2 minute read

Paskong Pinoy: Reliving the Traditions in a Flash

Next Article
CLEAVING CAGES

CLEAVING CAGES

“Maligayang Pasko!”

Napangiti ako sa bati ng tindera.

Advertisement

“Maligayang pasko rin po,” bati ko rito.

Kinuha ko na sa kanya ang binili kong mga prutas at umalis. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid habang ako ay naglalakad pauwi.

Maraming tao ngunit mga naka-facemask.

Pinalibot ko naman ang tingin sa mga establisyemento at mga bahay. Bumalik sa akin ang mga nakikita kong mga magagarbong dekorasyon at ilaw na nakasabit sa mga bahay noon pero ngayon, kakaunti na lang ang mga kumukuti-kutitap na parol. Kung minsan, maliwanag nga ang bahay ngunit parang ang lungkot pa rin ng atmospera.

Buwan na ng Disyembre ngunit mayroon pa ring mga bahay na walang dekorasyon. Dati, Septembre pa lang ay kumpleto na ang mga ornamentong nakasabit sa bawat sulok ng munting tahanan.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang tignan ang mga reaksyon ng mga mamimili. Hangad nila’y sumaya sa kanilang mga ginagawa, ngunit ang pagod at problema ay hindi naikukubli ng kanilang mga mata habang sila ay namimili ng kanilang panghanda at pangregalo.

Bakit kaya?

Tingin ko, ito’y may kinalaman sa pagmahal ng mga bilihin.

Tayo lang ang may karapatang magmahal, ‘di ba?

Bumuntong-hininga na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa harap ng bahay namin.

Sa hindi kalayuan, may naririnig akong mga bata. Aba, sa wakas! Nakarinig muli ng mga nangangaroling!

“Patawad!” rinig kong sigaw ng may-ari ng bahay.

Agad nang bumusangot ang mga bata habang paalis sa tapat ng bahay na iyon. Matumal siguro ang bigayan ng pamasko ngayon. Nang makita naman nila ako ay agad namang lumiwanag muli ang kanilang mga mukha.

Napangiti ako.

Tumakbo sila papunta sa akin at nagsimulang kumanta. Hinintay ko munang matapos nila ang isang kanta at binigyan sila ng pamasko.

“Maraming salamat po, ate!

Merry Christmas po!” Sabi ng isa.

Kumanta sila muli bilang pasasalamat at tu makbo na paalis papunta sa kasunod na ba hay. Nakita ko rin na mayroon silang nakasa lubong na nangangaroling din na mga bata at mukhang nagyayabangan sila sa kung magkano na ang nakuha nila.

Napahagikhik na lamang ako sa kapilyu han nila at pumasok na sa loob ng bahay.

Bumungad sa’kin ang nakababata kong kapatid na naglalaro sa cellphone habang nanonood ng telebisyon.

“Merry Christmas, ate,” bati niya sa’kin nang hindi inaangat ang tingin sa cellphone.

Malungkot akong ngumiti at binati siya pabalik. Pagtapos, narinig ko naman ang bati ni inay galing sa kusina.

“Maligayang pasko, anak! Pasok ka na at maghahain na ako ng handa natin,” sabi ni inay.

Tinanggal ko ang aking mask at nginitian sila, sabay bati pabalik. Pumasok na ako sa kusina kasama ang kapatid ko at nakita ang nakahanda sa lapag. Hindi ito kasing-rami katulad ng dati, ngunit sapat na para sa amin.

Nagdasal na kami at nagpasalamat sa biyaya na natanggap namin.

“Kumain na kayo! At pagkatapos nito ay maglalaro na tayo,” sabi naman ni itay.

“Anong laro, itay? Marunong na ho kayo mag-Mobile Legends?” Tanong ng kapatid ko.

Nagtatakang tumingin naman sa kanya sila itay.

“Mobile Legends? Ano iyon? Magbo-board games tayo, anak. Masaya ito!” Sagot naman ni inay.

“Online board games po?”

Tanong muli ng kapatid ko.

Sasagot na sana ang kapatid ko nang sumabat ako.

“Tradisyonal na board games ang lalaruin natin katulad ng Scrabble. Ay naku, huwag kang mag-alala. Tuturuan ka namin kung paano.” finding your luck in the unknown bearable for it was you who tagged along and in the tip, if i have so far flown ‘twas you who painted me strong was meeting you a planned instance? maybe a glanced happy chance would’ve not traded you for dust for our echoes are stars; shining through my dusk

Tinitigan ako sandali ng kapatid ko at tumango na lang. Nakita kong umiling sila itay kaya naman binigyan ko sila ng isang alanganing ngiti.

Kasabay ng pag-agos ng oras, mayroon palang mga bagay ang napagkalakhan ng panahon. Ang mga uso ng nakaraan ay tila’y hindi na para sa ngayon.

This article is from: