Brett Cook at Liz Lerman: Pagmumuni-muni at Pagkilos

Page 1

Oktubre 20, 2022 –Marso 19, 2023 AT PAGKILOS PAGMUMUNI-MUNI

Tala sa Pagsasaayos

Kapag nagbubuo ng isang eksibisyon, paano mo mapapalitaw ang pampublikong pag-unawa sa proseso ng paglikha, nang pinapangibabaw ang hindi nakikita sa nakikita? Mula sa punto de bista ng pagsasaayos, may natatanging hamon sa estetika at dalumat na inihahain ang pagsasama ng mga artist batay sa kung ano ang hindi nakikita, sa halip na sa kung ano ang nakikita. Hiniling ng mga Senior Fellow na sina Brett Cook at Liz Lerman na direkta naming harapin ang mga hamong ito sa pamamagitan ng kanilang pangwakas na proyekto sa YBCA. Sa halip na magtanghal ng magkaibang solong eksibisyon na nagsasalaysay ng deretsong landasin ng kanilang karera sa paglipas ng mga dekada, pinili nina Cook at Lerman na paalingawngawin ang kanilang sariling proseso ng pakikipagugnay sa presentasyon, gamit ang bahagyang paglingon na nakaugat sa dito at ngayon.

Ginamit ng bawat artist ang eksibisyon bilang pgkakataon para balikan ang mga naunang trabaho, bumuo ng mga bagong ideya, at galugarin kung paano mapupukaw ng pagtatanghal ng likhang-sining sa espaso ng galeriya ang mga manonood na maging aktibong kalahok. Para kay Cook, nagsimula ito sa isang pangkat ng mga pinta na magkakasamang tinatawag bilang Ang Pagtitipon (1993–2014). Itong seleksiyon ng mga pinta ni Cook, sa kahabaan ng mga taon ng kaniyang oeuvre na ginugol sa Bay Area, New York, at New Jerey, ay inilabas dahil sa ugnayan. Nakaimbak sa Pennsylvania at nasa labas ng publikong sirkulasyon nang mahigit dalawampung taon, ito ang unang pagkakataon na itatanghal ang mga pinta nang magkakasama. Bilang isang pangkat, nagsisilbi ang mga ito bilang mga biswal na pananda ng mga kuwento at ugnayang bitbit ni Cook sa kaniyang praktika hanggang kasalukuyan. Ang mga gawang ito ay nakikipag-usap sa pinakahuling serye ni Cook na Mga Hardinero ng Pakikianib (2022), na gumagawa ng katulad na pagmamarka ng mga pagkakataon para sa kolektibong pag-iisip tungkol sa mga tao at alaala. Binabaliktad ng Mga Hardinero, na kinomisyon ng Life is Living Festival ng Oakland at kalaunan ay dinala sa YBCA, ang tradisyon ng pagpipinta ng miyural sa pamamagitan ng paggawad sa paksa ng awtonomiya sa presentasyon ng kanilang personal na salaysay. Pinili ang bawat artist batay sa kanilang kontribusyon sa ekosistema ng sining sa Bay Area, at pagkatapos, sila naman ang pumili ng kanilang magiging paksa. Magkasama silang inirekord habang nag-uusap para magbahagi ng kanilang proseso at karanasan. Kahit na karamihan sa gawa ni Cook ay dinisenyo para maging espesipiko sa lugar at komunidad, binubuksan niya sa eksibisyong ito ang malikhaing proseso para sa mga bisita gamit ang mga tisang pader, mapa, at mga pagkakaton para gawing mas personal para sa lahat ang paggawa.

Para kay Lerman, naghain ang eksibisyong ito ng pagkakataon para lumikha ng mga bagong instalasyon na nagpapasok sa manonood sa isip ng manlilikha. Ang Likod ng Entablado (2022), isang bagong likha, ay magkakasabay na

2 | PAGMUMUNI-MUNI AT PAGKILOS
Brett Cook at Liz Lerman, Dambana ng Orasyon, 2020-kasalukuyan, tanaw sa instalasyon, Yerba Buena Center for the Arts, 2021. May pahintulot ng Yerba Buena Center for the Arts. Kuha ni LexMex Art. Brett Cook, Ang Kongregasyon, 1993-2014. May pahintulot ng artist.

basag-basag na paglalakbay sa kasaysayang pampamilya ni Lerman, masiglang kakoponiya ng pagiging nasa likod ng entablado sa isang pagtatanghal, at isang tanawin ng panaginip. Ang Opisina (2022) ay isang kinathang representasyon ng kaniyang aktuwal na espasyo ng paggawa, kung saan puwedeng galugarin ng mga bisita sa loob Ang Atlas ng mga Malikhaing Kasangkapan (2022), isang ekspedisyon sa kahabaan ng karera ni Lerman gamit ang kompiyuter na may mga hindi gaanong nakatagong pagtukoy sa iba pang likhang-sining sa eksibisyon. Nang hindi nawawala ang medyum ng sayaw, na siyang batayan ng kaniyang karera, matatagpuan ng mga bisita ang isang immersive video room kung saan puwede silang magbabad sa kalidad ng koreograpiya ni Lerman na tumutuhog sa ilang dekada ng paglikha.

Ang kaniyang mga presentasyon ay naghahain ng bagong paraan para magpakita ang koreograpiya sa mundo, na iniisip ang sayaw bilang katulad ng tubig na may sari-saring hubog. Ang Pugad ng Espiritu (2022) ay isang multimedia installation na muling hinaharaya ang tahanan ni Clara Barton mula sa Digmaan ng Paghilom (2014) ni Lerman, isang paglalakbay-sa-panahong pagmumuni sa Digmaang Sibil sa Amerika at sa mga digmaan sa Iraq at Afghanistan. Nakahabi ang mga video ng orihinal na pagtatanghal sa mga sanga, larawan, at parol na gumagabay sa mga bisita sa kahabaan ng pugad. Isinasangkot ng pinakabagong likha ni Lerman na Mga Buhong na Katawan (2022) ang buong kampus ng YBCA gamit ang video at zine installation sa eksibisyon at mga pagtatanghal sa aming Blue Shield of California Theater sa Oktubre 28–30, 2022.

Ginagabayan ng kolektibismo, pagmumuni sa sarili, at transpormasyon ang malikhaing praktika nina Cook at Lerman. Dahil alam naming mas mahusay na maisasalaysay ng mga artist ang kanilang kuwento kaysa sa amin, hiniling namin sa kanila na lagyan ng anotasyon ang eksibisyon sa ilalim ng limang gabay na tema: Isang Paglingon sa Pag-usad, Kapag Nagparamdam ang Espiritu, Sining Bilang Pandiwa, Alkimiya ng Ugnayan, at Tao, Palagi. Itinatampok ng mga temang ito ang pagkakatulad ng landas sa pagitan ng dalawang artist, at ipinopronta ang mga metodolohiyang isinagawa nila para makakilos sa at malampasan ang mga hangganan ng kanilang disiplina.

Ang Dambana ng Orasyon (2021) ang nag-iisang likha na produkto ng kanilang kolaborasyon. Unang dinisenyo bilang bahagi ng kanilang programang Alkimiya ng Pagkamulat bilang mga senior fellow sa YBCA, at kalaunan ay muling hinaraya bilang introduksiyon sa Mga Buhong na Katawan ni Lerman, inaanyayahan ng Dambana ng Orasyon ang mga manonood na magpukol ng orasyon gamit ang maliliit na sinalaminang panel at brotsa. Ang koleksiyon ng mga nakasulat na orasyon ay lumilikha ng mapagmuning sagutan sa pagitan ng mga kalahok at mga alay, isang padron ng pagmumuni-muni at pagkilos na umaalingawngaw sa mga galeriya. Magkakasamang lumilikha ang mga tao ng espasyo para pukawin ang isa’t isa at makita ang kanilang mga sarili sa malikhaing kapangyarihan.

REFLECTION & ACTION | 11
Fiona Ball Tagapangasiwa, Curatorial Projects & Public Experience
Martin Strickland Direktor, Curatorial Projects & Public Experience
Liz Lerman, Mga Buhong na Katawan, 2022. May pahintulot ng Jacob’s Pillow. Kuha ni Jamie Kraus.
PAGMUMUNI-MUNI AT PAGKILOS | 3

Mga Senior Fellow

Kapag nagsama ang mga dalubhasang artist na sina Brett Cook at Liz Lerman sa lilim ng isang institusyon, madaling isipin na itutulak sila ng dambuhalang kalikasan ng kanilang mga indibidwal na praktika tungo sa pag-iisa. Sa halip na ganoon, ang una nilang ginawa bilang senior fellow ng YBCA ay maging duweto, isang pares. Kagyat na umandar at tumalab sa isa’t isa ang kanilang trabaho at pagkatao patungo sa kalaunan ay magkakahugis bilang ang eksibisyong ito. Para sa kanila, ang ugnayan ang lupang pagsisibulan ng sining—ugnayan ang nagbibigay sa malikhaing gawain ng pinakamalalim nitong kahulugan at potensiyal sa transpormasyon.

Bilang mga senior fellow, hiniling nila sa amin sa suriin at palaguin ang mga sapot ng ugnayang bumubuo sa YCBA bilang institusyon. Tunog malaking bagay, dahil malaki naman talaga ito. Dito sa YCBA, madalas naming itinatanong sa aming sarili kung anong papel ang ginagampanan ng isang institusyong pansining sa pagsusulong at pagsuporta sa pagbabago. Naghain ng dagdag na tanong sina Brett at Liz: Anong klaseng pagbabago ang kayang pasiklabin ng isang institusyong pansining kung ilalagay nito ang interkoneksiyon at pakikipag-ugnayan sa puso ng gawain nito?

Sa praktika, tila napakaraming bagay ang mga iyon. Sa pagitan ng Enero 2020 at ng kasalukuyan, dumalo sila sa bawat board meeting, nakita nila ang bawat ulat-pinansiyal, at nakilala nila nang malapitan ang institusyon sa paraang hindi pa nagawa dati. Bitbit ang pag-unawa na ang isang board ay pagtitipon ng mga taong pinagbubuklod ng pagtataya sa mga halagahan at pinagkakatiwalaan ng pamamahalang madalas na nagtatakda ng diwa, nagbuhos ng panahon sina Cook at Lerman sa paghubog ng kultura ng board. Sa maraming paraan, ibang-iba na ang organisasyon namin ngayon dahil sa ibinigay nilang atensiyon sa aming board. Sa paglipas ng maraming buwan, itinuro ni Liz sa board at mga kawani ang kaniyang Critical Response Process, isang metodong binuo niya para matulungan ang sinuman na makakuha at makatanggap ng kapaki-pakinabang, malusog, at nakapagpapaunlad na puna.

Makalipas ang dalawang taon, lumilitaw pa rin ito sa iba’t ibang klase ng pagtitipon, na nakatulong sa organisasyon na malampasan ang mga bagyo ng transisyon sa iba’t ibang hugis at hubog. Sinuportahan nila kami ng kasanayan sa pagpapadaloy at malikhaing ehersisyo para sa disenyong transpormatibo, at sa bawat pagtatapos ng programa, mga sandali ng hamon, at mga sandali ng pagdiriwang. Naging timon sila sa tuwing kailangan namin ng pananaw. Lagi nilang sinasabi sa amin na layunin nila ang makapaglingkod.

Ang susunod na anim na buwan nila kasama namin ay hindi lang rurok ng kanilang panahon dito bilang mga artist, kundi bilang mga guro at pinuno, na makatutulong sa YCBA na isabuhay ang gawain ng pagtatatag-ng-mundo—pag-eensayo ng mundong nais naming makita.

Namnamin ang kanilang sining at tumingin nang lampas dito, tungo sa mga kinailangan para makarating dito.

Meklit Hadero Pinuno, Creativity & Impact

4 | PAGMUMUNI-MUNI AT PAGKILOS
Mga Pampublikong Programa Pagtatanghal ng Mga Buhong na Katawan ni Liz Lerman sa Dance Theater Blue Shield of California Theater Biyernes, Oktubre 28, 2022: 8 n.g. Sabado, Oktubre 29, 2022: 8 n.g. Linggo, Oktubre 30, 2022: 2 n.h. Pagbubukas ng Brett Cook & Liz Lerman: Pagmumuni-muni at Pagkilos YBCA Galleries Linggo, Oktubre 30, 2022: 4-7 n.g. Pagpapagulong sa Serye ng Usapang Alkimiya ng Muling Pagsisimula YBCA Screening Room Martes, Nobyembre 15, 2022 (at pagkatapos, buwan-buwan): Tutukuyin pa ang oras Artist Talk Kasama sina Liz Lerman at Brett Cook YBCA Screening Room at mga Galeriya Linggo, Disyembre 11, 2022: 2 n.h. Panel Discussion ng Legacy Choreographers Kasama sina Liz Lerman, Joanna Haigood, Eiko Otake, Merían Soto at Jawole Willa Jo Zollar YBCA Screening Room Huwebes, Enero 12, 2023: Tutukuyin pa ang oras Pagtitipon ng mga Edukador Kasama sina Liz Lerman at Brett Cook YBCA Screening Room at Online Miyerkules, Enero 25, 2023: Tutukuyin pa ang oras Pagtatanghal ng Ang Itim na Butas/Buo sa Destiny Arts Center Kasama sina Brett Cook at Marc Bamuthi Joseph YBCA Galleries Sabado, Pebrero 25, 2023: Tutukuyin pa ang oras Pangwakas na Likha, Pagdiriwang sa Musika at Sayaw YBCA Galleries Sabado, Marso 18, 2023: Tutukuyin pa ang oras Para sa mga update at karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa ybca.org PAGMUMUNI-MUNI AT PAGKILOS | 5

CRITICAL RESPONSE PROCESS NI LIZ LERMAN: Tagalikha ng Tanong

batay sa ikalawang hakbang ng Proseso ng Kritikal na Pagtugon (Critical Response Process/CRP) ni Liz Lerman

Noong binabalangkas ni Liz Lerman ang CRP, alam niyang kapag nagtanong ang isang artist sa mga manonood, may matututuhan ang lahat na makatutulong sa paglago at pagabot sa potensiyal ng isang bukas na likha.

Sa proseso, may dalawa siyang natuklasan:

• Ang gawain ng paglikha ng tanong ay malikhain mismo at nagbubukas ng mga bagong daluyan ng pag-iisip; at

• Sa isang lipunan na nagpapahalaga sa tapang at kawalan ng alinlangan, kakaunti ang karanasan ng mga tao sa pagtatanong tungkol sa sarili nilang trabaho.

Sa katunayan, napansin niya na kapag inimbitahan ang mga artist na magpakilala ng gawang hindi pa tapos, ang gagawin nila sa halip ay magsimula sa pagdadahilan o pagpapaumanhin. Nakita niya na nakatutulong ang pagsasabi ng “Bigyan ng dignidad ang mga silakbo ng damdamin na iyan sa pamamagitan ng pagbibigay-hugis sa mga ito bilang mga tanong.”

Mula sa mga obserbasyong ito, nakipagtrabaho si Liz sa kaniyang mga kasamahan para makabuo ng mga paraan sa paggawa ng kapaki-pakinabang na mga tanong [na maaari mong silipin dito...]

PARA MAGSIMULA, mag-isip tungkol sa isang bagay na “nangyayari” sa iyong buhay (isang proyekto, problemang kailangang lutasin, hadlang na kailangang lampasan, at iba pa.)

PUMILI NG ISA:

Paumanhin

PagdududaIntuwisyon

ObserbasyonMotibasyon

Pag-asa

Magsisimula ka sa pagresolba sa iyong mga pagkabalisa, emosyon, at hangarin.)

6 | PAGMUMUNI-MUNI AT PAGKILOS

PANGALANAN MO:

Isulat ang iyong paumanhin, obserbasyon, pangarap, at iba pa, dito.

MAGTANONG:

Gawin mo itong tanong.

(Sa pamamagitan ng artikulasyon, nailalabas mo ang silakbo ng damdamin at nasisimulan ang pagkontrol dito.)

MAGDUGTONG:

Anong naiisip mo mula rito?

(Ngayon pinalalawak mo ang sakop ng iyong kabuuang pagdama.)

(Naghahawan ng landas pasulongang tanong para sa iyo: Magagamitmo ito para makakuha ng feedback,mapasulong ang iyong sariling pag-iisip,o magmungkahi ng gagawing saliksik.)

PAGMUMUNI-MUNI AT PAGKILOS | 7

Kredits

Sina Meklit Hadero, Head of Creativity & Impact at Angela Carrier, Director of Artistic Engagement & Impact ang namamahala sa Senior Fellowship nina Brett Cook at Liz Lerman.

Ang Brett Cook at Liz Lerman: Pagmumuni at Pagkilos ay pinangangasiwaan at inoorganisa nina Martin Strickland, Director of Curatorial Projects & Public Experience; Fiona Ball, Manager of Curatorial Projects & Public Experience; Yoni Asega, Co-Head Preparator; David Tim, Co-Head Preparator; at Bella Manfredi, Senior Preparator.

Nagpapasalamat ang YBCA sa aming preparator team na ginawang posible ang eksibisyon na ito: Stephanie Aderholt, Alina Çelik, Philip Garcia, Lauren Kenward, Ben Leon, Rachele Mechem, Christian Neill, David Prigge, Mae Ross, at Kelsey Westphal.

Naging posible ang senior fellowship nina Brett Cook at Liz Lerman dahil sa henerosong suporta ng Andrew W. Mellon Foundation, William and Flora Hewlett Foundation, Doris Duke Charitable Foundation, at ng Bernard Osher Foundation.

Naging posible ang mga proyekto ng YBCA sa pakikipagtulungan ng MacKenzie Scott and Dan Jewett, California Arts Council, Andrew W. Mellon Foundation, William and Flora Hewlett Foundation, Tambourine, San Francisco Arts Commission, Institute of Museum and Library Services, Marilyn Conrad Trust, Doris Duke Charitable Foundation, William G. Irwin Charity Foundation, Kenneth Rainin Foundation, Bloomberg Philanthropies, Walter & Elise Haas Fund, Bernard Osher Foundation, In memory of Kevin King, The Sato Foundation, New England Foundation for the Arts, Gaia Fund, at mga miyembro ng YBCA.

Nagbigay din ng henerosong suporta ang Blue Shield of California. Ang Blue Shield of California ay isang indipendiyenteng kasapi ng Blue Shield Association.

Nagpapasalamat ang YBCA sa Siyudad ng San Francico sa patuloy nitong pagsuporta.

Tungkol sa YBCA

Ang Yerba Buena Center for the Arts (YBCA) ang sentro para sa sining at pagsulong ng San Francisco. Binuksan sa publiko noong 1993, itinatag ang YBCA bilang kultural na angkla ng harding distrito ng Yerba Buena sa San Francisco. Tinatawid ng aming trabaho ang mundo ng kontemporanyong sining, pagtatanghal, pelikula, sibikong pakikipag-ugnayan, at pampublikong karanasan. Sa pamamagitan ng pagsesentro sa mga alagad ng sining bilang mahalaga sa kilusang panlipunan at pangkultura, muling ipinapakita ng YBCA ang tungkulin na maaaring gampanan ng isang institusyon ng sining sa komunidad na pinaglilingkuran nito. Misyon namin na gumawa ng kultura na nagpapakilos sa mga tao.

PAGMUMUNI-MUNI AT PAGKILOS | 8

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.