
2 minute read
BABAE, ANG LUGAR MO AY SA REBOLUSYON
BY PAUL ANGELO FABIA
Kababaihan sa kasalukuyan, sa makismo’y hindi padadala; Hindi lamang sa kusina, ngunit sa kalsadang mainam, Lugar ng babae: sa kasaysayan, sining, at agham
Advertisement
Rebolusyong naisilang kabalikat si Gabriela, Silangang naghahayag ng matingkad na bukang liwayway;
Pagdating ng karimlan ang tanglaw na sinindihan, hindi magagapi ng sino mang kaaway.
Takluban man ng pangamba ng huwara't gahaman,
Makatatayo pa rin sa bantayog ng lipunan;
"Tanggalan ng boses, alisan ng karapatan!"
Iyan ang sigaw ng iilang makapangyarihan.
Gayunpaman ang modernong kababaihan, na umaatikabo ang pagmamahal sa bayan; kahit pa tahasang ikinukubli ang hinaing, sa huli't huli, pagiging makabayan pa rin sa kanilang damdami'y mananaig
Handog aming palad at isang nakataas na kamao, umaapaw na lila at sigaw ng mamamayan; Sa maliwanag na himpapawid habang nakatingin ang nagdaan umiigting na inklusibong kabihasnan
Poot Ng Isang Bayani
Kung sikat ng araw ang bubuhay sa labi kong bayani, at walang-bahala lang ang dadapuan ng mga mata, nawa'y habang-yao na ang takip-silim Maubos man ang lago ng mga pananim.
Lilim man ang kalakhan ng bagong-silang Kung hindi rin lang tanaw ng mga nauna ang nakaraan, mabuti pang dilim ang sumakop sa bukas
At hindi dalangin ko ang magpapatotoo rito, kundi ang pagpili ninyong mga sumunod Pagpili sa landas ng lupang tinubuan
Pagpili sa sagot ng tanggol sa karapatan
At di ko nais makitang danasin niyo ang unos Pagkat saksi ako sa kabayarang tinubos
Tila kulang sa demonyo ang labing-isang libo. Di piso kundi buhay, baryang bibilangin mo Ngayo'y anong dugo mula sa aming giting, hulma sa pagpinta ng tawag nila'y sining
Obra ang gamit panakip sa layuning sumulyap ang totoo, mga sinungaling!
Kung 'di lamang nangyari ang aking libing, Kabaka ako sa lansangang turing, at sana roo'y, mamasdan kita laban ma'y kumitil, aking huling hininga
Gunitaan
BY DANICA JANE GUIEB
Ang pasanin ko’y mabigat Isang kilo, bente pesos?
Hindi
Isang buhay?
Dalawa?
Tatlo?
Hindi Libo
Ang bawat dagitab kapag mamanlaw at maipipinta sa kawalan ang noo ’ y isang malabong reyalidad lamang
Ngayon naglapat na ang kasaysayan nito’t kung sa ngayon ay ano siya
Nasa harap ko na
Sabi nila, tayo ang bayani ng liwayway
Ang ating karunungan ay katipan ng pagkatao,
Mula sa kasaysayan
Aabot pa ba ang laban sa dapit-hapon?
Masisilayan pa ba ang matahom na pagsilip muli ng araw?
Ang pasanin ay mabigat pa rin
Marahil nandito na nga siya,
Nandito na rin tayo
Mabigat pa ba?
A Harvest Of Greed
BY MISHAL AKHAND
Come, look at this fertile soil, Vast fields of wheat and green, Surely, hungry stomachs are to be fed, After these long hours of toil, This land I call mine, As if nestled like a baby, Cared for and loved, This terrain to be ours for time, But from uncut grass is where serpents hang, Seizing what belongs to us, The earth that I once owned, Now go to the fangs of greed Give, give back what I own, Mountains and mountains stretch, Patches of land where the sun sets, This soil is all unsown, No longer mine to call home.