1 minute read

Isang daang pangarap, isang katawan

by Mary Smileian Obispo

Advertisement

Sa aking pagmulat, tanaw ko ang mga mukha. Gaya ko, suot nila’y pang-eskwela.

Paano ka humimlay? Tanong ng ilan, kumukurap-kurap.

Sagot ko’y humimlay ako habang inaabot ang pinapangarap.

Imbis na matuwa, lahat ay nanghinayang.

Sabi ng isa, hindi ka magkukulang kung pupunan mo muna ang banga.

Sabi naman ng isa, makapaghihintay ang pangarap, ito ay magbubunga, ngunit ang buhay ay hindi mababawi kapag dahil sa pagod at puyat ay napawi.

Mahirap humugot sa bangang walang laman.

Walang saysay ang pangarap kung papanaw din naman.

Unahin ang pahinga ng kaluluwa at katawan upang hindi sapitin ang mapait na kahihinatnan.

Marami pa ang iyong aabuting tala at buwan, ngunit iisa lang ang iyong katawan: ito’y iyong alagaan.

This article is from: