ng mga problemang maaring makaepekto sa kanilang pag-aaral, relasyon at iba pa. Sa kabila nito, ang University of Saint Anthony ay nagtitiyak na matutulungan nito ang mga estudyante sa kanilang mga hamon sa buhay sa paraang

Sa University of Saint Anthony (USANT) natututo ang mga estudyante ng iba’t ibang bagay sa iba’t ibang asignatura at aktibidad. Maaari itong sa Agham, Matematika, Ingles, at marami pang ibang asignatura na matututunan ng isangordinaryong estudyante. Gayunpaman, ang totoong mundo ay nangangailangan ng higit pa sa kaalaman na makukuha sa aklat-aralin. Ang mga mag-aaral ay nahaharap sa gawain ng aktuwal na paglalapat ng mga kasanayang ito sa iba’t ibang sitwasyon. Kaya, paano sila matututong magsagawa ng mga gawain at maging

Ang USANT Guidance Office ay isang mahalagang lugar sa loob ng kampus, ito ay hindi lamang silid; ito ay isang masiglang centro ng suporta at gabay, ito rin ay isang pundasyon ng mga pangako ng paaralan sa kagalingan ng mga mag-aaral. Higit pa sa mga payo na ibinibigay nito, ang opisinang ito ay gumaganap na gabay upang ihanda ang mga mag-aaral sa kanilang hinaharap. Hinahanda nito at tinutulungan ang mga estudyante harapin ang mga susunod na problema nila sa buhay, tinutulungan din nila ang mga estudyante mahanap ang kanilang tunay na sarili.

Ang USANT Guidance Office ay nagsisilbing isang ligtas na puwang para sa lahat ng estudyante, anuman ang kanilang pinagdadaanan. Ang mga taga payo ay handing makinig, magbigay ng suporta, at gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay patungo sa pagkatagumpay. Ito ay isang mahalagang bahagi ng komunidad ng USANT, na patuloy na nagaambag sa pag-unlad ng mga mag-aaral na may buo at malusog na personalidad.

Ang Makabagong USANT

epektibo ang kanilang kaalaman sa totoong buhay na mga sitwasyon? Ang ilang mga Anthonians ay nahihirapan sa paggamit ng kanilang mga kasanayan sa totoong buhay na mga sitwasyon tulad ng mga simpleng gawaing bahay o laboratoryo. Ito ay maaari dahil sa kakulangan ng pagsasanay at paggamit ng mga naturang kasanayan sa isang ligtas at sinusubaybayan na kapaligiran. Kapag nakapasok na ang mga estudyante sa totoong mundo, maaaring mahirapan silang matutunan ang mga pangunahing kasanayang ito na dapat ay naituro sa kanila ng maaga. Samakatuwid, nilalayon ng USANT na tugunan ang isyung iyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga laboratoryo at lugar na maaari nilang maisagawa ang mga praktikal

ni TRIXIE FARRAH ZARZOSO

na aplikasyon upang ihanda at mahasa ang kanilang mga kasanayan para sa kanilang kinabukasan. Ngayon, alam ng karamihan ng mga Anthonians kung paano isagawa at mahasa ang kanilang mga kasanayan dahil gagamitin nila ito sa mga laboratoryo tulad ng Technology Livelihood Education (TLE) Laboratory, Computer Laboratory, at Science Laboratory. Hindi nakakabahala para sa ating mga kapwa Anthonians na magsagawa ng mga partikular na aktibidad sa labas ng paaralan dahil sa tulong ng USANT, ito ay magagawa na ng mga estudyante ng ligtas sa mga lugar na angkop para sa aktibidad na ito.

ni ALLIAH MAE BROSAS
Sa gitna ng

GABAY SA LAHAT! Ipinapaliwanag ni Dr. Christian I. Lamud, isang guro ng University of Saint Anthony, ang isang

aralin tungkol sa Matematika sa kaniyang mga mag-aaral sa kolehiyo upang kanilang

tuluyang maunawaan. - Jeisha Rifareal

Ginoong ChristYan!

Sabi nga nila, sa likod ng isang matagumpay na mag-aaral ay isa ring magaling na guro na siyang nagbibigay ng hindi lamang mga aral kundi pati na rin ng malaking inspirasyon upang patuloy na magsikap ang bawat estudyante sa kabila ng hirap na ibinibigay sa kaniya ng buhay.

Iyan si Dr. Christian I. Lamud, isang guro na mula sa University of Saint Anthony na siyang hinahangaan hindi lamang ng kaniyang mga tinuturuan, ngunit maging ng kaniyang mga katrabaho sa paaralan dahil sa dedikasyon at sipag na pinapakita niya sa bawat silid-aralan na kaniyang pinapasukan. Tulad ng iba, hindi naging madali ang paglalakbay na ginawa ni Ginoong Lamud, kinailangan niyang dumaan sa isang makitid na pilapil upang tuluyang marating ang kaniyang mga naaabot sa panahon ngayon. Bago pa siya

Mabilis ang takbo ng buhay at maraming pagsubok ang kinahaharap nila. Dahilan para maging masayang ugali at maari rin pumunta sa masamang ugali. Sa gitna ng mga ito, nananatiling mahalaga ang pagtataguyod ng magagandang asal o ugali na matagal nang bahagi ng kulturang Pilipino. Sa ating mga ninuno, itinuturing nilang gabay ang “12 Pasugnadan ng Ugali” sa araw-araw na pamumuhay mga pamantayan na naglalayong magkaroon ng balanseng pakikitungo sa kapwa at sa kalikasan.

Pagkamakadiyos

- Sa lahat ng aspeto ng buhay, ang pagkilala sa ating diyos ay ang pangunahing kapangyarihan ng mga Pilipino. Ang pagkamakadiyos ay hindi lamang ipinapakita sa relihiyosong ugali kagaya kung ‘di sa araw-araw na paghingi ng gabay at pasasalamat sa panginoong Diyos. Ipinapakita rin ito sa pagkakaroon ng malasakit sa kapwa na para bang lahat sa lahat nalikha ng Diyos.

pumasok sa larangan ng pagtuturo, si Ginoong Christian ay isa lamang tipikal na kabataan na may mataas na pangarap. Ilan sa mga ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang kaniyang pamilya sa hirap upang masuklian ang dugo’t pawis na iginugugol ng kaniyang mga magulang upang matulungan siyang maabot ang mga mithiin niya sa buhay. Ang kaniyang ama ay isang magsasaka at ang kaniyang ina naman ay isang tindera sa palengke. May trabaho man ang kaniyang mga magulang ngunit hindi ito sapat upang matugunan ang kanilang

pangangailangan. Ang gasera na ginagamit niya sa tuwing siya’y nag-aaral ang tanging nagsisilbing kaniyang liwanag at katuwang sa pag-abot ng butuing pilit niyang sinusungkit.

Para sa kaniya, walang imposible sa taong may pangarap. Ito ang palagi niyang ibinabahagi at nais matutuhan ng kaniyang mga mag-aaral. Kailangan lang natin maging masipag magtiwala sa ating kakayahan upang masiguro natin ang mas magandang kinabukasan.

TAMIS-ANGHANG

ni MICAH VILLAR

Kilala ang Lungsod ng Iriga bilang isa sa mga lugar na tanyag dahil sa mga pambihirang pagkain at putahe. Mula sa simpleng karinderya hanggang sa mga kilalang kainan, makikita ang iba’t ibang pagkain na sumasalamin sa bukod-tanging panlasa ng mga Irigueño.

Bilang isang masaganang lungsod, mayaman ito sa mga pananim tulad ng niyog at sili na ginagamit bilang sangkap, na nagpapatingkad sa lasa ng mga pagkain. Ito ang dahilan kung bakit nagtataglay ang mga ito ng kakaibang tamis, alat, at anghang na talagang katakamtakam. Nakapaloob sa makulay na kasaysayan ng Iriga ang nag-uumapaw na pagkaing dinarayo pa ng ibang tao para lamang matikman. Isa na rito ang gulay na Katnga. Ang mga dahon ng katnga ay malalaki, makintab na berde, at kadalasang ginagamit sa iba’t ibang putaheng Pinoy. Ito ay niluluto gamit ang tuyong katnga at mga dahon ng libas na pinitpit, hinahaluan ng balaw, karne ng baboy o manok, prinitong karne ng tinapa, sili para mas malinamnam, at iba pang pampalasa; sa huli, ito ay nilalaga sa gata ng niyog. Nagbibigay ito ng kaaliw-aliw na lasa at tekstura, kaya naman paborito itong lutuin ng marami. Isa rin sa

mga pagkaing kilala galing sa Iriga ay ang Tinuktok. Ito ay isang lokal na ulam na nangangahulugang dinurog o pinagsamang laman ng niyog, na nilalagyan ng ugama o hipon, suka, at mga pampalasa na binabalot sa dahon ng tan-ag o gabi. Ang ginagamit na ugama o hipon ay pinapabulok ng isang araw o dalawa hanggang maglabas ito ng natatanging amoy, at pagkatapos ay nilalaga sa gata ng niyog. Para sa karagdagang anghang, ang siling labuyo ay dinurog at isinasama sa timpla. Bukod sa mga ulam, may mga panghimagas ring ipinagmamalaki ang Iriga. Natatangi ang mga lasa nito dahil ang karaniwang pangunahing sangkap ay malagkit na bigas. Ang mga pagkaing ito ay sumasalamin sa mayamang kultura, likas na yaman ng lugar, at pagkamalikhain ng mga tao. Una ay ang Alipi. Ito ay gawa sa harina ng bigas o malagkit, harina ng kamoteng kahoy, aliyon o mga ugat na parang ube, asukal, at lukadon o batang laman ng niyog,

na karaniwang binabalot sa dahon ng saging sa trianggulong hugis, at pagkatapos ay nilalaga. Pagkatapos nitong ilaga, nagbibigay ito ng nakakapang-akit at kabigha-bighaning amoy, at tiyak na mayroong masarap na lasa. Bukod pa rito, isa rin sa mga katakam-takam na delikasiya ay ang Ibos. Ito ay malagkit na bigas, hinalo sa gata ng niyog na may anise at asin; binalot sa mga dahon ng batang niyog, at pagkatapos ay nilalaga sa gata ng niyog. Karaniwang isinasawsaw ito sa asukal upang mas magkaroon pa ng lasa at tamis. Maliban sa kakanin, mayroong mga gawa rin sa saging katulad ng Sinapot o maruya, na gawa sa hinog na saging, kadalasang saba, na hiniwa at binalot sa isang masarap na batter na may halong harina, asukal, at gatas o tubig. Ang batter na ito ay

nagbibigay sa Sinapot ng malutong na tekstura sa labas habang nananatiling malambot at matamis sa loob. Kabilang din ang Linubak na gawa sa nilagang hilaw na saging at kamoteng kahoy na dinikdik ng pino. Ito ay hinahalo sa lukadon o batang laman ng niyog, margarine, gatas, at asukal. Minsan, ito ay binubudburan ng dinurog na inihaw na mani. Tunay ngang kahali-halina ang mga pagkaing tampok sa Iriga. Mula sa makukulay at nagniningning na hitsura, hanggang sa pangalan pa lamang, tiyak na magugutom ka kapag narinig mo ito. At kapag natikman na, siguradong babalikbalikan mo na, makakalimutan mo pa ang iyong pangalan.

Pagkamakatao - Dito ugali natin ang pakikipagkapwa sa pamayanan. Ang prinsipyo ng pagrespeto at malasakit sa kapwa ay sumasalamin sa malalim na pakikipagkapwa-tao. Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang malalim na pakikipagsama ang pakikilahok sa buhay ng iba, lalo na sa panahon ng pangangailangan ng tulong at gabay. Sa pagkamakatao, natutunan natin ang halaga ng malasakit at pakikipagtulungan.

Pagkamakabayan - Pareho sa pagkamakatao pero sumasailalim sa buong bayan kasama ang tao, paligiran, kultura at ang bansa. Kompletong nagbibigay mahal at respeto sa lugar at sa kulturang kasaysayan. Hindi lamang sa paggalang sa watawat at pambansang awit, kundi pati na rin sa pagboto nang matalino at aktibong pakikilahok sa mga usapin ng bansa.

Pagkamahinahon - Ang pagkamahinahon o pagpapanatili ng kalmadong pag-iisip kahit sa gitna ng pagsubok ay isang mahalagang aspeto ng kaugalian ng mga Pilipino. Sa halip na tumugon agad sa galit o poot, pinipili ng marami ang maging mahinahon at mapagpasensya

Pagkamatapat

- Sa pakikitungo sa kapwa, mahalaga ang pagiging matapat. Sa pagkamatapat, mapapanatili natin ang integridad at tiwala sa isa’t isa. Ang tapat na salita at gawa ay pundasyon ng mga matatag na relasyon, mula sa pamilya hanggang sa komunidad.

Pagkamatulungin

- Isa sa mga pinaka-pantukoy na ugali ng mga Pilipino. Sa tuwing may nangangailangan ng tulong, lagi’t laging handa ang bawat isa na magbigay ng oras, lakas, at suporta.

Pagkamapagbigay

- Kasunod ng pagtulong ay ang pagkilos na may kabutihang loob ang pagkamapagbigay. Mula sa simpleng pag-abot ng tulong pinansyal hanggang sa pagbabahagi ng oras at kaalaman, ang pagiging mapagbigay ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at sa kalagayan ng ibang tao.

Pagkamasinop

- Pareho ang pagkamahinahon at pagkamatiisin ay konektado sa pagiging masinop. Sa pag-aalaga sa mga bagay na pag-aari at wastong paggamit ng mga ito, pinapahalagahan ng mga Pilipino ang disiplina sa mga personal na kagamitan at kayamanan sa bayan. Pinapakita ng pagiging masinop ang kahandaan para sa hinaharap.

Pagkamasayahin

- Sa kabila ng mga hamon nahaharap, ang mga Pilipino ay likas na masayahin. Makikita ito sa kanilang kakayahang ngumiti at magdiwang kahit sa mga simpleng bagay. Ang positibong pananaw sa buhay ay nagiging inspirasyon hindi lamang sa pamilya kundi pati sa buong komunida. Ito ang pinakamahalagan ugali sa buong buhay.

Pagkamasipag

- Syempre kailangan ng sipag at tiyaga ay dalawang pangunahing katangian para makuha ang iyong pangarap sa bawat Pilipino. Mula sa mga magsasakang nagsusumikap sa mga bukirin hanggang sa mga manggagawang naglalaan ng oras at lakas para sa kanilang pamilya, ipinapakita ng bawat isa ang pagpapahalaga sa trabaho at kabuhayan.

Pagkamatiisin - Kasama ng sipag ang tiyaga. Hindi lahat ng nais nakakamit agad, ngunit sa patuloy na nagsisikap, natutunan ng mga Pilipino ang magtiis at maghintay. Ang pagkamatiisin ay nagpapakita ng pag-unawa na ang lahat ng bagay ay may tamang oras at panahon.

Pagkamahinhin

- At sa huli, sa kabila ng lahat ng tagumpay, mahalaga rin ang pagiging mapagpakumbaba o mahinhin. Sa pagkamahinhin. Ipinapakita ng isang tao ang respeto sa iba at sa sarili. Hindi nagmamataas o nagmamaliit ng iba, kung ‘di nagpapakita ng dignidad sa tahimik at simpleng paraan.

Ang 12 Pasugnuran ng Ugali ay higit pa sa mga salita ito’y mga gabay na nagbibigay direksyon sa ating pag-uugali bilang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga prinsipyo ng pagkamakadiyos, pagkamakatao, at iba pa, maaari tayong maging ilaw sa ating mga komunidad at maging halimbawa sa mga susunod na henerasyon.

ni HARIS DRENZ FERNANDEZ
kuhang larawan ni G. Bobby V. Nacario, Jr.

PAGHUBOG NG

PAGKAKAKILANLAN:

MGA KAPISTAHANG PILIPINO SA BICOL

ni ELLAINE JOIE SANCHEZ

Kapistahan: Ang Makulay na Tradisyon ng mga Bicolano - Ang pagdiriwang ng kapistahan ay isang mahalagang bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino. Mula sa mga banal na pista gaya ng Pista ni Inang Peñafrancia hanggang sa mga makukulay at masiglang selebrasyon, ipinapakita nito ang masiglang kultura at pananampalataya ng mga Bicolano. Sa rehiyon ng Bicol, iba’t ibang kapistahan ang ipinagdiriwang sa mga buwan na may makasaysayang kahalagahan, na nagiging batayan kung bakit ang bawat pista ay natatangi at pinagdiriwang sa partikular na panahon. Kabilang dito ang Pista ng Santisima Trinidad sa bayan ng Bato, na ipinagdiriwang tuwing ika-9 na linggo pagkatapos ng Mahal na Araw, at ang pista ni Inang Senyora de Angustia sa Nabua, Camarines Sur, na ginaganap tuwing ika-3 ng Mayo.

Makulay na Selebrasyon ng Tinagba Festival - Sa paglipas ng panahon, nasaksihan na ng mga tao ang mga makukulay na selebrasyon ng iba’t ibang kapistahan. Isa na rito ang Tinagba Festival, na ginaganap sa Lungsod ng Iriga, Bicol, tuwing ika-5 hanggang ika-11 ng Pebrero. Isang pasasalamat para sa unang ani, tampok dito ang parada ng mga karosang de-motor o hila ng kalabaw, pati na rin ang masayang mardi gras kung saan ang mga kalahok ay nakasuot ng tradisyunal na kasuotan habang sumasayaw sa kalsada. Kabilang sa mga pangunahing programa ang taunang patimpalak na Miss Iraga, Miss Rinconada, at Miss Tourism, kasabay ng pagdiriwang ng Charter Foundation Anniversary.

PIGHATING GALIT SA BATO

CIRON

ni JAN YSMAEL

Kasama sa mga importanteng tradisyon ng Pilipino ang pagkwe-kwentuhan, lalo na kung galing ito mga matatanda. Ang mga kwentong ito ay maaaring Alamat, kababalaghan o kwentong mula sa kanilang karanasan na nakakapag-intriga sa mga Pilipino.

Ang Sarikaw ay isang kwentong- bayan at alamat mula sa Iriga na kung saan sinasabi ng mga matatanda na ang batong iyon ay ang natitirang alaala ng isang sikat na mandirigma dahil sa pag sumpa sa kanya ng engkanto sa gubat. Ito ay dahil sa pagkagalit ng engkanto nung pinasok niya ang kanyang tahanan at kaya sinumpa siya at tuluyang naging bato. Noong unang panahon, sinasabing biniyayaan ng mga diyos ng Bikol ang mga engkanto at engkantada na

mataas si Sarikaw na naging rason sa kanyang paglakas ng loob at galugarin ang mga parte ng gubat na sadyang mapanganib at ipinagbabawal ng mga matatanda. Nagalit dito ang mga Irago, engkanto na kalahating tao at ahas, at nanguna dito si Ayupan. Kung gayo’y nagtawag siya sa isang pagpupulong ng mga engkanto sa gubat tungkol kay Sarikaw. Ayon sa kwento, nagdesisyon ang mga engkanto na isumpa si Sarikaw dahil sa kanyang pinaggagawa.

Maboot na huwag silang manira para lamang magawa ang nararapat at kaya nag-isip siya ng paraan upang sabihan ang mangangaso. Nakasalubong niya si Tarok, ang kanyang alagang usa na mahilig maglaro sa kagubatan, at nagkwento sa kanya tungkol sa lugar na naabot niya. Kinabukasan ay naging matandang babae si Maboot at nakiusap kay Sarikaw na huwag nang tumuloy sa gubat ngunit pinakitang-gilas naman niya ang kanyang aroganteng ugali at tumuloy sa

ipinakita ni Sarikaw. Nakiusap ang mga engkanto na gawin na ang dapat. At sinabi ni Maboot sa kanyang sarili na kailangan na niyang pigilan si Sarikaw bago mahuli ang lahat. Kaya kinabukasan, siya na mismo ang nakiusap kay sarikaw. Inisip ni Maboot na papakinggan na siya ni Sarikaw dahil isa ng engkantada ang nakikiusap sa kanya. Ngunit tumanggi si Sarikaw at tumuloy sa gubat. Di nagtagal hangga’t sa nakarinig siya ng sigaw na kilalang-kilala niya. Pinatay ni gamit ang pana at isumpa si Sarikaw.

Kaogma Festival: Isang Masayang Selebrasyon sa Camarines Sur - Isa sa mga kapistahang ipinagdiriwang sa rehiyon ng Bicol ay ang Kaogma Festival, isang makulay na selebrasyon ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Camarines Sur bilang lalawigan. Ginaganap ito tuwing ika-27 ng Mayo at itinuturing na “The Hottest Festival in the World.” Sa Kaogma Festival, pinapangalagaan ang mayamang kultura, kasaysayan, masarap na maanghang na pagkain, at masisiglang mamamayan ng Camarines Sur. Tampok sa pagdiriwang ang iba’t ibang palaro tulad ng boksing at wakeboarding, pati na rin ang mga patimpalak tulad ng Miss Kaogma, sayawan, kantahan, grand parade, at street dancing competition. Mayroon ding arts fest, mga konsiyerto, at iba’t ibang cultural at entertainment shows na nagbibigay aliw sa lahat.

Kasanggayahan Festival: Isang Enggrandeng Pagdiriwang - Isa sa mga engrandeng kapistahan sa Bicol ay ang Kasanggayahan Festival, isang malawakang pagdiriwang sa lalawigan ng Sorsogon na ginaganap tuwing Oktubre. Ang kapistahang ito ay naggunita sa pagkakatatag ng Sorsogon bilang lalawigan at nagbibigaydiin sa mga aktibidad na may kaugnayan sa relihiyon, kultura, kasaysayan, ekonomiya, at agrikultura. Ang mga aktibidad ng Kasanggayahan Festival ay dinisenyo upang isulong ang mga layunin ng pagpapromote ng agrikultura, sining, kultura, kasaysayan, turismo, at kalakalan. Sa buong buwan, maraming kaganapan ang nagaganap, kabilang ang mga palaro, palabas sa aliwan, at ang Kasanggayahan Tiangge, na isang bukas na pamilihan. Kasama rin sa mga paligsahan ang Mutya ng Kasanggayahan, Pantomina sa Tinampo, at iba pa.

wang engkanto at tuluyang namang

sa gubat at dapat

Pamana ng Kultura: Isang Mapanlikhang Kalinangan - Ang mga pamana ng ating mga mananakop na Kastila ay nagbigay-daan upang mabuhay ang mga tradisyong ito, na simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Maaaring sa paningin ng mga banyaga, ito ay tila mali; subalit, ito ay naitaga na sa puso at isipan ng mga mamamayang Pilipino at dadalhin nila ito hanggang sa kanilang pagtanda. Ang mga tradisyong ito ay patuloy na nabubuhay at umuusbong sa makabagong panahon, sapagkat nagiging pagkakataon ito para sa bawat pamilya na magsama-sama, magsalo-salo, at magsaya.

nakakita ng isang

lang na walang pinaggalingan at narinig niya ang bilin ng babae sa bato na kung saan sinabi niya na dapat pinakinggan ni Sarikaw ang kanilang habilin. Dinagdag pa niya na lalaki ang bato kada punta ng babae sa bato para maipakita ang paglaki ng ulo ni Sarikaw. Nang tuluyang nawala ang mga baby ko, biglang nakita ng bata na lumaki ang bato at dali-daling bumalik sa kanyang magulang na nangingilabot. Simula noon, lumaganap ang kuwento ng mga matatanda tungkol sa pagsumpa kay Sarikaw. Sa kasalukuyan, maraming bumibisita sa monolitong bato para makita ito at patuloy pa rin ang paglaki nito na sumisimbolo sa arogante at mapagmataas niyang ugali. Kung di man totoo ang kwento ng Sarikaw, naging importanteng parte pa rin’ ang mga kwentong-bayan ng mga Pilipino dahil dito pinakita ang pagkamalikhain at pagkahusay ng mga taong-bayan. Pinakita din’ dito ang mga iba’t ibang pahiwatig at mensahe na nais iparating ng mga matatanda sa mga batang tagapakinig na naintriga sa kanila. Sa kwento naman ni Sarikaw, nais ipahiwatig ng mga matatanda na irespeto ang kalikasan dahil kung hindi, babalik sa iyo ang parusa.

Puso ng Pananampalataya

ni ALLIAH MAE BROSAS

Sa puso ng Camarines Sur, matatagpuan ang Iriga, isang lungsod na kilala sa mga magagandahan tanawin at sa mayamang kasaysayan. At sa gitna ng lungsod na ito, nakatayo ang isang simbahan na naging saksi sa paglipas ng mga panahon, at ito ay ang simbahan ng Iriga.

Ang simbahan ng Iriga, nakilala rin nating “Parroquia y Santuario Archidiocesano San Antonio de Padua church” ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng mga taga-Iriga. Ngunit hindi lamang ito isang lugar ng mga panalangin, kundi isang simbolo rin ng kanilang pananampalataya sa diyos at pagkakaisa ng bawat isa. Ang kasaysayan ng simbahan ng Iriga ay kasinghaba rin ng kasaysayan ng Iriga. Ang unang simbahan ay itinayo noong 1585, ngunit ito ay nasunog noong parehong taon. Maraming ulit na nasira ang simbahan dahil sa mga bagyo at sunog, ngunit ito rin ay paulitulit ring tinayo ng mga taga-Iriga. Ang kasalukuyang simbahan ay itinayo noong ika-19 na siglo at naging isang National Historical Landmark noong 1939. Higit pa sa kagandahan at kasaysayan nito, ang simbahan ng Iriga ay isang lugar ng pag-asa at inspirasyon. Sa loob ng mga pader nito, nagsasamasama ang mga tao upang magdasal, magpasalamat, at humingi ng gabay sa panginoong diyos. Ito ay isang lugar kung saan ang mga tao ay nakakahanap ng kapayapaan sa gitna ng kanilang mga pagsubok sa buhay. Ang simbahan ng Iriga ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng Iriga. Ito ay isang simbolo ng kanilang pananampalataya, pagkakaisa, at pagtitiyaga. At sa paglipas ng panahon, patuloy itong magiging isang mahalagang bahagi ng buhay ng mga taga-Iriga.

13 lathalain

larawan mula sa Kaddlagan Outdoor Adventure Tour
larawan mula sa ParishPH
larawan mula sa Vigattin Tourism

4

HATAW SA HARAPAN, TANIM SA LIKURAN

agtek

Sa makulay na tanawin ng modernong teknolohiya, isang makapangyarihang aliw sa kalikasan ang nagaanyaya ng bagong pag-asa. Ako, ang Solar Farm, ay hindi lamang isang hanay ng mga solar panels; ako’y isang liwanag na nagbibigay enerhiya at buhay sa mga pananim. Ako ang sagot sa pagnanais ng masaganang ani at malusog na kalikasan, kaya’t sa bawat sinag ng araw na dumadapo sa aking mga panel, ang mundo’y muling nakakakita ng bagong pag-asa.

Habang ang araw ay patuloy na nagdudulot ng liwanag sa ating mundong puno ng pagbabago, ang solar energy ay naging tulay sa pag-unlad ng ating agrikultura. Ang mga solar farm ay isang tanawin ng mga makabagong teknolohiya, kung saan ang mga solar panels ay nag-aangkat ng enerhiya mula sa araw upang magbigay buhay sa ating mga tahanan, negosyo, at industriya.

Ang bawat piraso ng silicon sa mga photovoltaic (PV) cells ay humuhubog ng kuryente mula sa mga sinag, tulad ng mga ugat ng mga halaman na sumisipsip ng buhay mula sa lupa. Ngunit sa likod ng liwanag

Hithit ng usok, hina ng pagkatao

MARK AMIEL SORETA ni

Sa panahon ngayon, ang vaping ay madalas itinuturing bilang simbolo ng makabagong istilo ng pamumuhay. Ngunit sa likod ng tila modernong imahe nito, unti-unti rin nitong binabago—at binababa—ang pagkatao ng gumagamit.

Hindi maitatanggi na sa unang tingin, ang vaping ay mukhang walang masama. Madalas itong i-advertise bilang mas ligtas na alternatibo sa paninigarilyo—hindi kasing bigat sa bulsa, at mas “cool” tingnan. Pero kapag binusisi nang mabuti, makikita kung paano nito pinapahina hindi lamang ang kalusugan, kundi pati na rin ang respeto natin sa ating sarili. Ang usok mula sa e-cigarettes ay hindi lamang pumapasok sa katawan; para itong isang lason na unti-unting nagpapahina sa ating disiplina. Ang paggamit nito ay madalas nagsisimula sa ideyang “hindi ito kasing delikado.” Ngunit sa bawat hithit ng aerosol, nabubuo ang isang cycle ng pag depende. Ang dating desisyon para sa pansamantalang ginhawa ay nagiging isang bitag na mahirap takasan. Sa mga kabataan, ang epekto ay mas malalim. Ginagamit ang vaping bilang paraan ng pagtakas sa stress, isang mabilisang sagot sa mga hamon ng buhay, o simbolo ng pagiging “kasali” sa uso. Subalit, sa bawat beses na pipiliin ang vaping bilang solusyon, ipinapakita rin nito ang ating kahinaan.

v

Isang paalala sa tamang pag-unawa at pagkalat ng impormasyon.

Ang Bagyong Kristine (Trami) ay itinalaga lamang bilang tropical storm, at hindi ito isang super typhoon, ayon sa pahayag na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAG-ASA) noong Oktubre 23, ganap

na dumarating, may mga hamon ding kinahaharap. Hindi laging madali ang pag-aayos ng mga solar panel sa ibabaw ng mga taniman. Ang posisyon ng mga panel ay may epekto sa ani—kapag masyadong malaki, maaaring maapektuhan

ang pag-usbong ng mga pananim. Gayunpaman, sa tulong ng agrivoltaics— pagsasanib ng agrikultura at solar photovoltaics—mas nakikinabang ang mga magsasaka. Habang ang mga panel ay nagpoproduce ng kuryente, ang mga pananim naman ay patuloy na umaani ng buhay mula sa kalikasan. Sa mga hamon ng pag-install at gastos ng teknolohiya, ang bawat solar panel ay may taglay na pangarap: ang pangarap ng isang mas malinis, mas masagana, at mas luntian na bukas. Sa bawat patak ng ulan, sa bawat sinag ng araw, ang teknolohiya at kalikasan ay nagsanib-puwersa upang magbigay ng pag-asa. Ang mga solar panels ay hindi lamang mga makinarya, kundi mga salamin ng pag-asa sa harapan ng mga magsasaka, habang ang kanilang mga ugat ay patuloy na nag-aalaga sa kalikasan sa likuran.

Misyon ng teleskopyo ng NASA: Pag-explore ng madilim na enerhiya at kalawakan

ISABELLA CAMBA ni

Isang makabago at ambisyosong proyekto ng NASA ang Roman Space Telescope, na layuning mas mapalalim ang ating pag-unawa sa madilim na enerhiya at iba pang mga misteryo ng kalawakan.

Ang teleskopyo na ito, na pinangalanang Nancy Grace Roman Telescope, ay isang makapangyarihang instrumento na magbibigay daan upang mas mapag-aralan ang mga lihim ng ating uniberso—mula sa mga exoplanets hanggang sa hindi pa natin lubos na nauunawaan na aspeto ng madilim na enerhiya. Sa kabila ng mga taon ng paghahanda, natapos na ang Spacecraft Bus na magsisilbing carrier ng teleskopyo, at kasalukuyan nang isinasama ang mga bahagi ng observatoryo na magbibigay daan sa napakahalagang misyon sa agham. Matapos ang ilang taon ng pagbuo, tapos na ang Spacecraft Bus na magdadala sa Roman Space Telescope sa kanyang paglalakbay. Ang bus na ito ay may taas na 13 feet at lawak na 6.5 feet, at may kabuuang timbang na 8,400 pounds. Sa ngayon, ang mga eksperto ay nag-iintegrate na ng mga instrumento at teleskopyo sa loob ng bus upang ito’y maging handa para sa kanyang misyon sa kalawakan. Isa itong mahalagang hakbang, dahil ang tamang transportasyon at pagsasama ng mga kagamitan ay susi sa tagumpay ng misyon ng teleskopyo. Ang Nancy Grace Roman Space Telescope ay pinamamahalaan ng NASA at may mga kasamang industrial partners tulad ng BAE Systems, L3 Harris Technologies, at Teledyne Scientific, na nakikipagtulungan upang mapalawak ang ating kaalaman sa kalawakan. Sa pamamagitan ng kakayahan nitong mag-obserba ng madilim na enerhiya at mga exoplanets, inaasahan ng mga siyentipiko na matutuklasan nito ang mga aspeto ng uniberso na dati ay hindi natin kayang pag-aralan. Ang teleskopyong ito ay may kakayahang magbalik ng 1.4 terabytes ng data kada araw, isang napakalaking halaga kumpara sa mga nakaraang teleskopyo tulad ng James Webb at Hubble Space Telescopes, na hindi umaabot sa terabytes ng data.

magdesisyon ng tama, kahit pa mahirap. Ang pagsuko sa vaping ay hindi lamang tungkol sa pagtigil sa bisyo, kundi isang hakbang tungo sa pagpapanumbalik ng respeto natin sa ating sarili. Ito ay tila biro ng panahon, na sa bawat hithit, ikaw din ang nilulunod. Ang usok ay saglit, ngunit ang pinsala’y pangmatagalan, Isang paalala ng ang tunay na lakas ay nasa pagtanggi at paninindigan.

na alas dos ng hapon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Bagamat tropical storm ang Kristine, marami ang naniniwala na ito ay isang super typhoon, isang uri ng bagyo na may lakas ng hangin na higit sa 185 kilometers per hour. Ang maling pagkaintindi na ito ay nagmula sa iba’t ibang dahilan. Una, maraming

mga larawan mula sa NASA, NASA Science, Wikipedia

mga tao ang hindi pamilyar sa teknikal na kaalaman ukol sa mga klasipikasyon ng bagyo, kaya’t iniisip nila na ang anumang bagyong malakas ay awtomatikong isang “super typhoon.” Pangalawa, ang bagyong Kristine ay may mabilis na paglaki at hindi inaasahang pagbabago sa kanyang lakas, kaya’t nagdulot ito ng takot sa mga mamamayan. Ang makulay na paglalarawan ng mga balita at mga posts sa social media na may dramatikong mga larawan

o video ay nakadagdag sa takot at maling impresyon ng tao. Pangatlo, ang maling impormasyon ay kumalat nang mabilis sa mga platform tulad ng TikTok, na nagpakalat ng video na nagsasabing super typhoon ang Kristine. Dahil sa bilis ng pagkalat ng social media, ang mga hindi verified na impormasyon ay agad na nakakaabot sa milyun-milyong tao, kaya’t hindi na sila nakakakuha ng tamang impormasyon mula sa mga awtoridad.

Sa huli, ang mga ganitong maling impormasyon ay nagdudulot ng unnecessary na takot, kaya’t napakahalaga ng tamang edukasyon at pagiging mapanuri sa mga impormasyong tinatanggap at ipinapalaganap. Kailangan nating maging responsable at tiyakin ang kredibilidad ng mga sources upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng nakararami.

Bagyong Kristine, Tropical Storm Lamang?
MARK AMIEL SORETA ni
dibuho ni Simoun Gedaca

Tula ng paglayo at pagbalik

MARK AMIEL SORETA ni

Sa bawat haplos, ang makahiya ay tumitiklop, isang tahimik na pagsuko, tila nagpapaalam sa sandali. Sa bawat hawak, tumutupi ito bilang tugon sa pisikal na stimulo, isang simpleng mekanismo na bunga ng tinatawag na “thigmonastic movement.” Ngunit sa kabila ng paliwanag na siyentipiko, ang kilos ng makahiya ay tila isang tula: tahimik, puno ng damdamin, at, higit sa lahat, bittersweet. Ang pagtiklop ng makahiya ay tila isang mahinang paalam, isang kilos na sabay na humihiwalay ngunit nananatili. Sa agham, ito’y likas na proteksyon laban sa mga potensyal na banta. Subalit, sa mas malalim na pagninilay, ang pagtiklop nito ay isang paalala ng kalikasan ng relasyon: minsan, kailangang maglayo upang mapanatili ang kabuuan. Bittersweet ito dahil ang nais mong lapitan ay biglang lumalayo, ngunit ang layong ito ay hindi kawalan kundi isang anyo ng pansariling pangangalaga. At

pagkatapos ng ilang saglit, ang makahiya ay muling bumubukas. Hindi ito nananatiling nakatiklop magpakailanman. Sa pagbubukas ng mga dahon nito, may paalala na ang bawat pagtiklop ay may kasunod na pagbabalik, at ang bawat paglayo ay may kasamang pangako ng muling pagkikita. Sa ganitong paraan, ang makahiya ay hindi lamang agham; ito’y isang sining, isang siklo ng damdamin na naglalaman ng tamis at lungkot. Paano natin inuunawa ang makahiya, isang simpleng halaman, ngunit puno ng kahulugan? Sa pagitan ng pagtiklop at pagbubukas, makikita natin ang sarili nating mga siklo ng koneksyon at paglayo. Sa pagtatapos ng araw, ang tanong ay nananatili: paano natin tatanggapin ang pait at tamis ng mga sandaling nagtutulak sa atin na maglayo, ngunit umaasa ring muling maglapit?

Puting simbolismo ng kuwentong buhay

MARK AMIEL SORETA ni

Sa takbo ng panahon, unti-unting nagbabago ang ating pisikal na anyo, at isa sa mga unang palatandaan nito ay ang pagputi ng buhok. Bagamat ito ay likas na bahagi ng pagtanda, ang bawat hibla ng puting buhok ay tila may dalang kuwento, isang tahimik na paalala ng paglipas ng panahon. Sa likod ng agham, ang puting buhok ay bunga ng pagkawala ng melanin na nililikha ng ating hair follicles. Ang

DOH, idineklara ang pagdating ng monkeypox

Kamakailan lamang, inihayag ng Department of Health (DOH) ang unang mga kaso ng monkeypox (Mpox) sa Pilipinas, isang sakit na dating hindi kilala sa ating bansa. Ang monkeypox ay isang uri ng viral disease na kadalasang matatagpuan sa mga hayop, tulad ng mga unggoy at daga, at maaari ring maipasa mula sa tao patungo sa tao. Sa kabila ng mga pag-unlad sa kalusugan, ang pagdating ng monkeypox ay nagbigay ng isang bagong hamon sa ating sistema ng kalusugan. Paano ba kumakalat ang sakit na ito? Ano ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang mapigilan ang pagkalat nito? At paano makikinabang ang bawat isa sa atin sa mga hakbang na ito upang mapanatili ang kaligtasan ng bansa?

Ang monkeypox ay kumakalat sa pamamagitan ng direktang kontak sa isang nahawang tao o hayop, pati na rin sa mga likido mula sa balat o mga mucous membrane tulad ng mata, bibig, at ilong. Sa Pilipinas, ang unang kaso ng monkeypox ay natuklasan sa isang Pilipino na naglakbay mula sa isang bansang may mga dokumentadong kaso ng sakit. Ang mga sintomas ng monkeypox ay karaniwang nagsisimula sa rashes o pangangati ng balat, na maaaring tumagal ng dalawa hanggang apat na linggo, sinasabayan ng lagnat, pananakit ng katawan, pagkahilo, at panghihina. Ang mabilis na pagkilala sa mga sintomas at ang tamang pangangalaga ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Sa ngayon, ang pinakamahalagang hakbang upang mapigilan ang malawakang pagkalat ng monkeypox ay ang pagpapabakuna. Ayon sa mga eksperto, ang bakuna laban sa smallpox ay maaari ring magbigay ng proteksyon laban sa monkeypox, dahil pareho silang mula sa pamilya ng mga virus. Inaprubahan ng European Medicines Agency ang isang bakuna na epektibo laban sa monkeypox matapos ang matagumpay na mga pagsubok. Ang bakuna ay iniksyon na katulad ng sa

prosesong ito, bagamat simple sa siyensiya, ay puno ng simbolismo: isang patuloy na paalala na tayo’y nagbabago, umuunlad, at lumilipas. Hindi lamang panlabas ang epekto ng pagbabago ng kulay ng buhok. Sa ating kultura, ang buhok ay isang simbolo ng kabataan at lakas. Kaya’t sa tuwing may puting buhok na sumisibol, tila may mensaheng nagmumula rito: ang mga taon ng kabataan ay dumaraan, ngunit

mahalaga rin ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa monkeypox sa pamamagitan ng mga kampanya sa edukasyon. Iminungkahi niya ang pagtatatag ng isang Digital Information System (DIS) kung saan maaaring makuha ng mga mamamayan ang mga pinakabagong impormasyon tungkol sa kalusugan, mga kaso ng monkeypox, at mga hakbang sa pag-iwas. Sa kabila ng mga hakbang na ito, hindi pa rin sapat ang simpleng bakuna at impormasyon. Dapat tiyakin ng gobyerno na may sapat na kaalaman ang bawat isa sa mga hakbang na kailangan upang mapanatili ang kaligtasan. Ang mga lokal na pamahalaan, mga health professionals, at ang buong komunidad ay may papel sa pagtugon sa banta ng monkeypox. Tanging sa pagtutulungan ng bawat sektor at ng bawat isa sa atin makakamtan ang kaligtasan laban sa mga bagong banta sa kalusugan. Ang pagdating ng monkeypox sa Pilipinas ay isang seryosong hamon, ngunit hindi ito isang hindi malulutas na problema. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon, tamang bakuna, at ang aktibong partisipasyon ng buong bansa, malalampasan natin ang hamong ito. Ang gobyerno, mga eksperto, at bawat mamamayan ay may mahalagang papel na ginagampanan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. Nawa’y magsilbing paalala ito sa ating lahat na ang kalusugan

sa halip na malungkot, ito ay nagbibigay-daan para sa mas malalim na pagninilay. Ang bawat puting hibla ay hindi pagkawala ng kulay kundi paglitaw ng panibagong anyo ng kagandahan, isang pilak na alaalang nagtataglay ng karanasan, kaalaman, at katatagan na dala ng panahon. Ngunit, paano kung tignan natin ang puting buhok hindi bilang tanda ng pagkawala kundi bilang marka ng mga yugtong ating nalampasan?

Hindi ba’t ang bawat pilak na hibla ay sumasalamin sa kalaliman ng ating mga kwento—ang mga tagumpay na tahimik nating ipinagdiwang at mga kabiguan na ating matapang na nilampasan? Sa dulo, ang puting buhok ay hindi kawalan ng kulay, kundi ang pagbubukas ng pinto sa isang yugto ng buhay na puno ng lalim at ganda na hindi kailanman mapapantayan ng kahit anong tinain.

Pag-asa sa makabagong lunas para sa OCD

ALIYAH PRAXIDES ni

Sa patuloy na pag-usbong ng agham at teknolohiya, nagiging mas maliwanag ang posibilidad ng mga makabagong operasyon sa utak upang matulungan ang mga pasyenteng may mga seryosong kondisyon sa kalusugan ng pag-iisip. Isa sa mga kondisyon na ito ay ang obsessive-compulsive disorder (OCD), isang sakit na madalas ay hindi lubos na nauunawaan ng nakararami. Para sa mga pasyente, ang OCD ay hindi simpleng “pagiging maayos,” kundi isang paulit-ulit at nakakapagod na siklo ng mga ideya at mga aksyon na mahirap kontrolin. Isang makabagong teknolohiya ang nagdadala ng bagong pag-asa sa paggamot ng OCD: ang magnetic resonance-guided focused ultrasound (MRgFUS). Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, ang mga doktor ay maaaring magsagawa ng capsulotomy—isang operasyon sa utak na gumagamit ng ultrasound upang gamutin ang bahagi ng utak na konektado sa OCD. Napatunayan sa mga clinical trial na ang MRgFUS ay epektibo at may pangmatagalang epekto, na umaabot ng hanggang sampung taon. Bukod pa dito, hindi tulad ng tradisyunal na operasyon na nangangailangan ng pagbukas ng bungo, ang MRgFUS ay isang mas ligtas na alternatibo. Ngunit, tulad ng anumang medikal na pamamaraan, may mga limitasyon ang MRgFUS. Hindi lahat ng pasyente ay maaaring sumailalim sa ganitong operasyon, at kailangan ng masusing pagsusuri bago magdesisyon. Ngunit, sa bawat tagumpay na naabot sa agham at medisina, mas nagiging klaro ang landas patungo sa mas inklusibong pangangalaga. Ang hamon ngayon ay hindi lamang kung gaano pa kalayo ang kayang abutin ng teknolohiya, kundi paano natin magagamit ang mga tagumpay upang matulungan ang mas marami pang nangangailangan.

Sa pagitan ng agham at lipunan, ang hamon ay magbigay ng pag-asa, hindi lamang sa mga posibleng lunas, kundi sa isang mas makatao at mas malawak na pangangalaga.

BPA at ang banta sa ating kalusugan

PATRICIA ISABELLE FANG ni Isang nakakabahalang tuklas ang isinagawa ng mga mananaliksik mula sa National Institute of Environmental Health Sciences: ang Bisphenol A (BPA) ay natagpuan sa dugo ng isang sales lady na malamang ay nai-expose sa kemikal sa pamamagitan ng kanyang trabaho. Ang pag-aaral na ito ay isang paalala at babala sa ating kalusugan, na nagsasabing kailangan nating mag-ingat sa arawaraw na kontak sa mga bagay na naglalaman ng BPA.

Ang BPA ay matagal nang kilala bilang isang kemikal na matatagpuan sa mga resibo ng tindahan. Ayon sa isang pag-aaral na pinangunahan ni Kristina Thayer, ang mga resibo ay hindi gumagamit ng tinta kundi isang kemikal na hindi madaling magbura, at ito ang dahilan kung

bakit madalas ang pagkakaroon ng BPA sa ating balat at dugo. Habang ang resibo ay isang mahalagang bahagi ng ating pangaraw-araw na buhay, ito rin ay nagdadala ng panganib sa kalusugan ng mga tao, tulad ng mga pagbabago sa kalusugan ng ating mga selyula at ang posibilidad ng pagkakaroon ng kanser. Ayon sa isang toxicologist mula sa Research Triangle Park, North Carolina, ang BPA at mga kaugnay na kemikal tulad ng Bisphenol S (BPS) at 4-hydroxyphenyl 4-isoprooxyphenylsulfone (BPSIP) ay maaaring magdulot ng seryosong epekto sa ating katawan kapag ang mga ito ay patuloy na naiipon sa dugo. Sa pamamagitan ng matagal na paghawak sa mga bagay na may BPA, tulad ng mga resibo, ang

kemikal ay napapalipat sa ating balat at dugo, na nagpapalala sa epekto nito. Ang babalang ito ay isang mahalagang paalala na kailangan nating maging maingat at responsable sa ating mga galaw at desisyon sa araw-araw. Mahalaga ang kaalaman at pangangalaga ng agham at teknolohiya sa ating buhay upang makaiwas sa mga panganib na dulot ng mga kemikal, at upang maprotektahan ang ating kalusugan at kapaligiran.

larawan mula sa GMA News
dibuho ni Karla Boncodin
PATRICIA ISABELLE FANG ni
mga larawan mula sa World Health Organization
larawan mula sa Wessex Scene UK

ni MAKABAGONG URI NG BLUEBERRY, NATUKLASAN sa pilipinas

Ang mundo ng agrikultura ay laging umuusbong, at kamakailan lamang, isang makabago at kahanga-hangang tuklas ang naitala sa mga bundok ng Pilipinas. Sa taas ng Mount Apo, natuklasan ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS) ang isang bagong uri ng blueberry — isang rebolusyon sa agrikultura na tiyak magpapabago sa ating pang-unawa sa mga prutas. Ang bagong uri ng blueberry ay tinawag na

Vaccinium fallox (V. fallox), isang panibagong klasipikasyon sa pamilya ng Vaccinium. Tinawag itong “taksil” o “maloko” dahil sa kakaibang hitsura nito na kadalasang nalilito ang mga tao, na iniisip na ito ay isang uri ng Vaccinium myrtoides (V. myrtoides). Sa kabila ng mga pagkakaibang ito, ang V. fallox ay may mga katangian ng isang matibay at masustansyang prutas, tulad ng iba pang mga blueberry. Ang V. fallox ay may mga maliliit na dahon at mga

bulaklak na parang baso, at itinuturing na kasing taas ng isang normal na upuan, na iba sa ibang uri ng blueberry na madalas mas mababa. Matatagpuan lamang ito sa ilang bahagi ng Mount Apo, kung saan ang mga kondisyon ng klima at kahalumigmigan ay angkop sa paglago nito. Ayon kay Maverick N. Tamayo, isang taxonomist, ang V. fallox ay hindi lamang isang natatanging prutas, kundi isang mahalagang bahagi ng ekosistema na nagbibigay nutrisyon at

HAMON NG PANAHON SA BICOL

Ang tangway ng Bicol, na matatagpuan sa Timog-Silangan ng Luzon, ay isang rehiyon na kilala sa mga kamangha-manghang tanawin — mula sa bulkang Mayon na may perfectong hugis-kono, hanggang sa mga malilinaw na katubigan ng Caramoan. Ngunit higit pa sa mga likas na yaman, ang Bicol ay nakaharap sa isang hamon na kasing laki ng kagandahan nito: ang pabago-bagong klima.

Nasa baybayin ng Pacific Ocean ang rehiyon, kaya’t hindi kataka-taka na madalas itong makaranas ng mataas na halumigmig at mainit na panahon tuwing Marso at Mayo. Ang lokasyon ng Bicol ay may malaking epekto sa kanyang klima. Ang Southwest Monsoon o habagat ay nagdudulot ng malalakas

enerhiya sa mga komunidad sa lugar. Sa kabila ng pagdagsa ng mga modernong teknolohiya, ang pagtuklas na ito ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan. Ang bagong uri ng blueberry na ito ay simbolo ng mayamang kalikasan ng Pilipinas at isang patunay na ang agham at teknolohiya ay makakatulong sa atin upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng kalikasan at kaunlaran.

na pag-ulan, samantalang ang Northeast Monsoon o amihan ay nagreresulta ng malamig at tuyong kondisyon. Sa isang banda, nakikinabang ang mga magsasaka sa mga pag-ulan na hatid ng habagat, ngunit may mga taon din na dulot ng malupit na bagyo, tulad ng bagyong Rolly (Goni) noong Nobyembre 2020, ay nagiging sanhi ng malaking pagkasira sa mga kabuhayan at pananim. Ayon sa Climate Map of the Philippines, ang Bicol ay kabilang sa Type II, kung saan walang tagtuyot ngunit may tuloy-tuloy na tag-ulan mula Disyembre hanggang Pebrero, at tag-init mula Marso hanggang Mayo. Gayunpaman, hindi ito nakaligtas sa mga bagyong dumaan mula Hunyo hanggang Nobyembre. Sa kabila ng mga pagsubok ng panahon,

natututo ang mga Bicolano na magtulungan at magpatibay ng kanilang mga proyekto at kabuhayan. Ang patuloy na pagbabago ng klima ay nagpapatibay sa kanilang loob, at sa bawat pagsubok ay natututo silang makapagadjust at magpatuloy sa buhay. Gayunpaman, hindi rin maiiwasan ang mga hamon na dulot ng kalikasan, lalo na sa mga pook na walang sapat na tirahan, mga lugar na malapit sa anyong tubig, at sa mga magsasakang umaasa sa kalikasan para sa kanilang kabuhayan. Sa kabila ng lahat ng ito, ipinakita ng Bicol na ang tunay na lakas ay matatagpuan sa pagtutulungan at sa hindi pagsuko sa hamon ng panahon.

AGHAMazing Trivia

pinagmulan: ALAM NIYO BA?

Ang mga nakakatensyong larong ipinakita sa Squid Game ay may kaugnayan sa behavioral science? Ang serye ay sumasalamin sa “game theory,” isang larangan sa agham na nag-aaral kung paano gumagawa ng desisyon ang tao sa ilalim ng presyon. Ang bawat laro ay nagpapakita ng kung paano pinipili ng mga karakter ang tiwala, panlilinlang, o survival, mga bagay na may batayan sa siyensiya ng pakikipag-ugnayan at sikolohiya!

larawan mula sa Explained PH
KARL ANGELO REYES ni
mga larawan mula sa Wikipedia

AGHAMazing Trivia

ALAM NIYO BA?

Sa modernong panahon, patuloy na nagiiwan ng malalim na marka ang teknolohiya sa ating buhay. Mula sa pagpapadali ng komunikasyon hanggang sa pagbibigay ng bagong paraan upang matuto, nagiging mas konektado ang bawat isa. Ang mga makabagong teknolohiya tulad ng Virtual Reality (VR) at Augmented Reality (AR) ay may malaking bahagi sa pagbabago ng ating interaksyon at pananaw sa mundo.

Sa pamamagitan ng VR at AR, nagiging mas madali ang pakikipagugnayan ng mga tao sa kanilang kapaligiran. Ang VR ay nagdadala sa atin sa isang bagong mundo, kung saan maaari tayong maglakbay sa ilalim ng dagat o makarating sa mga lugar na hindi natin kayang bisitahin sa totoong buhay. Sa kabilang banda, ang AR naman ay nagdadagdag ng mga digital na elemento sa ating kapaligiran, tulad ng mga lumalangoy na isda na makikita sa paligid mo, bagamat hindi ka talaga naroroon. Ayon sa mga eksperto, ang AR ay nagsisilbing dagdag sa VR upang gawing mas interactive at real-time ang karanasan. Ang mga teknolohiyang

VR at AR upang magbigay ng mga bagong oportunidad. Halimbawa, ang mga medikal na estudyante ay nagsasanay ng operasyon sa mga simulated na tao gamit ang VR, na nagbibigay daan para sa mas ligtas at mas epektibong pagkatuto. Habang patuloy ang pag-unlad ng teknolohiya, nagiging mas malawak ang ating kakayahan. Ang VR at AR ay hindi lamang mga tools, kundi mga kasangkapan upang mas mapalawak ang ating imahinasyon at pagkatuto. Sa mga teknolohiyang ito, maaari nating mapabuti ang edukasyon at magbigay ng libangan na may mas malalim na epekto. Tunay nga, ang VR at AR ay salamin ng isang bagong daigdig na puno ng posibilidad.

pinagmulan:

agtek

Ang teknolohiya tulad ng artificial intelligence ay nagbabago ng takbo ng journalism. Sa pamamagitan ng AI, kayang maganalyze ng malaking datos sa mas mabilis na paraan, mula sa live na ulat ng eleksyon hanggang sa pagbubuod ng kumplikadong impormasyon. Subalit, ang kritikal na pag-iisip at paglikha ng mga makabagbag-damdaming kuwento ay nananatiling tungkulin ng tao, na siyang nagdadala ng puso sa bawat balita.

Pagtuklas sa sarili gamit ang CSE

Sa murang edad, ang mga bata ay likas na mausisa at mahilig tumuklas ng mga bagay, kabilang na ang mga aspeto ng kanilang sarili tulad ng kasarian. `Subalit, sa kabila ng kanilang likas na kuryosidad, may mga pagkakataong ang kabataan ay nahuhulog sa mga patibong na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kanilang kinabukasan, tulad ng premarital sex o pakikipagtalik nang wala pang kasal. Ayon sa mga eksperto, isang mahalagang hakbang sa pagtulong sa kabataan na magkaroon ng tamang pananaw tungkol sa sekswalidad ay ang Comprehensive Sexuality Education (CSE), isang programang naglalayong magbigay ng tamang edukasyon at gabay sa mga kabataan patungkol sa mga isyung sekswal. Kung ang kabataan ay may sapat na kaalaman, magiging handa sila sa mga hamon ng pagdadalaga at pagbibinata, pati na rin sa mga seryosong isyu tulad ng kalusugan at sekswal na karahasan.

Ayon sa mga pag-aaral, ang pagtuturo ng CSE sa paaralan ay pundamental sa pagbuo ng matatag na pag-iisip at kaalaman ng mga kabataan tungkol sa sekswalidad, mga pagbabago sa kanilang katawan, at mga isyung may kinalaman sa pagtatalik. Mahalaga rin itong hakbang upang mapigilan ang mga sakit na maaaring makuha mula sa hindi ligtas na pakikipagtalik. Ang edukasyon sa CSE ay hindi lamang dapat limitado sa mga paaralan—ito ay isang kolektibong gawain na nangangailangan ng pagsuporta mula sa mga guro, magulang, at iba pang miyembro ng komunidad, upang matutunan ng mga kabataan kung paano pangalagaan ang kanilang sarili at katawan sa iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay. Bukod sa sekswalidad, tinuturo din ng CSE ang kahalagahan ng tamang pangangalaga sa katawan na makakatulong upang mapabuti ang kalusugan at magpahaba ng buhay. Ayon sa mga nakalap na datos, isa sa limang kababaihan ay nakaranas ng sekswal na pang-aabuso, kaya’t ang edukasyong ito ay makakatulong upang mabawasan ang mga insidente ng sekswal na karahasan. Itinuturo din ng CSE ang mga tamang hakbang na maaari nilang gawin kung sakaling makaranas ng hindi kanais-nais na karanasan, tulad ng mga sekswal na pag-atake o pang-aabuso, at kung saan sila maaaring humingi ng tulong. Ang mga kabataan mula edad 12 hanggang 15 ay nasa isang kritikal na yugto ng kanilang buhay, kaya’t mahalagang matutunan nila ang tungkol sa kanilang emosyon, katawan, kontrasepsyon, at kung paano makipag-ugnayan sa mga seryosong isyung sekswal. Sa pamamagitan ng CSE, magkakaroon sila ng mas malalim na pang-unawa sa kanilang sarili at matututunan nilang gumawa ng maingat na desisyon hinggil sa kanilang katawan at kalusugan. Itinuturo ng CSE ang pagiging totoo sa sarili, ang pagiging responsable sa pakikipagtalik, at ang pagtuklas sa kanilang personal at intelektwal na potensyal. Mahalaga na ang edukasyong ito ay maisagawa hindi lamang sa mga paaralan, kundi sa bawat komunidad, upang mapagtibay ang mga kabataan sa kanilang paglalakbay patungo sa isang mas malusog at mas responsableng kinabukasan.

ISANG MADALING DAAN: ANG LUMALAKING PAG-ASA SA AI

Sa kasalukuyan, halos lahat ng aspeto ng ating buhay ay kayang tugunan ng AI—mula sa pagsulat ng sanaysay, paglutas ng mga problema sa matematika, hanggang sa paggawa ng coding at iba pa. Isipin mo na lang, ilabas ang iyong telepono at agad ay may personal AI assistant na gagawa ng anumang ipag-utos mo. Bagamat ang AI ay isang makabagong teknolohiya na may potensyal na pagbutihin ang ating buhay, may manipis na linyang naghihiwalay sa paggamit nito upang magbigay-ginhawa at ang pagiging umaasa rito bilang isang “madaling daan.” Habang parami nang parami ang ating ipinagkakatiwala sa AI, nawawala ba ang mga mahahalagang kasanayan tulad ng kritikal na pag-iisip at pagkamalikhain? Panahon na ba upang tanungin natin ang ating sarili: Talaga bang nakikinabang tayo sa AI, o pinapaniwala lang natin ang

maghanap tayo ng panlabas na tulong, kasama na ang mula sa artificial intelligence. Halimbawa, maraming estudyante ang umaasa sa AI upang mabilisang lutasin ang mga problema sa matematika o magsulat ng mga sanaysay para sa kanilang proyekto. Kung kaya nitong tapusin ang mga gawain sa loob lamang ng ilang segundo, nawawalan tuloy ng insentibo ang mga tao upang subukang gawin ito nang magisa. Maging sa ating pang-araw-araw na buhay, apektado na rin tayo ng AI—mula sa mga social media algorithm na nagdidikta ng ating nakikita, naririnig, at ninanais, kahit hindi natin namamalayan. Maaaring iniisip natin na tayo ay kontrolado ng ating desisyon, ngunit ang totoo, marahan tayong naiimpluwensyahan ng mga sistemang ito. Sa kalaunan, nagiging “echo chamber” ang ating pananaw, na naglilimita sa ating kakayahang tanggapin ang ibang perspektibo at naiipit tayo sa mga ideyang sumusuporta lamang sa ating paniniwala. Maging sa larangan ng trabaho, kitang-kita ang epekto ng AI. Bagamat napapabilis nito ang mga proseso ng data analysis, marketing, at creative design, may panganib na maging sobrang reliant ang mga manggagawa sa mga AI-generated solutions. Kapag halos lahat ng gawain ay inaasahan na mula sa teknolohiya, untiunti nating nawawala ang pagpapahalaga sa mga kasanayang nahuhubog lamang sa pamamagitan ng karanasan at intuwisyon ng tao. Sa huli, nagiging isang workforce tayo na marunong gumamit ng teknolohiya, ngunit kulang sa kakayahang likas na nagmumula sa mga taong may aktwal na karanasan. Kaya’t muling babalik ang tanong: Nakikinabang ba talaga tayo sa AI, o mas marami tayong nawawala kaysa nakukuha?

MA. YVETTE ZOILO ni
KARL ANGELO REYES ni
LIAM ZEDEKIEL BOLALIN ni
mga larawan mula sa SciTechDaily, Britannica
mga larawan mula sa Wikipedia

isports

Pinaka-kapanapanabik na SMAD Fest 2025

CARL CHRISTIAN ZABALA ni Ang pinaka-inaabangan ng mga estudyante ng

University of Saint Anthony na ang SMAD Fest 2025 ay nakatakdang gaganapin sa Enero pagkatapos mareschedule ng maraming beses noong Nobyembre at Disyembre dahil sa kaguluhang dulot ng bagyong Kristine noong Oktubre 23-25. Ang SMAD Fest ay isang kaganapan para sa mga mag-aaral ng Junior High school department USANT kung saan sila’y nagpapakitang gilas sa kanikanilang mga kompetisyon at upang pagyamanin ang isang pakiramdam ng sportsmanship. Ang

SMAD Fest ay hindi lamang tungkol sa pakikipagkumpitensya para sa tuktok, ngunit pagbuo ng iyong sarili upang maging isang mas mahusay na kakumpitensya para sa hinaharap. Naganap ang SMAD Fest tryouts noong Oktubre 2-4 kung saan maraming estudyanteng sumali upang kumatawan sa kanilang antas ng baitang sa palakasan, musika, sining, at sayaw. Ngunit hindi lahat ng bagay ay palaging masaya dahil may mga estudyante rin na nalulungkot matapos tanggalin ng punong-guro na si Dr. Francia T. Buffe ang e-games upang

iwasan ang mga estudyante na mag laro sa oras ng klase. May mga pagkakataon pa rin na ma-reschedule ang SMAD Fest 2025 dahil sa masamang panahon na nangyayari nitong mga nakaraang linggo na napilitan ang JHS department gawing 4:20 ang uwian ng mga estudyante sa non-SSC at 5:00 naman para sa mga SSC. Pero kahit anong mangyaring masama, magaganap pa rin ang kapananabik na SMAD Fest para sa kasiyahan ng buong JHS department.

Bagong Season ng USANT Sports League, Nagsimula na

Nagsimula na ang USANT Sports League para sa panibagong season ng kasiyahan, kung saan nagsama-sama ang mga estudyante, alumni, at sports enthusiasts para sa isang taon ng kompetisyon, sportsmanship, at pagtutulungan. Inorganisa ito ng USANT Silver Jubilarians (HS Batch ‘99), ang grupo ng alumni na nagsisilbing Komisyonado sa USL ngayong taon. Itinampok ng liga ang mga mahuhusay na atleta at pinalalalim

ang samahan sa bawat laro.

Bukod sa kompetisyon, ang USANT Sports League ay nagbibigay ng pagkakataon upang ipamalas ang pisikal na kakayahan at isulong ang mga pagpapahalaga ng pagkakaisa at makatarungang laro. Ang bawat laro ay inaabangan hindi lamang dahil sa husay ng mga manlalaro kundi pati na rin sa masiglang suporta ng kani-kanilang mga tagapanood.

“Every season in the USL, we are committed to being the best

Si Delfin, ang Hamak na Chess Player

CARL CHRISTIAN ZABALA ni

Si Johanna sir Rolando Manaog gulang na mahusay na manlalaro mula sa Iriga City, Camarines Sur na nagpakitang gilas noong Palarong noong Abril 27 hanggang Bicol Elementary Pambansa Elementary Tabaco at Ligao, Elementary level) Elementary level).

Si Delfin noong Mayo 7 taong na taong gulang lamang.

Ayon kay sa pa panonood Levy Rozman o mas American Chess

“Bakit ka nagsimula na maglaro ng Chess?” Tanong ni Carl Zabala, isang University of Saint “Nagsimula ako mag chess dahil noong COVID-19 pandemic wala akong magawa kaya naglaro na lang ako ng chess.” Sagot Noong Palarong Panlungsod ng Iriga City, si Delfin ay nakakuha Bicol at doon na sya nag pakita ng kanyang talento.

Sa palarong gintong medalya standard at tanso naman sa team standard at pilak sa team blitz habang Pambansa.

team in the 90’s category, with six championships and six first-place finishes. Our goal is always to ensure that we make it to the championship, maintaining a strong bond with my high school batchmates and reliving those high school memories. However, when it comes to the game, we are serious and focused on winning. We motivate each player to give their best and push towards victory.” - saad ni Joeny Magistrado ng Batch 1997 sa wikang Ingles Upang ipagdiwang ang pagsisimula, idinaos ang masiglang seremonya ng pagbubukas noong Setyembre 8, 2024, sa USANT Forum sa ganap na ika-7 ng umaga. Sinimulan ito ng isang makulay na parada sa Iriga City, kung saan ipinakita ng mga banda at majorettes ng unibersidad ang kanilang talento habang ipinagmamalaki ng mga atleta ang kanilang mga koponan sa kanikanilang uniporme. Ang parada ay naging simbolo ng pagkakaisa at pagmamalaki ng bawat kalahok.

Ang USANT Sports League ay puno ng kapanapanabik na mga laban, kahanga-hangang pagtatanghal, at di-malilimutang sandali. Naging pagdiriwang ito ng pagkakaisa at lakas ng bawat manlalaro. Sa mga susunod na season, marami pa ang dapat abangan, ngunit isang bagay ang tiyak: mananatili ang liga bilang isang pagkakataon para sa pakikilahok ng komunidad at personal na pag-unlad ng bawat kasapi.

“Leadership on the court is crucial for securing a win. A strong heart, motivation, and a deep love for the game drive us forward. As a leader, I ensure that our legacy as the best team in the 90’s category remains intact. I motivate my teammates, inspire them to give their all, and remind them of the importance of teamwork. Together, we aim for victory while honoring the legacy we’ve built.” - saad ni Joeny Magistrado ng Batch 1997 sa wikang Ingles Dagdag pa rito, ang USANT Sports League ay nagsilbing plataporma upang itaguyod ang kalusugan at kabutihang pisikal. Sa pamamagitan ng mga aktibidad na isinasagawa, hindi lamang ang katawan kundi pati ang isipan ng mga kalahok ay nahuhubog. Nagsisilbing inspirasyon ang mga atleta, hindi lamang sa mga kapwa nila manlalaro, kundi pati sa buong komunidad, na pahalagahan ang sportsmanship at disiplina sa bawat hakbang buhay.

HUSAY.
Johanna Paula D. Delfin, isang mag-aaral mula sa ika-anim na baitang ng Iriga Central School. Kaniyang matagumpay na nasungkit ang gintong medalya sa larangan ng chess sa Palarong Bicol 2024, na ginanap sa Legazpi City. - Izzy Ashley Magistrado larawan mula
ASHLEY NICOLE CORONEL ni
mga larawan mula sa iShot Photography Club
mga larawan mula sa Bagafords Photography, FreePik
larawan mula sa FreePik

Talento o pagsisikap?

CARL CHRISTIAN ZABALA ni

Maraming tao noon at kahit ngayon ay pinagdedebate kung ano nga ba ang lumalamang sa dalawa. Eto ba ay ang iyong talento, dedikasyon o pagsisikap? Sa aking palagay ito ay ang pagsisikap.

Sa mundo ng isports maraming tunggalian ay nabubuo. Tignan natin ang tunggalian nila LeBron “King” James at ang “Baby Faced Assassin” na si Stephen “Chef” Curry. Sa apat na beses, sila ay nag tagpo sa Finals. Si Curry ay nakasungkit ng tatlo at isa para kay King James. Ngunit kung titignan ang mga istats, talagang mas lamang si James sa puntos, assists, rebounds at iba.

Alis muna tayo sa basketball at doon naman sa

isports na soccer. Isang napaka kontrobersyal na debate, Lionel Messi at Cristiano Ronaldo. Base sa mga nakamit na achievements at istats, walang duda na lamang talaga si Messi kay Ronaldo. Ngunit hindi masyadong malayo ang kalamangan ni Messi, parehas silang may maraming parangal sa soccer at mga records na hindi kayang burahin ng iba. Ngayon, dumako na tayo sa rason kung bakit mas lamang ang iyong pagsisikap sa iyong talento. Ang talento ay ang iyong mga kakayahan lamang, ngunit kahit anong galing mo kung ikaw ay tamad, hinding hindi ka uubra sa taong nagsisikap.Minsan ay mapapatanong ka, “Lahat naman ng mga atleta na nakapasok sa professional ay may talento at sila’y nagsisikap, kaya paano mo masasabi na mas lamang ang pagsisikap?”

Ang dahilan dito ay simple lamang, ang talento ay kakayahan lamang, ngunit ang pagsisikap ay isang paraan upang mapahasa ang iyong talento at gumaling pa lalo. Hinding hindi mo masasabi na mas lamang ang iyong talento kung ikaw ay hindi mag pupursigi at mag susumikap. Sa mundo ng isports, lahat ay nagsisikap para makamit ang pinaka tuktok na tagumpay.

Stereotypes laban sa mga pangarap ng mga atleta

KEISHA AYEL AVERY VELA ni

Ang mga stereotype ay mga pangkaraniwang pananaw o opinyon tungkol sa mga tao lalo na sa ating mga atleta batay sa kanilang mga katangian. Sa larangan ng palakasan, ang mga stereotype ay nagiging sanhi ng hindi pagkakapantay-pantay at madalas na nakakaapekto sa mga manlalaro. Ang mga paniniwalang ito ay hindi lamang nagiging hadlang sa kanilang pag-unlad kundi pati na rin sa kanilang tiwala sa sarili.

Dagdag pa rito ang mga komento na sinasabi ng mga netizens tungkol sa mga atleta. Ang mga atleta ay nagpupursigi upang maging bihasa at malakas sa kanilang mga isports, sa kadahilanang kung hindi sila magsasanay sa kanilang mga isports sila ay makakatanggap ng hindi kaayaayang mga komento mula sa

mga taga-subaybay. Dahil dito, maraming mga atleta ang nawawalan ng interes, pag-asa o pagkakataon na subukan ang iba’t-ibang isports at ipakita mga kanilang natatanging galing. Sapagkat ayaw nilang makatanggap ng mga iba’t-ibang hindi magagandang komento mula sa mga manonood na maaaring maka-apekto sa kanilang larangan. Sa huli, mahalaga ang pagtanggap at pag-unawa sa tunay na kakayahan ng bawat atleta. Ang pag-aalis ng mga stereotype sa isports ay makakatulong upang mapanatili ang pagkakaisa at makatulong sa kanilang pag-unlad. Anuman ang kanilang katangian ay may pantay na pagkakataon na ipakita ang kanilang talento at makamit ang kanilang mga pangarap.

Pag-usbong ng Teknolohiya sa Mundo ng Palakasan

DWAYNE AVI DIMASANGAL ni

Malaki ang ginampanan ng teknolohiya sa paghubog ng sports sa kasalukuyang panahon, na ginagawang mas tumpak at mas naa-access ang mga kompetisyon para sa mga tagahanga sa buong mundo. Hindi lamang binago ng mga modernong teknolohiya ang mga laro ngunit nagdulot din ng mas patas at mas kapanapanabik na karanasan para sa mga manlalaro at manonood. Pag-usapan natin kung paano nagdulot ng malaking pagbabago sa iba’t ibang palakasan ang mga pagsulong ng teknolohiya. Sa athletics, naglabas ang Seiko ng electronic automated timing system noong 1968 na gumamit ng capturing system upang matukoy ang oras ng bawat runner. Ito ay ganap na nakakatulong sa mga hukom upang matiyak ang tamang resulta at inaalis ang pangangailangan para sa manu-manong paghusga. Ang sistemang ito ay nagbigay ng mas tumpak na mga oras at naging pamantayan sa iba’t ibang internasyonal na kompetisyon. Bagama’t ito ay rebolusyonaryo noong panahong iyon, hindi ito huminto doon dahil ipinakilala rin nila ang isang bagong sistema ng pagtatapos ng imahe na kumuha ng 3,000 mga imahe bawat segundo, na higit na pagpapahusay sa sistema at nagbibigay ng mas tumpak na mga resulta. Ang teknolohiyang ito ay nagdulot ng makabuluhang pagbabago, hindi lamang sa mga propesyonal na atleta, kundi pati na rin sa mga amateur na kaganapan, dahil sa mataas na antas ng katumpakan ng teknolohiya. Sa football, nagkaroon ng malaking pag-upgrade sa Goal-Line Technology (GLT), na ginagamit upang matiyak ang mga desisyon sa layunin mula nang maaprubahan ito ng International Football Association Board. Bago ang teknolohiyang ito, maraming isyu sa mga layunin kung saan hindi malinaw kung

ang bola ay tumawid sa linya. Ang GLT ay naging isang mahalagang bahagi ng football, lalo na sa mga pangunahing kompetisyon tulad ng World Cup. Hindi lang ito ang pagpapabuti sa football dahil mayroon ding live video assistant referee (VAR) na tumutulong na ipaliwanag ang laro sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa bawat pagbabago o highlight sa real-time. Nakatulong ang VAR na maiwasan ang mga maling desisyon ng mga referee, lalo na sa mga kontrobersyal na layunin, parusa, at red card, na nagpapataas ng patas na laro. Ang pagtaas ng AI sa ating kasalukuyang lipunan ay pagpapahusay sa pagsusuri ng mga pagtatanghal ng bawat manlalaro at maaaring gamitin ng mga manlalaro upang mapabuti ang kanilang mga pagtatanghal sa overtime. Maaari ding gamitin ang AI para sanayin ang mga manlalaro ng real-time nang hindi nangangailangan ng coach na mangasiwa sa kanila sa kanilang pagsasanay, maaari itong makatulong sa mga taong gustong sanayin ang kanilang sarili ngunit may mga problema sa pananalapi. Sinusubaybayan ng mga nagsusuot tulad ng mga fitness tracker ang estado ng iyong katawan nang real-time sa iyong pulso lang na maaaring maiwasan ang mga pagkakataong ma-overwork ang iyong katawan at magkaroon ng mas tamang pagsasanay na nakakapag dulot ng mas epektibong resulta. Sa pangkalahatan, ang pagpapatupad ng sports technology ay patuloy na bumubuti sa paglipas ng panahon. Ang bawat teknolohikal na pag-unlad na ginagawa namin ay isang hakbang tungo sa isang mas magandang kinabukasan para sa sports. Tiyak na babaguhin ng patuloy na pagbabago ang kinabukasan ng sports, at habang umuunlad ang teknolohiya, tiyak na maging mas kapanapanabik at patas ang mga kompetisyon.

SAGWAN SA BAWAT LABAN

FRANCHEZKA LYANN DERIS ni Palad na puno ng sugat ngunit hindi manghihina ang ugat. Bantog ang pangalan ni Joanie Talagtag Delgaco bilang pinakaunang

Female Philippine Rower na sumabak sa 2024 Paris Olympics.

Bilang bahagi ng pambansang koponan ng Pilipinas, si Joanie ay dumaan sa masusing pagsasanay at maraming kompetisyon bago siya nakapasok sa Olympics. Ang kanyang paglalakbay ay puno ng mga paghihirap, pagsisikap, at sakripisyo.

Nagsimula ang kaniyang paglalakbay nang kaniyang matuklasan ang isport na Rower. Sinubukan niyang tikman ang paghihirap na dinadama ng pag eensayo sa rower, at malaki ang ibinigay na suporta ng kanyang ama upang

magkaroon siya ng lakas loob.

Sa pagdating ng 2024 Paris Olympics, puno ng pag-asa at determinasyon si Joanie. Ang kanyang paglahok sa Olympics ay hindi lamang tagumpay para sa kanya, kundi para sa lahat ng mga kabataang may pangarap. Sa kanyang puso, dala niya ang mga aral ng sakripisyo at pagtitiyaga, na nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga kasamahan kundi sa lahat ng mga Pilipino. Ang bawat sagwan niya ay simbolo ng kanyang lakas at pangarap, umaasang makilala sa pandaigdigang entablado. Ubod siyang pinagmamalaki ng siyudad ng Iriga, dahil sa kanyang naging tagumpay. Hindi kapanipaniwala na siya ang pinakaunang

Philippine Female Rower na nagkamit ng isa sa mga gantimpala. “Dati ay pangarap ko lamang na makasama sa mga palaro ngunit hindi ko inaasahan na aabot pa pala sa ganito” saad ni Joanie. Ang kanyang minimithi ay natupad dahil sa kanyang hindi pagsuko. Ang rumaragasang ilog ay kanyang hinarap upang maabot ang kanyang mga pangarap. Sa gitna ng mga hamon na kinaharap ni Joanie, naging isa siya sa pinakamahusay na atleta ng Pilipinas. Ginawa niyang daan ang bawat proseso ng paghihirap, pagsisikap, at sakripisyo sa pagabot ng kanyang mga pangarap. Kagaya ng mga bituin, huwag na huwag tayong susuko upang makamit ang ating minimithi.

PAGGAOD.
Joanie Delgaco, 26 na taong gulang, ang kauna-unahang Filipina rower na maging kuwalipikado sa 2024 Paris Olympics. Siya ay gumawa ng kasaysayan sa pamamagitan ng pangkalahatang niraranggo ang ika-20, sa Women’s Single Sculls. - Shane Therese U. Navara larawan mula sa ABS-CBN News
larawan mula sa LinkedIn
dibuho ni Rhieanhel Mirandilla
dibuho ni Simoun Gedaca

Pagbuwag ng mga Hadlang, Paghubog ng mga Pananaw

LAIZA MAY IBARRETA ni Ang Paralympic Games ay isang kilalang kaganapan sa larangan ng palakasan sa buong mundo. Itinampok dito ang mga atletang may pisikal na kapansanan at ang kanilang natatanging kakayahan. Malaki ang kahulugan at dulot nito sa pag-unlad ng bawat atleta, may kapansanan man o wala. Ito ay nagbibigay ng malalim na mensahe sa bawat atleta at mga manonood.

Ang Paralympic ay napakahalaga sa industriya ng isports, ito ay nagsisilbing sandigan, daan at gabay patungo sa pagbabago ng mga pananaw at pagunawa ng mga tao sa kani-kanilang mga kakayahan. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kahangahangang tagumpay at potensyal ng bawat atletang humaharap sa mga pisikal na hamon, nagbibigay ito sa mga atleta ng mahahalagang pagkakataon upang makilala at maipakita ang kanilang mga sarili.

Sa Paralympics, ipinapakita na ang mga atleta na may iba’t ibang pisikal na kapansanan ay hindi natutukoy sa kanilang mga kondisyon kundi ipinapakita rito ang iba’t ibang kakayahan at potensyal na mayroon sila. Nagbibigay ito ng inspirasyon sa bawat atleta na ipakita ang kanilang natatanging mga kakayahan sa kabila ng kanilang mga kapansanan. Sa wakas, ang Paralympic Games ay tila isang simbolismo ng mga atletang may pisikal na kapansanan at nagsisilbing daan patungo sa pagkakapantay-pantay at pagkakaisa. Sa pamamagitan ng determinasyon at suporta, ang mga hadlang ay maaaring malampasan at ang minimithing tagumpay ay maaaring makamit ng lahat.

Ang Hindi Matitinag na Diwa ng mga Atleta

LAIZA MAY IBARRETA ni

Ang Papel ng Kalusugang

Mental sa mga Atleta

LAIZA MAY IBARRETA ni

Sa mundo ng isports, hindi lamang pisikal na lakas ang mahalaga, ang kalusugang mental ay may malaking papel din sa paghubog ng mga atleta. Ang mga atleta ay nakakaranas ng matinding pressure at stress, na maaaring makaapekto sa kanilang paglalaro.

Sa isang mundong puno ng walang-katiyakan, ang pagiging atleta ay nagpapakita ng natatanging lakas. Ang pagiging atleta ay hindi lamang tungkol sa pagtitiis sa hirap, ito rin ay tungkol sa pagtugis sa isang malalim na hangarin na hindi maaaring mawala. Ang ganitong dedikasyon ay madalas na lumalabas sa pisikal na aspeto, na nagpapakita ng isang malalim na pagtatalaga sa personal na pag-unlad at kahusayan.

Sa panahong ito, iba’t ibang takot at hamon ang maaaring dumating sa buhay ng bawat atleta na makaka-hadlang sa kanilang mga pangarap. Mahalaga na pahalagahan ang kanilang motibasyon, dedikasyon, pagtitiyaga, at tiwala sa kanilang mga layunin. Habang maaari nating hangaan ang kanilang mga tagumpay, huwag

nating kalimutan ang mga sakripisyo at hirap na kanilang dinaranas sa likod ng mga kaganapan. Ang paglalakbay ng isang atleta ay hindi lamang nahuhubog ang kanilang mga tagumpay, ito rin ay minarkahan ng mga kabiguan at pagkatalo na humuhubog sa kanilang pagkatao. Bawat hamon na kanilang kinakaharap, maging ito man ay pisikal, ay sumusubok sa kanilang determinasyon at nag-aambag sa kanilang pag-unlad. Ang mga karanasang ito ay nagtataguyod ng katatagan, na nagtuturo sa kanila ng mahahalagang aral tungkol sa pag-unawa at pagkakaisa. Ang mga atleta ay halimbawa, sila ay sumasalamin sa buhay mismo. Kahit na sila ay humaharap sa mga hamon, nilalampasan nila ito nang may determinasyon na tunay na kahanga-hanga. Ang kanilang kakayahang bumangon pagkatapos ng mga pagsubok ay nagsisilbing inspirasyon para sa marami. Ang tenasidad na ito ay hindi lamang nagtutulak sa kanilang pagsasagawa sa isports kundi nakakaapekto rin

sa kanilang mga buhay sa labas ng larangan. Higit pa rito, ang epekto ng mga atleta ay umaabot sa kanilang mga indibidwal na tagumpay. Sila ay nagsisilbing mga huwaran para sa kabataan, na nagpapakita ng kahalagahan ng disiplina, pagsisikap, at pagtitiyaga. Ang kanilang mga kwento ay kadalasang umuugong sa mga nagnanais na malampasan ang kanilang sariling mga hamon, na bumubuo ng pakiramdam ng komunidad at sama-samang karanasan. Ang mga atleta ay nagpapaalala sa atin na ang kadakilaan ay hindi lamang isang destinasyon kundi isang paglalakbay na puno ng katatagan at dedikasyon. Sa wakas, ang diwa ng mga atleta ay nagbibigaydiin sa hangganan ng kanilang isport. Ito ay isang patunay sa karanasan ng bawat isa na sumasalamin sa mga pagsusumikap at tagumpay nating lahat. Ang kanilang dedikasyon ay nagbibigay inspirasyon sa atin na ituloy ang ating sariling mga pangarap, anuman ang mga hadlang, at yakapin ang katatagan na nasa loob ng bawat isa sa atin.

Ang kalusugang mental ay tumutukoy sa estado ng ating kaisipan at emosyonal na kalagayan. Kapag ang mga

jae

atleta ay nasa magandang kondisyon ang kanilang kalusugang mental, mas madali silang makakapag-pokus at makakapaglaro ng maayos. Sa kabaligtaran, kung sila naman ay nalulumbay o nababalisa, maaaring maapektuhan ang kanilang pokus at desisyon sa laro. Ang mga atleta na labis na pinipilit ang kanilang sarili, lalo na kung walang sapat na suporta, ay maaaring mawalan ng interes sa kanilang isport. Ito ay nagdudulot ng pisikal at emosyonal na pagkapagod, na nagiging dahilan ng kanilang pagkalugmok.

philLIpe ciron

Isang malaking tagumpay para sa Pilipinas at sa Lungsod ng Iriga ang ipinamalas ni Jae Phillipe Ciron Arce sa 2nd World Games of Deaf Athletics 2024, na ginanap mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2, 2024, sa Tokyo, Japan. Ang Irigenyong atleta na si Jae Phillipe Ciron Arce, ay isa sa mga kinatawan ng bansa sa prestihiyosong kumpetisyon na ito, kung saan nagtipontipon ang mga mahuhusay na atleta mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Si Jae Phillipe Ciron Arce, dalawampu’t dalawang taong gulang (22), ay nagsimula sa kanyang karera bilang atleta noong siya ay labing dalawang taong gulang (12) pa lamang, noong 2014. Siya ay lumaki at naninirahan sa Barangay San Andres, Lungsod ng Iriga. Nagsimula ang kaniyang pagsasanay kasama ang Team Philippines Para Athletics noong Hulyo ng taong ito. Araw-araw, nagsusumikap si Arce sa kaniyang pag ensayo, hindi alintana ang pagod, at ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya upang maging mas malakas at mas handa. Nang matanggap niya ang balita na siya ay kwalifikado para sa isang malaking kumpetisyon, mas lalo pa niyang pinagsikapan ang kanyang

Si Simone Biles noong 2021 Tokyo Olympics ay umatras sa ilang events upang unahin ang kanyang kalusugang mental. Ayon sa kanya, mahalaga ang tamang kondisyon ng pag-iisip para makapag-perform nang ligtas at maayos. Samantala, si Michael Phelps, isang Olympic swimmer, ay bukas sa kanyang laban sa depresyon at anxiety. Sinabi niya na ang tamang suporta at therapy ang nakatulong sa kanya para malampasan ang mga hamon sa mental health. Ipinapakita ng kanilang mga kwento na ang pangangalaga sa kalusugang mental ay mahalaga

para sa tagumpay ng mga atleta. Upang mapanatili ang kalusugang mental, mahalaga para sa mga atleta na magkaroon ng sapat na tulog at pahinga at iwasan ang labis na pag-overtrain. Dapat din silang humingi ng tulong sa mga propesyonal tulad ng sports psychologists kung nakakaramdam ng stress o anxiety. Mahalaga rin ang bukas na komunikasyon sa mga coaches, teammates, at pamilya upang maibahagi ang nararamdaman at makakuha ng positibong suporta. Sa kabuuan, ang kalusugang mental ay isang mahalagang aspeto ng tagumpay sa isports at sa mga atleta. Ang

arce: ISANG PAGDIRIWANG NG IRIGENYO PRIDE

mga pagsasanay, at mas pinagtibay ang kanyang determinasyon upang magtagumpay.

“Ever since I started pursuing athletics, it was my goal to represent the Philippines on the international stage. Honestly, the opportunity to play for the country this year came unexpectedly, so I am truly filled with happiness, and it is such an honor to represent our country.”saad ni Arce sa wikang Ingles Bago ang kompetisyon, nakaranas si Arce ng minor injury sa kanyang hamstring. Gayunpaman, hindi siya nagpadala sa sakit at hindi nagpaapekto. Sa halip, ginamit niya ang bawat pagsubok bilang motibasyon upang magpatuloy at lumaban. Ang kanyang lakas ay nagmula sa pananampalataya sa Diyos, sa walang sawang suporta ng kanyang pamilya, mga coach, at sa lahat ng naniniwala sa kanya. Sa kabila ng matinding kompetisyon, ipinakita ni Jae Phillipe ang kanyang husay sa pagtakbo, partikular sa mga sprint events. Nagkamit siya ng dalawang tansong medalya sa 200-meter Sprint (Men) at Long Jump categories. Nakuha rin niya ang ikawalong posisyon sa 400-meter Sprint event. Itinala rin ni Jae Phillipe ang kanyang personal na

rekord na 55.81 segundo sa 400-metro na pangwakas na kaganapan at 25.13

segundo sa 200-metro na pangwakas na kaganapan. Ang kanyang mga taon ng pagsisikap at disiplina sa larangan ng isport ay nagbigay daan sa kanyang paglahok sa iba’t ibang lokal at pambansang kompetisyon tulad ng Palarong Bicol at Palarong Pambansa, na nagresulta sa mga sumusunod na pagkilala:

“If you really want something, pursue it and be consistent in achieving it. Do not stop practicing; there will be instances when you feel unmotivated, but it is all part of the process of becoming great. Achieving your dream is not a one-time shot; it takes time, so be patient and consistent.” - saad ni Arce sa wikang Ingles

Sa wakas, si Jae Phillipe Ciron Arce ay nagsisilbing modelo at inspirasyon, hindi lamang sa mga Irigenyo at sa Pilipinas, kundi pati na rin sa buong mundo, at sa larangan ng palakasan. Ang kanyang partisipasyon sa prestihiyosong kumpetisyon na ito ay isang hakbang patungo sa mas mataas pang tagumpay at isang patunay ng potensyal ng mga atleta sa kabila ng kanilang kapansanan.

mga atleta na nag-aalaga sa kanilang mental na kalusugan ay mas maaaring makamit ang kanilang mga layunin at pangarap na magtagumpay sa kanilang larangan. Kaya’t dapat itong bigyang-diin hindi lamang ng mga atleta kundi pati na rin ng mga taong nakapaligid sa kanila. Ang patuloy na pagbibigay ng tamang suporta, edukasyon, at pagkilala sa kahalagahan ng mental health sa mundo ng isports ay magiging susi upang makapaglikha tayo ng mga atleta na hindi lamang pisikal na malakas kundi matatag din sa aspeto ng kanilang kaisipan at emosyon.

Palarong Pambansa
Palarong Bicol at Palarong Pambansa, na nagresulta sa mga sumusunod na pagkilala:
Palarong Bicol
mga larawan mula sa Britannica
larawan mula kay Jae Phillipe Arce
larawan mula sa FreePik

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.