Page 1


CTRL ALT SH T CTRL C-

*

Emmanuel T. Barrameda

Dahil mainit ang usapin ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Dito na muna natin ibuhos ang ating ngit-ngit sa panibagong batas na ipinasa ng mga mahuhusay nating mga senador...

Hoy Tito! Alin pa ba sa mga sinasabi mo ang tunay na iyo? Nakalilito pati ang mga probisyong ipinasok mo sa Cyber Crime Law o baka hiniram mo na naman sa alter-ego mo? Pwede mo naman siguro siya i-quote kahit paano.

CTRL Z-

Angara lang ng batas ni Ginoong Angara. Sa susunod na eleksyon baka madalawa na ang Angara sa senado. Kaya hangga’t maaari paki-undo na lang -- ang GARA kasi talaga e.

CTRL-

Eto naman si PNoy. Gustong kinokontrol ang lahat. Kanya na nga ang ehekutibo, lehislatura at hudikatura pati ba naman ang mga nilalaman ng social media. Ano to online marshall law?

CTRL J-

Asan ang hustisya? Kung makukulong ka sa paga-unlike ng mga post ng mga senador makukulong ka ng labindalawang taon. Mauunahan ka pa ng mga anak nilang nanggahasa.

SH*T-

SH*T talaga. Repression! It’s More Fun in The Philippines. SH*T. Ang sarap magSH*T sa ibang bansa.

Ayan. Baka bukas may batas na namang magbabawal sa pagpapahayag ng damdamin sa likod ng cover page ng mga pahayagang pangkampus ng mga estudyante.


The Torch Publications Tomo 65 Blg. 3  

Cover Design

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you