Skip to main content

Better Together: Seesaw & Jamf (Filipino Tagalog)

Page 1


Mga Benepisyo ng iPad para sa mga Batang Mag-aaral gamit ang Seesaw

Pagbabago sa mga Silid-Aralan sa Elementarya —

Ligtas, Konektado, at Handa sa Pagtuklas

Gamit ang microphone tool, mas madaling maipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsasalita— walang hadlang—na sinusuportahan ng mahusay na audio recording ng iPad.

Gamit ang photo tool, makakakuha at makakapagbahagi ang mga mag-aaral ng mahahalagang sandali at “milestones” sa kanilang pagkatuto— mas napapadali ito dahil sa madaling gamitin na front at rear camera ng iPad.

Gamit ang video recording tool, mas naitatala ang malinaw at makukulay na sandali ng pagkatuto. Nakakagawa ang mga mag-aaral ng dokumentasyon ng kanilang proseso, mga eksperimento, at obserbasyon—na mas nagiging maayos dahil sa mataas na kalidad na camera ng iPad.

Gamit ang drawing tool, naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga ideya at pag-unawa sa pamamagitan ng pagguhit—perpektong “canvas” ito para sa madaling gamitin na touch-screen ng iPad.

Pagbubukas ng Masaya, Ligtas, at

Tuloy-tuloy

na Pagkatuto mula Paaralan

hanggang Bahay

Kapag masaya ang pagkatuto, mas naaantig nito ang puso ng bata. Doon nagsisimula ang pagkamausisa, mas umuunlad ang pagkamalikhain, at nabubuo ang pangmatagalang pagmamahal sa pag-aaral. May kakayahan ang mga paaralang elementarya na lumikha ng ganitong mga sandali. Ngunit sa panahon ng digital na pagkatuto, mas nagiging posible ito kapag may tamang mga proteksyon upang manatiling nakatuon ang mga mag-aaral, maging ligtas, at malayang makapagtuklas.

Seguridad at Kasimplehan, Kasabay ng

Pagkatuklas na Angkop sa Edad

Magkasamang gumagana ang Seesaw at Jamf upang makabuo ng ligtas, secure, at angkop sa edad na digital na kapaligiran kung saan ang mga batang mag-aaral ay makakapag-explore, makakalikha, at makakapagbahagi ng kanilang natutuhan nang may kumpiyansa. Sa tulong ng secure na pamamahala ng device at mga learning space na walang istorbo, malaya ang mga bata na sundan ang kanilang pagkamausisa, maipahayag ang kanilang sarili, at umunlad.

Handa, Simula, Matuto: Madaling Gamitin para sa Elementarya mula sa Unang Araw Ang Seesaw at Jamf Teacher ay nagbibigay ng karanasang handa na para sa klase agad paglabas pa lang ng kahon. Madaling i-deploy at i-manage ang mga iPad, at dahil intuitive ang interface ng Seesaw, mas nagiging simple para sa mga guro, mag-aaral, at pamilya ang makilahok at makipag-collaborate—nang walang dagdag na komplikasyon. Makakapagpokus ang mga guro sa pagtuturo, hindi sa pag-aayos ng teknolohiya, at makikita ng mga pamilya ang pagkatuto ng kanilang anak anumang oras, saanman.

Ligtas at May Suportang Pagkatuto Kahit Lampas sa Silid-Aralan Ipinapakita ng mga pag-aaral na kapag aktibong kasali ang pamilya sa edukasyon ng bata sa elementarya, mas mataas ang naaabot ng mga magaaral at mas matibay ang pundasyon nila para sa tagumpay sa hinaharap. Pinapadali ng Seesaw at Jamf Parent ang tuloy-tuloy na pakikilahok ng pamilya sa pamamagitan ng maayos na koneksyon sa pagitan ng paaralan at tahanan. Makakapanatag ang mga pamilya dahil kapag ang mga magaaral ay nag-aaral sa iPad sa bahay, protektado ang kanilang data at limitado ang access sa mga aprubadong educational resources lamang.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook