Para sa paulit-ulit na pagkabigo at pasakit buhat ng mga nabasurang pangako.
Ang pagsasaisang tabi ng tagapagpatupad ng batas sa karapatang pantao at kalayaan ng paghahayag ay hindi maikakaila sa panahong ang paglaban para sa karapatan ay hinusgahang paninira sa pamahalaan.
Sa kabila ng dalang pangamba, patuloy umiilanlang ang mga tinig na nagnanais ng patas na laban. Hindi magagawang lupigin ng takot ang mga naniniwala na mas malakas ang sama-samang sigaw ng taumbayan.
Ang mga mamamahayag ng The Soil Tiller, opisyal na pahayagang pang mag-aaral ng Bulacan Agricultural State College, ay patuloy na susulat upang maihatid ang kalagayan ng lipunan. Sa nakalipas na mga buwan kami'y nangalap ng mga opinyon, datos, at impormasyon para sa inyo.