
5 minute read
Presyo ng Palay
Written by: Wynzie Devine Diondo
Kaya malaki ang tulong ng mga batas upang matiyak ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino. Nakikinabang sa batas ang maraming mamimili at magsasaka dahil napababa ng pag-aangkat ang presyo ng palay o bigas ng P2 hanggang P8 mula sa mga presyo nito noong 2018. Kaya mayroon paglaganap iginiit ng Rice Competitiveness Enchancement Fund (RCEF) na binuo ng RTL at ng Philippine Integrated Rice Program nakamit ang mga sumusunod:
Advertisement
Paglago ng produksiyon ng palay sa 4.26 metriko tonelada kada ektarya mula sa 3 64 metriko tonelada sa 42 lalawigang bahagi ng RCEF;
Pagbaba ng karaniwang presyo ng produksiyon muls P12.52 kada kilo na naging P11.52 kada kilo;
Isa sa mga negosyo ng magsasaka ay ang pag-alaga at pag-ani ng palay. Sa ating bansang Pilipinas mayroon tayong libo-libong magsasaka na nagtatanamin ng palay at ito‟y ipinapadala sa pampublikong tindahan. Ngunit sa ngayon, apektado ang magsasaka sa dahilan ng pag bagsak ng presyo ng palay at pagtaas ng bintahan ng bigas Inihahalintulad ito sa ulat ni Jorge Baclor Jr , na noong Pebrero 2022 ay naitala ng mga groupong Amihan National Federation of Peasant Women, Bantay Bigas, at Anakpawis Party ang listahang mababang presyong palay na sumadsad sa P12 kada kilo sa Camarines Norte at Iloilo at sa pagitan ng P17 hanggang P17.20 kada kilo sa Leyte, Albay, Tarlac, Pangasinan, at Pampanga. Hinaing ng mga magsasaka, masyado itong mababa para magkaroon ng disenteng kita bagama‟t apektado din sila sa pandemiya na ating naranasan ngayon. Ayon sa datos ng Fertilizer and Pesticide Authority, ang halaga ng isang sako ng abono noong 2021 ay nasa P2,535.39 mula sa dating P1,015.18. Sa kasalukuyan, nabibigatan na ang ating magsasaka sa halaga ng produksiyon ng palay na noong nakaraang taon ay nasa P14 or P15 lamang bawat kilo ngunit nasa P19 na ngayong taon. Ngunit ang P19 na farmgatepriceay balik puhunan lamang ng magsasaka giit ng SINAG. Malungkot na balita ito dahil ang ating ekonomiya ay hindi umuunlad bagkus ito lamang ay nalulunod.
Kahirapan ng ating magsasaka ay dapat pinagtutuonan ng pansin ng ating goberyno Dapat aksyunan ang isyung ito para tayo ay hindi na mag-import sa ibang bansa ng sakosakong bigas. Tayo ay maraming kalakalan at materyales na nagpapaunlad sa pagkain natin araw-araw. Gayunpaman, sa ulat pa rin ni Baclor (2022) may mga isyung napipilitan ang mga magsasaka na ipagbili sa mababang halaga ang kanilang aning palay sa dikta ng mga mangangalakal na idinadahilan ang pagbaha ng angkat na palay o bigas, kawalan ng mga pasilidad matapos ang anihan (post-harvestfacilities), at dahil bumibili na lamang ang NFA ng palay o bigas para sa panahon ng mga sakuna. Kaya malaking bilang ng mga magsasaka ang hindi kayang makipagkompetensiya sa mga angkat na palay o bigas at mapipilitan nang tumigil sa pagsasaka.
Simula ng pamamahagi ng P5,000.00 na Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) para sa may dalawang ektarya o mas maliit pa na lupang sinasaka at nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) kung saan 1.5 milyong magsasaka na ang nakinabang; at Paglalaan ng P5 bilyon para sa makinarya at kagamitan, P3 bilyon para sa mga binhi, at P1 bilyon para sa mga pautang at pagsasanay.
Samantala, ito ay hindi nagtatapos. Mayroon pa din problema na nahaharap ang ating magsasaka Marami pa rin kailangang gawin upang matulungan ang mga magsasaka na apektado ng murang angkat ng palay o bigas. Kailangan din matiyak kung ang ating kapwang Pilipino ay may sapat na bigas at sila‟y may ikakain pa. Dagdag pa ni Baclor (2022), dahil sa mababang presyo ng palay ay humihingi na ng saklolo ang iba‟t ibang mga pangkat ng magsasaka sa pamahalaan para maitaas ang presyo nito
Bansang Pilipinas ang lupang ating kinagisnan kung saan masagana sa likas na yaman ng kalikasan at mga mabubuting tao sa lipunan Sa pagbigkas ng pilipinas hindi lamang lugar, pagkain, at tanawin ang ating maalala pati narin ang mga ngiti sa labi ng mga taong naninirahan sa bansang ito Ano nga ba ang mga ugali at karakter ng isang Pilipino mula noon hanggang ngayon na naisabuhay at siyang makikita sa buhay ng isang mag-aaral sa bansang Pilipinas? Nababatid niyo narin na matiyaga, masipag, at masiyahin ang mga ugali at karakter ng isang Pilipino ang mapahanggang sa ngayon ay nakaugalian nang mga mag-aaral.
―Edukasyon ang susi sa kaunlaran,‖ iyan ang parati nating naririnig sa mga okasyong pang-edukasyon na sinasabi ng mga tagapagsalita sa kaganapan na base sa buhay nila bilang isang mag-aaral na matiyaga at masipag kumayod mag-aral para sa kanilang kinabukasan Ang Pilipinas ay bansang maraming mga kapos palad ang matiyagang nag-aaral at nagsusumikap na makapagtapos upang maiahon ang pamilya sa kahirapan Napakahirap man ng buhay ngunit ang mga mag-aaral ay pursigidong makapagtapos lalo na sa bansang Pilipinas na kung saan edukasyon ang basehan upang ika’y makapagtrabaho sa loob ng bansang ito. Masiyahin at palangiti ang mga Pilipino kahit na nahihirapan na sila sa sitwasyong kanilang kinagisnan na siyang naipamana sa mga mag-aaral mula noon hanggang sa ngayon lalo na sa mga mahihirap Tinuruan tayo ng ating mga ninuno na maging masaya, at makuntento sa mga biyayang ating natanggap mapamalaki man o maliit ito ating pasalamatan at makuntento Nagsisimula sa maliit na bagay ang lahat, bago ito makabuo ng malaking bagay yun nga lang matuto tayong makuntento sa kung anong meron tayo at magpursiging makabuo ng malaking bagay sa tamang proseso
Masipag, matiyaga, masiyahin, at makuntento ang mga karakter at ugaling aking nakikita sa mga mag-aaral na aking nakakasalamuha sa pang-araw-araw na sitwasyon sa paaralan. Masipag sa paraang nagaaral sila ng hindi iniisip yung gutom at pahinga makapasa lamang ng mga gawaing ibinigay ng kanilang guru Matiyaga, masiyahan at makuntentong sumasagot ng alituntunin ang mga mag-aaral mapa silidaklatan, kapiterya o kantina, silid-aralan at iba pang parte ng paaralan na merong mesa at upuan kasabay ng mga kwentong kanilang pinagsasaluhan
Noong bata pa ako, lagi akong ikinukumpara dahil sila papunta na ng eskwela, ako kakagising lang-- tanghali na iyan talaga ang aking kinagisnan simula noon pero hindi ko na dala-dala sa ngayon.
At kung sa pamumuhay ang pagbabasehan hindi kami mayaman. Mahirap ang naging buhay namin noon. Walang-wala kami at ang hirap umahon.
Maraming beses kaming pinaglaruan ng tadhana, pinaglaruan na muntik naming ikasira dahil sa hirap. Naisipan ng aking Ina na pumaibang bansa na labis na kalungkutan Ang aming nadama.
Apat na taon akong nawalay sa piling ni Ina at kahit pag-aaruga niya hindi ko man lang nadama Hindi ko mayakap tuwing umaga luha na nahuhulog sa aking mata ay hindi ko na mabilang pa.
Dahil sa hirap, hindi ko mabili ang nais ko. At ang magkaroon ng makabagong teknolohiya na ginagamit ng ibang tao. Pangungutya lamang ang aking naririnig na halos sa galit ako ay nanginginig.
Alam Kong normal lang ang mga pagsubok na dumadating sa aking buhay. Kaya kahit kailan hindi ko naisipang bumitaw at hindi magtagumpay. Kaya heto ako ngayon, nagsusumikap mag aral para makaahon.

Alam ko rin na hindi ako kagalingan at maabilidad pero pagdating sa negosyo hindi rin ako magpapatinag. Sa edad na disenwebe anyos may sarili ring negosyo at may napundar din -- salamat sa Diyos!
Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Huwag matakot sa pagharap ng bagong umaga ika nga nila CHANGE FOR THE BETTER and live to the fullest ever and after.