Palabra: BARI-BARI APU
Nakakapaso ang ihip ng hangin na dumadampi sa taong ito. Ang dating lamyos ng mga ulap ay nililiman ng matinding karimlan. Sadyang pinatahimik ang paligid ngunit sa kabila nito'y may mga magkakasamang bulong na kumakawala pa rin sa gitna ng nakakapanghilakbot na bagong lipunan.
Sa panibagong taon ng PALABRA — ang opisyal na Magasin ng The Oracle. Buong pwersa naming inihahandog ang mas masidhing mga kuwento at mas malalim na mga talakayang marapat na ibahagi sa bayan. Sapagkat sa patuloy na paglaganap ng Misimpormasyon at Disimpormasyon sa kasalukuyan, nasa atin pa rin ang kapangyarihan. Mas makapangyarihan pa rin ang mga tinta at boses na may pakialam.
Wala nang bibitaw pa, hawakan ang panindi dahil ang madaanan ng katotohanan — #BariBariApu.