
1 minute read
buwan ng Wika, idinaos
Ni Queenie Rose Saludares
SA KAGUSTUHANG mapatibay ang pundasyon ng wika sa lipunan at mapahalagahan ang wika ng karunungan, ipinagdiwang ng Mataas na Paaralan ng Jelicuon-Cabugao ang Buwan ng wika noong Agosto 31, 2016.
Advertisement
Sa pangunguna ng Samahan ng mga Magaaral sa Filipino (SAMAGFIL), nagsimula ang selebrasyon sa isang parada sa paaralan na nilahokan ng mga mag aaral at mga guro at siundan nga iba’t ibang patimpalak na hangaring masukat ang pagka Pilipino ng mga mag-aaral.
“Ang pagdiriwang ng Buwan ng wika ay nagpapatunay na ang mga Pilipino ay nananatiling tumatangkilik sa simbolo n gating pagka Pilipino,” sabi ni Gng. Ma. Mira Saludares, guro sa Filipino
Alinsunod sa tema ngayon taon na,
“Filipino: wika ng Karunungan”, ang mga patimpalak kagaya ng laro ng lahi, postermaking, slogan-making, pagsulat ng sanaysay at tula ay naglalayong naipapakita at maipahayag sa mga kalahok ang kahalagahan ng wikang Filipino.
“Kahit mainit masaya parin kami dahil alam naming na isang paraan ito para naman ipagdiwang natin an g atin wikang pambansa at karunungan,” pahayag ni Khristylle Pet, kalahok sa poster making contest. Hindi inalintana ng mga mag aaral ang init ng panahon mairaos lamang ang iba’t ibang laro ng lahi kagaya ng palosebo, kadang, patintero at iba pa na nagbigay naman ng nag uumaapaw na kasiyahan sa mga ito at itinanghal na panalo ang mga kalahok mula sa Baitang 9.
Sa pagdiriwang ng nasabing selebrasyon, hindi mawawala sa mga Pilipino ang pagtangkilik wika na nagpapatunay pa rin pagiging Pilipino sa kabila ng dakilang lahi.