Skip to main content

Pan De Mia

Page 1

TSU CASS The Oracle 2020-2021


Ang sarap bumalik sa pagkabata. Tanda ko pa yung pakiramdam na lahat ng bagay ay perpekto, walang hirap, walang sakit at lalong-lalo na walang matinding kalungkutan. Yung mga panahon na lahat ng bagay ay binibigyan mo lang ng maganda at masayang kahulugan. “Ayos lang yan, anak. Tumayo ka na diyan at maghihilom din yan.”

Naalala ko pa ang paulit-ulit na binibigkas ng aking Ina sa tuwing ako'y hirap makatayo dahil sa mga natamong sugat sa pagkakadapa. Tumatak sa aking isipan ang pangaral niya na ang mga sugat na ito ang magiging daan upang mas lalo akong maging malakas at matapang sa buhay.

Tama nga siya, ngayon naiintindihan ko na ang gusto niyang iparating ng mga oras na yun, na hindi pala matatapos ang buhay dahil lang sa isang pagsubok tulad ng pandemya, kalamidad, karahasan at kalungkutan. Dahil sa paglipas pa ng maraming taon, marami pang problema ang dadaan at ating mararanasan na siyang susubok kung paano tayo muling babangon at magpapatuloy sa buhay. Sa pamamagitang ng ALPAS: Pan De Mia, ating talakayin at ipaalala ang mga suliranin sa nakalipas na taon, na siyang sumubok sa pagkakaisa, pagmamahalan at pagbangon ng bawat isa. Hindi lang sana mauwi sa limot ang lahat. Nawa’y baunin sana natin ang aral na nais ipabatid ng ALPAS; na may liwanag pagkatapos ng kadiliman at sa likod ng kalamidad ay may lilitaw na panibagong bahaghari na magbibigay pag-asa sa lahat. -----------DUCHESS ELLAINE A. FAUSTINO

EDITOR IN CHIEF


Ang pag tula ay isang masining na porma ng pagkukwento. Nasa manunulat kung anong klaseng hubog ang likhang susundan nito, dahil ang pagtula ay isang parte ng bawat pagkatao. Na inihahain sa bawat madla nq makakabasa neto. Bawat salita ay lasang hindi mo makakalimutan, bawat talata ay aromang hindi makakaligtaan, at bawat damdamin ay habang buhay mo ng mararamdaman. Kaya tumikim sa sarili mong paubaya. Malason sa inihaing mga tugma. Mabuhay sa panandaliang katha. Mabulag sa mga inihandang salita.

Tinapay? Tara kumain sa panaderya ni Mia.

Allen Nesty B. Nicdao Literary editor


CHAPTER III PUDDING Hindi lahat ng tinapay ay bugok, isang pursyento lamang ang bulok. Sinong niloko ng dambuhalang tulok mga mata nami'y tutok na tutok. Ilang taon na naming hindi malunok, mga kasinungalingan inyong itinatampok.

Sa pag gawa ng tinapay kailangan mo rin makinig, Isaalang-alang mga kakaing bibig. Hindi habang panahon ikaw ang taga masa ng isinantabi't yinurakan mong Masa. Inamag na pagkamakabayan ika'y babalikan, umaapaw na pagasa hindi binitawan. wag kalimutan ang pinagdaanan ng mamon, huwag din sayangin ang pagdating na pagkakataon. Hindi kailangan itapon ang pinagdaanang talon, sa oras at mga pagkakataon, datapwat matuto sa pagkaka kahon taas noong ayusin ang nasirang mamon. Pudding kayo bente! isa!

dyan

sa

bagong

ahon,

bente!

Chapter Three Layout Edited By: Roan Marie U. Marcos


Liham ng Kalikasan ni: Duchess Ellaine A. Faustino

Kailan

ba

tuluyang

Ang

natin

makakamtan,

mga

pag-asang

tuluyan

ng

lumisan.

Katulad

tayo

alitaptap tuluyan

ng

ng

mga na

nag-

d i l i m ,

N a

mananatiling aangkla sa mga puso nating

nagdidimdim. Bigyan ng pag-asa at wag pinapaasa,

ng

ang

pagkinang

muling ay

ating Guhit ni: Sherjoshua Legaspi


Kalayaan, Katotohanan ni Henry Pangilinan

Sa gitna ng isang digmaang hindi nakikita Biglaang pinutol ang pakpak ng pagbabalita Silang naghahangad ng kalayaan Silang naghahanap ng katotohanan Silang lahat ay pinagkaitan ng karapatan Bawat isa'y binusalan ng kasinungalingan Silang mga sakim, nagwagi man kung kanilang ituring Ay 'di patatawarin ng pusong handang tumindig Para sa pagbabago, pagkat Maniningil ang taong-bayan Mula sa mga mapang-aping makapangyarihan, Mula sa mga nagbibingi-bingihan at nagbubulagbulagan

Mag-iingay ang kabutihan Kakalas sa kadena ang mga kinulong sa takot Babangon para muling magbigay serbisyo sa publiko Muling eere para sa masang Pilipino Oras na para kumawala Dahil ang tunay na kalayaan ay ang katotohanan Guhit ni: Sherjoshua Legaspi


Bread-and-Butter by: Daryl Enverzo

in the wake of a child crying, one eyes out, sucking one's thumb to devour in his entire life. for he has no keep, nor food to eat, he who will live as poor as church mouse down the street. as he grows as sprout, he thrives for daily bread, living as juvenile delinquent even if caught red-handed for he is deprived to paint the town red does it really take a village to raise a child with no debt? he suffered. he crumbled. he dazed in emptiness. all he wanted is just a taste of a little bit of happiness to that little rich boy with silver spoon down the city he couldn’t be so green with envy to this cream of society

what a child had become to this man on the street? tasteless to savour different kinds of sweets how can he rise step on the social ladder, when he cannot even provide himself a tasteful bread and butter?


PAROL by: Kyle Paula Espinosa

Sobrang saya ko, Dahil mayroon tayong parol. Setyembre palang noon, At ramdam ko na ang pasko.

Masaya talaga ako, Dahil sa buong buhay ko, Ngayon ko lang naranasan, Na magsabit ng ganitong bagay. Iba pala talaga ang pasko, Kapag may parol ano po? Kumukutikutitap, At talagang bumubusibusilak.

Nagulat ako nung isang gabi, Na pundido na ang bumbilya. Walang mahagilap na pagkurap, Ng asul, berde, dilaw at pulang ilaw. Sinilip ko sa labas, nasan ang parol? Ayun, nawala dahil sa bagyo. Sana madama ko parin, Ang simoy at saya ng pasko. Na kahit walang ilaw na umiindak, Importante kasama ko ang pamilya ko...

Mapapaindak ka nga, Sa patay sindi nitong ilaw. Mapapangiti ka ng sobra, ... kahit sa panaginip lang haDahil sa sayang hatid ng mga bang kasama na nila ang pakulay. rol ko. Kaso dalawang buwan palang, Ang nagdaan at lumipas,


MY SANA ALL THIS CHRISTMAS Written by: Christian Jay Ramos

Isang normal na gabi sasapit na ang alas dose iyon. y media, ang Pasko. Kung kaya't dali-dali at Malamig ang simoy ng nakikipagsabayan ka na hangin at napakaraming rin sa kanila. mga taong nagmamadali ang nasa may daan. Ilang sandali pa ay naTanda ito nang pagtata- pangiti ka na lamang pos ng huling gabi ng bigla nang nasa may pagsamba bago sumapit tapat ka na ng inyong ang araw ng pasko. pintuan. Agaran mong pinihit ang sedura nito Lahat ay nagmamadali. at agad na pumasok sa Iba-iba, mayroong loob ng inyong tahanan. magkakaibigan at magkakapamilya at mu- Napakatahimik na la rito ay tanging ang paligid ang sumalubong napakaliwanag na mga sa iyo. tala sa kalangitan at mga sumasayaw na mga Pinagmasdan mo ang ilaw sa mga kabahayan paligid at napangiti't ang nagbibigay liwanag napailing ka nang masa paligid. hagip ng iyong mga mata ang mga nakahapag Samantalang ikaw ay sa mesa kung kaya't nagagalak na ring daglian mo itong nilapiumuwi sapagkat nang tan. Napaluha ka na tignan mo ang iyong lamang bigla sapagkat pambisig na orasan ay naroroon ang iyong nakita mong ilang ina't ama. minuto na lang pala ay "Maligayang pasko Ma,

Pa!" bati mo sa kanila habang isang mainit na yakap ang iginawad mo sa larawan nilang naging kapiling mo sa bawat paskong tulad nito. Nagsigawan ang iyong mga kapitbahay, maging ang pagtunog ng kampana ay nagsasaya na rin, senyales ito nang pagsapit ng Pasko na muli ka na namang mag -isa. —


ESPIRANZA Written by: Kaye Anne Canlas

I fell in love with your fur I took great care of you But it didn't last long I was busy, you were waiting When the quarantine started I was devastated and stressed I didn't think of you, But you were still waiting I tried to make it up with you Tried to spend more time with you But I was busy thinking about myself In what I should do in my life I didn't realize that you were waiting, Patiently watching me from behind I took time for granted I thought you'll stay longer

I'm sorry, my Espiranza. I missed you. PS. Thank you for leaving Max to me.


Kandila sa Bodega ni Carise Joy C. Dacayo Hindi ko maisip kung bakit may

kulungan sa loob ng aming tahanan, isang silid na tambakan ng mga napaglumaang bagay ng nakaraan. Sa tuwing nag-aaway kami ng kakambal ko ay sapilitan niya akong ikinukulong sa bodega gustuhin ko mang lumaban ay hindi ko magawa dahil kagay nga ng palagi niyang sinasabi mahina raw ako, masyado raw akong nagpapadala sa emosyon ko. Isang araw nag-away Guhit ni: Sherjoshua Legaspi na naman kami, nakita niya kasi akong umiiyak, ayun pa naman ang pinaka-ayaw niya kaya wala na naman akong nagawa noong ikulong niya ako sa bodega, umiyak na naman ako. Kaso hindi ko alam kung anong meron nang araw na iyon pero para bang nagkaroon ako ng lakas ng loob na patunayang mali siya sa mga sinasabi niya tungkol sa akin. Kaya tanglaw ng isang munting liwanag mula sa kandila, nilibot ko ang silid na tinuturing kong kulungan. Kulungan ng mga munting alaalang walang ibang idinulot sa akin kung hindi kapighatian, tama nga ang kapatid ko, mahina nga ako, kay tagal ko na ngang nagpapakulong sa sarili kong isipan ni hindi ko naisipan na tumanglaw sa munting liwanag sa gitna ng kadiliman. Tama nga ang kapatid ko, duwag nga ako, ni hindi ko man lang sinubok na libutin ang dilim gamit ang munting pag-asa. Pero hindi na ngayon, dahil gamit ang munting liwanag na ito makakatakas ako mula sa bodegang nagsadlak sa akin sa kadiliman, hindi na ako magiging preso ng sarili kong kulungan.


BINATA ni: Zeth N. Abalos

“Uy, mare. Nakita mo ba yung binatang dumating doon sa bahay nila Mareng Leti? Kegwapong binata. Baka boypren nung inaanak mo.” “Binata? Nag-boypren na ba si Princess Joy?” “Aba malay ko. Dalawang taon pa lang nagaral sa Maynila eh, naglandi agad. Baka nabuntis, kaya ayan umuwi kasama ang nakadisgrasya. Nako, tanungin mo nga. Pag nagkataon nakakahiya.” “Mareng Leti!” “Oh Mareng Nita, sakto napadalaw ka.” “Mano po.” Magalang na nagmano ang binata. “Aba’y magalang naman pala. Ikaw ba ay boypren ng inaanak ko, si Princess Joy?” “Uhm. Ako po ito ninang, si Princess Joy.”


Baligtarin natin ang sitwasyon Imbes na tayo ay sila naman ang umaksyon Isipin mo, tikom ang ating bibig, ‘di maintindihan Kamay at paa’y nakagapos, ‘di makaalpas Mayroong buhay ngunit aalisan din ng kulay Dahil dumating na ang takdang alay Tayo Tayo naman ang kukunin Tayo naman ang paiiyakin Tayo naman ang magmamakaawa Dahil tayo naman ang nagsimula Dahil sila naman ang unang inulila’t naubos Ito’y hindi nila paghihiganti kundi pighati Ni: John Kaya paano kung tayo naman Henry V. ang nawala?

Paano Kung Tayo Na?

Pangilinan


SA WAKAS Ni: Carise Joy Dacayo Guhit ni Carise Joy Dacayo

"Halos limang taon na rin pala 'no?" iyan ang iyong unang tanong matapos nating muling magkita pagkatapos ng limang taon mula nang tayo ay maglakad palayo sa isa't-isa. Napatango na lamang ako sabay ngiti, pinilit kong hindi lingunin ang mga mata mong nakatingin sa akin, natatakot akong baka kapag hinarap kita ay matalo na naman ako na baka kapag hinarap kita ay mawala na naman ako sa iyong titig at hanapin ang sarili kung nariyan pa ba ako sa iyo.


Hindi ko ba naman kasi alam kung bakit sa dinami-dami ng tao dito sa ating syudad ay ikaw pa ang makakasalubong at makakatabi ko dito sa sakayan at ngayon pa talagang umuulan at punuan ang mga jeep, kung hindi lang malakas na malakas ang ulan ay malamang kanina ko pa ito sinugod. Nakakainis din talaga si tadhana minsan 'no? Palagi niya tayong pinaglalaruan.

Pansamantala tayong binalot ng katahimikan na tanging ang ingay na lamang sa paligid ang naririnig natin hanggang sa muli kang magtanong.

Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata na muli ka na ulit tumingin sa iyong harapan kaya naman ako naman ang humarap sa iyo. Ganun na ganun pa rin ang itsura mo pakiramdam ko nga mas lalo ka yatang gumwapo ngayon. "Kamusta naman?" tanong ko. Agad akong napatingin sa harapan nang bigla mo akong hinarap kaya narinig ko ang bahagya mong pagtawa. "Heto, nagpapaka-abala sa trabaho, ikaw ba?" tanong mo pabalik.

"Sino?" tanong mo at muli kang tumingin sa harapan.

"Busy rin ako sa buhay ko." sagot ko pabalik.

"May mahal ka na bang iba?" nakatingin ka pa rin sa akin gustuhin man kitang titigan pabalik pero natatakot ako. "Oo." maikling sagot ko.

Kasabay nang pagharap ko sa iyo ay ang muli mong pagharap sa akin kaya naman heto tayong dalawa, parehong nakatingin sa mata ng isa't-isa. Akala ko mawawala na naman ako, mahuhulog at hindi na muling makakaahon pero hindi na ngayon dahil sa wakas alam ko na, na may mas mahal, minahal at minamahal pala ako higit pa sa iyo. "Ang sarili ko."


PARDON LITTLE LIBAN Kumapit sa posteng nanlalamig Tengang nabibingi sa walang humpay na sigaw Ang sabog ng ulo ng bayan, Tinadtad ng abo na kamatayan Ineng Liban halakhak mo’y natunaw. Inikot ko ang kalsadang kayas Tinuklap ang kabukiran at panatag na tirahan, Ngunit ang maghintay, Ng nag-aanyong pagbabago na lebadura, Ay bawat alsa ng pag-asa. Ibinulong sa hangin ang sampaga, Sakali ma’y makarinig ang haplos at kulo ng awa, O itataga na siyang lumisan Ang hikbi ng tumatayong bayan, Na matagal nang kulong sa malagim na kweba.

Written by: Precious Mercado


SHINNING ANGEL Written by: Marianne Samiento With your white dress and pale face you’re still lovely. And the thought that I lose you will always hurt me, I can still feel the pain of seeing you without a beating heart. Feels like I am repeatedly pierced by a pointed dart. An angel, indeed you are. Without a wing you can still fly high. Even if the countless why’s I had ask the Lord are still hunting me. I know you are now happy because you are a strong lady.

I promise you that you will always be remembered, You will remain shinning even to strangers. For courage and kindness you will always be a reminder, And my works will remind everyone how beautiful you are, my angel. Every time longing sadness visit me on a silent night, I will look up on the sky and you will always be there. I am done with the darkness of losing you, I am now happy for I know you are too.

Till the right time of meeting you, my shinning angel.


Kapayapaan ni: Duchess Ellaine Faustino

Pagmasdan mo ang kapaligiran, Masasayang huni ay tuluyan ng lumisan. Namutawi sa dating masayang sanlibutan Ang nakakabulahaw na tunog ng kaguluhan. Pakinggan mo ang alingawngaw ng iyak ng kabataan, Naiwan at pinagkaitan ng kasiyahan dulot ng digmaan. Dinggin mo ang mga tinig sa gitna karahasan, Mga nagsusumamong itigil na ang patayan. “Laging papakatamdaan na sa atin nakasalalay amg inaasam na kapayapaan. Kalimutan na ang paghihigati at pagmamahalan ang iganti.“

Guhit ni Carise Joy Dacayo


SHE

By: Carise Joy Dacayo

Covered with scar, she battled. Armored with pain, she embark. Riveted with traumas, she overcome. For she holds the mightiest weapon of them all. Something that can slay all the monster. Something that can defeat the evil. Something that can save her from her own demise. It’s not a sword. It’s not a wand. It’s not a pen. It’s her courageous heart. The End He was an epilouge she wished to end happily. She was an epilouge he ended happily.

Artwork by: Carise Joy Dacayo


Aktibista ka kung Ni: Angel Saludez

Aktibista ka kung nagpapahayag ka ng iyong sariling opinion o saloobin sa loob Pilipinas. Aktibista ka kung binibigyan mo ng puna ang hindi tamang pamumuno ng gobyerno. Aktibista ka kung hindi ka sang-ayon sa mga anumalyang nangyayari sa pulitika. Aktibista ka kung sinisiyasat mo ang nagawa ng administrasyon para sa pandemic. Aktibista ka kung hinahanapan mo ang bilyones sa PhilHealth. Aktibista ka kung isa ka sa mga nagpost sa twitter na #NasaanAngPangulo. Aktibista ka kung nagpost ka ng saloobin mo sa Facebook noong sinabi ng Presidente ang mga katagang “Shoot female rebels in the vagina” Aktibista ka kung artista ka at red ang lipstick mo.

Guhit ni Carise Joy Dacayo


Love on the way By: Jefferson Dela Cruz I'm stocked at the middle of nowhere Where no one will recognize me Walking on a long side of the highway Seeing how birds busy flying on the air. One way going left, I see cars stop at red stop light of a post. Two way, two way but different ways of our feet, Will they combine or continue to wait. How the both of us satisfy if the journey of our selves do not agree with. I'm little tired of things but don't want to give up. How many yellow Jeepney will run at north? How many Busses will join at the south? How many thousands of people will I see on the road? How long it takes to feel your heartbeat again? I'm starving for your love. I am now in the middle of an intersection of nothingness Where the east meets the west Where north becomes the south I thought I already left behind But with all these directions, it is still you that I want to find. From this busy town, the sun is ready to hide and rest Along with it is your image slowly showing vividly in the haze I chase as you slowly drifts away with the speed of a car with screeching sound I still chase not minding my body full of blood resting on the ground I chased, until I close my eyes, still, you're nowhere to be found.

Artwork by: Sherjoshua Legaspi


Written by: Allen Nesty Nicdao

Mom told me that I should wear blue That men should be strong, wise and passionate too Dad gave a me bow that is coloured in pink Being softie inside is needed and does not shout stink the Society sends me a coat in a plain boring grey Says I should follow rules so in justice I wont pay Neon Green pants is what an artist ask me to wear That I should be loud, proud of what I wanted to play I wear them all without hesitation and fear Because colours are pretty and life is a sneaky dear So love, lie, live and breath the colours of the wind


Tula-tula

Written by: Allen Nesty Nicdao

Sinagakgak ne mu y marie iñang bubusitan meng ala yang panty Uning maka tula naman talaga mapa aldo man o bengi Linagapak ka dalan keng sobra mung ayli Emu ne a isip ing aramdaman na Dipa naka ning alti "Emu na ku bubusitan, ena maka tula ne" Eme pinansin, ginut me pa i atchi Keng isip mo sane ne, aldo aldo mune mang pakarine Paglokwan me mu naman uling eya gaganti Petugutan me, uning sabi mu "wa bukas nanaman ne" Ginulut kang babalikid lalen ming sisibi Abak nanaman pantunan me i marie Linawe me king kwarto na iskwela, busitan mune kase "Wan tuu triiii nukarin ya y marie" "Mete ne rugu tung! meg bigti ne kasi, Maka borles ya pin makalunus ya i atchi, Ala yang bra kabud ya panty"

Guhit ni: Sherjoshua Legaspi


In the depths of the shadows beneath the weeping sky rest my fallen comrades bathed in their own blood; oblivion is the only battle they could not defy yet it is only then By: Angelica Dianne Palad that peace stops being a fraud Their weapons are scattered over the tainted glade armors brutishly severed leaving nothing to succor benumbed, my body left me in dismay it won’t be long until the heaven’s tears turn to vapor As I gaze upon the clouded sky my vision starts to blur Guhit ni Carise Joy Dacayo no, this can’t be my last cry I will not get pulled into the curtains of oblivion for I am a warrior left to tell the tale of these people who fought bravely to preserve harmony among the nation if I falter now, who will be left to tell the warrior’s tale?

Warrior’s Tale


Look at the moon It only shines when it’s dark So just like the moon Shed some light Whenever things messed up

Night Sky By: Henry Pangilianan


Why do I keep on Watching your glowing eyes when They don't shine for me. THE ANGEL’S DEMONS Here comes that bloodcurdling sensation again. It feels like my soul is being pulled away from me and my body’s bound to my bed, unable to move. For six nights, I have been struggling to sleep in peace—tonight is the seventh. My friends ask me how I stay calm whenever I tell them about these experiences. The thing is, I am terrified. Every night since all of this started, I wake up and see myself wandering across the room as if I’m lost. I see myself flipping through the pages of my favorite book and ripping out the cover. At times, I even see myself looking at the mirror then breaking it with my fist afterwards. Each morning, I take a look at the things that I think I’ve broken. They were never broken and that’s the scariest part of it all. Every time I open my eyes, I always remember the things

that I’ve done during the night; but it turns out, they never even happened. It feels too dreamlike to be real but too real to be a dream. My grandmother once told me that she used to have dreams that didn’t seem like dreams. She said that she felt every single emotion; she felt pain… but normally, in dreams, there is no pain. I remember her story about a little girl breaking their plates every night with an unexplainable hint of anger in her chest. She came clean to her parents and told them about it but instead of scolding her, they were confused. None of their plates were broken. The little girl then expressed her objection against her parents’ divorce. My grandmother told me that the girl never broke any of the plates; it was her soul’s way of telling her to let out the rage fueling in her heart. It was the hidden bitterness that was making her have all of these “dreams” that she thought were real. Maybe I do want my reality

to change. Maybe my favorite book about life and love is what I want my life to be like. Maybe I never like seeing myself in the mirror because this is not who I want to become. Maybe that’s the reason why my demons won’t stop bugging me. Maybe… this is my soul’s way of telling me to stop being so hung up in my fantasies and start accepting my own reality

Glow By Zeth N. Abalos Artwork by: Sherjoshua Legaspi


LELE TETE By: John Henry Pangilinan

aldo aldo kung migaganaka nung makananu kung sulapo bukas king babo uling ala ne ing disnan kung masalese medalumdum na king dalan, sapak asuk ning masisilab a parugang ali ne midagus ing danum uling sapak sukal Ali na ku sulapo kanini

king lele tete nung nokarin da ka pakikitan keni lalam da ring tala ika tang adwa ing magsilbing bulan dinan da na kang rosas uling bukas e ta na mikit uling bukas e ta na milabas bukas e ta na magsinding sulu bukas ala nang magsilbing bulan a susulu kabang mayap yang matudtud ing yatu - fireflies who are now facing extinction due to loss of habitat ####


DIVINE INTERVENTION Ni: Christian Jay Ramos

Na-divine intervention ka na ba? 'Yung tipong si Inay na lang ang laging kontra, Bantay sarado ang 'yong bawat aksyon, At ang desisyon niya'y iyo ring desisyon.

Oh, na-Divine Intervention ka na ba? 'Yong tipong desisyon ni Inay lagi ang panira, Sa bawat paalam mo'y siya'y laging may birada, Mapapasimangot ka na lang sa mga Ngayon ay ibahin natin ang konteksto, salita niyang nakakasakal--Gawin nating mas malalim ang At napaisip bigla, baka makialam pa si kuwento, Inay, Sa desposisyon, Sa iyong magiging kasal. Ng isang Inang istrikto. Gayundin sa galaan ng barkada, Mula nang tayo'y paslit, Siya na lang lagi ang kontra-bida, Kamay na ni Inay ang madalas nating Sa pagkuha ng kurso, tangan, Payo nila'y laging nagwawagi, Utos niya ang ating sinusundan, Bawal munang magkaroon ng kasintaPangaral niya ang nagsilbi nating tan- han, glaw. Bawal magsuot ng salawal na maiikli, Bawal ang mga bisyo, Sa pagdaan ng panahon, Umuwi sa tamang oras, payo niyang Nagkaroon na tayo ng sarili nating paulit-ulit, mosyon, Kun'di sermon niya ang mamumutawi. At tila ang suhestiyon nila'y isa na lang gabay, Sa huli'y hindi rin pala masama, Sa araw-araw nating tahakin sa buhay. Ang kaniyang pakikialam, Dahil sa oras ng kaniyang paglisan, Mauunawain natin ang lahat ng kaniyang nagawa'y Para sa ating kapakanan.


Gusto ko ng tahimik na buhay Gusto ko may bukirin, maraming halaman saka puno Tapos gusto ko rin yung walang mga buildings, walang internet, walang restaurants Kaso naisip ko, Mahirap pala ang maging simple ngayon

####

Gen. Z Ni: John Henry Pangilinan


Dead['s] Ocean By: Bhea Abat

As I swum down the abyss, I saw plenty of corpses homing at the depth of the ocean where monsters either befriend them or prepare them for an under-the-sea feast— that, I do not want to attest. There, I saw the tranquil vibe within the dead people that only water could pull off. It quenches their thirst for eternal bliss and embraces their flaws. At least that was what they believe. The crawling time— being whipped by gods—will soon unravel the cold hands of this water that would hold these gullible humans' throats and would turn them into more obedient fish. I asked them, "Why did you swim this deep, and pretend you had sank?" The dead gasped, as if they have just finally caught their breath—as if they have only realized that they were underwater. They all stared at me with their shallow eyes opposing the deep currents that have once waivered their mind. The mermaids and mermen then gripped their spears in anger and shot me furious glances, ready to strike me with their weapons and feed me to their pets hidden in their pockets. As I tried to swim back to the shore, I heard the dead people’s final lament. "The ocean was infested. It just happened that we were anchored by the King's soft tentacles." 2nd Place, Flash Fiction TSU – The Work Lathala


Pangarap mong pulis Written by : Allen Nesty Nicdao

"ipinatawag ko kayo kasi may napansin kaming kakaiba kay junjun" sabi ni teacher Marites. " ano po bang problema ma'am, may ginawa po bang mali ang anak ko?" nag aalala kong tanong sa kanya. "Wala naman ho, napaka tahimik at mabait na bata naman ni junjun, nagtaka lang ako misis sa pangarap ng anak niyo" sabay abot ng papel na may drawing ng pangarap nya."okay lang ho ba kayo?"

Lumabas na ako ng room at nakita ko ang anak ko na matyagang naghihintay "sorry mama" hinalikan ko sya sa noo at umuwi na kami ng bahay kung saan balik nanaman ako sa pagiging ina. Maglilinis ng bahay, magpapaligo kay junjun, magluluto ng hapunan, sasalubungin ang asawa, masisigawan, madidiktahan ng "ang tangatanga mo naman wala ka ng giwang tama, puro ka kalandian!", magtatadyakan na parang hindi ko asawa ang nasa aking harapan. Kukunin ang uniporme na kanyang pinagbalatan, na may pulang mantya na alam ko ang pinag mulan. Iiyak lang sa isang sulok, yayakapin ang mga binti maawa nalang sa sarili. "mama hindi ako magiging katulad ni papa. kung ganyan ang pu-

lis pangarap ko nalang maging kriminal" hikbing sabi ni junjun habang naka yakap sya sa akin. O Diyos ko! Salamat at hindi lalaking demonyo ang anak ko!


Ang sarap bumalik sa pagkabata. Tanda ko pa yung pakiramdam na lahat ng bagay ay perpekto, walang hirap, walang sakit at lalonglalo na walang matinding kalungkutan. Yung mga panahon na lahat ng bagay ay binibigyan mo lang ng maganda at masayang kahulugan.

“Ayos lang yan, anak. Tumayo ka na diyan at maghihilom din yan.” Naalala ko pa ang paulit-ulit na binibigkas ng aking Ina sa tuwing ako'y hirap makatayo dahil sa mga natamong sugat sa pagkakadapa. Tumatak sa aking isipan ang pangaral niya na ang mga sugat na ito ang magiging daan upang mas lalo akong maging malakas at matapang sa buhay.


EDITOR’S NOTE

Tama nga siya, ngayon naiintindihan ko na ang gusto niyang iparating ng mga oras na yun, na hindi pala matatapos ang buhay dahil lang sa isang pagsubok tulad ng pandemya, kalamidad, karahasan at kalungkutan. Dahil sa paglipas pa ng maraming taon, marami pang problema ang dadaan at ating mararanasan na siyang susubok kung paano tayo muling babangon at magpapatuloy sa buhay. Sa pamamagitang ng ALPAS: Pan De Mia, ating talakayin at ipaalala ang mga suliranin sa nakalipas na taon, na siyang sumubok sa pagkakaisa, pagmamahalan at pagbangon ng bawat isa. Hindi lang sana mauwi sa limot ang lahat. Nawa’y baunin sana natin ang aral na nais ipabatid ng ALPAS; na may liwanag pagkatapos ng kadiliman at sa likod ng kalamidad ay may lilitaw na panibagong bahaghari na magbibigay pag-asa sa lahat.

-----------DUCHESS ELLAINE A. FAUSTINO EDITOR IN CHIEF


Ang pag tula ay isang masining na porma ng pagkukwento. Nasa manunulat kung anong klaseng hubog ang likhang susundan nito, dahil ang pagtula ay isang parte ng bawat pagkatao. Na inihahain sa bawat madla nq makakabasa neto. Bawat salita ay lasang hindi mo makakalimutan, bawat talata ay aromang hindi makakaligtaan, at bawat damdamin ay habang buhay mo ng mararamdaman. Kaya tumikim sa sarili mong paubaya. Malason sa inihaing mga tugma. Mabuhay sa panandaliang katha. Mabulag sa mga inihandang salita. Tinapay? Tara kumain sa panaderya ni Mia. Allen Nesty B. Nicdao Literary editor

EDITOR’S NOTE


ne’er-do-well’s Forgive me for I have sinned, I have trespassed your gentle lips In that night, I was a terrorist Of innocence and guiltlessness As though my actions were holy, Conceived by your body ever green Crucify me in the cross that is you Let me ascend to the almighty realms Of different bodies Latched into oneness As to what perfection may

look like I choose to see what’s in

your eyes: magnificat Give me my sin again

by Aloysius Castil Arcilla


Adieu by Aloysius C. Arcilla

: I was never his : he was no one’s : you knew it was possible : to fall for one anew? : for the soul to wander and to dwell where rest is : he whined ever not. Bliss is the home we share : and he was a traveller : you shattered our plans! : I, too, was shattered : empty am I, as I poured my last bit to salvage what’s left : it’s not your fault his feet couldn’t stop : are you his home? : I never were : I was a stop : maybe if I follow his prints, I could lead him back to where we were : you, too, should stop : I can’t : the only victim here is him, for we failed to fulfil our promise to make him stay forever long : and if you had the chance to fulfil that again? : I can’t Type your message here……..


GUNAMGUNAM ni Aloysius Arcilla Ang samyo ng dilag na bulaklak na sa hardin ay piniling pitasin Nang ang kaniyang dusa’t kasakitan ay pahingahin sa piling ng sa Kanya’y nagtanim. Uuwi na siya. Sa kaniyang paglisan ay ang muling pagbalik, sa tahanang kaniyang tangi Patuloy na mabubuhay sa isipa’t kwento ng mga taong saksi sa kaniyang pagbukadkad. Ang iyong tapang at dedikasyon ay inspirasyon, na aming baon sa susunod na paglingon Ang pinitas na bulaklak, ay nag-iwan ng tinik sa puso nating may bagong hulma Ngayon, pintado sa ating mata ang sariwang tangis; patak ng pasasalamat at pamamaalam Panatag na minsan tayo’;y nagkasama at ika’y masaya Maligayang paglalakbay sa hardin ng May Lalang. Hanggang sa muli, Railen.

Guhit ni Carise Joy Dacayo


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Pan De Mia by The Oracle - Issuu