thetorch mga nilalaman
balita
CNHS, Nagkaisa sa Paggunita ng Buwan ng Wika ’24
opinyon
Modernong periyodismo tungo sa mabuting pamamahayag
lathalain Yapak ng Pag-usad
Ang Opisyal na Pahayagan ng Catarman National High School Tomo 25 | Isyu 3 | April 2024 - January 2025 Convergence in Truth, Service and Integrity Division of Northern Samar | Region 8
ag-tek
isports
PEPITOng Hagupit, Kapit-Mahigpit
Earth Kingdom Umarangkada sa Pangkalahatang Tally sa CNHSAA Season 41 Games
MATATAG NA HAMON kartun ni Alessandra Ortego
MATATAG Curriculum, ipinababasura ng iilang manggagawa sa Sektor ng Edukasyon ni Katrina Tabia
Dumadaing na ang ilang guro na kasali sa pilot implementation ng bagong MATATAG curriculum ng DEPARTMENT OF EDUCATION (DepEd), bukod kase sa mas mahabang oras ng klase, napipilitan din silang magturo sa mga asignaturang hindi nila kayang hawakan dahil sa kakulangan ng mga guro. Dumulog ang mga guro sa Kagawaran ng Edukasyon upang humingi ng dayalogo sa bagong DepEd Secretary dahil kakasimula pa lamang ng klase ay ramdam na ng mga guro ang bigat ng trabaho at kalagayan sa ilalim ng MATATAG curriculum dahil ang dating tatlo hanggang apat na klaseng hinahawakan ng mga guro sa isang araw, ngayon ay naging anim hanggang walong klase. At ang dating isang oras na pagtuturo
ng mga guro sa asignaturang kanilang hinahawakan mula grade 1 hanggang senior high school, ngayon ay naging apatnaput limang minuto na lamang, ngunit hindi ibig-sabihin na kaunti na lamang ang oras ng kanilang pagtuturo ay kaunti na lang din ang kanilang trabaho, subalit dahil sa bagong itinatag ng MATATAG Curriculum ay dumoble pa ang kanilang trabaho at mas lalo itong bumigat.
Ayon sa mga guro ay mas lumala ang kanilang trabaho at mas lalong dumagdag ang problema, dahil bago pa man ang MATATAG curriculum ay kulang na raw ang mga guro at kulang na ang mga non-teaching personnel, maging ang mga classrooms ay kulang din, at ang ibang mababa at mataas na paaralan ay hindi pa nagkakaroon ng full face-to-face classes. Dahil sa pagbabago ng sistema ay mas dumagdag pa ang proble-
mang kinakaharap ng mga guro. Ang tanging solusyon na gusto ng ating mga guro ay taasan ang kanilang sahod sapagkat isa sa mga rason kung bakit mas pinipili ng mga guro na magtrabaho sa ibang bansa ay dahil sa mas mataas na sweldo na naibibigay ng ibang karatig na bansa. Ngunit gayunpaman, ayon sa DepEd ay unti unti naman daw itong itataas kada taon.