
1 minute read
Kabuluhan ng buwan ng wika,
NAKALILIGTAANNANGABA?
Batid ng lahat na sa tuwing buwan ng Agosto, ipinagdidiriwang natin ang buwan ng wika bilang pagsunod sa Proklamasyon Blg. 1041.
Advertisement
Nilulunggati ng batas na ito na mapalawak ang kamalayan ng bawat Filipino hinggil sa pagpapahalaga ng ating pambansang wika, ang Filipino
Sinasariwa rin nito kung gaano kariktan at kakulay ang mga wikang nakapaloob sa ating bansa Kaya, kalimitang bida ang mga patimpalak tulad ng talumpati, balagtasan, pagsulat ng sanaysay, pagalingan sa pagtatanghal ng samut-saring mga katutubong sayaw at marami pang iba Sa pamamagitan nito, muling ikinikintal sa isip at puso ng mga mag-aaral kung gaano kayabong at kaganda ang ating kultura at wika na dapat taas noo nating ipinagmamalaki sapagkat ito ang pagkakakilanlan nating mga Pilipino.

Masakit mang isipin, ngunit habang tumatagal, nagiging isang malaking hamon para sa mga kabataan na mahalin ang ating sariling wika. Kapansin-pansin na mas nahuhumaling sila at nagpapakadalubhasa sa wika ng mga banyaga Iilan na lamang sa mga kabataan ang taos pusong nakikiisa sa mga programang inilulunsad tuwing buwan ng wika
Mailap na rin o madalang ang mga estudyanteng maalam patungkol sa bararilang Filipino Patunay lamang ito, na nawawalan ng bisa ang kapangyarihan ng naturang batas na maitulak ang mga Pilipino sa sakdal nitong pagmamahal sa sariling wika.
Bukod pa riyan, patuloy ang pagtaas ng bahagdan ng mga kabataang nalululong sa kpop at kdrama Mahabang oras ang kanilang ginugugol dito sa halip na pagaralan ang ating kasaysayan, kultura at wika na maghahatid sa kanila sa mataas na pagkakilala sa ating lupang tinubuan Tila nakakaligtaan ng mga mag-aaral ang diwa ng pagdiriwang sa buwan ng wika, at ito ang ay lalong pagmamalasakit at pagibig sa ating sariling wika. Walang masama na mag-aral sa ibang lenggwahe nagiging mali lamang ito kapag mas binibigyan natin ito ng prioridad kaysa tangkilikin ang sariling atin
Ang suliraning ito ay isa sa mga sinusugpo ng KWF o Komisyon ng Wikang Filipino Ito ang samahang walang maliw na nag-aakay at nagpapanukala ng mga programa na naglalayong mahikayat at mahimok ang bawat mag-aaral na maging aktibo sa mga aktibidad na may kinalaman sa pagpapalawig ng kakayahan at kaalaman tungkol sa ating wika Bago mahuli ang lahat, nawa ay huwag nating kakaligtaan o kakali mutan ang kabuluhan ng pagdiriwang ng buwan ng wika.