
1 minute read
TALAAN NG NILALAMAN
from SINAG 2023
Modelong Paulipino
Tampok
Advertisement
Kasaysayan V.2.0: Malikhaing Pagsalaysay ni Aling Marites ni Hannah Guerrero
Kakulangan sa asukal: Sino ang may sala? ni Jolie Lim
Baluktot na Katotohanan: Mulat ka na ba? ni Zyna Isla
Hindi Pa Tapos Ang Laban ni Liah Abad
Maiba… taya! Ang Kasaysayan at Kasalukuyan ng Larong Pinoy ni Anne Keir Liwanag
Isang Hakbang sa Nagbabagong Paradigma ni Ghia Espino at likha ni Gaby Sunga



Naniniwala akong pag-ibig ang puno’t dulo at dahilan ng lahat. Wala namang sigurado sa ating buhay. Walang perpekto at tiyak, wala ring nakaaalam kung saan magtatapos ang lahat. Marami sa atin ang sumusunod sa tibok ng ating puso. Patuloy nating hinahayaan na gumawa ito ng mga desisyon para sa atin; ika nga, minsan ka lang naman mabuhay.
May kasabihan tayo na ang buhay raw ay parang sugal. Walang nakaaalam ng iyong kapalaran. Oo, ika’y nagmahal pero ito ba ay magtatapos nang maganda katulad sa mga nasa pelikula, o bigla ka lang magigising at naglaho na pala ang lahat? Tanging mga siguro na nga lang ba talaga ang mananatili? Maaaring mapuno na lamang ng puro panandang pananong ang ating isipan; qinequestion ang mga pangyayaring nakaapekto sa’yo sa negatibong paraan.
Sa mundo kung saan tayo ay patuloy na nabubuhay, tayo’y nabibigo, nasusugatan, ngunit patuloy na bumabangon, at hinihilom ang mga sugat na minsa’y nahiwa ng mundong malupit. Wala namang mali sa pagsunod sa iyong puso, pero magtira ka rin para sa iyong sarili: huwag buhos nang buhos, bigay nang bigay. Ikaw mismo ang nauubos. Baka ika’y magising na lang bigla sa isang realidad na wala nang natira para sa iyong sarili.

Sa kabila ng mga kabiguan, sana’y patuloy na subukan maging mas matatag para sa mundong walang binibigay sa garantiya. Kung iisipin, baka nga hindi lang talaga tayo isinilang sa patas na lipunan. Tayo ay paulit-ulit na nasusugatan, ngunit ang iba ay patuloy na nagtatagumpay, habang ang sugatang puso ay nakabalot pa din sa nalantang dahon ng bayabas. Baka nga tama si lola; laro ng swerte ang ating nilalaro.
Kisame na siguradong masisilungan sa gabing kay lakas ng pag-ulan, ang punong matayog na tiyak na ika’y palalamigin sa tag-araw. Isang mundo sana kung saan may garantiya ang lahat. Sana’y makahanap ng tunay at mapagmahal na tahanan sa isang mundong walang katiyakan.