
1 minute read
Pamilyang Pilipino
ni Stacy Loraine N. Ramos
Mama, Papa, sambit ng bata, pamilya'y tanging alam ng diwa.
Advertisement
Mga pilipino nga ba'y labis magmahal sa pamilya?
Bailan ba maituturing na labis kung para sa pamilya?
Po? Opo. Mga unang pangaral ng magulang, Bakit ang iba'y hirap gamitin sa paggalang?
Dapat bang kalimutan kultura ng respeto?
Hindi, hindi tamang baguhin ang pagkakakilanlang ito.
Tandaan, magulang at pamilya'y alagaan, sila'y nagsilbing isip at gabay noong sanggol pa lamang.
Walang hihigit sa pagmamahal sa pamilya, 'di mapapalitan ng nino man ano man sila.
Kulturang Pilipino higit pa sa pagmamahal sa pamilya, di lamang basta kinalakihan at nakasanayan na. Ito ay nagpapakita ng ginintuang pusong ipinamana, mula nino hanggang sa kasalukuyan pa.





