11 KULTURA
Tomo 48 Isyu 1, Setyembre-Oktubre 2022
JOBELLE MILA
May mga alaala na kung maglaho ay simbilis ng mga bula. Kadalasan madaling naitatangay ang mga naratibong nabubulong lamang sa hangin, iyong mga kwentong hindi nabigyan ng pagkakataong maibahagi o dumapo sa kung sinuman ang pwedeng makinig o makaalala. Ngunit hindi laging ganito ang kaso, may mga alaalang binabaon at kinukulong sa kawalan dahil umuukit sa memorya’t kalamnan kahit pa sa mga ayaw makaalala nito. Ganito kung magmarka ang mga alaala ng pakikibaka. Panimula ng Pag-alala Magsisimula ang pagpapatuloy ng pag-alala sa mga panaka-nakang pagpapasa ng mga naratibo hanggang sa paglikha ng mga materyal na manipestasyon nito upang maging balon ng mga kolektibo at indibidwal na karanasan ng isang tao. Ang ilan ay kumakatha ng tula, libro, pabula, awit, at sayaw na siyang produkto at daluyan ng memorya gaano man ito kasalimuot o maginhawa. Kung kaya’t noong panahon ng Batas Militar sa kasagsagan ng karahasan laban sa mamamayan, naging tuntungan ito upang makalikha ng mga hindi pangkaraniwang alaala ang mga tao–puno ng takot at tortyur ang ikinintil ng rehimeng Marcos Sr. sa isip ng mamamayang Pilipino. Ngunit nagbunga ang takot na ito sa isang naratibong uukit sa kasaysayan. Sa bahagi ng Kordilyera, iniudyok ng isyu ng dambuhala at mapanirang Chico Dam ang kolektibong pakikibaka ng mga katutubong Igorot para sa kanilang lupang ninuno, rekurso, at kabuhayan. Dahil sa militanteng pagtutol ng mga katutubo sa Kalinga at Bontoc na pinamunuan ng tatlong tribal leader na sina Macliing Dulag, Pedro Dungoc,
henerasyon ang militanteng kasaysayan ng mga Igorot laban sa diktadurya. Sa isang administrasyong nais monopolisahin ang kasaysayan at tuluyang burahin ang katotohanan ng pakikibaka sa bansa, nagpapatuloy ang tunggalian sa kung anong kolektibong memorya ang mananaig. Ang pinakalayunin ng estado na supilin ang naratibo at mga alaalang nag-uudyok sa mamamayang lumikha muli ng makasaysayang mga pagkilos. Sapagkat ang pagkalimot ay isang epektibong paraan upang patuloy na bigyang kapangyarihan ang mga tiraniko sa kanilang pananamantala. at Lumbaya Gayudan, patuloy na ginugunita ng mga tiga-Kordilyera ang kagitingan ng mga bayani at martyr sa rehiyon. Noong 2017, makalipas ang 37 taon mula nang barilin si Macliing Dulag ng 4th Infantry Division sa kanilang tahanan, sama-samang itinayo sa Bugnay, Kalinga ang monumento ng tatlong tribal leader upang alalahanin ang kanilang kabayanihan hinggil sa kanilang pagtatanggol sa lupang ninuno, kabuhayan, at buhay ng mga katutubo sa Kordilyera. Sa kabilang banda, isang manipestasyon din ng kasakiman ng rehimeng Marcos ang nakatayong rebulto nito sa Taloy Sur, Tuba, Benguet upang maging atraksyon at magsilbing pagpupuri sa diktador. Ngunit ang animo’y dapat atraksyon ay isang nakakasulasok na balakid sapagkat naging dahilan ito ng pagpapalayas ng 81 na pamilya ng mga Ibaloy na nakatira sa pinagtayuan ng rebulto. Dahil sa epekto ng itinayong Marcos Park, nilayon itong pasabugin ng
DISENYO NG PAHINA NIKKI SHANE PILLEJERA
mga katutubo, ngunit hindi ito pinayagan ng rehimeng Cory Aquino. Makalipas ang ilang taon, pinasabog ng New People’s Army (NPA) ang rebulto ni Marcos noong 2002. Hindi ikinukubli ng rebulto ang pagwaldas ni Marcos sa pera ng bayan upang magpatayo ng mga walang katuturang proyekto at mas lalong pinatutunayan ng pagkasira ng rebulto ang naging malawak na pakikibaka ng mga Ibaloy upang bawiin ang kanilang lupang ninuno. Panganib ng Pagkalimot Malalim na nakaukit sa mga monumento tulad ng AntiChico Dam Heroes Monument at mga rebulto tulad ng Marcos Bust ang kolektibong karanasan ng mga katutubo sa Kordilyera sa gitna ng mga agresyon sa kanilang mga sariling lupain. Masasabing politikal ang mga alaala lalo na kung ito ay mga memorya ng pakikibaka, pakikipagbuno sa tunggalian laban sa mga
naghahariharian, at kung ito ay mga ala-ala ng pagwasak sa isang nabubulok na sistemang panlipunan. Gaya ng mga alaalang nakaukit sa mga libro, may kapangyarihan ang mga monumento upang lagpasan ang mga bagay na hindi permanente. Ayon kay Clive Seal, isang sosyolohiko, sa kanyang librong Constructing Death: the Sociology of Dying and Bereavement, umiigpaw ang mga monumento sa limitadong kakayahan ng isang taong nakatadhanang lumipas. Hindi kagaya ng mga mortal, may pagkakataon ang mga naratibo at memorya na manatili habambuhay, kailangan lang ng mga ito ng mga sisidlan upang maprotektahan ang alaala sa pagkakaagnas. Kaya’t isang banta sa kasaysayan ng Kordilyera at pagtatraydor sa kabayanihan nila Macliing Dulag ang pagalis ng mga pinaghihinalaang pwersa ng estado sa monumento sa Bugnay noong 2021. Parte ng demolisyong ito ang layuning burahin sa memorya ng kasalukuyang
Pagpapatuloy ng Legasiya Ang mga alaala na pinanday ng kolektibong pagkilos ng masa ay hindi mawawala na simbilis ng mga bula. Ang mga alaalang bunga ng tunggalian at itinaguyod sa panawagan ng pagpapalaya ay sintatag ng mga bundok, singtibay ng mga monumento. Hindi nahuhulog sa langit ang mga kahulugan ng mga produktong inilikha sa layunin ng pagpapatuloy ng mga alaala, hindi rin nahuhugot sa anumang tadyang ang mga kwento ng katapangan at maging ang kwento ng mga karahasan, bagkus mayroon itong materyal na basehan at kasaysayang nagpapatunay na hindi kathang isip ang alaala ng pakikibaka. Hangga’t may mga nalilikhang tulad ng AntiChico dam heroes monument, hangga’t nandyan ang ebidensya ng pinasabog na Marcos Bust, katotohanan ang mga naratibo ng pakikibaka noong Martial Law. Dahil patunay na buhay ang ating mga alaala kung ang mga ito ay nagmamarka, umiigpaw, sumusugat, at lumilikha ng legasiya. ▼
DIBUHO ARMEL JAKE FLORES