VERTEBRATA ... iisang bayan, sa iisanggulugod
VERTEBRATA
THE GUILDS LITERARY FOLIO 2019-20 20
Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng akdang-pampanitikang ito ang maaaring ilathala sa alinmang anyo o pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa The Guilds at may akda.
AMPHIBIA May dalawang mukha ang buhay ng lipi ng Amphibia—sa lupa at sa tubig. Tulad nito, katuwang ng sektor ng agrikultura ang mga yamang inaangkat nila mula sa kalupaan at sa karagatan. Sila ay isang pangunahing kabahagi ng lipunan na siyang pumupuno sa hapag ng bawat mamamayang PIlipino.
PROLOGO Isa itong paglilingkod sa lingkod, sa kalyong kinakalyo. Isa itong pagkilalang nagpapakilala, sa yamang pinagyayaman. Isa itong malayang pagpapalaya, sa pag-ibig na umiibig. Isa itong pag-aalab ng alab, sa labang inilalaban. Isa itong pag-aalay ng alay, sa buhay na bumubuhay. Isa itong buklod na pagbubuklod, ng iisang bayan, sa iisang gulugod.
AVES Gaya ng pamilya ng Aves na pinagyayaman ang kanilang lipi sa matataas na bahagi ng mga kabundukan, ang mga katutubong Pilipino ay parte ng paglinang sa pambansang kasarinlan at pagkakakilanlan. Kalimitan, sila ang siyang humuhubog sa kultura at tradisyong na siyang sumasalamin sa makulay at mayaman nating bansa.
OSTEICHTHYES Malayo pa tayo sa tuluyang pagtuklas sa kaibuturan ng karagatan gayundin ang pagbubuo ng tiyak na kamalayan sa mga Osteicthyes na pangunahing liping naninirahan dito. Kasabay nito, ang ideya ng tuluyang pagpapalaya at pagtanggap sa espektro ng sekwalidad at kasarian ay hindi matatapos sa pamantayang kumukulong dito.
REPTILIA Makamandag. Kinatatakutan. Ilan lang ito sa mga salitang maaaring iangkla sa lipi ng Reptilia na siyang maihahalintulad sa tapang na ipinamamalas ng sektor ng Kabataan. Bagaman may maling ideya sa kung paano sinusuri ang kanilang pakikibaka, hindi maitatangi na ang ganitong gawa ay progresibo at mapagpalaya.
MAMMALIA Hindi maitatanggi na kaakibat ng ating prinsipyo bilang Pilipino ang mataas na pagpapahalaga sa konsepto ng pamilya. Bilang pagtutulad, ang lipi ng Mammalia ay may malapit na ugaling pinagtitibay ng kanilang relasyon sa kanilang mga anak na kalimitang dahilan ng sakripisyo at pag-aalay ng buhay.
Ukol sa Pabalat
TALAAN NG MGA NILALAMAN OSTHEICTHYES
AMPHIBIA Kailan Uulan? (Sanaysay)
Gapas (Tula)
Wretch of the Sea (Poem)
Panunuluyan (Maikling Kwento)
Aning Panalangin (Awit)
Sa aking Katotot (Tula)
5
8
10
Banta sa Buhay sa Bukid (Larawan)
12
Ang Alamat ng Sinosentrisimo (Alamat)
13
15
Mga bagay na Walang Imik at Inuming 'Di Nakakalasing sa Capitol Drive (Maikling Kwento)
Babaeng Marangal (Tula)
63
21
Sa Panahon ng Taglamig (Tula)
Macrocosm (Haiku)
67
AVES
25
28
Si Bebot at ang Kanyang Makulay na palikpik (Pabula)
60
19
Victor's Grip (Poem)
Pag-ahon sa Tabang na Lipunan (Sanaysay)
Pamamayagpag ng Lumang Pilipino (Sanaysay)
33
Silang Walang Tirahan (Tula)
43
Chronicles of Adaptations Kontekstong Pag-unlad sa Lumang (Poem) Pamayanan at Pamahalaan 35 (Balagtasan) Autochthonus Hominid (Tanaga)
38
Silent Flight (Poem)
40
Ang aki'y akin (Larawan)
42
45
Mayna (Tula)
50
Baldado (Tangka)
52
Naiwang Kulay (Tula)
53
Project: Human (Haiku)
70
Hubad na Pag-aari (Tula))
73
75
79
Welcome back to my Channel (Haiku)
80
Hell Alzheimers (Poem)
82
Paradox (Haiku)
83
REPTILIA Nang Dumupikal ang Huni ng mga Hunyango (Sanaysay)
90
Huling Henerasyon (Sanaysay)
93
Memento Mori (Short Story)
95
Hiyaw at Katarungan (Tula)
98
Nang Minsang Nanghamak ang Anak ko (Tula)
Ang Napili (Tanka)
104
Basilisk (Poem)
105
I Dare You (Poem)
109
Breaking through the Scale (Poem)
112
Voiceless (Sonnet)
115
MAMMALIA
102
Suso ng Buhay (Sanaysay)
Kiddie Meal (Dula)
Dance of Deceptions (Poem)
Sepulturero (Tula)
Kung Bakit Malungkot ang Huni ng Sirena (Dagli)
White Gown (Tanaga)
Elehiya Para kay Papa (Elehiya)
Magdalena: Ang Huling Hapunan (Haiku)
121
123
125
127
For the King of Mammals (Poem)
131
134
140 142
146
May Hikbi sa Oyayi (Tula)
149
Paunang Salita
A
ng anatomiya ng lipunan ay representasyon ng mga pangunahing sektor na bumubuo sa gulugod nito. Ito ang siyang nagpapatatag sa mekanismo ng haligi ng isang pundasyon. Babaybayin ng kurbada ang bawat rehiyong sumsimbolo sa konsepto ng limang sektor. Nilalayon nitong hindi lamang bigyan ng kahulugan, bagkus ipakita ang kahalagahan ng panlipunang kaganapan. Para sa mga butil ng pawis na dinidilig kapalit ay bawat butil ng buhay. Para sa likas-yamang dinapuan ng kahirapan ngunit nananatiling sumasahimpapawid. Para sa repleksyong makikita sa tubigan ng mga bagong pagtuklas na marapat lang sisirin. Para sa mga inalipin ng pagkakataon ngunit nananatiling malaya sa ginagampanang tungkulin. Para sa henerasyong nagpapatuloy sa kabila ng pagkaparil asado. Kahimanawari, ang mga butong ito ay bumuo muli ng mga lamang kikilos hindi lamang para sa pagbabago, kundi para na rin
sa pag-unlad. Lumingon sa pinanggalingan ng pag-usbong at tanawin ang itinalagang hinaharap na hindi idinikta ng guhit ng palad. Sa piping kalawakan ay may mga hindi narinig na bulong na kung pagsasamasamahin ay mas malakas pa sa sigaw na may kasamang alingawngaw. Hindi nakapagiisa ang isip at ang utak. Kagaya nito, patunay na kailangan natin ang isa’t-isa. ‘Pagkat nagsisimula ang malawakang bagay sa koneksyon at komunikasyon. Hindi lamang tayo nabuhay para sa kamatayan at hindi sa kamatayan matatapos ang buhay. Maglalaho ang pisikal na katawan ngunit ang ibinahagi sa mundo, ay mananatili. Limang sektor, iisang sambayanan. Sa sining at panitikang nagkaisa, ay may silakbo ng samu’t-saring emosyon. Madalas nasa harap ang istorya. Ngunit sa pagkakataong ito, sinadya itong ukitin sa gulugod. Sapagkat lahat ng nilalang, ay simbolo ng katatagan.
CORRINNE S. MANDILAG Patnugot Pampanitikan
Mula sa Patnugot
T
ayo ang gulugod ng bayang ito. Tayo ang nagsisilbing tikas ng ating bayan. Bagama’t sa iba’t ibang pagkakataong lumisan ay pilit na kinikitil ang katayugan nito, wari’y pilit na binabali ang tikas nitong taglay, ay manatili nawang matuwid ang paninindigang ang bayang ito ay atin. Sa mga magsasakang Pilipino, sampu ng mga mangingisda na wari’y mga palakang tubig at lupa ang sandalan ng pagkabuhay, pilit mang inaagawan ng pinagkukunan, sama-sama tayong lalaban sa pagpapanatili ng dangal ng maralitang Pilipino; ikikintal sa bawat putik, sa bawat isla na handa ang ating paninindigang, ang atin ay atin, ang lupa ay atin, ang tubig ay atin. Sa mga pangkating Pilipino na mistulang mga ibon na ninanakawan ng natural na tirahan dahil sa industriyalisasyon, babangon tayong sabay-sabay upang ipabatid sa mga manunupil at mga ganid ang ating karapatang dinadahas ng mga makapangyarihan. Sa mga kabataang pilit na iniimpit ang mga tinig, pakatatagan ang marahas na pakikipagtalastasan sa mga tuso’t manloloko. Panatilihin nating matatag ang ating mga sarili sa walang-hanggang katusuhan ng mga nasa itaas. Tayo ang tinig, tayo ang pag-asa ng bayan.
Iba-iba man ng oryentasyon, o ekspresyon, iisa tayo sa layuning pagkakapantay-pantay – na walang kinalaman anuman ang iyong kasarian sa mga nais mong ibahagi, itampok, o ipaabot sa mga kababayan, at sa ating bansa mismo. Anuman ang kulay ng iyong palikpik, maala-ala mo ang iyong kahalagahan sa pagpapanatili ng balanse sa lupang ating kinaririktan at sa pagiging simbolismo ng malayang pamayanan. At sa huli, sa mga manggagawang Pilipino na gaya ng unggoy o maski anong mammal na labis na pagpapahalaga sa pamilya, na handang mag-alay ng dugo’t pawis alang-alang sa marangal na paggawa, manatili nawang matibay ang ating layuning maayos na pamumuhay sa kabila ng mga mapanamantalang mga industriya’t korporasyon. Lahat tayo, walang sukat ng liit o laki ng kung anuman ang ating layunin o handang ialay sa bayan. Tayong mga gulugod – pundasyon ng bayan sa matayog na pagharap sa sinuman, sa mga higante man mula sa ibayong dagat, ang magsisilbing sandigan ng isa’t isa. Sa huli ay titindig ang mahal nating Pilipinas sapagkat pinili nating lumaban, pinili nating makibaka para sa ating kani-kaniyang layon – para sa ating mahal na bayan.
JOSHUA M. ROMERO Punong Patnugot
VERTEBRATA
Nakayukos na ang mga buto sapagkat pagal na ang kaluluwa. Kung bakit ang pilapil ay manipis, ngunit ang kalyong humahakbang ay makapal. Salakot ang pananggalang sa dalawang mundong may magkaibang timpla ng araw. Nadarama ng puso ang sa mata’y nasasalamin.
AMPHIBIA Nangangayayat din pala ang pag-asa. Ngunit matatag pa ring panghahawakan ang luntiang bumubuhay sa madla.
AMPHIBIA
Kabanata 1
AMPHIBIA Balat na pinakapal ng maghapong paghihirap. Sa binukot na gulugod, pag-abot sa pangarap. S’yang sakripisyo ng laman- ginhawa ng inyong kalamnan. Buto’t balat, lingkod ng sambayanan. Oh! Dakilang lipi ng Amphibia; magigiting na lingkod ng madla. Sisirin pang yaring kalaliman ng lubhang tayog na karagatan. Bungkalin tigang na kalupaan bubunga’y masaganang luntian. Dadakilain. Titingalain. Magpasa walang hanggan.
Kailan Uulan?
K
Sanaysay ni Ronnie Lyn S. Dela Cruz Dibuho ni Joshua R. Escaño
apag nagsimula nang umugong ang mga palaka sa mga panahon na hirap nang dumampi ang liwanag sa kabayanan, nangangahulugan na magsisimula na ang tag-ulan. At ang tag-ulan marahil ang paboritong panahon ng mga mga palaka. Panahon ng muling pagbangon ng kanilang lipi. Kilala ang mga palaka na isang Ampibiyo o klase ng hayop na may kakayahang mabuhay sa parehong tubig at kalupaan. Sa kaso ng mga palaka, ang unang yugto ng kanilang buhay ay ginugugol
nila sa iba’t ibang bahagi ng mga tubig tabang gaya ng mga lawa, mga batis at iba pa. At sa pagtagal ng panahon, kakapal ang mga balat nito; mawawala ang mga bunto at tutubuan ng mga binti na siya namang gagamitin nila sa kalaunang bahagi ng kanilang buhay. Ang gantong natatanging katangian ay maihahalintulad sa isang primaryong sektor ng ating lipunan. Sila, ang gulugod na sumusuporta sa pangunahing pangangailangan ng sangkatauhan- ang pagkain. ‘Di alintana ang nakakapasong init ng araw
VERTEBRATA
na nanunuot sa kanilang maghapong pagsusumikap, mapakain lang ang naghihitay na lamesa sa kanilang sariling tahanan at maging ang pambansang hapag. Maikli ang umaga para sa kanila na malalim kung mangarap. Sila ang puso ng paggawa- ang sektor ng Agrikultura. Sumusuong at nakikipagsapalaran sa mga naglalakihang alon. Binubungkal at pinatataba ang kawalakan ng pitak-pitak na lupain. Magsusumikap na makamit at matustusan ang pangangailangan sa pagkain. Ganito kalalim ang ugnayan ng agrikultura sa puso ng pagkakawang-gawa. Subalit, tulad ng mga palaka tuwing tag-arawna nagtatago sa anino ng mga tahimik at mamasamasang lugar; nakakaranas din ng tagtuyot ang sektor ng agrikultura. Sa komunidad ng mga magsasaka; halimbawa, ang pagsasabatas ng Rice Tarrification Law o ang Batas Republika 11203 na nagsusulong ng liberalisasyon ng ating batas tungkol sa pag-aangkat natin ng bigas mula sa mga karatig bansa tulad ng Vietnam na siya namang tinatangkilik sa pambansang merkado dahil mas mura ito kumpara sa mga lokal na ani. Dahil dito, lalaki ang tsansa na bumababa ang benta ng mga Pilipinong magsasaka. Isa pa ay ang tahasang pagbabagong-bihis ng ektaektaryang lupang sakahan upang magbigay daan sa iba’t ibang proyektong pang-komersyal, industriyal, pabahay, turismo at iba pa. Pikit-matang tinatanggap ng mga magsasaka ang halagang magiging kabayaran sa binungkal nilang lupa na niluma na ng maraming henerasyong nagdaan. Dagdag pa rito, ang mapait na karanasan ng ating mga magtutubo. Nakakalungkot isipin na sila ang
pangunahing braso ng paggawa ng asukal subalit mapait ang kapeng iniinom nila sa araw-araw buhat ng ‘di makatao at ‘di nakabubuhay na pagpapasahod ng mga nagmamay-ari ng mga tubuhan. Kasama rin dito ang karanasan ng mga Pilipinong mangingisda. Ang walang habas na pangangamkam sa likas na yaman at tahasang pagtataboy sa mga Pilipinong mangingisda sa ating pambansang laot na dapat ay mga Pilipino ang pangunahing nakikinabang. Isa itong ‘di makataong pagtrato sa kapwa tao. Ninanakaw ang kanilang sariling karapatang pang-teritoryo. Wari mo’y mga buteteng nakikipag-agawan ng buhay sa mga nakalolokong mga bata na iniisip lamang ay ang pansariling kasiyahan. Sa kabila ng gantong karanasan, patuloy ang sektor ng agrikultura sa paghahain ng pagkain sa ating hapag. Kapalit ang maliit na halaga ay ang maghapon nilang pagbabanat ng buto. Ang kanilang nayuyukos na gulugod, nagkakapalang kalyo sa kanilang mga palad, maiitim na balat ay mga simbolo ng tunay na paglilingkod sa bayan. Maaga pa sa umaga ang kanilang pagyuko sa putikan o sa malalim na dalampasigan, ibabaon ang binhi ng pagsusumikap at hihilahin, at aanihin nang masagana ang nilalasap na pangarap. Kaya kapag nagsimula nang umugong ang mga palaka sa putikan sa mga panahon na hirap ng dumampi ang oportunidad at pantay na pagunlad sa kabayanan, hudyat iyon ng makabagong pagtindig kasama at kaisa ng mga mga mangingisda at magsasaka. Pangako! Magiging panahon iyon ng muling pagbangon ng sektor ng agrikultura.
AMPHIBIA
Scared-of-Crow Poem by Cris Pearl G. Rivera Art by Marc Oliver L. Serrano
Cheap things. Old clothes. Wild stick. Unwanted hays. Standing stead. Unmoving man. Soft body. Little shabby. Green fields. Fine crops. Gushing water. Lawless land. Black crows. Livid wings. Furious gust. Ravenous beaks.
7
VERTEBRATA
Wretch of the Sea Poem by Jasmin Rachel A. Sison Art by Marc Oliver L. Serrano
As the streaks of sapphire and gold, bring light to the world. The wisps, whirls of current fold-the lapiz you call your abode. An alien swifts past with ill fate. Nonchalantly you thought, it is fine; for the lone cannot abominate‌ then a streak of red flashed in time, bringing chaos to the world above. Hear the dead waves unfolding when it is murky and lacking of love. Come the unidentified undertaking. Chokingly you muttered, I was wrong. And we will be gone before dawn‌
8
AMPHIBIA
The Betrayal Haiku by Jasmin Rachel A. Sison Art by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
All smiles A budding friendship no one expected to be: They let it happened.
Tell Lies Then as fast as light, memories have gone fleeting-unexpectedly.
Though Gritted Teeth But true color leak. Mournfully, beware the man you believe you know.
9
VERTEBRATA
Aning Panalangin Awit ni John Carlo D. Cayanan (Unang gantimpala, 18th Regional Higher Education Press Conference) Dibuho ni Joshua R. Escaño
Ginasgas na tuhod, pupuspusing lubos ng Bathalang lingkod sa lupang tinubos; Binukot, Babaylan- naghandog ng musmos ng ginto’t kamanyang, sa paltok tinalbos. Silip na hiraya, aning masagana Bakunawang taksil, ihele na muna; Maharlikang Luna palayain sana at hayaan ito tanglaw sa bintana. Gabayan ang bayan ng labis-biyaya buhay lubhang lungkot, magpuri’y ‘di kaya kung Poon ay wala, supil ang paglaya ikaw tanging susi, ibiging payapa.
10
AMPHIBIA
Taksil ang mga Ala-ala Tula ni Wowie V. Serrano Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Mga bulaklak Ang nagbigay pag-asa sa aking mundo; Hahagka't yayakapin sapagkat nangako ka. 'Di ka lilisan ano man ang mangyari, Kahit malanta ang mga pulang rosas. Itay nasaan ka na? Isang dekada lubos na kong lumaki, 'Di ka bumalik. Hayaang magsimula Ang pusong balantukan.
11
VERTEBRATA
Banta sa Buhay Bukid Larawang kuha ni William C. Perez Sanaysay ni John Carlo D. Cayanan
Sa paghalik ng Habagat sa nauuhaw na lupang sakahan ng mga magsasaka, hudyat na ito ng bagong siklo ng pagbabanat ng buto ng mga Pilipinong magsasaka. Gayunpaman, ang walang humpay nilang pakikipagsapalaran sa putikan ay bigong punan ang pinggang nakahain sa hapag ng kanilang pamilya. Sa mahabang serye ng pangangampanya at pangangangako ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon, bigong tuluyang iangat ang buhay ng sektor na matagal nang namalagi sa laylayan ng lipunan bunsod ng kakulangan sa suporta at progresibong pagpapayabong sa mga teknolohiyang pambukid. Gayundin, ang banta ng pangangamkam ng mga lupang sakahan ay ang siyang tuluyang lumalamon ng buhay sa sektor ng mga manggagawang bukid.
12
AMPHIBIA
Ang Alamat ng Sinosentrismo Alamat ni Ma. Clerizza N. Tagao Dibuho ni Joshua R. Escaño at Marc Oliver L. Serrano
Noong unang panahon, sa malayong kaharian ng Hubwan ay may iisang wangis lamang ang mga mamamayan nito. Natatanging katangian ng mga tao rito ang kani-kanilang mga pares ng mga matang wari mo’y laging nagungusap dahil sa bilugang hugis nito. Payak at simple man ang buhay sa baybayin, masaya ang mga mamayan ng Hubwan, kabilang ang magkaibigang Chong at Nupoy, dahil marunong silang makuntento sa
13
mga biyayang binibigay sa kanila ng mahal na Bathala. Tuwing umaga ay nangingibang-bayan ang magkaibigang Chong at Nupoy upang mag-angkat ng iba’t ibang produkto tulad ng mga prutas, mga karne, mga pilak at ginto at iba pang mga kalakal. “Chong, bakit ‘di tayo mag-angkat dito sa bayan ng produkto natin mula sa Hubwan?” pagtataka ni Nupoy habang nagkakalkal ng mga produktong nakahalanhan sa
VERTEBRATA
bangketa. “Oo nga. Sa ganoong paraan makakalikom tayo ng ilang kalakal na siyang magagamit natin para sa pangpersonal nating pangangailangan,” sagot naman ni Chong. Pumayag sa ideyang ito si Chong at kinabukasan din ay nagsimula silang lumaot at mag-angkat ng produktong mula sa dagat kapalit ang mga kalakal na matatagpuan sa merkado. Naging bahagi na ito ng buhay ng magkaibigan. At ‘di naglaon ay naging tanyag ang kanilang mga produktong hango sa dagat na kung minsan pa ay nagkukulang at nauubusan sila. Dito naisipan ni Chong na mas dalasan ang paglaot kahit pa na ‘di kasama ang kanyang kaibigan. At dahil hindi nito inuubliga ang kanyang sarili na sustentuhan ang kanyang pamilya, nakapagpundar ito sa mas mainam na mga kagamitan nang sa gayoon ay mas tumaas ang dami ng kanyang produkto. Sa kabilang banda, si Nupoy naman na karaniwang inilalaan ang kanyang kinikita sa kanyang pamilya ay walang ideya sa ganitong hakbangin ni Chong. Dumaan ang ilan pang araw at tuluyang pumatok ang sariling negosyo ni Chong. Samantalang si Nupoy naman ay patuloy na nagsusumikap para sa kanyang pamilyang umaasa sa kanya. Kaya kahit maliit ang kanyang puhunan nagdoble kayod na rin si Nupoy upang kahit papaano ay masabayan ang kanyang kaibigan sa matagumpay nitong negosyo. Isang araw pagkatapos makabenta ni Nupoy nang sapat na kita sa palengke, nagbakasakali itong lumaot muli upang madoble ang pangtustos niya sa araw na iyon. ‘Di napansin ni Nupoy na masyado na siyang lumalayo sa baybayin. Nakita niya si Chong na nagdidinamita ilang metro ang layo mula sa pinamamangkaan ni Nupoy, na siya namang ikinagulat nito.
“Chong! Anong ginagawa mo?! Hindi mo ba alam na maaari kang masentensyahan dahil d’yan?” Sinubukan ni Nupoy na tawagin ang kaibigan. Subalit ‘di siya naririnig nito dahil sa malakas at sunod-sunod na pagsabog ng mga dinamita. “Chong! Chong! Ano ba?! Tama na!” ‘Di namalayan ni Nupoy na lumalakas ang mga alon dahilan upang tuluyan siyang anurin papalapit sa bahagi kung saan naghahagis si Chong ng dinamita. Hindi pa rin siya naririnig ni Chong dahil sa pagiging ganid nito sa mas malaking kita. Wala siyang iniintindi kundi ang kanyang sariling kapakanan. Sa kasamaang-palad, ang huling dinamita ni Chong ay napunta sa eksaktong lokasyon na binabaybay ni Nupoy. Sa pagkakataong iyon, nasilayan na ni Chong ang kanyang kaibigan at batid niyang iyon na ang huling pagkakataong makikita niya ito. Nagdilim ang buong kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan. “Lubha ang iyong pagkaganid sa materyal na bagay. Hindi mo nababatid na ang tunay na kahulugan ng kasiyahan ay ‘di kailanman matutumbasan ng kahit ano pang halaga, mapaginto man o pilak. At bilang kapalit ng buhay ng iyong kaibigan, habang buhay na manliliit ang ‘yong mga mata; tanda ng ‘yong pagkasilaw sa mga materyal na bagay. Pipiliin mong huwag makita ang naging kasalanan mo sa ‘yong matalik na kaibigan.” Dumagundong ang napakalakas na tinig mula sa kalangitan. Mula no’n, hindi na nakitang muli ng mga mamamayan ng Hubwan sina Nupoy at Chong ngunit alam nila na may taong nanliliit ang mata ang pumapalaot sa dagat ng Hubwan na hindi matuturing na kaibigan.
14
AMPHIBIA
Gapas Tula ni Corrinne S. Mandilag Dibuho ni Jan Jobert C. Cortez
Sa ilalim ng tirik na tirik na araw, may isang dakilang pawisan. Sanggang-dikit ang alagang kalabaw. Sa paligid na luntian. Pawis ay tumatagaktak, sa bawat pagtabas. Sa putikan nakatapak, narinig ang bagong batas. Kaldero para sa buong bayan, idinulot ng ginintuang ani. Sa kabila ng kalagayan, taos-puso itong inihandog ng bayani. Isa kang ulirang magsasaka. Ikaw ang naghain, hindi ka ba nagtataka? Kung bakit iba lagi ang kumakain?
15
VERTEBRATA
Makitid ang Pilapil Tula ni Ronnie Lyn S. Dela Cruz Dibuho ni Jeanuel Roger Rendell A. Paje
Punla Sumugal at umasa itataya ang buhay. Huhugutin ang hininga sa dinadagang dibdib. Sibol Unang silip sa liwanag Tinabig ang tabing Sa lupang binuhaghag pag-asa’y nagising. Butil Pawis at lakas idinidilig sa bato Takalan ng bigas sa dukhang dinidikdik ninyo.
16
AMPHIBIA
17
VERTEBRATA
Sa Takdang Pag-ani Tulang Ibinahagi ni Alvin C. Galang Dibuho ni Joshua R. EscaĂąo
Sa pagtikom ng mga bitak. Sa paghilom ng mga pilat. Sa muling paghalik ng paanan sa lupang sakahan Magsasara ang pang-ilang hukay. Subalit, patuloy ang pag-itim ng kanilang buto. Sa pagtubo ng bawat butil na walang tinutubo. Sutil ang pagpili't makasalanan ang pagdampi Ng mga daliring nagtanim, ng tinta't kanilang inani. Sa pagkaagnas ng natuyong putik sa bitak nang talampakan dadanak ang huling patak dadaloy ang huling patubig, dugo, Sa bitak na kalupaan, sa sinumpang putikan. Sa lunduyang duguan, sa lupang sakahan.
18
AMPHIBIA
Panunuluyan Maikling Kwento ni John Carlo D. Cayanan Dibuho ni Jan Jobert C. Cortez
Hindi na bago sa aming sitio ang tradisyon ng Panunuluyan. Karaniwan itong isinasagawa tuwing bisperas ng Pasko. At masaya ako na bagaman hindi engrande ang aming pagsalubong sa kaarawan ni Hesukristo, napapangalagaan naman namin ang aming kultura na isinasagaw na buhat no’ng nabubuhay pa ang mga apo. “Maria, matatapos na ‘tong sinasangkusyang kamote!” sigaw ni Jose mula sa baba. “Ito na mahal! Isasalansan ko muna 'tong mga liyanera,” dali-dali akong bumaba upang magbitbit ng karagdagang gatas. Sa ilalim ng puno ng mangga kung saan nakatali 19
ang aso naming si Bansot, masigasig na hinahalo ng aking asawa ang kamoteng kahoy na inani lang namin sa likod-bahay, saka hinugasan, binalatan at kinayod upang mas maging pino at madaling lumambot. Sa katunayan, ito ang unang beses na gagawa kami ng “Cassava Cake." ‘Yan ang tawag ng mga taga-bayan d’yan. Napanuod ko kung pa’no ‘yan lutuin no’ng minsan ay namasukan akong labandera sa ibabang barangay. Madalas 'yan din kasi ang hinahain sa kanila kapag Noche Buena. “Ang lalim naman ng iniisip mo,” niyakap niya ako mula sa aking likod at saka hinalikan ang likod ng aking kaliwang tenga. “Palamigin lang natin saglit saka natin
VERTEBRATA
isalin sa liyanera.” “Mahal, sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Kinalas niya ang init ng kanyang yakap at saka umupo sa aming lumang papag. Alam kong ayaw niyang buksan at dalhin ang usapan namin ngayong bisperas pero hindi pa rin nawawala ang paninikip ng dibdib ko sa tuwing nasasagi sa aking isip ang naging desisyon niya. Sinaluhan ko siya at kinuha ko ang kanyang kamay. “Jose, tignan mo ako,” hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi at pilit na sinusubukang salubungin ang kanyang tingin. “Asawa mo ako. Sumumpa ako sa ‘yo at sa harap ng Diyos na hanggang kamatayan sasamahan kita. Kaya kung may dapat ako malaman, kung may bumabagabag man sa’yo, may karapatan naman siguro akong malaman ‘yon. Hindi ko kasi maintindihan!” Nabasag ang katahimikan ng bukid. “Mahal, mahalaga sa akin ang bukid. Ito lang ang meron ako. Ito lang ang kayang kong ipagmalaki sa ‘yo at kay Hesus,” pinunasan niya ang mga luha ko. “Kaya kung kinakailangan kong makipaglaban para rito, kahit pa dumanak ang dugo, ilalaban ko ‘to.” “Natatakot ako para sayo.” “Mahal, mas natatakot akong maging takot. Natatakot akong maging sunudsunuran,” tumayo siya. “Mas nakakatakot tumira sa bayang, hindi ang kanyang mamamayan ang pinakikinggan.” Hindi man malinaw sa akin ang lahat, niyakap ko siya mula sa likod. “Sasamahan kita.” • • • “Hesus, sindihan mo na yung ilaw no’ng parol!” “Opo, Nay!” Tuluyan nang balutin ng dilim ang Sitio, tanging mga parol at gasera na lang ng kanya-kanyang bahay at maaaninag mo sa kalawakan ng bukid. Gayunpaman, amoy na amoy ang iba’t ibang putahing ihahain nila sa kani-kanilang hapag at siya naman iaabot nila mamayang Panunuluyan.
“Luto na ang Cassava!” Masayang bungad ni Jose bitbit ang mga liyanera ng cassava na ipinakiluto niya pa sa kaibigan niya sa ibabang barangay na may pugon. “Ihain mo na rito at ng mahati-hati na para sa Panunuluyan.” Sinalubong ko siya at tinulungang isalansan ang mga bagong lutong cassava. “Sigurado akong papatok ‘to sa mga manunuluyan.” “Eh sino ba naman ang tatanggi sa luto ng nag-iisang Jose?” Nginitian ko siya at sinalubong ng yakap. “Salamat, mahal!” “Mahal kita, Maria,” at isang mainit at matamis na halik at idinampi niya sa pawis ko nang noo. Niluwa ng hamba ang imahe ni Hesus. Ang anak ko. “Tay, may naghahanap po sa inyo sa labas,” sabay turo sa gawi kung saan ang bukana ng aming bahay. Kinalas ni Jose ang kanyang pagkakayakap. “Pumasok ka na rito, Hesus.” Saad niya at agad naman sinunod ng aming nag-iisang anak. Muli, hinalikan niya ako sa aking kaliwang pisngi. “Hanggang kamatayan…” tinalikuran niya ako at agad tumungo palabas. At bago pa tuluyang lamunin ng aking isipan ang huling katagan binitawan niya… ***BANG! At minsan pa… ***BANG! Nabasag ang katahimikan. Umalulong si Bansot. May mga kaluskos na wari mong may tinatakasan. Dali-dali kaming lumabas at bago pa tuluyang ilabas ng pinto ang mag-ina, nakita ko ang aking asawa. Nakahandusay. Duguaan. Walang-buhay. Napundi ang parol. Tahimik ang lahat. Hindi ko inaasahan ang mas maagang pagdating ng mga manunuluyan.
20
AMPHIBIA
Sa aking Katoto Tula ni John Carlo D. Cayanan Dibuho ni Jeanuel Roger Rendell A. Paje
Butil ng inuhaw na buhay buklod ng lupa sa inutang na uhay. Pawis at luha sa mukha'y dumaratal Inaanyo sa kalis ng hapis na sakdal. Sa iyong kamay na sa kalyo'y manhid. Biktima ng hirap, tiis sa dusa't sakit. At kahit pa sa 'yong kaban isinasahod ang gutom mong bayan, tanikala ng pasista, kinandado sa 'yong katawan. Kaya naman, isa itong pag-iiwan ng pangako bilang kaibigan, bilang katoto. Sa sandali ng pakikibaka, sa sandali ng di inaasahang pagluha, sa sandali ng pagdanak ng dugo sa dalisay na palayan, makikiisa ako sa 'yong laban.
21
VERTEBRATA
22
AMPHIBIA
Babangon mula sa putikan Larawang kuha ni John Robin S. Abejar Sanaysay ni Extashe
Walang sawang pinahahalikan ng ating mga magsasaka ang pagal nilang balat sa init ng araw. Kung uulan ma’y, hahayaan pa rin nilang makipagtalik ang kanilang pawis sa luha at hagulgol ng kalangitan. Wala na silang mapagpilian pa ‘kundi ang magpagahasa at magpaalipin sa kung ano ang ibato sa kanila ng reyalidad. Subalit, hindi nagtatapos ang lahat sa isang siklo. Lintik lamang ang walang pagsusumamong makaahon sa kumunoy na walang kasiguraduhan ang hangganan. Kung may oras silang magtanim, umani at mag-alaga ng kalabaw at baka, hindi semento ang putikan para mapigilan silang lumaban, makibaka.
23
VERTEBRATA
Estranghero sa Nasirang Palasyo Tula ni Virginia Mae M. Constante
Dibuho ni Jeanuel Roger Rendell A. Paje
Kung anong nawawala para sa umagang nananabik Sa ilusyon ng kasaganahan tuwing Pasko, Iyon ang pinanghahawakan para mailista Kung anong nais sambitin ng kinalyong kamay, At ng sumisigaw na sikmura. Walang punong kumikinang-kinang, Ang mayroon lamang ay napunong sisildlan Para maibsan ang kagutuman Habang nakatingin sa kalangitan Pilit na naniniwalang daraan ang estrangherong nasa karwahe. At nawa’y dinggin ang panawagang dumaan ang estranghero Sa nasirang palasyo, Nang mas maagang panahon, Dahil baka wala nang maaabutan pa, Pagsapit ng Bagong Taon. 24
AMPHIBIA
Macrocosm Haiku by Corrinne S. Mandilag Art by Joshua R. EscaĂąo
Luminescence A dull darkest night, million fireflies are coming. Illuminated.
Spectrum Rain don’t go away, drench our leaves, our roots, and soul. Rainbow in our veins.
Stellar Sol and Luna shines. Heaven and Earth are aligned. Hope in everyone.
25
VERTEBRATA
Rainfall's Gift Poem by Gervais Art by John Vincent A. Yumol
Have your ever noticed the sky? Its darkness And how lonesome To float alone. Have you ever wondered How heavy it weighs? To endure the pain And condone the pleasure Just to save his heart To pour everything it bears To the dying soul of the land. It is crying. It is hurting. For this realm to prosper.
26
AMPHIBIA
Gorge of Trances Poem by Cris Pearl G. Rivera Art by Joshua R. Escaño
Have you ever been lost – your senses in a dream? Or have you ever dove in an ocean – sleepless? Have you ever dreamt like a bird soaring? Or have you ever wake like a fish daydreaming?
27
VERTEBRATA
Victor’s Grip Poem by Gervais
Art by Mark Carlo T. Potal
As long as you are there, And as long as we burn the same heart. The distance and trials won’t matter. Because when I’m with you. I’m already a victor in this realm full of traitors and endless deceptions. Of bloodbaths and vows, They will never steal this soil. as long as you are there, I am destined to win the battle between me between us between our legacy and between the giants of land and ancestral burglary.
28
VERTEBRATA
Sa bawat kahig ay may pagtuka, matatalim na kuko ay mananatiling nakakalmot sa teritoryo. Ipapagaspas ang mga pakpak sa ngalan ng pagalpas. Bandila ng tribu sa himpapawid maghahari.
AVES Matanglawin ang sangkalupaan. ‘Pagkat nasusulat na ang plumahe ang siyang ugat ng karapatan ng bawat bagwis.
AMPHIBIA
Kabanata 2
AVES Sa paltok ng nilumang kakahuyan; paghalik ng langit sa kalupaan, gawing pusod- dito matatagpuan; kasarinlan ng unang pamayanan. Tinawag sa pangalang Aves-- lahing maluwalhati, kasaysayang hinabi sa bagwis, mananatiling naghahari. Sa talim ng kuko’t tuka, ‘di magpapahatol nang mapait, basbas ng mataas na pagkilala, sa lahi ay ‘di ipagkakait. Sa iisang watawat, tayo’y hahalik. Sa magkasing-gaspang na alabok, tayo’y magbabalik. Kultura, tradisyon at relihiyong naghahati; respetong ang buklod, kailanma’y ‘di magagapi.
Pamamayagpag ng Lumang Pilipino Sanaysay ni Reden U. Perez Dibuho ni Joshua R, Escaño
S
a paglipad ng isang ibon makikita ang kalayaan nito habang patuloy na binabaybay ang kalawakan ng himpapawid. Tulad nito, nais ng mga kapatid nating mga katutubo na mabigyan ng pagkakataong pumagaspas at iluklok ang kanikanilang pamayanan sa kanlungan ng patay na pagkilala. Ang mga Indigenous People (IP) at mga Ethnic Group tulad ng mga Igorot ng Hilagang Luzon, Ifugao ng Cordillera, Isnag ng Apayao, T’boli ng South Cotabato, Ivatan ng Batanes, Mangyan ng Mindoro at iba pa ay mga sagradong pamayanan na nabuhay sa mahabang panahon. Bitbit ang
kanilang makulay na tradisyon at kultura, sinisikap pa rin nilang sumunod sa tawag ng mabilis na pagbabagong-bihis ng ating bansa. Hindi maitatanggi na malaki ang naging kontribusyon ng ating mga katutubo sa usaping pagunlad sa iba’t ibang larangan tulad ng musika, sining, lenggwahe at agrikultura. Sa halos 130 lengwahe meron ang bansa, malaking porsyento nito ang nangganling sa mga katutubong pamayanan. Dagdag pa rito, ang ambag nila sa larangan ng musika; gaya ng mga katutubong instrumentong pangmusika at mga lokal na awiting pang-pamayanan. Gayundin ang kanilang mga makukulay at natatanging mga
VERTEBRATA
tribal pattern at makukulay na telang manu-manong hinahabi. Subalit sa paglipas ng panahon, katulad ng ilang specie ng mga ibong endemic sa ating bansa; mabilis ding pumapanaw ang pinagyamang kultura ng mga katutubong pamayanan na sinubok na sa mahabong panahon dahil sa pangingimkim sa kanilang mga katutubong lupa o ancestral domain at diskriminasyon sa kanila ng mga tao sa kapatagan. Tulad ng mga ibong unti-unting nawawalan ng tirahan dahil sa walang habas na pagpuputol ng puno, ang mga katutubo ay nakikipag-agawan din sa kanilang mga katutubong pamayanan. Dahil sa iba’t ibang proyekto ng parehong pampubliko at pribadong sektor, napipilitan ang mga katutubo na lisanin o ‘di kaya ay sapilitan silang pinaaalis sa kanilang mga lupa kapalit ang ‘di makataong halaga. Ilan lang ang New Clark City ng Tarlac at Kaliwa Dam ng Bulacan sa mga proyekto na waring nambubulabog sa pagkakahimlay ng mga katutubo sa kani-kanilang mga pugad. Gaya ng mga ibon, sinasamantala ng marami ang pagiging mailap at inosente ng mga katutubong komunidad upang sila ang makinabang sa mga sagradong pamayanan na tahanan ng katutubong pagkakakilanlan. Isa pa ay ang pagsasara ng mga ‘Lumad’ Schools sa mga isla ng Mindanao. Ikinukubli nito ang pangunahing karapatan ng mga katutubo (at ng bawat isa) na magkaroon ng mataas na antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng kalidad na edukasyon. Taliwas ito sa ideya ng pangakong pagunlad sa mga katutubo nating pamayanan. Lingid sa kaalaman ng marami, ang mga katutubo
ay mayroon ring natatanging pagkakakilanlan na may matibay na ugnayan sa kalikasan na maging tayo ay nakikinabang. Ang mga ganitong uganayan at kaalaman na sumasaklaw sa ekosistema, kalikasan at kalusugan ay produkto ng direktang karanasan at maingat na obserbasyon sa likas na mundo. Ang ganitong mga abilidad ay isang paraan para mapanatili ang kalidad ng ating pamumuhay tulad ng seguridad sa pagkain. Magandang halimbawa nito ay ang Hagdan-hagdang Palayan ng mga katutubong Ifugao na isa sa mga sumusuporta sa suplay ng ating bigas. Higit pa sa ano mang halaga ng salapi ang katumbas ng bawat katutubong lupain. Ito ang sagradong kanlungan ng bawat lumang pamayanan na humubog ng iba’t ibang likha para sa iba’t ibang larangan. Ito ang tanging tahanan ng bawat miyembro ng IP o Ethnic Group na pinagkakaitan ng pantay na pagkilala at minamaltrato ng ating panghuhusga. Ito ang pugad ng lumang Pilipino. Malaki ang gampaning nakaatas sa atin at ating mga mahal na katutubo. Sila- sa pangangalaga ng kanilang pumupusyaw na kultura, at tayo- para sa pangangalaga ng kanilang mga karapatan bilang gulugod ng lipunan, katutubo at bilang tao. Sapat na ang ginawang paghabi ng kanilang mga ninuno para sa ating pagkakakilanlan na naging daan para sa matagumpay nating paglaya mula sa impluwensiya ng mga nakaraang panananakop. At tunay na nararapat na tayo naman ang kanilang maging lakas upang tuluyang mamayagpag ang kanilang mga pamayanan para sa mas matayog na paglipad ng kanilang pangarap.
AVES
Chronicles of Adaptations Song by Airell S. Nambayan Art by Mark Carlo T. Potal
Are real Filipinos not foreign by culture? Colonizers have failed- burying our nature; but able to plant seeds of their Christians’ future. Left us with grand fiestas, customs, literature. Culturally diverse and when you ask them why-Is it their birth or blood? It always make them sigh. As to their nation’s past, that they just can’t rely. They know where they were born in the fourth of July. After the reign of queens comes the cold blooded king accompanied by loss, violence is ruling. In pursuit to survive with them queens are marching towards the road of death that left all hearts racing. Searching cultural trait beyond the history that’s repeatedly named by the three colonies. Molded independence and sense of unity; Cultural confusion clouded identity.
35
VERTEBRATA
Bagwis at mga Punglo Tula ni Wowie Serrano Dibuho ni Jeanuel Roger Rendell A. Paje
Isang putok sa kanilang bagwis nakatutok... Ikinulongsa madilim na mga rehas; siniguradong walang makakatakas na aba’y kailanman ‘di mangangahas. Kinubli ang karapatang matutolumipad; pumagaspas sa sarili nilang mga pakpak. Subalit sa pananaig ng ‘yong tapang, pakikipaglaban sa inyong kalayaan... ...ilang paalala. Dadalawin ng punglo ang munti niyong paliparan. Mag-iingat sa panganib ng daan pataas, nakauutas, na maaaring bumawi ng ‘yong buhay. At kung pagpalain ng maginhawang paglalakbay... Lumipad ka munting ibon at patuloy na mamayagpag patungo sa kalawakan ng himpapawidkahabaang ninanais mong tahakin. Hanapin mo ang kalayaan. 36
AVES
Pangarap ng Ina Larawang ibinahagi ni Emerson P. Bautista Sanaysay ni John Carlo D. Cayanan
Malalim ang ugnayan ng ating mga katutubo sa kalikasan at sa kanilang ninunong lupa. Bukod sa ito ang nagtatawid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, ito rin ang siyang humubog at humabi sa kultura at tradisyong na siyang ating ibinabandera bilang pagkakakilanlan ng bansa. Kaya naman sa patuloy na panghihimasok ng mga huwad na pag-unlad sa katutubong lupang kanilang sinasakupan, ganoon na lamang ang pangamba at takot para sa mga Indigenous People at Ethnic Communities para sa kinabukasang kahaharapin ng kanilang lumang pamayanan sa nalalapit na hinaharap.
37
VERTEBRATA
Autochthonous Hominid Tanaga by Eduard John Romulo Art by Joshua R. Escaño
They have no power to fight; because they can’t read and write. Through the darkness of twilight; can they still serve as a knight?
38
AVES
Huling Lipi Tula ni Glorie Dianne A. Enriquez Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Huhusgahan mo ako, lalaitin at tatawanan. Dito sa aming teritoryo kami’y lalapastanganin. Ako ang unang tumapak sa lupa na iyong inaangkin. Sa teritoryo, luha ko ang papatak, ngunit dugo ko ang dadanak. At kung wala nang pakikinggang dalangin si Bathala mula sa langit, doon niyo ‘ko ilagay sa modernong paraiso. Tiyakin ninyong ikasisiya ito ng bawat lipi. Dahil tiyak ang aming kamatayan, sa estrangherong lugar na aming pagtatapunan.
39
VERTEBRATA
Silent Flight Poem by Airell S. Nambayan Art by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
Nothing but the cold night. Envelope me with lonesome embrace. I think of you for an hour, I pray for your dreams to come true. The pellucid hope suffice up to the ceiling Until I crashed down to saying‌ I did one thing right at that very night. Wrote you a letter with all of my heart. Setting my long buried feeling into flight.
40
AVES
Maling Hawla Tula ni Glorie Dianne A. Enriquez Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Hindi paglipad kundi pagsuko, pagpapaubaya't 'di paglaya. Pinilit nila akong tumakbo pinigil ang pakpak sa pagbuka. Nakakabingi ang mundo, dito sa walang kinasisiksikan. Mali ata ang kulungan ko. Namatay ang pagkakakilanlan ko.
41
VERTEBRATA
Ang aki'y akin Larawang kuha ni Karl Erren Aguilar Sanaysay ni Extashe
Iitim ang uwak at mamumuti ang tagak. Subalit kailanma’y mananatiling ginto ang kanilang kulay. Iba ang laro ng mundo sa mata ng isang bata, subalit, hindi ibig sabihin nito’y saling-pusa lamang sila sa laro ng pamahalaan. Alam nilang dinaraya sila, alam nilang magpahanggang ngayo’y taya ang kanilang mga tribo sa langit-lupang pinasinayaan ng mga unggoy na nagpapakasasang kumain ng saging sa itaas ng mga puno. ‘Di man malayang makatakbo sa konkretong mundo sa ibaba ng kanilang kaharia'y patuloy silang lalaban. Uulan at aaraw. Maghahari ang bahaghari. Lululam ang kalangitan. Mamumutla ang sangkatauhan subalit manantiling ginto ang kanilang balat. Ang kanila'y kanila.
42
AVES
Silang Walang Tirahan Tula ni Joshua M. Romero Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Dinggin mo yaring mga impit na tinig. Na nagagapi ng ingay ng mga kuliglig. Magkaiba man yaong katinig at pantig. Sa matang nangungusap, ‘di ba naaantig? Iniwa’y hubad na pagkakakilanlan, winalang-saplot silong at tirahan. Itinira’y pagkalito sa pinatag na binusnian. Ikinintal sa isip, mga pangakong bulaan. Dinggin mo yaring mga impit na tinig. Ng mga dinayuhan sa sariling baklig.
43
VERTEBRATA
Tagong Liriko ng Ibon sa Gabi Tula ni Kurt Hanz Rafael Dibuho ni Joshua R. EscaĂąo
Natatapos ang gabi nang hindi ka lantad, Nakabukod sa dilim, liban pa sa sanga, Humuhuni nang tahimik at walang nakikinig; Awit. . . dahan. . . awit. . . habang lumalalim, Hayaang yumakap ang himig sa silim.
44
AVES
Konteksto ng Pag-unlad sa Lumang Pamayanan at Pamahalaan Balagtasan nina Corrinne S. Mandilag at John Carlo D. Cayanan Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Lakandiwa: Mapagpalayang umaga sa araw na ito’y aking bati. Sa inyong harapan, lingkod; Lakandiwa ang silbi. Dalawang panig ng kaisipan ang pulidong hinabi. Kalaliman ng pang-unawa, sasambitin ng magkaibang labi. Sa magkaibang konseptto, prinsipyo ng pag-unlad, sa progresibo, transpormasyon, mabilis na paglalahad ng pagbabago, pagsasa-konkreto sa lupang kapus-palad. Narito magsisimula, matutunghayan ng madlang mapalad. Katutubo: Palasak na ang paghahangad sa baluktot na pagbabago. Wala na bang bago? Iyon sanang konkretong mahirap tibagin para sa paglago. Ngunit iba ang hulmahan ng mga nilalamang sa nilalamangan. Nanlilinlang sa makapangyarihang salita at pangakong sinasalamin ay kamangmangan. Niyupi ninyo ang kaibahan ng konsepto ng pagbabago sa pag-unlad. Pinagsamantalahan an gaming yaman iniwanang hubad. Bakit kailangang magbawas upang may dumagdag? Isiping mabuti kung sino ang walang ambag.
45
VERTEBRATA
Pamahalaan: Ano ba ang maliit na sakripisyo para sa maiging paglikha ng bagong imprastraktura, establisyemento o ‘di kaya? Modernong mukha ng Pilipinas aming ginagawa. Pagbabagong bihis, Pilipino’y dito tunay na lalaya. Maningning ang bukas para sa Pilipinas Kinakailangang gamitin, linangin ang yamang likas. Subalit paano tuluyang matutuklas, kung mga pamayananay humaharang , tumatanggi sa paglikas. Katutubo: Maliit bang sakripisyo ang baryong hinubog ng makasaysayang tradisyon? Kung sabagay ganyan ninyo itrato ang inyong nasyon. Kayong inaasahan maging tangkay sa nag-ugat na sibilisasyon ang kapalit pala ay malagim na kondisyon.
46
AVES
Pamahalaan: Isang daan… Dalawang daan… Tatlong daang pamilya? Ano ba ang paglikas, paglipat ng ilang milya? Higit na maliit kaysa sa libong panaghoy ng libong tahanan na uhaw sa limitadong abuloy. Katutubo: Isang daan… Dalawang daan… Tatlong daang libo o higit pang salapi ay pagkakagastusan, huwag lang kaming maging kasapi. Kayang tiisin ang tahanang pinagtagpi-tagpi, marapat lamang maging ganoon; iisang bayan, iisang lipi. Pamahalaan: Maliit itong puhunang maituturing kung masaganang ani sa huli’y aariin. Wari mo’y ekta-ektaryang sakahang lupain, mapapakain ang pamilya, gutom ang tatawirin.
47
VERTEBRATA
Katutubo: Sinasabi iyan sapagkat hindi nakatapak ang pananaw ninyo sa ‘ming lupa. Kami ang puhunan, kayo ang maamong tupa ang tubo ang inyong upa. Tensyon ng damdamin ng pamahalaan at n gaming pamayanan kailan ba huhupa? Pamahalaan: Isa itong prinsipyo sa bayan ay kumakapit. Pag-unlad, pagbabago sa mas marami ilalapit. Ito ang pangako ng isang baying ‘di ipipiit, pipiliin ang kutsarang kay tamis, bagaman mau kutsaritang kasamang pait. Katutubo: ‘Di ba dapat unahin ang unang Pilipino? Ngayon patunayan ang pamamaraang matalino. Basbasan nawa ng epektibong pamamalakad ng pinuno. Sabihing dugong katutubo, sa abang pagka-Pilipino’y pumupuno. Pamahalaan: Isa itong pagsasakatuparan ng pangako; na binitawan hindi upang ipako sa iyo, sa atin at sa sa ating bayan-pangakong walang maiiwan sa lipunan ng laylayan. Lakandiwa: Tunay ngang pinag-alab ng abang karunungan ang apoy ng katotohanan. Atin itong apulahin, bago tuluyang madla ay tupukin. Dalawang panig tinalakay, sa ating sariling pasya ating angkinin. Dito’y tunay na prinsipyo ay siyang susubukin. Papuri, palakpakan atin silang paulanan. Sa tagisan ng katwiran ating natunghayan. Isasara ang tilon ng argumento’t paninindigan. Lalaya ang kaisipang susuriin ng sambayanan.
48
AVES
Of Those Who Fought Poem by Virginia Mae M. Constante Art by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
Fly a mile With broken wings, Body carrying a suffering soul, Listening to crying song. Wet the land With dripping blood Wet with feathers’ Bloody on grass. In my land I fell, Immortalize my soul, Sow into eternal pit; In my home, I’ll never leave.
49
VERTEBRATA
Mayna Tula ni Charles Justin Angeles Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Himig na naipunla sa lupang diniligan ng dugo’t pawis, Napipi ang salita kasabay ng kanilang pag-alis, Maalala pa kaya? kung ito’y naglalahong mabilis, Papaanong makikilala ngayong pilay na ang bagwis.
50
AVES
Of Love and Hijab Contributed photo by Emerson P. Bautista Caption by Jasmin Rachel A. Sison
For the young, familiarity in the face of the indefinite is like an oasis in the desert, a cold glass of water in the middle of summer, a hand in the back before a fitful of cries. Because in the world we live in now even the friendliest face can be murderous. The certainty of co-existing with a pure and golden soul is immeasurable. And so, we will continue cautiously gazing at every bag of flesh they chance upon. Until then, we could only hope to be sitting beside a good man. For at the end of that long searched forestcape, the gift of that shortest split second of love will ignore the world and its boundaries; that is the ephemeral paradise where the chambers of our souls will unite, regardless of our culture.
51
VERTEBRATA
Baldado
Mga Tangka at Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Narinig Dinig ng tainga, paghagulgol ng ibon. Basa ang pakpak, hindi na makalipad. Binunutan ng bagwis.
Nakita Dilat ang matang nasaksihan ang dusa. Nilapastangan. Sinira ang tahanan na nagsilbing kanlungan.
Napagtanto Bukod pa roon, ay wala nang nagawa. Ako’y baldado. Tanging kakayahan ko’y mabingi at lumuha.
52
AVES
Naiwang Kulay Tula ni Joshua Vince T. Tolentino Dibuho ni Joshua R. Escaño
Noong unang panahon, tanaw na sana sa pagitan ng makulay na bahaghari ang malawak na luntiang kalawakan na siyang pinasisigla ng marikit na hiwaga. Ngunit totoo palang papansin ang buwaya. Hindi raw sapat ang lawa upang siya’y mabuhay kung kaya’t nagsimula itong humiling kay Bathala. Nagkaroon ito ng pagkakataong humiling. Piniling maging makisig na binata at ang pangunahing layunin ay mapa-ibig ang diwata. Mahusay ang mapagpanggap na payaso. Napukaw ang puso at nahanap ang kiliti nitong dalaga. At dito nagsimula ang kapalaran. Ang inakalang malinis na intension ay napahiran ng dungis. Napalitan ng hikbi ang dating mga ngiti. Nambulabog sa katahimikan at hindi pinaboran ng langit. Naging kayumanggi ang dating berdeng asilo. Hindi na nagawa pang lumaban sapagkat napangunahan ng pagtangis. Buhay ang diwa ngunit napigtas na ang balitok ng kanyang puso. Wala nang saysay ang balangaw. Sapagka’t ang makulay na ala-ala ay isa na lang alamat.
53
VERTEBRATA
54
AVES
Lisyang Pasya Tula ni Joshua Vince T. Tolentino Dibuho ni John Vincent A. Yumol
Bumabagyo noon. Sumasabay sa ihip ng hangin ang sitsit ng mga batang ibon. Isang nakapagtatakang desisyon ang kanilang ginawa – ang lisanin ang isang maayos na pamumuhay at tahanan sa kalupaan. Lalo pa’t nasa pangangalaga naman ng magulang. Busog na ngunit gutom pa rin at gustong mapunan ang sikmura – Sikmurang binusog sa pangaral; Sikmurang binusog sa pagmamahal ngunit sikmurang uhaw sa kaalaman. Uhaw sa paghihiganti. Pinakinggan nila ang kanilang mga sarili. Tingin nila’y sapat na ang kanilang lakas upang lumingkis ng bulate sa lupa. Kung kaya’t kahit na malakas ang ulan ay patuloy silang sumuong marating lamang nag rurok ng burol. Akala nila’y matatanaw nila ang liwanag. Pero nagkamali na naman sila. Pagkakamaling makinig sa isang matandang estranghero.
55
VERTEBRATA
Birds don't fly Poem by Glorie Dianne A. Enriquez Artwork by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
Shackled in a wrong cage We're not taught to chirp Give empathy to wrong rage Culture has been put to sleep Don't even know how ro feed I forgot to soar the sky In our own, cant even take a lead. They say, were not meant to fly.
56
Diniktahan noong hindi pa marunong lumangoy. Nang ang tubig-alat ay biglang binihisan ng bahaghari. Pinutungan ng ispesyal na korona, idineklara. Taliwas sa agos ang mapangahas na buntot, sinunod ang damdamin.
OSTEICHTHYES Papalakpak sa galak ang makukulay na palikpik. Nakita ang tunay na repleksyon sa kaibuturan ng bughaw na tubig.
OSTEICHTHYES
Kabanata 3
OSTEICHTHYES Sa karagatang sa karapata’y salat uhaw sa pang-unawang, pantay at tapat. Pagdaluyong ng damdaming nag-aalab. Ang panunuyong huwad, ‘di na tatalab. Kaya ikunday ang makulay, malayang palikpik. Katawan ay iindayog, lunurin ng pilantik. Binyagan ang hinirang, lahi ng Osteicthyes. Tuyuin man sa pagkilala, banyuhay sa tiis. Sisirin pa’t tuklasin ang kaibuturan ng sarili. Ika’y liping hugot sa tadyang ng bahaghari. Ipaalalang ang prinsipe; kung minsa’y prinsesa rin. At ang kasariang lantay, sa malayang pag-ibig ay bubukal nang dalisay.
Pag-ahon sa Tabang na Lipunan Sanaysay ni Airell S. Nambayan Dibuho ni Joshua R. Escaño
G
aya ng tubig, malaya ang ating mga kasarian. Pwedeng tahimik na dumalisdis sa mapayapang batis, marahang kumatok sa inyong mga bubong o maaari rin namang matapang na sumusuong sa mabuhanging baybayin tulad ng nagtataasang alon. At gaya ng metaporang ito, may hiwaga rin ang mga nilalang sa ilalim ng ating mga karagatan. Kabilang na rito ang natatanging kakayahan ng mga seahorse at clownfish na higit na naiiba sa iba pang mga hayop. Ilan sa mga ito ang likas na pagbubuntis ng isang lalaking seahorse at ang pagsapit sa transisyon o pagpapalit ng kasarian ng clownfish. Sa ilalim ng dagat nabubuhay ang mga seahorse na pambihira ang paraan ng pagkanlong ng mga
supling. Nagmumula sa mga babae ang mga itlog at inilalagay sa pouch ng lalaking seahorse. Kalauna’y kakapit ito sa mga coral o seaweed gamit ang buntot upang hintayin ang yugto ng panganganak. Nakamamanghang isipin na ang isang lalaki ang nagdadala at nanganganak ng mga supling nito. Sa panahon ngayon, maihahalintulad ito sa kung paanong unit-unting pinapanday ang pantay na pagkilala sa kakayahan ng mga babae at mga lalaki. Hindi lamang sa pagiging magulang kung hindi sa aspeto ng pagiging tao at pagpapakatao. Subalit hindi nagtatapos sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan ang pantay na pagkilalang ito. Ang pagtingin sa kakayahang taglay ng LGBTQIA+ na kinabibilangan ng mga lesbian, gay,
VERTEBRATA
bisexual, transgender people, queer, intersex, asexual at ally community ay isa sa usaping dinadala ng mga alon. Gaya ng palagiang pagkapit ng mga seahorse sa mga coral upang hindi tuluyang alunin na maaring magdala sa kanila sa kapahamakan, ay ang patuloy na pagkapit ng LGBTQIA+ sa positibong hinaharap ng pantay na pagkilala sa kanilang yunit. Ang kakayahang magpalit ng kulay ng seahorse ay mahalaga sa pagprotekta nito sa sarili mula sa mga predators. Sa kalagayan naman ng minoryang sektor ng LGBTQIA+, taglay nila ang bahagharing nagpapakilala sa kanila bilang gulugod ng bagong lipunan. Lipunang bukas sa karapatan ng bawat isa sa pagiging totoo. Ang kanilang yunit na piniling ipakilala ang sarili base sa kanilang sekswal na oryentasyon ay madalas na binibigyan ng hiya o hindi kaaya-ayang impresyon. Wari’y ang mandaragit ng lipunan ay hindi nasisiyahan sa kanilang marahang paglangoy sa ibabaw ng dagat. Sa kabilang banda, ang clownfish naman ay isang uri ng isda na lahat ay ipinapanganak na lalaki at nagiging babae kapag ang dominant o nangingibabaw na babae sa grupo ay namatay. Isa ang social environment o ang paligid na ginagalawan nito ang nakaaapekto sa ganitong kaganapan. Bukod dito ay mayroon na silang pambabae at panglalaking mga tissue kaya itinuturing din silang hermaphrodite. Samantala, ang karagatan ng tao sa ibabaw ng lupa ay may sektor na maihahalintulad sa mga clownfish subalit nahihirapang sumisid sa lipunang hindi lubos ang pagtanggap. Mula sa madilim na kailaliman ay unti-unting kinakapa ang liwanag paahon sa kinasasadlakan nilang sitwasyon ng hindi pagkakapantay-pantay. Taliwas ito sa samahang inaasahan na magbubuklod sa iisang pamumuhay na may pagtutulungan. Tulad ng clownfish na may likas na kakayahang baguhin ang sariling kasarian base sa ginagalawan nito, ang pamumuhay ng LGBTQIA+ na maging
ganap na malaya sa komunidad ay nababaon sa posibilidad para sa hinaharap. Ang kanilang tunay na paglaya ay tila hindi pa napapanahon habang ang mga petisyon para sa kanilang karapatan bilang tao ay nakaangkla magpahanggang ngayon. Ang karapatan sa pagpapakasal at tuluyang pagwaksi sa deskriminasyon laban sa kanila ay maaring sumagip sa kanilang nalulunod na karapatang huminga ng tulad ng iba. Ang mga indibidwal na piniling dumaan sa transisyon upang tugunan ang sekswal na oryentasyon ay madalas na nakararanas ng karahasan at diskriminasyong tulad ng hindi pagtanggap sa kanila sa trabaho. Ang karapatan sa pag-aampon ng mga same-sex couple ay hindi pa Sa henerasyon ngayon ay unti-unting binubuksan ang isipan ng lipunan na sila ay tanggapin. Ang patuloy nilang paglabas, pagtindig at pagpapahayag ng sarili sa kalayaan at karapatan na naaayon para sa kanila bilang nilalang ay paraan nila upang lumangoy sa dagat ng mapangmatang lumulunod sa kanila. Nilipas na ng panahon ang mga pagtatago nila sa mga coral reefs ng kahihiyan. Ito ay sa pag-asang baka bukas o sa makalawa ay makapamuhay na sila ng normal tulad ng clownfish at seahorse nang walang halong panghuhusga, pangungutya, at pagdidiskrimina sa kung ano ang kasarian na taglay nila. Karapatan sa iisang mundo at pantay na pagtingin ang ilan sa mga hinaing ng LGBTQIA+. Habang tumatagal at dumarami ang mga kaso ng diskriminasyon sa kanilang yunit ay kasasalaminan ito ng pagal na sistemang sila ay protektahan. Kaya’t upang ang paghinga at paglangoy ng lahat sa dagat ng buhay ay hindi na lubusang mapinsala pa, ang pagtanggap, pagtutulungan, at pagrespeto ay nasa kamay ng bawat isa upang maprotektahan ang bawat may buhay sa mundo.
OSTEICHTHYES
Picture ni Robin
Mga Bagay na Walang Imik at Inuming ‘di Nakalalasing sa Capitol Drive Maikling kwento ni John Carlo D. Cayanan
Writer’s block- the thing I hate the most! Kung bakit kasi kailangang dumaan sa gantong phase ang mga manunulat? Like, pwede namang dire-diretsyo ang flow ng ideas at creativeness para sa ikauunlad ng sambayanang Pilipino. Eme! Pero seriously, kailangan ko ng kahit draft by tomorrow. Kung alam ko lang talaga na hahantong ako sa ganitong sitwasyon, edi sana hindi ko agad kinuha ang Creative Writing chenes na ‘to! 3 units pa nga. Isang pamamaalam para sa laude dreams ko! “Ingat po!” Pagpapaalam ni Isaah, grade 12 student na mentee ko sa pagsulat ng tula. Agad din naman siyang tumalikod bilang pagsasarado ng session namin sa araw na ‘to. “Ingat ka rin, Isaah! Check ko ‘yung output mo tom.” Pasigaw na akong namaalam since ngayon ko lang din narealize na may kasama nga pala ako. Totoong sinusubok ako ng Creative Writing na ‘yan! Seryoso!? Hanggang dito sa session ko hahabulin mo ako!? Buti na lang talaga at merong Capitol Drive ‘tong Balanga. Dito ako humuhugot ng ideas, ng creativeness,
63
ng ugat-pak bilang isang Mulawin at ng will to live. Pero lately, nawawala na ‘yung essence nito. It’s sad and poor na iba’t ibang establishments na ‘yung tinatayo rito. Respeto naman sa mga puno na tangi kong nakaka-kwentuhan each time na kailangan ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob- isang magandang halimbawa, Creative Writing 413. Nakakailang kanto na ako at wala pa rin akong maisip na draft na pakak. ‘Yung tipong luluha ang Instructor ko dahil sobrang ganda ng writer…ng plot, rather. Pero ang gusto ko, typical lang ‘yung flow ng story. May lead characters, simpleng setup ng setting tapos ang magdadala talaga is kung pa’no bibigyang tuldok ‘yung conclusion ng kwento. I give up! ‘Di ko pa ata kaya. Alas-siete na! Ilang oras na lang at magsisimula na ang bagong araw. Ilang kanto na lang din at mararating ko na ang dulong kanto ng Capitol Drive at ayokong marating ‘yon na kahit pangalan ng lead ay wala ako. ‘Di ko man deserve; sa pangatlo sa huling kanto ng Capitol Drive sa kaliwa, dumiretsyo ako ng Esquinita.
VERTEBRATA
Larawang kuha ni John Robin S. Abejar
Agad akong um-order ng inuming ‘di masyadong nakakalasing para nasawisyo pa rin ako para makapag-isip kung kukuha na ba ko ng dropping form bukas. ‘Di pa ako masyadong lasing ha! Wag niyo akong i-judge. Pero naiinis ako! Naiinis ako kasi feeling ko ‘di na sapat ang bawat estasyon ng puno sa Capitol Drive para man lang ma-replenish ‘yung kaisipan ko, natin na dumadaan do’n. Kaya nakakailang page na ako rito sa journal ko pero doodle pa rin ng pusa ang nalalagay ko. What if ‘Pussy’ na lang ang pangalan ng lead? “Ang ganda naman ng Pussy mo?” Nagulat ako nang biglang may nakaupo na pala sa harap ko. And excuse me, I’m gay pero ‘di ko hinangad na magka-pussy. Know the difference between Sexual Orientation and Gender Identity. “Excuse me?” “Sorry. Pwede bang maki-upo? Occupied na kasi ‘yung halos lahat ng seats eh. Mag-isa lang din ako.” It’s 9:30 PM na pala. Ngayon ko lang din napansin yung mabilis na paglobo ng tao dito sa pub, gaya nang
mabilis ding paglobo ng populasyon nating mga Pilipino. “G lang. I don’t mind.” Inalis ko yung tingin ko sa kanya at agad humigop ng ‘inuming ‘di nakakalasing’. “Anong ginagawa mo?” “Anong pake mo?” Oppps. Sorry. Napaaga ang pagesserve ng tea. Tumawa lang siya na parang mas wala siyang pakialam sa kasungitan ko? Bukod sa Creative Writing, sinusubukan din ba ako nito? “Marvin nga pala, Engineering d’yan sa BPSU.” Inabot niya ‘yung kamay niya at nakangisi pa rin si tanga. “Glenn, AB Comm sa BPSU din.” Tinanggap ko ‘yung kamay niya at dali ko ring binawi. Maganda ng taon! “Bakit AB Comm? Gusto mo bang maging News Anchor? O maging EIC ng kilalang dyaryo?” Bakas sa mukha niya ang kuryosidad na madidinig mo rin naman sa tono ng kanyang pagtatanong. ‘Di ko alam kung lasing na ba ‘to o ano pero papatulan ko na siya. “Higit pa naman d’on ang larangan ng komunikasyon. Maraming opportunities ang meron sa likod at harap
64
OSTEICHTHYES
ng kamera, sa printing media, sa advertisement at kung anu-ano pa,” saad ko. Nakatitig pa rin siya sa akin na parang naghihintay pa ng kasunod. Napasinghap ako at uminom ng isa pang baso ng ‘inuming ‘di nakakalasing’. “Gusto kong maging manunulat ng iba’t ibang istorya, ng mga tula, ng mga dula. Gusto ko ako ‘yung makakapawi ng uhaw ng mga mangbabasa ko. Gusto ko maging buhay sa kanila lahat ng obra ko. Gano’n naman eh. Walangkamatayan ang mga likha ng isang manunulat hangga’t meron siyang mambabasa na naniniwalang buhay ang kwento niya, gaya ni Shakespeare.” Isa pang baso. “Yun ba ‘yong ginawagawa mo ngayon? Tungkol saan ‘yung sinusulat mo?” Nakakahiya mang aminin… isa pang baso. “Wala pa, na-writer’s block ako. Ni ‘di ko alam kung sino o para kanino ako susulat. Naiinis nga ak…” “Pwede bang…ako. Ako na lang ang subject mo.” Excited niyang tinuturo ang sarili niya. Parang isang kindergarten pupil na ready na recitation at gustonggusto makakuha ng star. “Ano bang meron sa ‘yo? Mukha namang walang kakaiba sa buhay mo.” Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Anong special sa ‘yo? “Cliché ‘to pero…” Uminom muna siya ng isang basong ‘inuming ‘di nakakalasing’ na ngayon ko lang na-realize na akin pala ‘yung ininuman niya, “pwede bang tungkol sa pag-ibig?” Tumango lang ako bilang sagot. Kinuha ko agad ‘yung baso ko mula sa kamay niya, nilagyan ng laman at nagsimula na akong mag-takedown notes. ‘Di ko alam kung ano ang kahihinatnan nito pero sure ako sa isang bagay, willing akong makinig sa kwento niya. (wala akong ibang choice.) * * * “Very good, Mister Cipriano!” ani ni Miss Calderon,
65
Instructor namin sa Creative Writing. Mukhang maganda naman ‘yung naging draft ko. ‘Di ko man siya napaiyak ngayon with my draft and everything, I’m pretty… sure, na luluha talaga siya ng bato the time na mabasa niya ‘tong final output ko. “Una na po ako, Miss.” Pagsasarado ko at saka tumalikod, lumabas na sa Faculty room ng Institute of Communication and Letters. Agad naman tumambad sa akin ang init ng singaw mula sa labas. Sa mga ganitong panahon nauuso ‘yung eksena na papasok ‘yung grupogrupo ng mga estudyante sabay sabi ng, ‘Nasan po si Sir …, si Ma’am ….?’ Kadalasan alam naman talaga nila ‘yung sagot pero ang motibo talaga nila ay para makalanghap ng lamig mula sa Antartica este Faculty. Wala pa naman akong payong. Kung bakit kasi wala na rin masyadong puno rito sa Campus? Sobrang dry in all aspects. Charot! Ayon na si tanga, naghihintay sa puno ng Mulawin sa tapat ng Medina Lacson Grounds. To be honest, cute naman ‘tong si Marvin. Siguro sa bawat 10 babae, dalawang nyeki ‘yung magkakagusto sa kanya. Gano’n kalala. Kidding aside, totoong cute siya, matangkad, moreno at atangos ang ilong. Alam n’yo ‘yon? ‘Yung tipikal na itsura na ‘pag nakita mo siya, masasabi at mapapakanta ka ng ‘linamnam ulam.’ Eme. Nilapitan ko na siya. Napansin din niya naman agad ang presensya ko. Agad siyang bumalikwas, “Tara na!” ani niya. “Ang aga pa ay! Ni hindi pa nga lumulubog ‘yung raw ay.” “Samahan mo na lang muna ako.” “Saan?” “Basta!” Agad kaming lumabas ng campus at tinahak ang kahabaan ng Capitol Drive. Kung nagtataka kayo bakit may kasama ko si Marvin, ay dapat lang talaga na magtaka kayo. Ililibre ko kasi siya sa Esqui dahil tinulungan niya ‘raw’ ako sa draft ko. Ewan ko ba sa kanya.
VERTEBRATA
“Sa’n ba kasi tayo?” “Walang tayo.” Nilingon niya ako at ngumisi na hindi nalalayo sa itsura ng isang asong *toot*. “Wow ha! Bagong-bago. In this dying economy? In Duterte’s fascist regime? Tunay ngang bagong banat!” “Sungit! Tara na. Milktea muna tayo.” Sa isang ‘di kilalang tea shop, pansamantala ay nagpatay kami ng oras. Okay naman din kasing kasama si Marvin. Madaldal siya, sobrang makwento na akala ata niya ay kababata niya ako. Pero pinaka gusto ko talaga sa kanya ay ‘yung pagiging open-minded niya sa lahat ng possibilities. Sa isang gabing kasama ko siya, isa sa mga natutunan ko ay kung papaano niya tinitignan ang mga bagay-bagay. Kung paano siya bumubuo ng iba’t ibang pangungusap gamit ‘paano kung…’ Siguro ‘yun yung ambag niya sa obra ko? 8 PM. Nag-start na ulit kaming maglakad. Kahit na medyo maaga pa, didiretsyo na kami sa Esqui. Medyo madami ring tao ngayon dahil walang pasok kinabukasan. Baka maubusan kami ng seats. Tahimik lang akong sumusunod sa kanya. Tahimik din naman siya. Nang makarating, agad din kaming nagsimula sa one on one session namin with ‘inuming ‘di nakalalasing’. Mabilis ang bawat minuto na para bang hinahabol kami ng kung ano. Mabilis ang pagsahod at pag-angat ng mga baso naming dalawa. Medyo lumalakas na rin ‘yung disksyun naming tungkol sa mangilan-ngilang isyu ng lipunan. Malakas na tawanan. Malakas na mga buntonghinga sa iba’t ibang kwento ng panghihinayang. Kaya nang makaramdam ako ng hilo, “Marvin, CR lang ako.” Nilingon niya ako at tumango lang siya. Agad naman akong tumungong CR at naghilamos. Ilang sandali kong pinakiramdaman kung kaya ko pa ba. Pero parang hindi na. Lumabas ako ng CR at hinanap ko si Marvin para sana ay magpaalam pero bakante na ‘yung upuan namin.
Mula sa napakaraming tao, sinubukan kong alalayan pa ang sarili ko at nang tuluyan na akong iluwa ng pintuan ng pub; nakita ko siya. Nakita ko si Marvin sa may gilid, nagyo-yosi. Mariin niya akong tinignan, “Yosi?” Umiling ako. Tatangkain ko na sanang magpaalam. Tinapon niya ‘yung yosi niya at nagsimula nang maglakad. “Tara na!” Sa kahabaan ng Captiol Drive, muli ay sinusundan ko na naman siya. Huminto siya. Kaya agad din naman akong napahinto. Tahimik. Nakakabinging katahimikan. * * * “The Best Short Story Writer is Glenn Cipriano from the Institute of Communication and Letters!” Nakakabingi ang palakpakan ng madla. Ganto pala ang feeling na, finally may ambag ka na sa lipunang ginagalaw mo. At least ‘di ba? Every time na kukwestyunin mo ang halaga mo bilang tao may isasagot ka na. 9:30 PM na rin pala. Napasaya ang kwentuhan namin ng mga kaibigan ko. Pero may mas mahalaga pa rito- sa pangatlo sa huling kanto ng Capitol Drive sa kaliwa. Alam kong hinihintay niya na ako. “Dito na lang ho, Manong.” Dali-dali akong bumababa ng tricycle para hanapin siya. Sa labas, habang nagyo-yosi napansin niya naman agad ang presensya ko. Tahimik lang akong tumabi sa kanya. Nginitian niya ako. Mapungay na mata. Mapulang labi. ‘Di ko alam kung lasing na ba ‘to o ano pero sigurado akong…. Inabot niya sa akin ang sigarilyo na agad ko naman kinuha. Kahit alam kong mapait, hinigop ang nicotine nito. Naramdaman ko ang nakalalasing na yapos mula sa aking likod. …isa itong tahimik na pagwawakas.
66
OSTEICHTHYES
Sa Panahon ng Taglamig Tula ni Mark Carlo T. Potal Dibuho ni Marc Oliver L. Serrano
Hinanda ang mainit na kape Sa panahon hinihiling ng sabik ang iyong paggapos ng mga brasong nais kong dumampi sa aking balat. Bitin ang mga oras. Ang init ng hininga’y dama tuwing nagdidikit ang dalawang labing uhaw na madampian ang isa’t isa; na hanggang ngayon hindi pa maaari sapagkat inihahanda pa sa matatamasang hapdi. Nais kong muling mapakinggan ang bulong sa aking tengang hanggang sa madinig ng aking pusong… …uhaw sa pagtawag; sabik sa pagtibok… na bagamat ‘di masipat ang nasa loob, ramdam pa rin na walang laman ang kamaong manhid sa paghihiganti.
67
…unti-unting kumakawala, nagbabadya ng magdugo…
Hanggang kailan kaya kakapit sa walang katiyakan? Gaano katagal kayang ipipilit ang walang kasiguraduhang… …bugso ng damdamin? …itinagong lihim? Sa panahong nais ang paglaya… Mananatili kayang mainit ang kapeng sayo’y aking hinanda? O kagaya ng iba; magsasabay ang lamig ng panahon At ng iyong mga yakap.
VERTEBRATA
68
OSTEICHTHYES
Cup of Braveness Poem by Ciara Catherine Gache Art by Mark Carlo T. Potal
If I had been brave throughout, I could no longer turn my back. Start shouting endlessly to those I doubt. I’ll rip their faces Claw their flesh and let their blood flow. Slowly. If I am just brave enough, I could greet them and be wise. For asking how could that be and why it has to be. Without query, I’ll slap them, hard. If I am a little braver, definitely, I’ll buy their time. Their utmost lie and forever oath. But, in the end, I’ll be a little coward and turn my back instead.
69
VERTEBRATA
Project: Human Haiku by Edward John Romulo Art by Jan Jobert C. Cortez
Sphere of Moral Life Precious creation suffering disfigurement unacceptable
Immaterial Essences Cantankerous deal; this time demon beat angels I am terrified
Arc of Spectrum Life is humorous they treat us differently we are all equal
70
OSTEICHTHYES
‘Di Nakapiring ang Hukom sa Langit Tula ni Joriza E. Yabut
Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Sapagkat hindi si Hudas ang tunay na nagkasala nang piliin niya si Caiphas; kung hindi ikaw‌ ikaw na nagbabanal-banalang pumipigil sa pusong sumisigaw nang walang hanggang pag-ibig. Dahil tulad ni Hudas, Nababahag din ang buntot rin ang pusong tunay na tumatangi. Umaatras sa takot na malunod sa doktrina ng mga saksing sinungaling. Patatawarin ba ako kung kukwestyunin ko ang desisyong umibig ng walang kasariang puso?
71
VERTEBRATA
Damdamin sa damdamin… Alalahaning galit ang Berbo sa mapagbalat-kayo; sa mga makasalanang nagbibihis banal. Lason ang doktrinang nagsasabing nakapiring ang Hukom sa Langit. Sapagkat nakikita Niya ang totoong nagpapaimbabaw… naglilinis-linisan… at nagtatago… sa rehas ng relihiyosong nagbabalat-kayo.
Dahil kahit kalian hindi Niya ipinagbawal ang umibig.
72
OSTEICHTHYES
Hubad na Pag-aari Tula ni Rachelle Lyn B. Bongalon Dibuho ni Marc Oliver L. Serrano
Nakita kita. Noong tinapon mo ang laman, at mga sirang damit ng mga gunita sa ibabaw ng hubong katawan. Hinahanap kung sino ka. Dahil hindi maalala ng mga alaala; ang katotohana’y sinusuka ang katotohan’y lulunukin. Sinong bumutas ng mga kalamnan Sa lupang inaangkin? Dugong dumadanak ay titiipirin. Ikaw ang pumatay, ikaw na uuurin. Nakita ka nila. Noong itapon mo ang aking laman, At sirang damit ng mga gunita. Kasama ng aking hubong katawan. Pinapangako kong ako’y babangon, para hanapin ka upang mahanap ko, ako.
73
VERTEBRATA
The Third Child of God Poem by Corrinne S. Mandilag Art by Mark Carlo T. Potal
Honey, you are not a taboo. Episodic amnesia deleted individuality from their memories. Honey, you are not black and white, you are bursting into vividly colours. You are in the right tune, having the purest vibrato. But they heard it wrong, because they don’t know anything about music. You are dancing gracefully, ravishing as Giselle, expressing who you are. But they can’t recognize the beat, because they never appreciate ballet. You are writing passionately, carving the words from your heart. But they never seen your piece as a magnum opus, because they never experienced writer’s block. You are performing proudly, manufacturing the emotions lively. But they only laughed at you, because they can’t differentiate comedy from drama. You are a hyperrealism painter, giving your soul in every canvas. But they see no creativity, because they never been before in museums. Honey, you are not an outcast. Though no one hears your scream. Honey, you are one of his children too. Many are colour blinds for these precious palettes. 74
OSTEICHTHYES
Si Bebot at ang Kanyang Makulay na Palikpik Pabula ni Reden U. Perez Dibuho ni Jeanuel Roger Rendell A. Paje
Noon, sa kalaliman ng kanlurang bahagi ng karagatang Pasipiko matatagpuan ang isang malaking komunidad kung saan nananahan ang pamayanan ng mga isdang may mapupulang hasang, makakapal na kaliskis, at malalaking buntot. Subalit may isang isda ang katang-tangi: may mala-rosas na hasang, maninipis na kaliskis at maliit na buntot; ang batang isada na ito ay si Bebot; Bukod pa rito, mayroong makulay na palikpik si Bebot na higit ding iba mula sa iba pang isda. Sa mga nakalipas na araw ay kapansin-pansin ang
75
katamlayan ng batang isda. Para bang siya ay may sakit na dinaramdam. Kapansin-pansin din na hindi niya kinakausap ang mga kasama sa bahay at madalas na nagkukulong sa lang ito kaniyang kuwarto. Isang araw, napag-isip-isip niyang lumabas ng tahanan at sa kaniyang paglilibot, tulad nang dati, nakatingin sa kaniya ang lahat ng isdang makasalubong niya dahil nga naiiba ang kanyang wangis. Payukong nagpatuloy na lamang si Bebot. Sa kaniyang daan ay nakasalubong niya ang mga kaibigang sina Athan at Ema.
VERTEBRATA
“Magandang umaga, Bebot!” Pagbati sa kaniya ng dalawa. Tumalikod lamang siya at agad na lumangoy papalayo. “Mukhang hindi maganda ang umaga ni Bebot. Ano kaya ang nangyari sa kaniya?” Pagtatakang tanong ni Athan kay Ema. “Oo nga. Hayaan na muna natin siya mag-isa. Mamaya na lamang natin siya kausapin,”sagot ni Ema. Lumipas ang maghapon ngunit hindi na nila nakita pa si Bebot. Lumalim na ang dilim at napagdesisyonan nina Athan at Ema na bukas na lang dalawin si Bebot. Kaya naman kinabukasan, maaga pa lang ay lumangoy na sila si papunta sa bahay ni Bebot. “Sana naman sumama sa atin si Bebot. Matagaltagal na rin natin siyang hindi nakakasama sa hardin. Siya pa man din ang pinakamasaya kapag naglilibot tayo doon,” sabi ni Ema. “Oo nga,” malungkot na tugon naman ni Athan. Bumukas ang pintuan ng bahay ngunit hindi si Bebot ang nakita nila. “Magandang umaga po. Nariyan po ba si Bebot?” Tanong nito kay Mang Haras, ang ama ni Bebot. “Wala siya. Maagang umalis at hindi ko alam kung saan siya nagpunta,” nabuburyong sagot nito. “Sige po. Maraming salamat,” dismayadong tugon ng dalawa. “Ano kayang nangyayari sa kaniya?” Tanong ni Ema kay Athan. “Oo nga! Naaawa na ako sa kanya. Sana makausap na natin siya.” tugon nito. Nang sumunod na araw, sa mas maagang ay nagabang na ang magkaibigan para maabutan si Bebot. Bumukas ang pintuan at gaya ng inaasahan nila ay maagang lumabas si Bebot. Agad nila itong kinausap.
“Magandang umaga Bebot! Ang aga mo ngayon ha. Mukhang may lakad ka ata?” nagagalak na tanong ni Athan. “Oo. Sige mauuna na ako sa inyo.” Mabilis na sagot ni Bebot. “Maari ba kaming sumama sa iyo?” tanong naman ni Ema. “Hindi pwede. Bawal!” Umiiwas na tugon ni Bebot. Iniwan niya ang kaniyang mga kaibigan at lumangoy na papalayo. Sa kanyang paglangoy ay nadaanan niya ang mga inumagang lasing na isda. Nakita pa niyang ngumiti sa kaniya ang dalawa sa mga ito. Dumaan rin siya sa hardin ng komunidad. Bahagya siyang napangiti ngunit agad ding bumalik ang pagkasimangot sa mukha niya. Nagpatuloy si Bebot sa paglangoy hanggang nakarating siya sa isang lumubog na barko sa dulong bahagi ng kanilang lugar. Pumasok siya rito. Dire-diretso siya papasok sa isang kamarote na animo’y kabisado niya ang lugar. Hindi katulad ng ibang mga silid sa barko, ang kamaroteng kaniyang kinaroroonan ay punong-puno ng mga kagamitan. Ito ang naging kuwarto ng mga mahaharlikang sumakay sa barko bago pa ito lumubog ilang daang taon na ang nakalilipas. Umupo siya sa isang gintong upuan na naging trono niya sa ilang araw na pamamalagi rito. Nakaharap sa isang napakalaking salamin na nagpapakita sa kaniya ng kaniyang pagkakaiba sa mga kapwa isda ngunit ito rin ang sumasalim sa kaniyang tunay na kagandahan. Ito ang dahilan ng kanyang malimit na pagkawala. Pinagmamasdan niya lang ang kanyang naiibang wangis. Unti-unti, natatanggap niya sa kanyang sarili ang pagiging iba niya.
76
OSTEICHTHYES
Lingid sa kaniyang kaalaman ay sinundan pala siya ng mga kaibigan niya. “Dito lang pala siya nagpupunta,” wika ni Athan habang nakasilip sa isa sa mga binta ng barko. “Oo nga. Pero pansinin mo, mukha naman siyang masaya rito? Bakit kapag nasa labas siya at kapag nasa bahay nila ay ang lungkot-lungkot niya?” Pagtataka ni Ema. “Ewan. Tara kausapin natin siya para malaman natin.” sagot ni Athan. Agad silang lumangoy papalapit kay Bebot. “Ayos ka lang ba, Bebot?” Tanong ni Ema. “A-anong ginagawa niyo dito?” Gulat na tanong ni Bebot. “Ilang araw ka na kasi naming hindi nakakausap. Napapansin kasi namin na parang may problema ka?” tugon ni Ema. “A-ano kasi eh. Ah…” “Pwede mo naman kaming sabihan tungkol d’yan. Baka pwede ka naming matulungan,” sambit ni Athan. Biglang napaluha ang kakaibang isda. “Dahil sa pagiging iba ko sa inyo lagi akong pinag-iinitan ni Tatay. Lagi akong pinagtitinginan at pinagtatawanan dahil sa itsura ko. Pero mula nang makita ko ang salamin ko sa harap ng salamin na ‘yan; nakita ko ang katangi-tangi kong wangis pero bakit hindi nila ako pinagtatawanan?” Malungkot na paglalahad ni Bebot. “Wala namang mali sa iyo ha. At totoong maganda ka. Masipag. Matalino. Wala ka namang ginagawang mali,” niyakap ni Ema ang kaibigan. “Oo nga. Kaya umuwi ka na. Patunayan mo sa kanila na karapat-dapat kang tanggapin,” dagdag ni Athan. Nagpatuloy ang pag-uusap ng magkakaibigan
77
hanggang sa magdidilim na. Nagpasya nang umuwi ang dalawa ngunit hindi sumama si Bebot. Ilang araw ang lumipas, tanging ang dalawa lamang ang nakakaalam kung saan makikita si Bebot. Si Mang Haras, maging buong komunidad ay naghahanap at nagtataka sa biglang pagkawala ni Bebot. “Athan, Ema, alam niyo ba kung nasaan si Bebot?! Ilang araw na namin siyang hindi umuuwi. Nayayamot na ako!” Galit na tanong ni Mang Haras kay Athan at Ema. “Bakit ngayon ninyo lang siya hinahanap? Dahil may kailangan kayo sa kanya?” Masama ang loob ni Athan sa tatay ng kaibigan. “Nahihirapan na po si Bebot. Ang dai niya na pong sinasakripisyo para sa inyo at para sa ating komundad. Pero ang lagi niyong nakikita ay kung paano siya naiiba.” Umiiyak ang dalawa. Natulala ang tatay ni Bebot. At naisip nito ang lahat ng ginawa ng kanyang anak para sa kanya. “Alam niyo ba kung nasaan siya? Nakikiusap ako sa inyo,” nag-aalalang tanong ni Mang Haras. Agad namang lumangoy ang tatlo para pumunta sa lumubog na barko. “Anak…,” dahan-dahang sinabi ni Mang Haras habang lumalangoy patungo sa kanyang anak. “Anak patawarin mo ako. Hindi ko akalain na ganyan na pala ang nararamdaman mo. Inaamin ko na nagkamali ako. Anak, patawarin mo ako,” maluhaluhang sambit ng ama ni Bebot. Niyakap ni Bebot ang tatay nito at sumama na pauwi sa kanilang tahanan. Tinanggap ni Mang Haras ang katauhan ni Bebot, maging ang buong komunidad nila ay nagbago ang pakikitungo rito. Mula noon, hindi na naging iba sa pamayanan ng mga isda ang mga tulad ni Bebot na may makulay na palikpik.
VERTEBRATA
Artwork by Mark Carlo T. Potal
78
OSTEICHTHYES
Babaeng Marangal Tula ni Ronnie Lyn Dela Cuz Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Uno kasi ang una. Angking katauhan na sa simula’y kloseta; walang halong ka-echosan. Dos na kahit pangalawa; at least ako’y malaya na. Hindi na ako paminta, ready na lagi sa pag-awra. Tres, akala ay tapos na. Ako’y mayroong nakaligtaan sa lipunang mapanghusga kami ay rarampa, lavarn! Kaya mga teh at kya iba ang pagtanggap sa pagtitiis. Gayunpaman, aming ipagsisigawan tao rin kami, akong Babaeng Marangal!
79
VERTEBRATA
Welcome to my Channel Haiku by Ronnie Lyn Dela Cruz Art by Marc Oliver L. Serrano
Foundationfor the cover up of uneven, banished rights. Sheathing people’s truth.
Concealermasking cowardice. Whitening the darkness of a colorful truth.
BronzerA thing that makes me shimmer but not all that shines are genuine. Like my golden façade.
80
OSTEICHTHYES
She's he Contributed Poem by Alvin C. Galang Art by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
He who fought was she who cried. She who loved was he who fell in love. What's mine is her's what's mine is his'. He who wields the sword was she who was stabbed by it. He who drew the rainbow was she who wore it. He who crowned the king was she who crowned the queen. She who cried was he who fought.
81
VERTEBRATA
Hell Alzheimers Contributed Poem by Alvin C. Galang Art by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
7:00 a.m. I forgot it was Monday today I'll be late at school at work. 5:00 p.m. It's Friday today. I need to go home the earliest. 7:01 Today's Monday, Where's everyone? 7:21 a.m. I stood here for too long already Temperature's rising When will the flag be. Friday, 6:60:06 p.m. The sun was set, the last star fell.
82
OSTEICHTHYES
Paradox Haiku by Eduard John Romulo Artworks by Marc Oliver L Serrano
Native Ranger Bare foot on the ground. Conqueror of timberland. Crying for mercy.
Domestic Army Guardian of the veld. Harvesting crops and fishes. Suffering hunger.
Endemic Marine Salted and dark skin. Diving beneath deep blue sea. Preserving culture.
83
VERTEBRATA
Things Kept Hidden Poem by Virginia Mae M. Constante Artwork by Mark Carlo T. Potal
Things kept hidden Are dangerous sometimes, Masking that little color inside Until the dimming of internal lights. Things kept hidden Are bare sometimes, What only matter is what you’re supposed to be And that is something you should be seen. But things kept hidden Can be pretty sometimes, Providing liberty To be someone what we wanted to be. Things kept hidden Should be revealed sometimes, To emerge on surface With burning desire. Things kept hidden, No matter how they tried To shove down our chest, Can find us sometimes. 84
Tatalupan ng mga matatalim na kuko ang nagbabalat-kayong lipunan. Palalayain sa tanikala ang nakagapos na buntot. Bibigyang pangil ang mapurol na hustisya. Magsisilbing boses ng masa.
REPTALIA Karunungang hahasa sa ginahasang sistema Ipasasaksi sa makabagong henerasyon ang pagbabagong anyo; kakaliskisan.
REPTILIA
Kabanata 4
Reptilia Sa huwad na konsepto ng pagkilala sa bagong silang- saksi sa pag-alala. Pang-aalipin ng rehimeng pasista tatapusin sa tuldok—mariing tinta. Sa ‘yong matalas, kritikong pagninilay, sa ‘yong marahan, banayad na pag-aalay, sa ‘yong makamandag, matapang na bibig at sa walang hanggang, wagas na pag-ibig. Ikumpisal ang pagtikom sa katotohanan, paglaban tungong hustisya’t katarungan. Pagpupugay sa mapagpalayang lahi ng Reptalia; ginhawa’y ihahatid, biyaya ng hiraya.
Nang Dumupikal ang Huni ng mga Hunyango Sanaysay ni Cris Pearl G. Rivera Dibuho ni Joshua R. Escaño
Tunay ngang isang mabalasik na gubat ang ating lipunan. Nagbabago ang takbo ng lipunan, kasabay nito ang pag-usbong ng mga makabagong henerasyong patuloy na nakikibaka sa siklo ng magkapanabay na mga sangay-sangay na problema at pag-unlad ng ating bansa. Bagaman hindi maitatanggi ang matabang na pananaw ng mga tradisyonal na matatanda sa mga kabataan sa bansang tulad ng Pilipinas, hindi nito kailanman masisindak ang itinuturing na saligan ng kinabukasan ni Inang Bayan. Sa gitna ng mga nagduduruang daliri sa matataas
na kapulungan, naririyan ang mga sibol ng ating lipunang nagsusumikap imulat ang kanilang sarili sa reyalidad. Ngunit, dahil na rin sa nakagawian ng mga Pilipino, ang pagganti o pagsalungat sa pananaw ng mga nakatatanda, nakatataas, at mas may pinag-aralan ay isang deskripsyon na pagpapakita ng kawalan ng pagkilala o respeto na siya mismong nagiging hadlang upang ipamalas ng mga kabataan ang kanilang paninindigan sa mga isyung kinakaharap lipunan. Hindi lamang iisa ang lilom ng kulay sa lipunan, gaya ng hindi lamang iisang sektor ang bumubuo sa salitang ‘karamihan’. Buhat dito, hindi rin dapat
VERTEBRATA
asahan ng ibang miyembro ng lipunan na magiging sunud-sunuran lamang ang kabataan sa kanilang mga opinyon at desisyon. Lingid sa kaalaman ng iba, hindi umaayon ang kulay ng hunyango sa kung ano ang nasa paligid nito. Madalas, ito ay salungat sa nangingibabaw na kulay ng paligid. Ngunit sa isang banda, bagama’t taliwas, ito ay tumitimpla at bumabalanse sa kaligiran ng tanawin. Kalimitang sumisinyales ang paghahayag ng sarisaring klase ng kulay hindi dahil sa pagsang-ayon sa mayorya, ngunit ito ay nagpapahiwatig sa paglalahad ng paalala o maaari ring paghingi ng atensyon sa madla. Subalit, bilang mga kabataang usbong ng sambayanan, sila rin ang may responsibilidad sa pagbuo at pagpili ng kulay na kanilang igagayak bilang isang indibidwal ng lipunan. Matingkad, makisig, may paninindigan, totoo, at hindi bastabasta nasasamsam ng iba. Sa kabilang banda, hindi rin naman natin maitatanggi ang mga nakaka-alarmang paglobo ng mga kabataang nasasangkot sa iba’t-ibang klase ng krimen, at illegal na mga gawain. Ito ay isang patotoo ng alterasyon ng ating henerasyon. Mas dumarami at napapadalas na rin ang mga grupo ng kabataang nagkikilos-protesta sa Mendiola, o sa kahit na saan mang lupalop ng bansa, nakikibaka para sa kanilang mga paniniwala laban sa gobyerno, at laban sa pangambang na nai-itsapwera na ang boses ng kabataan. Nandidiyaan na rin ang mga nalululong sa droga, na sa kamakalawang araw ay nakahandusay na lamang sa isang eskinita. Mga nagrarambolan sa mga kanto-kanto. Nagsisigarilyo’t nagtutunggaan sa mga kanto-kanto. Nakabubuntis, at nabubuntis sa edad na labing-tatlo o ang iba nama’y nag-iiwan ng
hindi pa naisisilang na sanggol sa kung saan mang pampublikong inidoro. Hindi rin naman sila perpekto. Siguro ay sa tamang pagtrato, at matiwasay na pakikipag-ugnayan sa nais ipahayag ng mga kabataan, marahil, maiiwasan ang bayolenteng pagtataboy sa kanilang mga pinaglalaban, at mga ekstrahudisyal na pagpatay ng mga aktibistang patuloy ang pagwagayway ng pulang bandila at pagsumamo sa kalsadang ang tanging tanggi ay mga matang mapanghusga, basag na mga bote, at nangangalit na tubig na para sana sa pag-apula ng apoy na sumisira sa mga tahanan ng Pilipino. Pula ang likidong dumadaloy sa kanila, gayon din naman ang sa iba. Ngunit ang mga kabataang hindi tanggap ng lipunan ay may mga malalamig na dugong uhaw sa kalinga. Maaaring may ilan ang hindi magagawang buksan ang kanilang isipan sa pananaw na pinaglalaban ng mga kabataan, na siguro sa kanilang mga mata’y mga walang saysay na bulalas lamang ang pagsigaw sa mga lansangan patungkol sa mga hindi makatwirang pagkamatay, paglabag sa karapatang pantao, pagtaas ng bilihin, kawalan ng trabaho, at pagkaltas ng badyet ng mga pampublikong unibersidad at kolehiyo. Pero mas naniniwala silang mas marami pa rin ang may mga kakayahang buksan ang kanilang mga isipan, at unawain ang nais nilang mapakinggan ng mga nakatataas na nagbibingihan. Madalang man silang dinggin ngunit ang kanilang hinaing sa lipunan na ang tingin sa pagsuko ay pag-unlad habang ang paglaban ay paglipol, ang magsisilbing haligi sa kinabukasang sila ang magpipinta’t lilikha.
REPTILIA
Walang Paalam Tula ni Alexis T. Sangalang Dibuho ni Jeremiah R. EscaĂąo
Hindi tiyak, Kung kalian at saan. Kung ano o sa papaanong paraan, Hihinto ang alab na nagsasayaw sa kalooban. Maaaring bukas, Gamit ang pitong basyo at isang bala. Papaikutin ko ang roleta, At magsisimula sa gatilyo ang mitsa. Walang maririnig na tunog, Kundi ang sigaw ng naghihingalong puso. Pwede rin sa makalawa, Gamit naman ang lanseta. Dahan-dahan kong puputulin ang mga sanga, Sanga na nagdudugtong sa bawat paghinga. Walang ibang makikita, Kung hindi ang luha ng inang umaruga at nagluluksa. At huli naman ay pluma. Iguguhit ko sa buo kong katawan, Ang parusang walang hanggan. Buhay ako, ngunit patay sa kaibuturan. Pagkatapos ay bigkisin ninyo ako, Sa himlayan ng mga haling ang kalamnan Ngunit walang iimik. Walang iiyak. Dahil hindi ito pamamaalam. Kung hindi isang liham, Paanyaya upang lumaban at maging matapang.
91
VERTEBRATA
Unwavered Daunt Poem by Kurt Hanz Rafael Art by Jan Jobert C. Cortez
Fearlessly unbudging unjust splashes In the stream that flows along gulf blow Knowing no bounds and pressure. . . letting race Gearing in fuzzy, untoward cascade As sharp as fang, as dashing as instinct Good enough to crunch. . . wilder than ever Berserk of the flock, no holdback of it Ready to blitz, surely to bout and take Aroused from beast of unshattered silence Still embraced to chain grit and boldness.
92
REPTILIA
Huling Henerasyon Sanaysay ni Rachelle Lyn B. Bongalon Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Huling letra ng alpabeto. Palaging nasa dulo, madalas hindi nagagamit, hindi gaanong kilala. Mahirap isingit, dahil palaging walang espasyo ang mga salita para sa akin. Ngunit ako ang napiling simbolo ng henerasyong ito. Nakaburda sa aking balat ang mga kataga, katagang masakit habang inuukit. Wala akong espasyo sa salitang respeto, maging sa kalaliman ng isip ay nalimutan akong ihayag. Sa henerasyon puno ng pabilisan at pataasan, nandito ako, nakaupo sa dulo. Sa mundo ng digital, nilalamon ang oras, nauubos. Nalimutan din akong isingit sa salitang pasensya at tiyaga ngunit magkikita tayo sa salitang ingles ng tamad. Sa henerasyong lahat hinihusgahan, walang tama, nakapupupot ang sumingit sa salitang naglalarawan ng totoo. Katotohaanang masakit marinig, mahirap lunukin. Bakit ako ang napili, gayong ang akin katawan ay puno ng liko, at ang pagbaybay sa akin ay maaari mong ikaligaw. Bakit hindi ang mga tuwid na letra? Upang makatagpo ng diretso sa kung saan may isang destinasyon, hindi tulad ko na wala na raw patutunguhan. A! Basta. Sa kabila ng lahat ng ito, sa lahat ng nalaman mo, ako pa rin ang simbolo ng henerasyong ito. Ang simbolo ng nakalimutan ngunit mahalagang titik. Dahil ako ang pag-asa. Kumapit ka’t maniwala. Ako ang pag-asang bubuhay ng hinaharap. ...Dahil ako ang mauuna sa oras na pagbaliktarin mo ang pagkakasunod-sunod ng mga letra.
93
VERTEBRATA
Banal na Trinidad Mga Haiku ni Albert T. Pangilinan Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Ama Sa ngalan niya; akala ko sapat na-Ako, bilang bayad.
Anak Isinugo ba ang sarili mong buhay? Bunso, patawad.
Espiritu Santo Mali ang sagot. ‘Amen,’ ang nararapat; Hindi ang punglo.
94
REPTILIA
Memento Mori Short story by Corrinne S. Mandilag Artwork by Mark Carlo T. Potal
There are only two things in this world that is destined to happen: the day you were born and the day you will die. I have this train of thought in my mind, the day you decided to die is not going to happen whatever the scenario is unless, death scythe is hunting you down. Some people weren’t lucky enough to rendezvous death in a horrifying way. What more about this is, people irrationally think that our life span is base in circumstances. If you are wealthy but sick, you can go pay for your medications until your recovery. You can initially think that social status provided life extensions. But what about the poor? Did their God abandoned them? People are people. I am not the one who will dictate their ends but there is a probability that one day, I can be their way to meet death face to face. In
95
a clutch of a shotgun, who will decide? The justice, the law, my bare hands, or their almighty God? I am a policeman, but above all of that, I am a father. But Lady Luck was not in my favour, she took away the most precious things in my life. I can still vividly remember, midnight last year, I can’t wait to share my elevated mood to her. Overtime in work place, my colleagues and I celebrated my promotion. From Senior Police Officer I to Senior Police Officer II. I gasped with relief as I entered our small house. Our dearest Kiona was in deep sleep as the ambiance of our small living room comforts her. My wife and this two-year-old angel is the inspiration of this hard work. As I kissed my daughter’s forehead, I called out my wife by her name.
VERTEBRATA
“Erica, mahal. I’m here. Erica? I have good news!” I got zero response, that’s why I decided to enter our bedroom. Is she doing the laundry at this hour? Her undergarments are all lying on the floor. But what surprised me is when I saw a tie. I don’t remember myself wearing a navy blue one. My heart suddenly goes in palpitation. If this is anger, I want to feel it until I regain my senses. Erica finally noticed my presence without a word. Guilt was written all over her face. Regret for his husband for knowing the truth. It is like a theatre play in slow motion. I saw the man behind her standing, but I can’t recognize his face. The light coming from the mini lamp was not enough to illuminate the whole room. But if the invisible string will connect our paths again, I can easily recognize him, for there was a detailed tattooed skull on his right arm. It will be stored in my memory forever. I want to punch his face so badly, stab him if only I could. But I remembered my daughter. Ruckus will be a disturbance for her sleeping hours. Without a word, I left my home, feeling so alone, devastated, betrayed, for the woman I love the most committed infidelity. She took my daughter away and never called me again, probably busy pouring all her love to that darn man. Wearing a suit does not make him a decent man. Looks can be deceiving. Who knows if his a con artist, a serial killer, or maybe a drug lord. Hope to meet this snake in the near future to skin him alive. That is why I became stronger today, the past doesn’t define you but the future will. I diverted all my attention in this field. All folks in our office are clad with blue uniforms, getting ready for another
anti-illegal drug operation. ”I know this place, some of the people living there may not look like criminals and cannot commit bad deeds. Their decent looks serve to disguise their involvement in illegal drugs but I guarantee, it will be a piece of cake for us.” Madriaga said with enthusiasm as if we are going to finish the operation swiftly despite having 14 target people on our list. “Why are we worrying so much about this?” Dela Fuente butted in. “Surely, all of us are capable in fabricating the evidences. Forget human rights. Our tactics will make them guilty proving they deserved to be punished. Come on, we’re doing this for quite so long.” He added. I remained silent. There is nothing extraordinary about this. A deadly ruthless campaign against illegal drugs is all part of our work. “Heads-up everyone!” Lieutenant Montecillo uttered as he entered the precinct. “Do we have something to discuss about?” A sudden smile flashed on his face. “I know, I know. All of you are capable enough. Just load your guns with courage and dedication. Let’s make it quickly as we can so we can call it a day. Remember it is our duty right? Okay. Shall we start now? “All eyes on him, “Yes Sir!”. All cops responded in unison. Another combat in drug war has begun. We don’t need rain for this day but the dark clouds disagreed. Slippery road can’t stop us. From one peddler, two peddlers, three, four, and so on. How many cold cadavers are now lying on a cold hard ground? Ah, 13 out of 14. Where is the last one? “There he is!” Madriaga shouted. The four cops
96
REPTILIA
including me are now hastily running in same direction, chasing the peddler. This heavy rain gave us a sinister aura tailing this pusher. My eyes widened in shock as I accidentally darted my gazes on his right arm. I know this man from last year, a familiar scent. That skull tattoo! “Let me handle this!” I said it with full authority. My colleagues gave me a go-ahead-make-your-day look, that’s why I run as fast as I can. Closer, closer, I can hear his breath! That skull tattoo becoming aesthetically pleasing. He then stopped, raising his hands in an average level showing his face finally and his invisible white flag. It is a dead end for my arch nemesis. He is now cornered by us! “Go run away! They are here! Don’t worry about me I’m fine!” He knocked on the door shouting. Ah so this is his house. I pointed the gun towards him. All I have to do is pull the trigger and then voila! 14 cold cadavers, mission accomplished. ”Sebastian? What are you waiting for?” Dela Fuente cheered me up with a grin. I nodded bringing back my gazes on this darn man remembering that night. His hands are shaking, obviously he is in the verge of his death. One, this is your fate. Two, I’ll kill you because you resisted arrest and fought back. “Papa pa-!” Three! Multiple gunshots echoed in place one by one. Thunder and lightning made the scenario gloomier. Picture perfect. “Sebastian stop, stop! I said stop!” Lieutenant Montecillo’s loud voice snapped me from firing the gun. What’s wrong with him? “It’s a kid! It’s his daughter!” I stopped as he commanded catching my breath. I blinked for a couple of times until
97
I regained my senses. What the hell on Earth is happening? My foe is still alive? He’s holding something. His daughter? Did he just said--? Erica, its Erica’s voice? Is she crying? “Kiona! Kionaaaa” The cold runs through my spine. I found myself looking at the melancholic scenario I just made in the blink of an eye. Is this really happening? Can please somebody wake me up? Why I didn’t notice it earlier? It was my daughter, Kiona. I killed her! I killed her because I love my job. No, that freaking man! It was his fault. My beloved Kiona, she’s too young and innocent. Behind a man who I’m aiming my bullet to, was a view of an excited child. She heard all the noises coming from the outside. She attempted to hug him from the back. It is supposed to be the sweetest warm hug but it turned out to be the hug of betrayal. How dare he used my daughter to run away from his end? A shield? My daughter even called him “Papa”, that should be me. I killed her with these bare hands. Is this the saying the end always justify the means? No, it can’t be. A year ago I saw this man, never thought, that heart-breaking scene was a warning. An omen disguised as vanity now make sense. Am I to be blamed? I failed to prevent worse things from happening. The reality strike, that the fate of the people is not written in my hand, not mine to conclude. I turned a blind eye for this temporary mortal power. Humans own their future and I have no rights to interfere. I was playing the role of being numb and dumb at the same time. To the man who betrayed my wife and daughter, remember that you will die. I am a policeman, but above all of that, I am a father.
VERTEBRATA
Hiyaw at Katarungan Tula ni John Robin S. Abejar Dibuho ni Jan Jobert C. Cortez
Doon sa labas, Ng pambansang batasan May inang naghehele Anak na nagpapalahaw ng iyak Kasabay ng mga sigawan “Itigil ang patayan.�
98
REPTILIA
Nang dumalo sa pistang Maynila si Hesus Dagling ibinahagi ni Exstashe Dibuho ni Jan Jobert C. Cortez
99
VERTEBRATA
Pasado ala singko ng umaga na ako nagising. Nakalimutan kong ngayon nga pala kami luluwas pa-Maynila. “Pa, gising na. Pupunta tayong Maynila ‘di ba?” bungad sa’kin ng bunso kong anak. Inayos na pala ni Hesus ang mga gamit ko bago pa man humalik ang liwanag ng araw sa balat naming nagbubukod mula sa iba. Wala talaga akong balak na isama si Hesus sa Maynila. Pero, wala na akong nagawa. Sisiguraduhin ko na lamang na hindi kami masyadong magpapakapagod mamaya. Ang mahalaga, naipakita ko sa aking mga kasamahan ang suporta ko. Manghang-mangha ang bunso kong anak sa ingay ng siyudad. Para bang halimuyak ng bulaklak kung singhutin niya ang usok ng mga sasakyan; para din bang nakalimutan niya ang katayugan ng mga puno sa amin kung tingalain niya ang mga gusali sa paligid. Nagsimula ng dumagundong ang musikang ni minsa’y di pa naririnig ni Hesus sa kabundukan. Unang tiyempo pa lamang ng ‘di pamilyar na tunog ay nakuha kaagad nito ang atensyon ni Hesus. Sa kumpas ng tunog, ninakaw kaagad nito ang mata ng anak ko palayo sa mga gusali. Napayakap sa akin si Hesus at hindi mapakali. Hindi niya alam kung saan pa siya titingin sapagkat nagsabaysabay na ang mga pangyayaring ngayon niya lang naranasan. Nagugulumihanan siya sa klase ng pistang dinaluhan namin. Nasa gilid lamang kami habang pinapanood kung paano makipagsayaw ang mga kasama namin sa mga taga-siyudad sa kabilang ng pagal nilang katawan dahil sa byahe, sa pakikibaka. Nag-iba ang musika ng kapistahan sa hudyat ng isang malakas ng tunog. Hinele nito si Hesus na kanina pa nagugulumihanan sa nangyayari. Hindi ko maipaliwanag ang pagod na ipinutong sa akin ng Maynila. Kinagabihan, buhat-buhat ko si Hesus papauwi sa amin, habang hiram-hiram ko ang langit.
100
REPTILIA
Amidst Awareness Poem by Ciara Catherine Gache Artwork by Mark Carlo T. Potal
I care not for the idle state, of how dawdling the country drowns While I envy others’ fleet and hasty plan that flown. I care not on the absence of notion and of vast banter opposition. While I crave for higher attention and their befitting proposition. I care not of todays’ rotten generation and of myself goofing decisions. While I have seen myself aloof and terrified of an ever ceaseless aftermath. I care not for a lullaby, on this lifelong debacle. For a while, save me; on my ocean of ambiguities.
101
VERTEBRATA
Nang Minsang Nanghamak Ang Anak Ko Tula ni John Carlo D. Cayanan Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Nang minsang nanghamak ang anak ko, randam ko ang bawat poot sa pantig na bumabaybay sa kanyang bibig. Nang minsang nanghamak ang anak ko, nanunuot ang pangngutya niya sa bawat kay liit na detalyeng ng kaisipan, ng pamantayang pinipilit. Nang minsang nanghamak ang anak ko, nanlilisik ang kanyang matang pulang-pula sa galit, sa poot ng hindi natin pag-alala. Nang minsang nanghamak ang anak ko... nang minsang iyon... laban sa pasismo... ...punglo ang naging bertud sa pag-asam niya ng kalayaan.
102
REPTILIA
Art by Joshua R. Escaño
103
VERTEBRATA
Ang Napili Mga Tanka ni Corrinne S. Mandilag Dibuho ni Joshua R. EscaĂąo
Antagonista Lumalagablab, damdaming nagngangalit. Parurusahan, pagal na kaluluwa. Karit ni Kamatayan. Lunan Gabing malalim, rinig mga alulong. Heto na sila! Mga mahihiwaga, hipnotismo ang bala. Protagonista Ang mandirigma sa dugo’y dumadaloy. Tapang at lakas, lunas sa epidemya. Siya ang magwawagi. 104
REPTILIA
Basilisk Poem by Hannah C. Haber Art by Joshua R. EscaĂąo
We, the most voracious monsters of this age.
Hunters, blinded us with spears and arrows. Fooling themselves that they won.
Fatal are these eyes to those who dare to stare.
But our tongues are branching‌
Petrified they have become, even with just a glare. Yet, our greatest weapon becomes our debilitation.
Bloody hands are always fragrant to our noses.
VERTEBRATA
Cold Within Poem by Krame Archel Lulu Art by Mark Carlo T. Potal
Hanging at the verge of a strange madness chilling throughout the days of agony Cursed with an inevitable sadness Chained in this unfortunate destiny Wondering why can’t I with this battle Shattered by this miserable existence hoping all will eventually settle But it seems like a decisive sentence Veiled by darkness and deafening silence It feels lighter as the cut goes deeper Felling my very own malevolence Seeking for salvation as I whimper I’m wishing for your complete acceptance Not for any belated repentance
106
REPTILIA
107
VERTEBRATA
Silent Comics by Joshua R. Escaño
108
REPTILIA
I Dare You Poem by Ciara Catherine Gache Artwork by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
I dare not ask for internet connection, nor buy a latest phone. So as to look for flappy fashion, nor wear an icy cotton. I dare not to share what I ought, nor click the posted link. So as not to watch a movie, nor be a critic dreadfully. I dare not to stay in cities, nor wander on skyscraper. So as not to order at known restaurants, nor eat on a fast food chain. I dare not to ride on my fancy car, nor buy another one. So as not to live my night life, nor drink a bottle of wine. I dare for a while, lest having this or that, have done or not. I might grow proud at once.
109
VERTEBRATA
Art by Joshua R. Escaño
110
REPTILIA
111
VERTEBRATA
Breaking Through the Scale Contributed Poem by Gervais Artworkby Mark Carlo T. Potal
Wandering through the deepest forest. And longing to find the light. You are walking on ice cold trail Freezing your heart, loosing its fight. "Am I on the right journey?" You ask yourself. Waiting for the woods To response. And the wilderness To care. "Am I doing this right? Or am I doing the wrong, right?" Uncertainly your pace gradually slows. And realized that the deeper you go The darker the path gets.
To expand your horizon. "It is right to leave." A voice within said. And another foot steps Begin to echo Steps going back. At that moment You've felt a warm relief. By embracing the choice Of starting a new path. Because breaking the scale Is not a manifestation of defeat But a sign of another quest For a higher fight.
Devoured into complete silence, Your step stops And finally learns How to end the expedition On the middle. And go back To where you've started To explore a new forest.
112
REPTILIA
Colorless Voyager Contributed Poem by Gervais Artwork by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
I am sorry, My lonely little one. You've sufferd enough From this shadow realms Of deceptions and negativity, Aand of false hopes And uncertainties. You are growing. You deserve to bloom. You deserve to witness. The vast region of the sea. And explore the journey it can give. You have that power. That must prevail. But I am deeply sorry Because your kingdom encaged you From the meaning. And the true color Of the ocean. The water has vibrant colors
113
VERTEBRATA
Hanggang sa Mapaos Tulang ibinahagi ni Extashe Dibuho ni Jan Jobert C. Cortez
Sinubok mong baliin ang suhay At tinangkang bahiran ng dungis at kulay. Binali mo ang iyong buto At nangahas na gumuhit ng kaalyansa’t katoto. Binilog niyo ang ulo ng mga obrero. Subalit muling tumayo ang suhay Na minsa’y sinubukan niyong ibaon sa hukay Sutil ang mapigil sa paghagkis Taksil ang mga tumalikod at nagwaglit At lintik ang mga pumikit at nakiawit Sa mga siniklot na pangako’t halik Hayaan mong pahirin ng aming laway Ang naaagnas mong mukha’t Baka sakaling muling kainin ng Mga tumakas niyong laman ang Nangingitim niyong buto.
114
REPTILIA
Voiceless Sonnet by Karme Archel A. Lulu Art by Mark Carlo T. Potal
Shackled in an era of delusion, Restrained in an irrational conviction. Where being heard is just an illusion, For the youths in this unbalanced nation. Oppressing the young minds right to express. A scenario that is terrifying Thinking they are just trying to impress, But their words are truly enlightening. Bounded by this absolute deception, Prohibited to see reality, Forbidden to voice-out their perception, In the fading sense of sovereignty. We just wish someone would truly listen. But it seems that we have been forgotten.
115
VERTEBRATA
Art by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
116
MAMMALIA Kalung-kalong ang mundo. Pinasuso ng kaalaman ang kaanak-anakan. Isipang pinagtibay ng sitwasyon, Balat na pinakapal ng karanasan. Tatanawin ang hinahangad na hinaharap. Nakalambitin ang nangangawit na kamay sa hukay.
Tatanawin ang hinahangad na hinaharap. Nakalambitin ang nangangawit na kamay sa hukay.
Kabanata 5
Mammalia Sa lunan na tinalupan ng liwanag upang maghari ang dilim, may mga nilalang na bukod tangi. Kung saan ang sakripisyo ay palasak na sa kanilang bokabularyo. ‘Pagkat lahing Mammalia ang nagpasuso ng karunungan sa sambayanan. Sa purong gatas binasbasan ang bawat angkan. Sa salamin ng tainga dumadampi ang mga panaghoy, na walang sawang pinapatahan ng mga maiinit nitong balahibo. Sa katubigan ay ‘di magagapi ng agos. Sa himpapawid ay ‘di madaraig ng unos. Namumuno sa Daigdig ng lubos. Nabuhay upang magbigay buhay. Ginawa upang gumawa.
Suso ng buhay Sanaysay ni Ma. Clerriza O. Tagao Dibuho ni Joshua R. Escaño
Buhay ang dumadaloy sa suso. At buhay ang dapat unang humalik sa bagong silang na labi. Mataas ang tingin ng siyensya sa lahi ng Mammals, dahil bukod sa natural na talino ng mga hayop na napapabilang dito; ito rin ang lahing kinabibilangan nating mga tao. May mga katangian kasi tayo na higit ang kaibihan mula sa iba pang lipi ng kahayupan. Ilan na dito ang pagiging mabalahibo natin o furry sa wikang Ingles, ang kakayahan na magluwal ng supling na higit na
lihis sa kakayahan ng iba pang lahi na madalas ay pangingitlog ang paraan ng panganganak at ang pinanggalingan ng pangalan ng ating klasipikasyon; ang mammary gland na nagbibigay kakayahan sa mga ina na sustensyuhan ang pangangailangan sa nutrisyon ng kanyang anak sa mga unang yugto ng buhay niyo, sa pamamagitan ng pagpapasuso. Higit din ang pagpapahalaga ng lipi Mammalia sa kani-kanilang mga pamilya- na hindi naman nalalayo sa kung paano natin mahalin ang ating mga
kaanak. Sa ideya na ito, mas maiintindihan natin ang tunay na layunin ng mga salitang ‘responsibilidad’ at ‘sakripisyo’. Sa tipikal na set up ng isang ordinaryong pamilyang Pilipino, karaniwan na ang haligi ng tahanan ang naghahanap-buhay para sa kanyang pamilya. Subalit sa pagdaan ng panahon, panahon kung saan tinutuldukan na natin ang stereotype na kaisipin, pantay na ang ibinibigay nating opotunidad para sa parehong sekwalidad- babae at lalaki. Dito, maging ang mga ilaw ng tahanan ay maaari ng maghanap-buhay. Subalit sa humihirap na antas ng pamumuhay ng mga Pilipino, maging ang mga anak na nararapat sana’y pumapasok sa eskwelahan ay napipilitang pagsabayin ang edukasyon at ang trabaho. At ito ang kahulugan ng ‘responsibilidad’ at ‘sakripisyo’. Ang walang pagod na paglilingkod ng mga kontrakwal, mga Overseas Filipino Workers (OFW), mga manggagawa at kung sino pang naglilingkod upang mapakain nang higit sa tatlong beses sa isang araw ang kanilang pamilya. Gaya ng buhay ng mga Mammals sa na kagubatan, katakot-takot din na panganib mula sa mga mapang-alipin na amo ang naghihintay para sa ating mga manggagawa. Una na dito ang ‘di nakakabuhay na sahod ng ating lakas-paggawa. Sa kabila ng kanilang maghapong pagbabanat ng buto, wala silang kakayahang mapakain nang higit sa tatlong beses ang kanilang pamilya. Samahan pa; na ang ilan sa ating mga mangagawa ay kontrakwal lamang- na pagkatapos ang ilang buwan ay mapipilitan silang umalis at muli ay maghanap ng trabaho. Kaya naman
marami sa kanila ay walang benipisyong aasahan sa oras ng pangangailangan. Dagdag pa rito, ang ‘di makataong pakikitungo ng ilan (kasama ang mga nakaluklok sa pwesto) sa ating sektor ng paggawa. Nariyan ang kanilang ilang pahayag na sumasalim sa kanilang mababang pagtingin sa ilang propesyon gaya ng Nars. Isama pa natin ang pang-aagrabyado ng ilang naghaharing-uri sa ating mga guro na ating kinamulatan bilang ating mga pangalawang ina. At ang ating mga modernong bayani—ang mga OFW natin na patuloy ang pakikipagsapalaran sa ibang bayan bagaman kaliwa’t kanan ang mga isyu tungkol sa mga pangmamaltrato at pang-aalipustang ginagawa sa ating iba pang kababayan. Ang gantong kapit-patalim na pangingibang-bayan ay bunga ng kawalang trabaho at mababang pagpapasahod sa ating bansa. Kaya naman pikit-matang iniisang tabi ng ating mga mahal na kababayan ang kanilang takot, mabigyan laman ng kinabukasan ang kanilang pamilya. Tulad ng mga Mammalia, mataas ang tingin natin sa konsepto ng mag-anak. At tulad nilang patuloy na pinapasuso ang kani-kanilang mga supling, gayundin ang walang hanggang pagtitiis at pagsa-sakripisyo ng ating mga manggagawa upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya—primaryo; ang pangangailangan sa pagkain at pangtustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak. At walang sinumang makapagdidikta sa isang pusong ang pamilya ang pangunahin dahilan ng kanyang paggawa. Magpapatuloy ang pagdaloy ng biyaya ng suso; hangga’t may sanggol na umiiyak para rito.
MAMMALIA
Dance of Deception Poem by Corrinne S. Mandilag
Art by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
Goats were clad under the sheepskin, dancing in deception. Manifesto is not their twin. Another term, another suspended animation.
Hellish life critic. Presenting false aphorisms. Chanting--it is democratic. Justice and freedom in buried nationalism. Belladonna’s flare. Hallucinated political visions. Chasm of despair. Rotten aspiration. Five orange pips from your countrymen. Change has finally come. Not an amen but an omen. You failed to succumb.
123
VERTEBRATA
Mulagat Poem by Cris Pearl G. Rivera Art by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
Walang sukat… Ang timbang ng hirap. Hinahagkan ng isang libong dangkal na katawan. Isang salok… Buto’t balat na kumakaluskos sa dilim. Hindi binigyang pansin naglaho sa takip-silim. Dalawang metro… Kung sa pagtatago’y magaling. Sa umagang bulag sa liwanag gabing mulat sa bukas. Tatlong lipi… Sa alinmang pulo hayaang maghari hindi ang mga tuso.
124
MAMMALIA
Kung Bakit Malungkot ang Huni ng Sirena Dagli ni John Robin S. Abejar Dibuho by Mark Carlo T. Potal
Ala singko na ng hapon, naghihintay na lamang kami ng huni ng sirena, hudyat na palabas na ng opisina si Papa. Sobrang saya ko noong araw na iyon dahil ang sabi niya mamamasyal daw kami. Para sa akin si Papa ang pinakamasipag
125
na tao. Pagkatapos kasi niyang magtrabaho, lalabas siyang muli sa dis oras ng gabi para mamasada. Ganoon siya kadeterminado na itaguyod ang aming pamilya. Siya ang pinakamatatag na haligi ng pamilya. Kapag sumapit umaga, inihahatid pa niya
VERTEBRATA
kami sa klase para matiyak na ligtas kaming makakapasok. Sa hapon naman, si Mama ang sumusundo sa amin dahil nasa trabaho pa si Papa. Lagari siya kung magtrabaho. Ayaw niyang natetengga lamang sa bahay at maghihintay ng mga darating na biyaya kumbaga, hindi siya katulad ng iba na parang sumasabay lang sa alon ng buhay. Hindi niya gawi ang umasa na lamang sa mga kakarampot na barya na nanggagaling sa limos. Parati siyang gumagawa ng paraan upang kumita ng pera. Isang umaga nakangiti sa amin si Papa at sinabing lalabas daw kami pagkatapos niya sa trabaho. Masaya ang kanyang mukha ngunit parang nanghahapo, naghahabol nanaman ng hininga. Ewan ba, kung bakit hindi niya ang bisyo niya sa paninigarilyo gayo’y madalas na siyang nakakaramdam ng panghahapo. “Papa may sakit ka po ba?” sambit ko sa kaniya. “Bakit ako magkakasakit? E napakalakas ng pangangatawan ko.” sagot niya naman habang nagmamala-macho kahit na ang payat payat naman ng pangangatawan niya. Pagpasok ko pa lamang sa school gusto
ko na kaagad umuwi dahil sabik na sabik na akong makagala at makapaglaro. Bagong gala, bagong laruan. At sobrang saya ko kapag kumakain kami sa labas. Kapag kauwi ko sa bahay ay dali dali akong nagpalit ng damit na panglakad. Suot ko iyung paborito kong damit na binili ni Papa. May biglang tumawag kay Mama sa telepono at pinapapunta siya sa opisina ni Papa. “Bilisan ninyong maggayak, pupunta na tayo kay Papa niyo.” Mahinahon niyang sabi sa amin ngunit hindi niya maitago na aligaga siya. Nagtaka ako kasi masiyado pang maaga at hindi naman kaagad makakalabas si Papa. Pero hindi na ako nag-isip ng kung anu-ano kasi sobrang excited na akong lumabas at maglaro. Ala singko na ng hapon, naghihintay na lamang kami ng huni ng sirena, hudyat na papalabas na si Papa ng opisina. Ngunit sa pagkakataong ito, ibang huni ng sirena ang aming narinig. Malungkot at tila ba nagmamadali.
126
MAMMALIA
Elehiya Para Kay Papa Elehiya ni Corrinne S. Mandilag Dibuho ni Jan Jobert C. Cortez
Kung pumanaw ka sa pangungulila sa amin, nabubuhay ako ngayon sa pagsisisi. Lumisan ka, sa murang pag-iisip kami’y tinakasan. Sa telepeno’y pinangako kami ay babalikan. Hindi kita nakausap kailanman, nakagugulat sa atin ika’y umuwi. ‘Yon nga lang, sa anyo ng isang paru-paro. Anong silbi ng mga bulaklak na malalanta? Ng mga luhang matutuyo? Hindi ako makapagbase sa mga ala-ala, sapagkat wala naman tayong nahabi bilang mag-ama. Kung kamatayan ang tunay na katapusan, bakit hindi pa rin matapos itong sakit? Patawad kung hindi kita pinatawad. Hindi kita kinausap man lang noong may pagkakataon pa. Sa mga oras na kinamumuhian kita, hindi ko lang maamin na naiinggit ako sa iba. Gusto ko lang magkaroon ng isang ama noon. Ngunit ngayon, gusto kong maging mabuting anak kahit ang puntod mo na ang saksi. Pinagtagpo tayo ngunit sa pagitan ng salamin. Sa apoy ng kandila nag-alab ang sitwasyon. Taliwas sa maramot na tadhana, mapagbigay kang tao, narinig ko sa burol mo. Kamukhang-kamukha ka nga raw naming magkapatid. Gising na, ayaw mo bang makita? Ito ang una at huling beses na nagkita tayo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Ang hantungan mo ang kanlungan ng puso kong naghihinagpis. Gusto pa kitang makasama. Ang mga kamay ng orasan ay nasa maling direksyon, bakit hindi ko ba tinama.
127
VERTEBRATA
128
MAMMALIA
Huni ng Pamamaalam Tula ni John Carlo D. Cayanan Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Sa pinagdaiting mga palad, nilangkap ko ang kakarampot mong laman. Sinaklob ko, ang nagniningas mong mga pakpak sa posisyong wari ako ay nananalangin. Nalalapit na ang pagwawakas… Dahan-dahan… Unti-unti… Pumapanglaw ang hiram nating sandali. Lumululam ang ‘yong liwanag. Nawawala. Nauubos. Nauupos sa maliit na espasyo ng paglaya. Tuluyan kang napundi…
129
VERTEBRATA
November Promise Contributed Poem by Extashe Art by Mark Carlo T. Potal
June First day. One man One promise One bullet One body July Second week. One body Two coffin One flag One rug August Third month. Halfway down the aisle Kneeling and forsaking Your black bile. September Ribbons were tied Chains were locked The sun has died
Orange was dye October He just want to finger count One to five At the count of five Flowers were given Petals of red has fallen November He’s the last one left Grasses and flowers died As they step on it As they play hide and seek As his mom buy a chick And last petal has fallen As the sixth soul cry As the ninth soul Returns to the first day Of November.
130
MAMMALIA
I am writing this because Unlike your promises This poem will last forever. I am writing this because As your preys waver My letters Words Never will falter. I am writing this not because I curse you As you curses everyone Who appears to be Your course's nemeses. I am writing this poem Because I hate it I hate it That people hates you Much as they love What they don't see on you I am writing this poem Not because I don't see Myself as your vanguard But a fellowman
For the King of Mammals Contributed Poem by Extashe Art by Marc Oliver L. Serrano & Jan Jobert C. Cortez
131
VERTEBRATA
Who once forgotten That you get tired Hurt Cry Die.
I am writing this because Much as I don't know How to help you I know that you are in need of it.
I am writing this poem Not just for you To read it forever.
I am writing this because I know your strong But I can feel your weaknesses too.
I am writing this poem For I was once a hypocrite Who despises monster That I've turned into one Like many people see in you In the mirror.
I am writing this because Of pity But not solely of But of hope and love too.
I am writing this poem As I see an exhausted father in you The most manly of men With the biggest of balls Who's only option is to Show it And be a man, king No matter the cost Who needs his son Daughter To be saved.
This isn't a love poem But I know It'll last forever. I am writing this poem Not just for the king of mammals But for you Too.
132
MAMMALIA
Born Warrior Reverse Poetry by Gervais Art by Mark Carlo T. Potal
I am the weakest. I can not give life to the words that I am going to be tough. Because I am fated to fall. Rewriting the story that I am going to be the stongest by Being just the only man on my island. I dont need Companions. I see myself empowered with Darkness of lonesome. I can not dwell on the Eyes of judgments. I fight Alone. I am not Worthy of any armors and weapons Because I am Coward. I am not going to be The strongest warrior I can be.
*read backwards*
133
VERTEBRATA
Kiddie Meal Dula ni John Carlo D. Cayanan Dibuho by Jan Jobert C. Cortez
Mga Tauhan: Maricel, Minerva, Eusebio at Aldrin SIMULA Isang mainit na umaga sa taong 2005. Sa isang barong-barong na paupahan sa Brgy. Capunitan, Orion;papasok si Minerva bitbit ang dalawang bagay- isang supot ng Kabayan sa kanan at ang kanyang kapi-pitong taong gulang na anak sa kanyang kaliwa. Si Minerva ay isang aktibista na dating nagta-trabaho sa Jollibee- kilalang Filipino fast food chain. Nabuntis nang siya ay 25 at na-biyuda sa edad na 26, ilang buwan lang matapos niyang isilang si Eusebio. May maikling buhok, tuyong labi at mapayat subalit may matikas na tindig. MINERVA Ate! Banayad na pagkatok sa yerong pinto bago tuluyang loobin ang munting bahay.
134
MAMMALIA
MINERVA Ate! Tao po! Anak umupo ka muna d’yan. Ilang hakbang ay naabot niya na ang maliit na hapag-kainan ng may bahay at ipinatong ang isang supot na kabayan. Mula sa isa sa dalawang pintuan ng bahay, niluwal ang isang babae na ‘di nalalayo ang wangis kay Minerva pwera sa kanyang mas makapal na kilay at nagbabadyang pagkulubot ng kanyang balat. Si Maricel ay isang factory worker sa pagawaan ng bag at ang nag-iisang kapatid ni Minerva sa edad na 40. Sinalubong nila ng yakap ang isa’t isa. MARICEL Saan kayo galing? Patakbong nilapitan si Eusebio, lumuhod at hinagkan ito sa pisngi. MARICEL Ang laki-laki niya na. Bless ka kay Tita. Sa hanggang tengang ngiti,inabot ang kanyang kamay subalit walang ideya ang bata sa kung ano ang nararapat na gawin. Tumitig lang ito sa kamay ng kanyang tiyahin at saka tumitig sa kanyang ina na parang humihingi ng tulong. Ngintian lang siya ng kanyang ina. Dismayadong tumayo si Maricel at lumapit sa kapatid. Hinawakan nito ang braso ng kapatid. Tahimik lang na umupo ang bata sa lumang sala set at nagsimulang gawin manika ang mga lumang poon sa altar ng maybahay. MARICEL Nako! ‘Di na marunong mag-mano ang bata. Anong gusto mo? Kape? Tuluyan ‘tong tumungong kusina si Maricel at nagsimulang kumalansing ang mga kubyertos na kinukuha niya. MARICEL May trabaho ka na ba ulit? Mula sa kusina, tinig ni Minerva ang tanong ng kanyang kapatid. Binawi niya ang isang upuan sa hapag-kainan at saka umupo. MINERVA Wala pa ate. Walang may gustong tumanggap sa akin. Wala raw akong experience. Tuloy lang ang pagkalansing ng mga kasangkapan sa kusina hanggang sa muling lumabas si Minerva bitbit ang thermos, dalawang lumang
135
VERTEBRATA
stainless na tasa at dalawang kutsara. Nilagpagsa lamesa at saka sinaluhan si Maricel sa hapag. MARICEL Tiyagain mo na lang. Kung tutuusin ikaw nga ang dapat may trabaho ngayon dahil may pinag-aralan ka naman. Saad ng nakatatandang kapatid habang inaabot ang plato kung saan nakalagay ang mga garapon ng asukal, kape at gatas. Isa-isang binuksan at sinimulang timplahin ang kape. Napansin ang laman ng supot. MARICEL Oh! May dala ka pa lang Kabayan. Ikaw ha! Kabisang-kabisa mo talaga ako. Agad sinawsaw ni Maricel sa mainit na kape ang tinapay. MINERVA Syempre naman! Ikaw ang paborito kong kapatid. MARICEL Wala ka namang pamimilian- dadalawa lang tayo ay! Nagngitian ang dalawa at saka patuloy na pinagsaluhan ang limang pirasong kabayan. MINERVA Kumusta ka na ba Ate? ‘Asan si kuya Nestor saka si Aldrin. MARICEL Lumaot si kuya mo. Si Aldrin nandyan sa kwarto, nagsi-siesta. Pasipingin mo si Eusebio. MINERVA Nako! ‘Wag na ate. Matutuyo ang dagat ‘pag umiyak ‘yan. Wala pa bang hiring sa factory? MARICEL Wala pa. Malapit na nga ring matapos ang kontrata ko d’on. Mamomroblema na naman kaming mag-asawa kung paano pagka-kasyahin ‘yung 100 pesos niyang kinikita sa samot-samot. MINERVA Wala pa rin ba s’yang sariling bangka? MARICEL Wala pa. Kung meron, saang palad naman ng D’yos kami kukuha ng panggasolina n’on.
136
MAMMALIA
MINERVA Kung sabagay. Tumango-tango lang ang nakababatang-kapatid. MARICEL Saan ba kayo galing? Oh! Nakatulog na ‘yung anak mo. Napatingin si Minerva sa gawi kung saan nakatingin si Maricel. Naka-tulog na sa sofa ang bata. Dinalaw ni Minerva ang kanyanganak at saka binuhat, tumungo sa kwarto at banayad na hinimlay ang maliit na katawan ng kanyang anak katabi ng isa pang payat na batang puro sugat ang binti. Nakahilig naman si Maricel sa hamba ng pinto. Umupo si Minerva sa gilid ng kama at sinuklay ng daliri niya ang manipis na buhok ng anak. MINERVA Sa Abucay. MARICEL Hindi ka pa rin ba tumitigil? Bakas sa boses ni Maricel ang pag-aalala. Agad namang napahinto si Minerva sa tanong ng kapatid. Tumayo ito at dumiretsyo na ulit sa hapag. MINERVA Ate alam mo naman ang sagot ko d’yan. Humigop ito ng kape. At muling sinaluhan siya ng kanyang kapatid sa lamesa. MARICEL Oo nga. Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo at sa anak mo. MINERVA Hanggang ‘di natin nakukuha ang para sa atin, lalaban ako ate. Hinawakan ni Minerva ang kamay ng kanyang kapatid at mariin itong tinignan sa mata. MINERVA Ate, alam ko ang pinaglalaban ko. Ako ang magpapatuloy sa laban nila Tatay. Hindi ko hahayaan na mabalewala lang ang buhay na sinakripisyo nila. Katahimikan. Ilang saglit pa ay naluha ang magkapatid. Gumanti si Maricel sa higpit ng pagkakakapit ng kanyang kapatid na tila ba nagmamakaawa.
137
VERTEBRATA MARICEL Pero hindi naman sila ang pumatay kay Tatay. MINERVA Hindi nga! Pero sila ang dahilan kung bakit namatay nang masama ang loob ni Tatay! Mabigat na mabigat ang loob ni Minerva. Unti-unting tumataas ang kanyang boses. Bumitaw siya sa paghawak ng kanyang kapatid at tumayo. Pumamewang siya at malimit na tumitingala upang pigilan ang kanyang luha pero madalas ang ‘di niya pagwawagi. MINERVA Ang hirap-hirap Ate! Hinarap niya ang kanyang kapatid at tuluyan nang bumugso ang walang hanggang luha. MINERVA Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo sa gantong kalagayan! Ang bigat-bigat sa loob! Ang hirap-hirap nang magsuot ka araw-araw ng uniform sa harap ng salamin at nag-iisip ka kung saan ka na naman maga-apply pag katapos ng ilang buwan! Tumayo si Maricel upang tangkang kalamayin ang kapatid. Hinarap ni Minerva ang kanyang kapatid. Hinawakan ang pareho nitong kamay at akmang nakiki-usap. MINERVA Ate, birthday ngayon ng anak ko… Nawasak ang boses ni Minerva. MINERVA Buong buhay niya wala siyang ibang hiniling kundi ang makakain ng Kiddie Meal sa Jollibee. At sa ilang taon kong paglilinis sa maduming sahig sa iba’t iba nilang branch, ‘di ko manlang siya napaapak sa sahig na nililinis ko! O pagsilbihan manlang siya sa loob! Ang hirap Ate! Ang bigat-bigat ng kalooban ko na tuwing may makikita kang mag-ina sa loob; inggit na inggit ka kasi sa isang araw, wala ka na namang trabaho! Wala na ring tigil sa pagluha si Maricel. MINERVA Ate, ito ang laban ko. Laban namin ‘to ng anak ko. Patuloy man ang kanyang pagluha; parang batang inaamo ni Maricel ang kanyang nakiki-usap na kapatid. Umiyak ang parehong Eusebio at Aldrin. Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. WAKAS 138
MAMMALIA
Ang alyas ni Delai Smith Tula at Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Ang tamis ng aking ngalan ang siyang pumawi ng inyong pagod, at nagpalasap ng tunay na sarap. Sa halik na aking hatid, ako lamang ang nakatikim ng sakit, ang nakalasap ng pait, ang nagpakasakit sa kasalanang walang ganti, kasalanan ng inyong pilyong ngiti. Sa tinagal-tagal ng panahon, Sa aking pagsuko ng damdaming umaapaw, Nawa’y alalahanin ninyo ako at ang kakayahan kong pawiin ang inyong uhaw.
139
VERTEBRATA
Sepulturero Tula ni Ronnie Lyn Dela Cruz Dibuho ni Marc Oliver L. Serrano
Mahigpit ang yakap ng mabigat na responsibilidad. Nakasasakal. Makamandag ang halik sa napupudpod na dignidad. Dumadampi. Habol-habol ang hininga, binabanat ang mga buto. Pagod na laman. Kapalit ay dugtong-buhay ng mga minamahal ko. Kayod-kalabaw. Inuuod ang aming mundo. Naaagnas ang pag-asa. Graveyard shift. Ibaon ni’yo na lang ako nang tuluyan. Sa maburak na hukay ng pagbabago. Babangon.
140
MAMMALIA
Numbered Whiffs Photo by Mark Carlo T. Potal Caption by Jasmin Rachel A. Sison
A depiction of hope blurred by the destruction rampant within his wake. He breathes in a slow and deep manner indulging in the temporary ecstasy. His eyes darting back and forth in a dream he could only carve in the mansions of his mind. Alas, he knows, that it is only a matter of time before he can hit the hay. And as the soft breeze plays with the dry curls of his hair and as he feels the earth through his calloused feet, the wind carries along the puff of smoke along with the future he once fervently built – now reduced to ashes.
141
VERTEBRATA
White Gown Tanaga by Ma. Clerizza N. Tagao Art by Mark Caelo T. Potal
Eyes that speak with hands that care. They bare their souls; tales to bear. ‘Cause no harm; they would not dare. Help and assist, that's their flare.
142
MAMMALIA
Hindi na Babalik si Nanay Tula ni Cris Pearl G. Rivera Dihubo ni Jeremiah R. EscaĂąo
Walang takot na binaybay, nagdidilim na alapaap. Tahak ang malalim na tubigan, lumaot ang bangkang papel. Mahinhing sumirko-sirko. Lihis sa Hilaga't Kanluran. Matatagpuan ang yaman, palit ay taliwas sa kinalugdan. Lumuha ang langit, sa sigaw ng luwalhati. Handog sa abang manlalayag, ang piging ng pighati. Nagpadala sa indayog. Habagat ay muling umihip. Umapaw na ang sapa. Lumubog ang bangka sa saliw ng pamamaalam.
143
VERTEBRATA
Worn Soles and Souls Photo by Joselle Eve T. Manrique Essay by Jasmin Rachel A. Sison
Bones and flesh. The features of his face wavers through the pestering heat of a May sun. He walks, dragging every hungry fiber of his being in this ungodly hour; a torment he has grown accustomed to. Salty beads of water roll down from his temple to his lips – a midday treat. He stands, the heat of the burning cement passing through his worn soles and soul. But he knows that not all shadows are dark and not all sunrays are rejuvenating. That this moment, like any other is also fleeting. For a silhouette he must be, rarely seen yet believed in.
144
MAMMALIA
Sa Panahon ng Taglagas Tula ni Christian G. Canonoy Dibuho ni Jan Jobert C. Cortez
Hindi na darating ang panahon ng tagsibol. Tuluyan ng malalanta ang mga bulaklak. Hindi ko na masisilayaan pang muli, ang mga mata mong mapupungay. Inakala kong ikaw ay darating pa. Sa tamang panahon at pagkakataon. Ngunit nagsinungaling ka. Iniwan mo agad ako tatang. Wala nang gagamot pa. Sa mga sugat na dulot ng tag-lamig. ‘Pagkat ang panahon ng tag-sibol ay hindi na kailanman darating pa.
145
VERTEBRATA
Magdalena: Ang Huling Hapunan Tula ni Albert T. Pangilinan Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Hindi sumasalamin sa pag-ihip ng malamig na hangin; ang paglipat ng kamay ng orasan sa bangungungot ng nakaraan. Hudas ang tadhanang nagkanulo. Sa huling hapunan, laman ang sa hapag nilantakan; humalili sa tinapay, kalis ng buhay. Dignidad, kapalit ang tatlongpung pilak. Isang gabi ang magdedesisyon ng akin—
aming hinaharap. Pikit-mata. Makabaligtad-sikmura. Naghahalong mga likido mula sa iba’t ibang dako. Pasan ang bigat ng dibdib hanggang Kalbaryo. Lumalatay. Nagdurugo. Sumirit ang damdaming matagal nang kinubli.
146
MAMMALIA
147
VERTEBRATA
This morning I shouted from the door. "Nay! Your flowers are dying. The caterpillars are devouring the buds. Can you hand me the pesticide." "No!" A firm and steadfast reply from Nanay as she slowly stood up from her tumbatumba. Several days after, Nanay shouted with her shaking voice as white petals fall. As the buds met their end and butterflies fly, I realised what it transcends; We watched in silence. The other week, no butterflies fly in our garden anymore. But flowers bloom more than ever before. Even our neighboor's garden is nearly as beautiful as ours (for Nanay claims that ours is the fairest of all). I picked some for Nanay. No more white petal falls. But there were some drizzles of memories. Nanay.
Flowers for you By Extashe Art by Joshua R. EscaĂąo
148
MAMMALIA
May Hikbi sa Oyayi Tula at Dibuho ni Mark Carlo T. Potal
Tahan na mahal kong anak tiisin mo ang kirot, pigilan ang luhang nagbabadya. Mapapawi rin ang sakit sa bagong umaga... Tigil na mahal kong anak. Bagamat masakit, tiisin ang sugat at ang hapdi na nadarama. Baka bukas sa pag-gising, bumungad na muli panibagong pag-asa‌ Tulog na mahal kong anak. Ipikit na ang iyong namumugtong mata. Wag nang pagmasdan pa, ang bangungot ng magdamag; bagamat isang pangamba ang dilim na bumalabalot sa tahanang payak mamanatag ka‌ Gising na mahal kong anak, hindi na kaya ng ina. Sa matagal na panahon; kumikirot na ang baga lupaypay na ang bisig, nanunuyo na ang labi, namamaalam ang mata. Bangon na, ang Nanay naman‌ 149
VERTEBRATA
Sa ‘yong kinabukasan, bunso Larawang kuha ni John Robin S. Abejar Sanaysay ni John Carlo D. Cayanan
Mataas ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa konsepto ng tahanan at pamilya. Hindi maitatangging malalim ang ating ugnayan na pangunahing nag-uugat sa ating dugong nananalaytay sa ating ugat. Sa mga panahon ng kagipitan, higit na inaasahang tutugon ay ang iyong habang buhay na sandalan—pamilya. Kaya naman sa mas malawak at politikal na perspektibo, katuwang din ang parehong haligi at ilaw ng tahanan sa pag-akay sa bansa tungo sa tunay na pagbabago. At kung daldalhin sa punto na buhay ang paksa ng usapin, batid kong hindi kalian man mag-aatubili ang sanhi ng ating dugo at laman.
150
MAMMALIA
Lost Migrant in Luna for the Moon Poem by Wowie V. Serrano Art by Mark Carlo T. Potal
What's up, little migrant! What are you doing here? Are you a traveler or looking for a new abode? Aren't you terrified in our planet? Sorry! Did I ask too much? Anyway, I am a companion. Let me unfold some dark secrets and tell you what I discovered in our planet. Dearest, please, listen intently. Can you see the luminous sun? Stare at the celestial fireball in the sky Until the blazing saffron hue, starts to dazzle your eyes. Take a look at the deep blue sea Gently observe how it takes away melancholy and surprisingly puts you at ease. Don't be too fascinated, it might lose your soul.
151
VERTEBRATA
At night, glance at the shimmering goldglobe moon. What a breathtaking gleaming halo hanging in the lonely sky. Making you feel like the star but starts to vanish at sunrise. All that glitters are not gold. They are totally deceitful.
Not all are pure. Not all are worthy. You don’t belong here! You are too precious to handle, You, little magnificently gorgeous; are too optimist-no adjectives can describe.
Aren’t you informed?
I'm pretty sure, that you are a lost migrant. You are not safe here.
That the Universe is bounded by two things: First, every beautiful things has an ugly dimension; Second, the truth is accompanied with great caution.
Go back elsewhere. Carry yourself-- fearless. Do not tell anyone with what you saw, heard and learn. Share nothing but empty spaces and blinding darkness. You better, go home.
152
MAMMALIA
Adult Child Poem by Wowie V. Serrano
Art by Jeanuel Roger Rendell A. Paje
With all the little light fading, and Neverland stopped existing, New life starts for another dream And the sunset’s longer on the way home, Reminiscing all things that bothers. Tried to pray but do not know what to say, All feels right when everybody left; But everything forgotten when another touch of a callous hand lands into the face of a young blood. Nurturing from the tired body, stepping out of common buttoned tee because everything is temporary.
153
VERTEBRATA
Banal na Ina Poem by John Carlo D. Cayanan Art by Jan Jobert C. Cortez
Sa sinapupunang banal, pinuspupos sa kadakilaang sakdal pinagpapala ng pagmamamahal binibinyagan sa papuri't dangal. Hugasan sa aming kasalanan, kung sa tuwina'y sa tukso ang sandalan. Iaakay sa kahabag-habag mong luklukan ilapit sa puso ng awa at karunungan. Ibulong mo ang himig ng aming pagsamo, samyo ng oyaying paglalambing sa anak mong pinuno. At sa pagdating ng kamatayan itawid sa pinto ng ginhawa, kagalakang walang hinto. O Kabanal-banalang Ina, Ipanalangin mo kami.
154
GUILDS THE
The Official Student Publication of Bataan Peninsula State University - Main Campus “...fill and refill your fountain pens from the spring of courage...”
Editorial Board A.Y. 2019 - 2020
Joshua M. Romero Editor-in-Chief
Joriza E. Yabut
John Carlo D. Cayanan Associate Editor, External
Associate Editor, Internal
John Robin S. Abejar Managing Editor
Cris Pearl G. Rivera
Krame Archel A. Lulu
Airell S. Nambayan
Reden U. Perez
Features Editor
News Editor
Sports Editor
DevCom Editor
Corrinne S. Mandilag
Tricia Grace C. Javier
Literary Editor
Head Photojournalist
Jasmin Rachel A. Sison
Joshua R. Escaño
Charles Justin Angeles
Ronnie Lyn S. dela Cruz
Online Content Manager
Head Illustrator
Layout Editor
Circulations Manager
Ciara Catherine Gache • Albert T. Pangilinan • Edward John Romulo • Wowie V. Serrano • Ma. Clerizza N. Tagao • Rachelle Lyn B. Bongalon • Virginia Mae M. Constante • Frances Joice A. Domingo • Glorie Dianne A. Enriquez • Hannah C. Haber • Kurt Hanz Rafael • Nikka V. Salandanan • Leia Mae C. Santos • Joshua Vince T. Tolentino Reportorial Staff Jan Jobert C. Cortez • Monique Dela Rosa • Jeremiah R. Escaño • Jeanuel Roger Rendell A. Paje • Mark Carlo T. Potal • Marc Oliver L. Serrano • John Vincent A. Yumol
Illustrators Karl Erren B. Aguilar • Joselle Eve B. Manrique • William C. Perez • Shella Marie Ramirez Photojournalists
VISION A leading university in the Philippines recognized in for its proactive contribution to Sustainable Development through equitable and inclusive programs and services by 2030
MISSION
To develop competitive graduates and empowered community Moderator members relevant, innovative and Sisenando Masangcap, Ph.D. transformative knowledge, research, Director, Student Services extension and productive programs Emmanuel C. Macaraeg, Ph.D. and services through progressive Vice President, Academic and Student Affairs enhancement of its human resource capabilities and institutional Gregorio J. Rodis, Ph.D. mechanism University President
Flora D. Canare, Ed.D.
Flora D. Canare, Ed.D. Moderator, The Guilds Isang taon na naman ang lumipas para sa pahayagang ito na walang ibang layunin kundi ang paglingkuran ang pamantasang tinubuan. Bagamat sinubok ay nanatiling naninindigan, nakatayo, at nagpapahayag ng malaya at walang pinapanigang sinuman. Kung kaya't salamat sa lahat ng nagtiyaga at nagtiwala. Mabuhay ang The Guilds, mabuhay ang BPSU! Labyousomuchoss!
Joshua M. Romero Editor-in-Chief Mechanical Engineering - 5 The Guilds, It took me long. It took me long to gasp for words to say that I almost skipped this part. Four years happened so quickly. My Guilds, please have my fountain pen refilled if we happen to meet again. Really, life is different without you. Let’s call it a day.. for now.
John Robin S. Abejar Managing Editor Mechanical Engineering - 5
Jasmin Rachel A. Sison Online Content Manager Civil Engineering - 5
Sapagkat hindi natatapos ang laban sa isang pamamaalam. Hindi kailanman mamamatay ang pag-aalab ng apoy sa nanlalamig na puso. Hindi dahil iiwan ay tapos na. Mas pinili ko mang suungin ang laban mang-isa, mananatili akong naglilingkod at tumitindig gaya ng isang sandigan. Magpapaalam, ngunit patuloy na lalaban para sa bayan.
And just like that, my time is up. I can still remember the rush of excitement when my inbox got flooded with greetings; congratulating me for passing TG’s screening. It was surreal, and five eventful years after, it still is. Nothing but utmost gratitude and love for this family. Puso!
Joriza E. Yabut Associate Editor, Internal Civil Engineering - 5
John Carlo D. Cayanan Associate Editor, External Civil Engineering - 5
Patuloy na magbabago ang mukha ng mga salita.
Pagbati. Pangangarap. Paglilingkod. Pagsusumikap. Pag-ibig. Paninindigan. Ngunit, hindi ang walang Pagsulong. Paglaban. takot nitong pagsisiwalat sa Pagsasara. Kabanata. Akin. katotohanang pilit ikinukubli Buhay. Bagay. Nais. Iwan. ng mga mapagsamantala. Publikasyon. Paaralan. Bayan. Hindi titigil ang pagbugso Sayo. Higit. Akin. Tula. ng dugong maharlika, Kwento. Liham. Lathala. lalong pagtitibayin ang Balita. Lahat. Mamamaos. sandigan. Para sa susunod na Lululam. Mabibingi. henerasyon, PUSO! Mapapagal. Subalit. Boses. Sumisigaw. Ilang. Hanggang. Maraming salamat sa apat na Dito. Pansamantala. taong alaala. Hanggang. Muli. Patawad. Salamat. Paalam.
Cris Pearl G. Rivera News Editor Civil Engineering - 2 Sa lahat ng pasensya’t pagtitiis, salamat. Mga gabing walang naging ibang kanlungan kung hindi malalamig na palitan ng titig sa tapat ng blankong papel, at mainit na kape, salamat. Biyaheng naging tampuhan ng mga mapaglarong ideya, salamat. Ma, Pa, Dana, Kuya, Christinatics, PAGEM, BFPH, at The Guilds, salamat.
Airell S. Nambayan DevCom Editor Electronics Engineering - 2 Ikalawang pagkakataon para sa mga tulang sumubok sa aking pagkamakata kahit hindi naman talaga. Salamat The Guilds, sa mga seniors at ka-batch ko, sa pamilya ko, at BSECE 2A. Salamat sa mga nagtama ng mga mali ko. Ikalawang taon ko na pero iba pa rin sa pakiramdam. Salamat The Guilds!
Corrinne S. Mandilag Literary Editor Communications - 2 Salamat at patawad Sandigan. Natutunan kong huminto para magpahinga at hindi para sumuko. Magpapatuloy dahil may naniniwala, lumalaban, at nagbabahagi. Hindi titigil dahil pumipintig ang malilikhaing kaisipang sa pulso ng sining at literatura binibigyang buhay. Editors, OICs, seniors, juniors, mga alumni, Ma'am Flora, at sa naging dahilan ng lahat, mahal ko kayo.
Ciara Catherine Gache Reportorial Staff Industrial Engineering - 2
Krame Archel A. Lulu Features Editor BTVTE - 2 Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa mga likhang artikulo ng publikasyon. Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay boses sa hindi naririnig. Mananatili kami, akong Sandigan.
Reden U. Perez Sports Editor Civil Engineering - 2 Dalawang taon. Dalawang taon ko pa lamang sa TG ngunit tila parang ang tagal ko na silang kasama. Salamat sa panahon na nariyan ka, sa panahon na hinubog mo ako.
Salamat sa mga naging katuwang ko sa mga gawain, Hindi maitatangging malaki sa mga kaibigan, pamilya at na ang agwat ng ikinaunlad higit sa lahat, sa Panginoon. ng aking mga pananaw sa May dalawang napakahabang mga importanateng usapoin taon pa tayo dito. Dalawang simula nang tanggapin ako taon. ng TG, kaya sa salamat sa lahat, The Guilds!
Kurt Hanz Rafael Reportorial Staff Electrical Engineering - 1
Sapagkat hindi natatapos ang Patuloy na magbabago laban sa isang pamamaalam. ang mukha ng mga salita. Hindi kailanman Ngunit, hindi ang walang mamamatay ang pag-aalab takot nitong pagsisiwalat sa ng apoy sa nanlalamig na katotohanang pilit ikinukubli puso. Hindi dahil iniwan ng mga mapagsamantala. ay tapos na. Mas pinili ko Hindi titigil ang pagbugso mang mag-isang suungin ng dugong maharlika, ang laban, mananatili akong lalong pagtitibayin ang naglilingkod at tumitindig sandigan. Para sa susunod gaya ng isang sandigan. na henerasyon, PUSO! Magpapaalam, ngunit Maraming salamat sa apat na patuloy na lalaban para sa taong alaala. bayan.
Eduard John Romulo Reportial Staff Electrical Engineering - 2 Hello? Salamat po sa lahat ng sumusuporta sa bawat issues na napa-publish lalong lalo na po sa mga Editors, OICs, Seniors Staff at sa mga bago at fresh na fresh na mga Juniors Staff. Ang huhusay ng bawat isa. Galingan pa natin at sana, 'di na mabawasan. Galingan natin lagi.
Tricia Grace C. Javier Head Photojournalist Civil Engineering - 5 Salamat sa pagtanggap nang paulit-ulit sa akin. Kahit may mga araw na ayokong piliin ang aking sarili. Salamat sa inyong lahat. Sana hindi ito ang huli, kahit na nasa dulo 'to. LOL
Wowie V. Serrano Reportorial Staff Electronics Engineering - 2 Pangalawang taon ko na Guilds! Woaaaahh!!! Sa mga panahong wala akong maisulat at maisip na konsepto, dahil 'yung utak ko ay nasa bakasyon. Salamat kasi may mga nagpu-push sa’kin upang makabuo ng kakaibang istorya. Muli, salamat sa mga editors na walang sawa kaming tinuturuan ng mga dapat naming malaman at patuloy na ginagabayan upang makapagsulat ng isang masterpiece.
Joshua R. Escaño Head Illustrator Architecture - 5 Sinong magsasabing magtatagal ako? Akala ko rin hindin pero oo. Salamat sa lahat ng naniwala at nagtiwala. Sa lahat ng naniwala at nagtiwala. Salamat rin sa amga naging kaklase ko, maaalala ko kayo palagi. Lalo na sa pamilya ko na sumusuporta. Salamat din sa sarili ko, dahil hinayaan mo na hamunin mo ang iyong sarili at lumabas sa iyong kwadrado. Hindi nasayang ang limang taon. Paalam.zz
Charles Justin Angeles Layout Editor Civil Engineering - 2
Ronnie Lyn Dela Cruz Circulations Manager Mechanical Engineering - 2
Albert T. Pangilinan Reportorial Staff Civil Engineering - 2
Marami akong nais na pasalamatan subalit kinakailangan na pagkasiyahin ko ang espasyong nailaan sakin upang ihayag ang aking pasasalamat. Kaya't di ko na papahabain pa, maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta at tumulong, sa bawat indibidwal na nasa aking tabi sa panahon ng kagalakan at sa kalungkutan, at saiyo, ikaw na nagbabasa nito ngayon, maraming salamat sa paglalaan ng oras.
Thanks to Him for a year that went by and hopefully more to come. Salamat sa lahat ng tao na walang sawang sumusuporta sa lahat ng kagagahan ko lalo sa family ko, sa TC at sayo J. Iloveyouall! Shoutout sa ME2B: TheLegendaryPeople. At sayo Sandigan, ibang-iba ka. Wala kang katulad.
Salamat at patawad. Salamat sa lahat ng dahilan sa patuloy kong pananatili Sandigan. Sa mga tao na patuloy nagbibigay sumusuporta sa aking pagsulat Sa kabila ng lahat, patuloy akong magsusulat para sa Sandigan. Salamat po sa inyong lahat!
Ma. Clerizza N. Tagao Rachelle Lyn B. Bongalon Virginia Mae M. Constante Frances Joice A. Domingo Reportorial Staff Reportorial Staff Reportorial Staff Reportorial Staff Nursing - 2 Mechanical Engineering - 1 Communications - 1 Communications - 1 Maraming salamat sa mga Naisip ko lang. Pa’no kaya umintindi at umiintindi. kung nagpe-play pala tayo on Salamat dahil kahit wala “Reverse mode”? akong masyadong nagawa, ‘Yung sintas ng sapatos ko kasama pa rin ako. Salamat laging natatanggal, pero sa pagkakataong mapabilang. ‘di ko kaagad tinatali. Kasi Para ito sa mga taong hindi minsan iniisip ko kung nawalan ng lakas para may reverse switch, tapos ipaglaban ang dapat na masisintas ulit siya sa sarili ipaglaban. Sana sa susunod n’ya….. Next time ko na ay makayanan ko na rin ulit. nga lang itutuloy, wala nang Sana manumbalik ang apoy. space. Salamat sa pagbabasa mo sa espasyo ko rito nakaka-touch naman salamat ulit.
Maraming salamat, Sandigan. Sa mga patuloy ng lumalaban para sa kapakanan ng bayan atin pinagtatanggol ang karapatang pantao at interes ng mga mamamayan. Simula pa lang ito ng mahabang paglalakbay. Mag-aalab pa ang apoy sa bawat pusong nagnanais magpalaya. Thank you sana masarap ulam niyo every day!
Ikalawang pagkakataon para sa mga tulang sumubok sa aking pagkamakata kahit hindi naman talaga. Salamat The Guilds, sa mga seniors at ka-batch ko, sa pamilya ko, at BSECE 2A. Salamat sa mga nagtama ng mga mali ko. Ikalawang taon ko na pero iba pa rin sa pakiramdam. Salamat The Guilds!
Glorie Dianne A. Enriquez Reportorial Staff Nursing - 1 Salamat sa pagkakataong maging bahagi ng pahinang ito. Sa pagsuporta ng mga magulang ko, at sa kapatid ko na rin. Salamat BSN 1A lalo na sa mga sisters ko na sobrang understanding. Sa Guilds, salamat sa pagkakaibigan. Mahal ko kayo. Higit sa lahat, salamat sa nasa taas. Salamat Sa'yo.
Hannah C. Haber Reportorial Staff Communications - 1 Noon tinitingala ko pa, ngayon kaharap ko na. Nakakatuwa lang na may maganda kaagad na nangyari sa pagpasok ko sa BPSU. Thank you, TG Fam sa binigay niyo na pagkakataon na maging parte ako ng The Guilds. I was never a writer but I know that you can make me one. I think it's about time to diversify my self more. Senior writers, h'wag niyo lang po akong sasawaan sa mga gawa kong articles.
Jeanuel Roger Rendell A. Paje Marc Oliver L. Serrano Illustrator Illustrator Mechanical Engineering - 5 Architecture - 1 Walang hanggang pasasalamat sa Sandigan, sa mga taong bumubuo nito at sa mga taong patuloy na sumusuporta dito – sa aking pamilya, mga kaibigan at mga tropa. Higit sa lahat, isa ito sa mga humubog sa mga talentong mayroon ako ngayon, pakikisama at pagkatao. Sa gabay at tulong ng Diyos, kasama ang taospusong pagsisikap, sumulat at gumuhit ka kaibigan.
Salamat kay God. Salamat sa mga pumayag na masama yung pasasalamat at mukha ko sa last page. Salamat sa humatak sa’kin para magapply sa The Guilds. Salamat sa mga masters ko na illustrators din na tumulong para ipush ang artworks ko. Salamat sa pagtanggap sa’kin guilds fam. Salamat kay mama.
Nikka V. Salandanan Reportorial Staff Electronics Engineering - 1
Leia Mae C. Santos Reportorial Staff Information Technology - 1
MARAMING SALAMAT. Sa The Guilds, sa pagtanggap sa’kin ng bukas palad at pagtitiwala sa akin ng buong puso. Sa mga magulang ko, sa walang sawang na pagsuporta sa lahat ng gusto kong gawin sa aking buhay. At higit sa lahat, sa Poong Maykapal sa patuloy na paggabay sa aking buhay.
One of the things that I learned in my younger years is that I should always say “thank you,” so i-aapply ko siya ngayon. Salamat, The Guilds, for giving me an opportunity to grow and to explore the world of journalism further. Thank you po and may God bless us all!
John Vincent A. Yumol Illustrator Architecture - 2
Karl Erren B. Aguilar Photojounalist Electronics Engineering - 1
Solid ‘tong taon na ‘to mga ser sobrang pagod pero sobrang saya at the same time. Salamat unang-una sa pamilya ko na palaging nandyan kahit na sobrang konti ng time ko na nakakasama na kayo, makakabawi rin ako sa inyo. Sobrang salamat sa taon na ‘to. Solid. Inaantok na ako.
Ikinagagalak ng aking puso ang pagtanggap ng The Guilds sa akin. Maraming salamat sa tiwalang binigay at ibibigay pa. Handa akong matuto at maging responsable sa mga bagaybagay lalo na sa loob ng publication. Mga ate/s at kuya/s , maraming salamat po dahil ang dami ko pong natututunan sa inyo.
Joshua Vince T. Tolentino Reportorial Staff Communications - 1
Jan Jobert C. Cortez Illustrator Electronics Engineering - 1
Mark Carlo T. Potal Illustrator Architecture - 1
Hindi pa rin ako makapaniwala. Isang napakalaking pasasalamat ang mapabilang sa grupong ito! Dati gusto ko lang makahingi ng mga likha ng Guilds pero ngayon, isa na ako sa mga magiging kasangkapan ng kabanatang ito. Handa na akong magpagamit at maging boses. Salamat sa mga seniors na patuloy na naniniwala sa aming kakayahan.
Jeremiah R. Escaño Illustrator Architecture - 1
Maraming salamat sa Guilds sa pagtanggap sa akin kahit pagdrawing lang ang kaya kong gawin. Sana ay marami pa akong matutunan at gumaling pa bilang illustrator. Salamat din sa mga seniors na tumutulong sa akin at nagbibigay sakin ng tips para ako ay mag improve pa. Sana ay di ako sumuko at patuloy na gumuhit kahit na nahihirapan labanan ang antok ko tuwing may overnight.z
Kung ito na ang huling araw na makikita natin ang bawat isa, kung hihinto na ang pag-ikot ng mundo, at kung hindi na muling sisikat ang magandang umaga, sana h'wag kapag gising ako, kasi gusto ko lang naman talaga ngayong taon ay matulog. Salamat, hanggang sa muling, tara na’t tayo’y magpahinga.
Nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng sandigan. Salamat sa lahat ng mga aral na aking napulot sa unang taon ng aking pananalagi sa tahanan ng Guilds. Kay kuya Charles, Kuya Reden at kay Kuya Escaño, silang tunay na gumabay sakin. Maraming salamat.
Joselle Eve B. Manrique Photojounalist Nursing - 1
William C. Perez Photojounalist Electronics Engineering - 1
I just tried to be part of this amazing family and now I am already in it! Thank you sa seniors na super understanding! Lalo na sa PJ fam! This is my first ever pasasalamat speech & I hate myself because I am too happy that I became speechless.
Para po Sa’yo na hindi ako iniwan at patuloy na binibigayang lakas, maraming salamat po. Sa ECE troops na nagbibigay ng saya sa araw-araw na aking pagpasok, sa TG Family at sa mga seniors na tumutulong sa amin kapag kami’y nahihirapan. To God be the Highest Glory. God bless The Guilds.
Shella Marie Ramirez Photojounalist Communications - 1 Gusto kong magpasalamat kay God for giving me a perfect presence to stand with them and also sa powerful knowledge no’ng screening. Second, sa TG for giving me a chance to be part of publication, for the trust and willingness to share their knowledge on us. Third, sa mga naniniwala sa'kin at magtitiwala and lastly para sa sarili ko for the confidence to step forward and face my fears.
EPILOGO May mga sanhi na hindi nagbunga Ngunit hindi ito ang takalan ng tamis ng ani. May mga istasyong sumasahimpapawid Ngunit hindi narinig ng modernong kabihasnan ang ugong ng balita. May makukulay na bandiritas Ngunit hindi lahat ay imbitado sa selebrasyon. May pag-asa sa henerasyong tinatangi Ngunit ang sitwasyon ay itinatanggi. May pawis at dugong ibinabasbas Ngunit ang kailangan pala ng mundo ay tubig. May parteng bukod pala, tinanggap nang malugod. Iisang kaharian, iisang gulugod.