

Sag-uban
Kamalayan. Kaalaman. Kasanayan
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Coleto Elementary School
Tomo 8 Isyu 1 Hunyo 2023 - Marso 2024

NILALAMAN
PURSIGIDO. Isang mag-aaral sa ikalawang baitang nag na gumagamit ng recycled na papel.
Imbestigatib
Opinyon
Pag-aaral ko, Ipursige ko
Lathalain
Agham at Teknolohiya
Balitang Isports
One-on-One Match
76 sa 204 na mag-aaral hindi rehistrado, walang PSA birth certifcate
‘WALANG PAPEL’
Hindi pagpasa ng sagot sa modyul siniyasat
“
Wala ngang maibigay na baon ang mga magulang namin, para pa kaya sa papel”. Ito ay isang tugon ng estudyante sa ikaanim na baitang matapos nagsiyasat ang paaralan sa dahilan kung bakit karamihan sa mga mag-aaral ay hindi makapasa ng sagot sa modyul tuwing nagkakaroon ng asynchonous classes.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang paaralan tungkol sa mga dahilan kung bakit maraming mag-aaral sa bawat eskwela ang hindi nagpapasa ng sagot sa mga modyul ng kanilang mga gawain sa pag-aaral.
“ Ayon sa guro sa ikaapat na baitang, halos 30% lamang ng mag-aaral ang nagpasa ng sagot sa modyul
Imbestigatib
Nutribun na expire
Dahil sa halos isang linggong walang pasok, isang karton ng nutribun ang naabutan ng expiration date.
“Nagmolds na sila”, ito ang sabi ng isang guro matapos makita ang nutribun na ipamimigay na sana niya sa mga School Based Feeding Program (SBFP) recipients.
matapos ang halos tatlong linggo ng modular-based learning system.
Ang imbestigasyon ay ginawa sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga guro sa maaring dahilan kung bakit hindi nagagawa ng mag-aaral ang pagpasa ng sagot. Iniinbistigahan ngayon ng paaralan ang sitwasyon at makita ang mga posibleng dahilan kung bakit marami ang hindi makapasa sa nasabing aralin.
Ang resulta ng imbestigasyon ay nagpakita ng mga paraan at solusyon upang suportahan ang mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong sa pag-sasagot sa mga modyul at mapanatili ang kahit na ang kahalagahan ng modular-based learning system sa pagsasaalang-alang na pagtrato sa lahat ng mga mag-aaral.”
“May gani mam natan-awan nato ang expiration date delikado sa mga bata” - ayon sa isang ina.
Sa susunod na magkakaroon ng supply ng nutribun ay ipamimigay agad natin sa mga bata upang di maabutan ng expiration date” sabi ng punong guro.
ang ipinamigay na nutribun.

Nahaharap sa hamon ng malaking bilang ng mga mag-aaral hindi rehistrado ang kapanganakan o hindi nakakuha ng sertipiko ng kapanganakan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang 76 na mag-aaral ng Coleto Elementary School.
Ayon sa datus galing sa mga guro, 9 na mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 ang hindi nakarehistro at 67 naman ang walang PSA birth certificate.
Ayon sa isang magulang ng hindi narehistro, “ ang bayarin sa hospital ang isa sa mga dahilan ng hindi maprosesong birth certificate”
Ang PSA birth certificate ay isa sa pinakaimportanteng dokumento sa pagaaral sapagkat ito ang basehan ng mga pirmanenteng record ng mag-aaral sa paaralan.
Ginagawan na ng paraan sa tulong ng Kapitan kung paano maresulba ang problemang ito sapagkat upang matulungan ang paaralan sa importanteng dokumentong ito.
Bilang ng mga mag-aaral na hindi rehistrado at walang birth certificate
Kindergarten at Grade 1 36 15 16 6 3
Grade 2
Grade 3 at Grade 4
Grade 5
Grade 6
Kabuuan:
02 balita
INGKULTRIBO!
Inclusive Education Act pinatupad
Pinaigting ng paaralan ang Senate Bill No. 1907 o Inclusive Education Act, walang may kapansanang magaaral ang maaaring mapagkaitan ng oportunidad sa edukasyon maging pampubliko o pribadong paaralan man sa basic education.
Ang Coleto Elementary School isa sa mga paaralan na nagpatupad ng batas na ito. Kabilang sa mga programang ipanatupad sa paaralan ay ang ALS, SNED at IPED learners kung saan ang mga guro ay may mga mag-aaral din na nakaenrol sa mga programang ito.
Base sa enrolment ng taong panuruan 2023-2024, 130 IPed learners ang nakaenrol sa paaralan, 31 sa ALS at may naka tag na sa bawat grado na mga kinilalang mga mag-aaral na nabibilang sa SNED program.
Ang mga guro ay sumailaim sa mga pagsasanay kung paano turuan ang ganitong mga magaaral.
Sumailalim din ang mga mag-aaral sa assessment upang malamalaman ng guro kung saang aspeto kailangan ng tulong ang mga bata.


Mag-aaral tumakbo sa nakitang itim na lalaki
Kumaripas ng tagbo pauwi ang isang mag-aaral sa ikaanim na baitang matapos makakita di umano ng itim na lalaki sa bintana ng CR sa paaralan.
“ Nakakita ako ng itim na lalaki Ma’am papunta po sa akin hindi ko po maaninag ang kanyang mukha kaya tumakbo ako pauwi ng bahay.” sabi ng
bata sa binsaya.
Ayon sa ina ng bata, hindi lang daw ito ang unang pagkakataon na nakakita siya nito. Patuloy pa ang pagsisiyasat ukol dito at inaalam pa ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
Pinabulaanan naman ng security guard na wala siyang nakita na lalaki doon sa classroom.
Paglinang sa Kulturang Kinamayu tinutukan
Paaralan nagpatupad ng Project KANAMI
Nagpatupad ang paaralan ng proyekto sa matinding hangarin na masiguro ang pagpapaigting ng IPEd program, pinangunahan ng Coleto ES ang adbokasiya sa implementasyon nito, bilang isa rin sa IPEd Implementing School.
Ang Coleto ES ay naglunsad ng Project KANAMI noong Setyembre 30, 2020 at ipinagpapatuloy implementasyon nito hanggang ngayung taong panuruan.
Ito ay hango sa salitang kamayu “KANAMI”na ang ibig sabihin ay “AMIN”. Layon nito ang magbigay kamalayan sa pamayanan ng aming paaralan tungkol sa tradisyon, kaugalian at paniniwala ng mga katutubong mag-aaral sa Coleto sa pamamagitan ng tula at
para na rin ma preserba ang kanilang kultura, at mabigyan ng respeto ang kanilang pagkakakilanlan. Ito ay ayon sa DO 62 s. 2011.
Sa pangunguna ng aming Mandaya City IP Chieftain na si Datu Saljos
Florio S. Josafat, Jr., nagsagawa siya ng pagpupulong sa iba’t-ibang pinuno ng tribo dito sa syudad ng Bislig pagkatapos isinumite ng aming paaralan ang plano na inaprubahan ng Bislig City Division. Sinundan agad ito ng oryentasyon at pag organisa ng School-Level Consultative and Advisory Body (CAB) sa 18 IPEd implementing schools.
Pagkatapos ng oryentasyon, sinmulan ng mga IPed Volunteers ang pagtuturo ng kultura ng Mandaya at Manobo tuwing unang lunes ng buwan sa bawat grado.


25% na slow readers naitala
5 taong problema sa tubig nasolusyonan Rainwater catchment itinayu
Matatapos na rin ang suliranin sa kawalan ng tubig dahil isinakatuparan ng DPWH ang Rainwater Catchment project sa paaralan. Ito ay matapos aprobahan ng Department of Public Works and Highways (DPwH) ang pondong na inilaan para sa Rainwater Catchment. Mag-iinstall po kami sa Brigada Eskwela,” pahayag ng engineer ng DPWH.
Naging perwisyo ang kakulangan ng tubig lalo na sa klasrum sa Grade 2 kung saan hinidi umaabot ang tubig dahil sa mataas na lokasyon nito, kakailanganin ang isang submersible pump upang
Problema sa pagbasa sumalubong sa unang buwan ng pasukan
Inilunsad ng paaralan ang proyektong “Project KWENTO” kungsaan isa sa layunin nito ang tulungan ang mga mag-aaral na nahirapan sa pagbasa.
Ito ay upang matulungan ang 25 magaaral na nasa frustration level matapos ganapin ang Phil Iri pretest nitong taong pasukan.
Ayon kay Gng Rosie R. Salazar, isa sa mga prayoridad ng bilang guro sa
Grade 4 ang paglaan ng kanilang oras sa pagpapabasa sa mga frustration readers ng paaralan upang masiguro na ang lahat ay marunong bumasa. “This program helps students who need assistance in reading to help their classmates, to reinforce learning and provide opportunities to practice,” pahayag niya. Tampok sa naturang programa ang paglaan ng oras sa pagpapabasa sa mga frustration reader ng paaralan.

mapaakyat ang tubig sa kanila. Nagiging suliranin ang kawalan ng tubig na gagamitin para sa palikuran nila at kailangan pang mag-igib sa malapit na gripo upang mawala ang mabahong amoy mula dito lalo na kung mainit ang panahon at malakas ang hangin.
Ayon kay Ma’am Elena, noon pa man ay suliranin na ang regular na water supply dahil sa topograpiya ng klasrum. Dahil nakatayo sa itaas, mahina ang presyur ng tubig kaya hindi na umaabot sa kanila. Nagiging perwisyo ito at nahihirapan ang mga maliit na bata lalo na sa pag -iigib ng pambuhos sa palikuran, pang dilig ng halaman at iba pang kagamitan ng tubig.

Kalusugan ng mag-aaral pinuna
3 beses na feeding sa isang linggo isinagawa
Naitala ngayong School Year na tumaas ang bilang severly wasted at wasted children o batang kulang sa timbang sa paaralan
Dahil dito ipinatupad ng paaralan ang SBFP o School Based Feeding Program kasama ang gulayan sa paaralan upang mabawasan ang mga batang kulang sa timbang.
“Maayo na siya para sa mga bata
kay para mukaon jud sila ug gulay” sabi ng isang magulang na nagluluto para sa mga bata.
Marami kasi sa mga batang ito ay hindi kumakain ng gulay sa kanilang mga tahanan.
“Mukaon ang bata Ma’am kung sa eskwelahan kay maingaw siya kauban ang mga klasmet”,dagdag pa niya
Dahil din dito, hindi nag-aabsent sa paaralan ang mga batang ito.
04 balita

Values formation pinagtibay sa paaralan, First Friday Mass idinaos
Floriza Shane M. Josafat
Magandang pag-uugali. Ito ang pangunahing layunin ng paaralan kung bakit regular na idinadaos ang First Friday Mass sa paaralan. Ayon kay Gng. Elena D. Silvosa, tagapag-ugnay sa Values, isa ito sa mga paraan upang manumbalik ang mga kaugaliang unti-unti nang isinasantabi ng kasalukuyang henerasyon.
“ We can observe that many Filipino values are taken for granted nowadays. The school should compete with the mass media in influencing the character of our youths,” saad ng guro. Nagpahayag din ng pagsang ayon sa naturang programa si Gng. Devalin C. Anino, isa sa mga guro sa Edukasyon sa
Komportableng silid-aralan siniguro, PTA nagpaabot ng tulong
Nathalia A. EleazarNaging daing ng mga estudyante ang maalinsangang klasrum sa pagsisimula ng klase ngayong taon kaya ito ang naging una sa mga proyektong isinakatuparan ng mga opisyales ng homeroom. Sa ambag ng mga magulang at mga guro, nakabili ng mga ceiling at wall fan ang lahat ng
silid-aralan.
Gamit din ang pondo ng PTA ay ipinakumpuni din ang mga lumang ceiling fan upang muling mapakinabangan. “Mahirap ang makinig kapag maalinsangan sa classroom dahil hindi kami mapakali kaya malaking ginhawa ang naibibigay ng mga ceiling fan,” pahayag ni Kyle, estudyante sa Grade 4

Pagpapakatao dahil aniya ay kailangan ng presensya ng Diyos sa lahat ng ating ginagawa.
“Nagiging instrumento ito upang mapaunlad ang values ng mga estudyante. Kailangan natin ng spiritual intervention dahil mahirap turuan ang mga mag-aaral na walang maayos na pag-uugali,” pahayag ng ginang. Samantala, nagpahayag din ng pasasalamat ang isang magaaral sa Grade 6 tungkol sa naturang aktibidad. “Thankful talaga ako sa First Friday Mass dahil marami akong natututunan sa tuwing nag-hohomily. Dahil sa aking mga natutunghayan sa misa ay natatakot upang gumawa ng masasamang bagay,” ayon kay Xybelle.

E- classroom ginawang silid-aklatan
Bilang pag suporta ng panawagan sa pagkakaroon ng silid aklatan sa paaralan na siyang gagamitin sa muling pagbabalik ng face to face, hinati ang E-classroom ng Coleto Elementary upang maging temporayong silidaklatan.
Sa paglilibot at pag bisita sa paaralan ng LR Manager upang tingnan ang silid aklatan, “ magbutang ta temporary lang nga library para sa atong mga koleksyon aron ma preserve ni siya kay dili dali mahimo ani.
“ Since dili pa functional ang inyong computers pwde siguro ato e temporary ug butang diha ang inyong library o collections natu sa LR” dagdag pa niya.
Sa senyas ng punong guro, hinati ang e-classrom sa tatlong bahagi, Clinic, E-classroom at library.
Sa tulong MOOE fund, nahati ang e-classrom at naisakatuparan ang pagkakaroon ng library sa paaralan. Maayos na din ang mga koleksyon ng LR at magkakaroon na ang mga bata ng dagdag na lugar upang magbasa tuwing tanghali.
Sag-uban
Basic First Aid, iba pang kaalaman, itinuro
Mga iskawts natuto
kasama ang ibang kalahok
Laging handa! Sa pamamagitan ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) at Girl Scouts of the Philipines (GSP), Lumahokng ang mga iskawts sa paaralan sa isang survival challenge kung saan sila isinalang sa iba’t ibang gawain na maaari nilang magamit sa panahon ng sakuna o kalamidad. Kabilang sa halos 82 registered scouts sa naturang School encampment sa Coleto ES noong Setyembre 29, 2023, 82 na iskawts ng paaralan na tinuruan sa mga estasyon na sumubok sa kanilang kakayahan sa pamumuno at iba pang kaalaman.
“Nahirapan ako sa Basic first aid activity dahil first time ko pero masaya pa rin ako at natutunan ko na kung ano ang gagawin sa tuwing may malulunod,” sabi ni Joshua na naatasang maging rescuer sa isang activity.

Ikinasiya din ng iba pang delegado ang iba pang gawain ng Disaster Risk Reduction and Management dahil maaayos itong naorganisa. Samantala, maliban sa DRRM at basic first aid itinuro sa lahat ng iskawts ay sumailalim din sila sa iba pang Base tulad ng Flag Code, Survival Skills, Songs and Yell, Knot Tying at Trail Signs. Sa aming panayam sa ibang kalahok matapos ang Activity, nagpahayag din sila ng kagalakan sa pagkakataong matuto ng mga bagong kaalaman. “Bilang isang Scout, malaki ang maitutulong ng scouting para matutunan ang kaalaman na magagamit sa panahon ng emergency,” sabi ng 12 taong gulang na si Floriza Shane. “This is a good experience because I learned many things like new scouting techniques, and I will use these to help the community like cleaning and helping poor people,” pahayag naman ni Freia, isang Grade 5 student.

SAGIP-BUHAY. Ipinaranas sa mga Scouts kung paano lapatan ng pangunang lunas ang isang nasugatan.
Unang Araw ng pasukan pagkatapos ng Christmas Break niyanig ng 5.2 magnitude quake
Unang araw pagkatapos ng pahinga ng Pasko, na kadalasang puno ng satsat at reunion, ay naging pagsubok ng mga nerbiyos at mga protocol sa emerhensiya habang yumanig ang mga pagyanig sa mga silid-aralan at pasilyo.
Ang lindol ay tumama sa 9:11 ng umaga, ang mga Guro ay ginabayan ang mga mag-aaral sa ilalim ng mga mesa at sa mga ruta ng paglikas, Sa kabutihang palad, walang mga ulat ng mga pinsala o malubhang pinsala sa gusali ng paaralan.” Ang pagyanig ay humupa pagkatapos ng ilang segundo, na nag-iwan ng magkahalong tuwa at nerbiyos na tawa. Ang mga pamamaraan ng paglikas ay natuloy nang maayos, na ang mga mag-aaral ay mahinahong pumunta sa evacuation area sa school ground.
Palawakin ang kaalaman, paigtingin ang quarterly drill
Natulala at hindi magkamayaw ang mga mag-aaral nang magkaroon ng lindol noong Setyembre 5 at dahil sa naging reaksyon ng mga magaaral ay nagbigay ng suhestyon DRRM coordinator na paigtingin ang earthquake drill sa bawat quarter. Kumbinsido ang mga guro na may kakulangan ang pamamaraan sa naunang drill kaya hindi masyadong naintindihan ng mga magaaral ang tamang proseso sa tuwing may mararamdamang pagyanig at ang paulitulit na pagsasagawa nito ay makakatulong sa lahat na maging kampante.
“Hindi nasusunod ang procedures dahil
ang ibang mga estudyante ay hindi seryoso sa tuwing isinasagawa ang drill,” pahayag ng tagapag ugnay ng Schools Disaster Risk Reduction Management. Ayon naman sa mga estudyante ay hindi nila maiwasang mataranta kaya ganoon ang kanilang naging pagtugon. “Memoryado ko na ang sequence ng drill ngunit hindi ko talaga naiwasang mag-panic dahil naramdaman naming ito sa aming classroom,” saad naman ni Cassandra Dwayne ng Grade 5. Simula pasukan ay dalawang beses nang isinagawa ang school wide drill habang mayroon ding mga classroom drill na nagaganap.
Ang mga magulang, na alerto na sa mga pagyanig, ay nagtipon sa paaralan, sabik na naghihintay sa kanilang mga anak. “Sige pa gyd ta ani uyogon,” stated School Head , Mirasol R. Benablo . Ang lindol na ito ay malamang na aftershock ng 7.6 na lindol sa layong 38 km sa hilaga ng Bislig City, Province of Surigao del Sur, Caraga, Philippines, Disyembre 2, 2023 10:37 ng gabi na naganap 4 na linggo bago ito.
Habang ang mga aralin at iskedyul ay nagambala, ang araw ay nag-aalok ng isang mahalagang pagkakataon upang palakasin ang mga protocol sa kaligtasan at pagyamanin ang pakiramdam ng magkabahaging karanasan sa mga mag-aaral at kawani. Pagkatapos ng tanghalian, sinuspinde ang mga klase.

06 balita
‘Safety first’
Sirang transparency board kinumpuni
“Delikado na sa mga bata ma’am, basin matumba ang transparency board” sabi ni Eusebio isang membro ng Barangay Pulis laban sa Krimen (BPLK) ng pinatingnan ng Principal ang transparency board ng paaralan.
Marami kasi ang mga batang lumalapit dito upang sumilong at basahin ang mga napaskil. Minsan nilalapitan din ito nga mga naglalaro.
“Basin matumba nana ma’am maong dapat na siya ayuhon” dagdag pa niya.
Dahil dito, isang bayanihan ang ginawa ng mga grupong
Alpha Kappa Rho upang maayos muli ang nasabing board. Ito ay pinagtulungan ng lahat ng myembro nila kasama ang PTA members. Bumili sila ng gamit galing sa PTA fund at inayos ito. Bago na ang transparency board at hindi na ito delikado.
“May gani na bantayan na kay delikado na siya nga wala pay bata nga nadisgrasya” sabi ng PTA president. Dito kasi nilalagay at pinapaskil ang mga proyekto na natapos.
Mas ligtas na ang mga bata ngayon na basahin ang mga ipinapaskil sa transparency board dahil bago na ito.
36 na mag-aaral nakatanggap ng tulong
Coleto Elementary School – Ang isa paaralang napili ng samahan ng mga guro sa Araling Panlipunan sa kanilang Programang Putos sa Gugma: A Gift Giving Activity. Ang Sulead Team ay mamigay ng supplies sa mga batang indigent.
Isa ang Coleto sa 3 paaralan ng Bislig III District, napili ng Sulead Team na mabigyan ng libreng school supplies at relief gooda noong
Setyembre 2023.
Mga notebook, papel, krayola at lapis, at bigas ang ipinamigay sa mga batang nasa Ikaanim na baitang.
Layunin ng grupong ito na hindi lang makatulong kundi ang makaingganyo din ng iba pang samahan para sa kanilang kawanggawa upang mas marami pang batang matulungan.
Masaya silang umuwi dala ang pabaon ng grupo para sa kanila.


CLAYGO, responsibilidad ng bawa’t isa - punong guro
“ Tungkulin ng bawat isa ang panatilihing malinis ang kampus.” Ito ang sinabi ni Gng. Mirasol R. Benablo sa kaniyang mensahe sa pambungad na programa ng Science Month 2024 noong ika-5 ng Setyembre. Sa nasabing programa ay binigyangdiin ng punongguro ang patuloy na suliranin sa pagkalat ng basura sa iba’t ibang bahagi ng paaralan.
Hinimok din ni Gng. Benablo ang mga tagapayo na mas paigtingin pa ang kalinisang problema sa loob at labas ng silidaralan.
“Tungkulin ng bawat mag-aaral na itapon sa tamang lalagyanan ang mga basurang naipon sa inyong mga classroom,” ayon pa sa punong-guro. Ang paalalang ito ay paulit-
ulit nang inanunsyo ng punong-guro ang tungkol sa problema sa basura sa paaralan ngunit hanggang ngayon hindi pa rin nareresolba.
Samantala, hinikayat din niya ang mga tagapagugnay ng Solid Waste management ng paaralan na gumawa ng paraan upang maibsan ang

Opinyon Sag-uban

Ang palagiang pagpasok sa paaralan ay nagpapaunlad sa mga mag-aaral ang kanilang natutunan lalo na sa panahong hindi nakapasok dahil sa pandemya. Sa araw na mga ito ay nasasakripisyo ang mga araling dapat matutunan. Subalit, bilang

isang estudyante ay kailangang humanap ng paraan upang ang akademiks at ko-kurikular ay kapwa mahabol. Dahil sa sunodsunod na naranasan nating kalamidad, lindol at baha ay kalimitang nasususpinde ang mga klase at nababawasan ang mga
gawain sa paaralan. Maraming oras ang mga bata sa pagtitiktok kaysa paggawa ng performance task at assignments. Interesado at naaliw sila sa mga videos at reels kaysa sa mga video sa paaralan.
07
Pag-aaral ko, ipupursige ko
araw na nakalaan sa teaching learning process alinsunod sa Calendar of Activities o DepEd Order No. 34, s.2022.
Sa tuwing sasapit ang mga buwan ng Oktubre ay sunodsunod na ang mga programa at mga patimpalak mula sa paaralan hanggang sa dibisyon. Sa paghahanda sa mga ito ay kailangang magsanay ng mga guro at mag-aaral na kalimitang nagaganap sa mga panahong sana ay nasa classroom at nag-aaral. Isa sa halimbawa nito ay ang mga mag-aaral na aktibo sa isports. Sa pagnanais ng mga estudyanteng atleta na mas gumaling pa at makasali sa mas mataas na antas ng kompetisyon ay puspusan ang mga ginagawang pagsasanay at kalimitan ay nai-exempt sa kani-kanilang mga klase.
Ganito rin ang kalakaran
ng mga sumasali sa mga patimpalak akademiko.
Sa kabila ng mga naranasan nating ito, may mga ginawa ang paaralan upang makahabol ang mga mag-aaral sa aralin. May ibinibigay na mga modyul at performance task ang mga guro sa mga nagsasanay na mga magaaral. Dahil sa mga gawaing ito ay nagagawa nilang makahabol sa mga kaalamang natalakay sa klase habang sila ay wala sa silid-aralan. May ginagawa ding RRE at LRP.
Totoong maaapektuhan ng mga activities at kalamidad ang kaalaman nating mga mag-aaral. Ngunit kapag pinapahalagahan natin ang bawat oras at igugugol sa mga makabuluhang bagay ay hindi na natin kailangang isakripisyo ang akademiks upang gumaling sa mga gawaing ko kurikular. #Safe Internet Day
Maraming sites sa internet ang kadalasan na naaccess ng mga kabataan. Kabilang dito ang facebook, twitter, instagram, at mga laro tulad ng Mobile legends, roblox at kung ano ano pa. Sa isang klik lamang ay maaari ka nang mapabilang sa isa o sa lahat ng mga ito. Kung iyong titignan, malaki ang kaibahan ng mga kabataan noon at ngayon. Social Networking Sites na gaya ng facebook at tiktok ang nagiging libangan ng mga bata ngayon.
Natanong kaya ng ating mga magulang kung ano ang epekto nito sa mga bata? Isa sa epekto nito sa mga bata ay sa pag-aaral ay hindi paggawa ng mga
Sa kabilang banda, magagamit ito sa kasamaan para manloko ng kapwa. Naglipana ang ngayon ang scam, hacking ng accounts at pangloloko gamit ang social media.
Kung naranasan ng mga bata ngayon itong mga panglolokong ito, mainam na malaman ito ng mga magulang. Disisyon na nila kung anong paraan ninyo ito gustong gamitin. Basta ito may tamang gabay at may takdang oras kung kailan ito gagamitin upang mapangalagaan din ang kalusugan ng ating mga kabataan

PATNUGUTAN
Punong Patnugot: Floriza Shane M. Josafat
Pangalawang Patnugot: Nathalia A. Eleazar
Pamamahalang editor: Daniela Freia D. Opong
Tagasulat:
Balita: Nathalia A. Eleazar
Lathalain: Rohann Dave F. Darag
Agham at teknolohiyang lathalain: Daniela Freia D. Opong
Isports: Xybelle Jane H. Delos Reyes
Kartong Editoryal: Reymone O. Catarman
Tagakuha ng larawan: Cassandra Dwayne R. Salazar

Rosie R. Salazar
Tagapayo
Boyet M. Sabando
Principal – 1
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Coleto Elementary School Liam Ronald Hans F. Darag08 Opinyon

Krisis sa tubig, may nagpabaya ba?
Floriza ShaneNatuyo na ang sapa na pangunahing pinagkukunan ng ang sag-uban. Ang sapa na dating pinagkukunan ng mga tao sa Coleto ng maiinom. Ngayon na tuyo na ito sino ba ang dapat sisihin sa sitwasyong ito? ang water disitrict ba na siyang kumukuha ng suplay ng tubig, ang mga loggers na pinuputol ang mga puno sa mga water sheds, ang

Di karapat-dapat
Ni: Zybelle Jane H. Delos Reyes
kalikasan ba na wala ng ulan mahigit isang buwan na, o ang tao na hindi man lang pinangalagaan ang mga bagay na pinagkaloob ng Diyos sa kanya. Bawat ahensya ng gobyerno ay may kanya kanyang tungkulin na ginagampanan, bawat isa ay may saklaw na responsiblidad. Subalit kailangan din niya ang ibang ahensya upang magampanan niya ang kanyang responsibilidad. Ang water district halimbawa ay nagmumudmod ng tubig sa kabahayan, subalit hindi niya magampanan ngayon ang kanyang responsibilidad sapagkat wala ng pagkukunan ng tubig. Kasalanan kaya ito ng DENR? sapagkat sila ang reponsable sa pamamahala at pagkokontrol ng logging sa mga bundok kabilang na ang mga water sheds. Ating din kayang masisisi ang kalikasan kung bakit walang ulan?
Sa bawat pagtatapos ng quarter ay natatanggap natin ang ating F-138 o School Report Card kung saan naitala ang ating naging performance sa klase. Maliban sa mga numerong marka na nakasulat dito, may bahagi din sa naturang card na magbibigay ng ebalwasyon kung sa bawat araw ba na ating nilalagi sa paaralan ay nagkaroon ba ng pag-unlad sa ating asal at pag-uugali.
Ipinakita sa naturang report ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mag-aaral alinsunod sa apat na core values na nakasaad sa DepEd Order No. 8, s. 2015. Sa bawat quarter, minamarkahan ang ating card ayon sa kung paano tayo umunlad sa mga aspetong pagkamakabansa, pagkamakatao, pagkamakakalikasan at pagkamaka-Diyos.
Subalit, kadalasan ay hindi na ito binibigyan ng halaga. Walo sa bawat sampung mag-aaral na aming tinanong ang nagsabi na ang mga marka lamang sa mga subjects nila ang kanilang tinitingnan. Ibig sabihin nito, mas mahalaga sa mga mag-aaral ang mga numero
Sino sa atin ang ang nagpabaya? Meron ba tayong masisisi sa sitwasyon ating hinaharap ngayon? Wala, sapagkat tayong lahat ay reponsable. Bawat isa ay may mga bagay na ginawa.
Ang simpleng pagtatapon at pagsusunog ng plastic na nagdudulot at nag global warming ay isa ring dahilan, ang hindi natin pagtatanim , kakulangan ng kaalam at pagwawalang bahala sa kahalagahan ng kalikasan ay ating ginagawa. Tapos ngayon sisihin natin ang water district dahil sa walang tubig? Atin itong pagnilayan, ang krisis sa tubig , may nagpabaya ba? o sadyang pinamumukha sa atin ng kalikasan ang ating kapabayaan.
kaya sa mga letrang nagsisimbolo ng tinitingnan ng kanilang mga magulang. Kaya hindi na nakakabigla na dumadami ang mga mag-aaral na walang maayos na pag-aasal. Yaong mga nag-iiwan ng kanilang basura sa kanilang upuan ay hindi maka-kalikasan. Marami rin sa atin ang mahilig sa panunukso at pangangantyaw kaya nawawala ang ating pagka-makatao. Habang nagaganap ang flag ceremony ay panay ang tawanan at usapan natin sa mga kaklase kaya nawawala ang ating pagkamakabansa. Higit sa lahat, hindi na natin ginagalang ang kalikasan, ang ating kapwa at ang ating sarili kaya nasusuri ang ating pagka-makadiyos. Nakakalungkot na ang nagiging batayan lamang natin sa mabuting pag-aaral ay ang mga markang naisulat sa report card. Ipinagmamayabang natin ang mga matataas na grades upang sumaya naman ang ating mga magulang. Ngunit mas magiging masaya sila Inay at Itay kapag ipinakita natin sa kanila ang kaaya-ayang pag-uugali. Ito ang tunay na report card!
Problema sa basura aksyunan
Hindi na biro ang problema ng basura sa paaralan at dapat na malunasan ito sa madaling panahon. Sa pag uwi sa hapon at pagkatpos ng recess ay mapapansin mga nagkalat na basura.
Isa ito sa problema sapagkat hindi maganda tingnan. Nagiging marumi ang paligid ng paaralan. Kailangan magkaroon ng malapit na
basurahan sa canteen upang mabigilan ang pagdami ng basura sa paligid.
Ang paglalagay ng kahit ng basurahan na malapit sa canteen ay isang paraan upang masolusyonan ang problemang ito. Sa pamamagitan nito, nagiging malapit lang ang basurahan at maiiwas ang pagtatapon kung saan saan.
Ni: Rohann Dave F. Darag
Ang mga taong nasa canteen naman ay pwede ng magpatulong sa pagpulot ng basura habang sila ay nagbabantay ng kanilang paninda. Pwede na rin nilang linisin ang kanilang kalat sa pagtitinda at itapon ito ng mas malapit sa kanilang tinitindahan.
Sag-uban

Kuro - kuro sa isyu ng Mental Health
Ipresenta ng Department of Education na umabot sa 404 estudyante ang nasawi sa pagpapakamatay habang 2,147 naman ang nag-suicide attempt noong taong 2021.
Ano ba ang Mental Health?
Ang mental health ay ang emotional, psychological, at social well-being. Ito ay ang paraan kung paano natin hinaharap ang stress o mga problema sa buhay. Iba iba ang mental health sa bawat bahagi ng ating buhay, mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda. (https://www.ritemed.com.ph/mental-health)
Sikolohikal na dahilan
Kalungkutan
Ang kalungkutan ay may malaking ugnayan sa mental health ng isang tao. Ang pagkawalay ng kabataan sa kanilang mga kaklase, kaibigan, at magulang ay maaaring magdulot ng matinding kalungkutan sa kanila at pagbigat ng kanilang pakiramdam, dahil sa pag-aakalang nag-iisa sila.
Isa sa mga epekto ng pandemya ay ang pagyakap pa nang gusto sa digital na mundo at dahil dito mas lalong na-expose ang mga kabataan sa social media. Ang facebook at tiktok ay isa sa naging libangan at ginamit na paraan para sa pakikipag-usap ng kabataan,
Lahat ng nabanggit ay naranasan ng mga kabataan lalo ng ng panahon ng pandemya. Hind
natin naranasan kailanman ang pandemya, hindi natin alam paano ito malampasan at lalong hindi natin alam ang kinabukasan.
Kahit sa paaralan, hindi tayo tinuruan paano mapanatiling maganda ang mental health. Kung mayroon man tayong nagawa o ginawa ng mga magulang sa atin hindi rin natin alam kung maganda ba ito sa mental health.
Dapat tayo maging positibo sa buhay. Kung nakararanas tayo ng panghihina ng loob, mas mabuti parin na makipag-usap tayo sa magulang o kaibigan upang mabawasan ang bigat na nararamdaman. hindi solusyon ang pagpapakamatay sapagkat hindi naman nito makakalutas ng problema.
Sa ngayon, may mga batang lumalaban parin sa mental heaalth at natin itong labanan.
2021 panahon ng pandemya
404 estudyante ang nasawi sa pagpapakamatay
2,147 nag-suicide attempt
10 Lathalain Sag-uban

Saving the Source
" Rohann Dave F. DaragDito naliligo, naglalaba at kumukuha ng maiinom. Ang mga bata ay masayang nagkukuwentuhan at nagtatampisaw tuwing umaga habang nag - iigib ng tubig o habang naglalaba ang kanilang mga ina.
Larawan ng isang nakapasayang kabataan ng hindi pa nauuso ang gripo sa panahong iyon.
Ang SAG - UBAN, tinatawag na bukal ng buhay para sa mga mamamayan ng Coleto, isa itong bukal na ng malamig at malinis na tubig galling sa kalikasan.
Nasa Purok 2 ng Barangay Coleto matatagpuan ang sinasabi nilang bukal ng buhay. Ito ay nasa sulok na lugar. Mga 15 metro galling
Ang mga taga Coleto ay nakalakihan na na dito kumukuha ng tubig na maiinom, naliligo at naglalaba noong unang panahon.
Sinasabi na abot tuhod pa ang lalim nito noon. Ang salukan ng tubig lamang ang naka semento, kaya ang maliliit na mga bata ay pwede pang lumangoy dito at maglaro ng bangkang papel. Ito ang nagsilbing pangunahing pinagkukunan nila ng tubig upang mapawi ang kanilang uhaw at magamit sa pagsasaing sapagkat wala pang gripo o poso noon.
Ngunit ito ay nangaganib na dahil sa pinutol ang malaking kahoy na siyang nagbibigay ng tubig sa sapa. Sino kaya ang makatutulong upang
Organikong pagtatanim, isang adhikain
“ Gulayan, gulayan, gulayan” - ito ang palaging naririnig namin mula sa aming GPP coordinator.
Umaga pa lang palagi niya na kaming pinaalalahanan sa kahalagahan ng pag-aalaga sa mga gulay na tinanim sa likod ng paaralan.
Ang gulayang ito ang naging panlaban ng paaralan sa na GPP-AEK Evaluation kung saan kami ang nanalong champion at nasungkit namin Division at 2nd Place ng Provincial Contest.
Ngayon, mas lalo pa niya itong pinalalawak upang di maagaw sa amin ang korona. Nagtutulungan ang mga ag-aaral,guro at PTA, kaming mga mag-aaral ang nagdidilig ng halaman. Pagdating sa pagtatabas ng damo at pagbabakod ay mga magulang na namin ang bahala.
Pinapatawag nang mga guro ang nanay at tatay namin tuwing matataas na ang damo at pag may itatanim pang mga gulay.
Nagdala rin kami ng mga plastik na bote dahil may paggamitan ito. Araw - araw naming inaalagaan ang mga tanim at dinidiligan. Hindi naman kami nabigo, nakuha namin ang unang pwesto.
Umaasa at nagdarasal hindi lang kaming mga bata kundi pati mga magulang sapagkat ito ay malaking karangalan para sa kanila at



Sag-uban
" Rohann Dave F. DaragPAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHAN. Batang
Grade 4 na pinapaunlad ang
11 Lathalain

Para sa Abakada:
Macro Skills pinauunlad
U pang tulungan ang malaking bilang ng mga estudyanteng nahihirapang magbasa at magbigkas ng tama, ipinatupad ngayong pasukan ang Project DEAR tuwing Catch Up fridays. Pinaigting ding ang ang remedial reading.
Naglalaan ng 30 minu-
tong pagbabasa ang reading recovery teacher pagkatapos ng tangahalian sa mga batang mahina pang magbasa at hindi naangkop ang kanilang lebel ng pagbabasa sa kanilang grado.
Ang mga reading kiosks at silid-aralan sila nagaaral kung paano magbasa.
May mga babasahin na pang ikatlo o ikaapat na
baitang ang ginagamit ng mga bata dahil mas madali itong basahin at simple lang ang mga salita.
May mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ang sumasailalim sa kasalukuyan sa remedial reading. Ginagamit ng guro ang mga flashcards na Basic sight words upang di sila mahirapan.
May malaking pagbabago sa kanilang pagbabasa kung ihahambing ito sa nakaaraang mga buwan kaya’t ipinagpalagay na mabisa ang paraang ito kaya ginagamit na rin ito sa ibang asignatura at sa ibang grado. Positibo naman ang Principal ukol dito.$
Para sayo my D.E.A.R
Bilang suporta sa Programang “Every Child a Reader Program” at pagpapaigting ng relasyon ng mga magulang at paaralan.
Pinaigting ng paaralan ang Ginikanan da, magtutudlo pa” . Isang programa ng Bislig City division na naglalayong matulungan ang mga bata sa kahinaan pagababasa at pagkwenta.
Pinangunahan ng Reading coordinator na si Gng. Lina Ybanez
Pitong magulang ang dumalo sa orientasyon at paglulunsad ng programa kung saan pinaintindi sa kanila ang kanilang magiging bahagi sa programang ito.
Nagkaroon ng eskedyul ang mga magulang tatlong beses sa isang linggo upang tulungan ang mga guro at mag-aaral sa paaralan. Isa rin ito sa uri ng
remedial reading program na kung saan, mga magulang at mga guro na ang nagtulungan para sa ating mga kabataan.
“It takes a whole village to educate a child” ika nga.

12 Lathalain Sag-uban
Abot kamay na kaalaman
“Gusto ko muhuman ug eskwela.”
Ito ang matipid na sinabi ng isang estudyanteng naka-wheelchair sa harap ng kanyang mga kaklase nang umagang iyon.
Siya si Trisha, siya ay nasa ika-anim na baitang na ngayon. Sa kabila ng kanyang kapansanan ay gustong gusto niyang mag-aral.
Siya at ang iba pang katulad niya ay nais na talunin ang kamangmangan at tiyak na magtatagumpay dahil nasa likod nila ang pamahalaan na sinisiguro na pagdating sa edukasyon ay kailangang walang maiiwan. Kung si Trisha ay hindi huminto sa pag-asa sa pagkamit ng kaalaman, walang dahilan para sa mga normal na estudyante na tanggihan ang magandang pangako ng edukasyon sa kanilang buhay.
Ipinapakita niya sa ating lahat na ang taong may pangarap ay hindi maaaring hadlangan ninuman, kahit pa ng pisikal na kapansanan.


Kamalayan sa Kulturang
Malapit ng Malimutan
3 ang itinalagang mga IP volunteers ang magtuturo tuwing lunes sa Coleto ES. Silay ay kabilang sa tribo ng Mandaya at Manobo.
Ito ay bilang suporta sa ipinatutupad na Project Kanami. Ito ay upang maturuan ang mga bata wikang kinamayu at isasalin sa wikang binisaya at manobo. Kasama na rin ang pagtuturo ng mga pagbati sa tatlong dialekto. Ito ay pansamantalang ipinalit sa oras ng pagtuturo sa Learning Recovery tuwing lunes upang masimulang malinang ang mga mga-aaral sa elementarya sa Kinamayu at Manobo na mga salita.
Ani pa ng IPED Coordinator na si Gng. Elena D. Silvosa, “Ito ay nakakatulong sa mga bata sa pagpalago sa Kinamayu at sa pagpapahalaga sa ating kultura.”
" Nathalia A. Eleazar PAG-ASA. Patuloy na nag-aaral sa kabila ng kanyang kapansanan " Rohann Dave F. Darag PARA DI MALIMUTAN. Si Tatay Mario Josafat habang ngbabasa ng kwentong Kinamyu. Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Coleto Elementary SchoolSag-uban
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Coleto Elementary SchoolAgham at Teknolohiya


‘Mental
Health’
Psychosocial Activities isinagawa pagkatapos ng lindol
Di makakaila na kahit bata pa ay nakaranas na rin sila ng stress at mental health problem. Maraming naitalang kaso sa mental health dahil sa epekto ng pandemya. Dumagdag pa ang naranasang lindol noong Disymbre 2023 na siyang dumagdag sa trauma ng mga bata.
Upang mapigilan ang kasong ito, ginawan ng paraan ng paaralan at DepEd upang naisin makatulong sa ating mga kabataan.
Alinsunod sa DepEd Order (DO) No. 34, s. 2022, ang psychosocial support activities ay dapat isagawa upang suportahan ang psychosocial ng mga bata kasama na ang mga aktibidad na kinakailangan ang pagtataguyod, pagprotekta, at pagbibigay priyoridad sa sosyo-emosyonal na kapakanan ng mga mag-aaral
habang sila ay lumipat pabalik sa mga personal na klase. Ang mga aktibidad na ito ay pangasiwaan ng mga tagapayo sa silid-aralan o itinalagang guro.
Iba’t-ibang gawain ang inihanda ng mga guro upang malinang ang kanilang magkaibang interes. Ito ay ang pagpabalik at pagbibigay uli ng tiwala at pagmamahal sa sarili na makapag isip ng malinaw at mapamahalaan nila ng wasto ang kanilang sarili.
Malunggay pambahaba ng buhay

Lalong pinaunlad ng paaralan ang pakikipag-alyansa sa mga magulang ng mga 4P’s beneficiary ng gobyerno upang maibalik ang sigla ng gulayan sa paaralan lalo na ang pagtatanim ng mga malunggay
Pinangunahan ng mga magulalang mula Grade 1 hanggang Grade 6 ang sabayang paglilinis, pagatatanim at pag-aalaga sa gulayan tuwi sa unang araw ng Marso 2024. Ayon kay Gng. Elena Silvosa, school GPP coordinator, hinihikayat ang mga paaralan sa tulong mula sa Department
Kalinisan ng pagkain siniguro Sanitary Permit iniatas sa mga food vendors
Upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyanteng namimili ng pagkain sa kanten, inirekomenda ng paaralan na magkaroon ng Sanitary Permit ang lahat ng mga nagtitinda ng sa loob at labas ng kampus. Ayon kay Gng. Maria Asucena L. Castillo RN, district nurse, mahalagang magkaroon ng Sanitary Permit mula sa RHU ang lahat ng nagtitinda ng pagkain sa loob at labas ng paaralan upang makasigurong ito ay malinis at ligtas. As of now, katong permit sa namaligya diri is good for one year, ug kailangan na pud nila i-renew. Sa gawas wala jud ta kabalo if naa jud silay permit,” saad ni Gng. Castillo. Sa kasalukuyan ay parang mga kaboteng nagsusulputan ang mga vendors sa paaralan at dito bumibili ang mga mag-aaral ng meryenda. Samantala, nagbigay naman ng ng mensahe ang school nurse sa mga dapat isaalang-alang kung sila ay bibili sa labas ng ulam. “Sa mga estudyante nga nagapalit lang ug sud-an sa gawas, mas maayu jud tana kung gikan jud sa balay ang sud-an kay kabalo man ta kung giunsa pag-prepare sa atong ginikanan. Kung sa gawas pud, mao lagi wala ta kabalo sa preparation sa food, pero so far wala pa man pud cases nga naay nagsakit. Ang kailangan lang jud, kay i-assure ang permit ug clearance from RHU nga approve sila nga mamaligya kay wala may choice ang estudyante kay wala man puy namaligya ug sudan diri sa sulod sa school,” dagdag ni Castillo.
14 Lathalain

Agham Balita:
Science Curriculum palalakasin
Lalo pang paiigtingin ng paaralan ang kasanayang pagkatuto ng mga magaaral sa asignaturang agham o siyensiya matapos sumailalim sa Seminar-Workshop sa AVKE at Lake ang dalawang science teachers ng paaralan.
Pagtutuonan ng pansin ang science sight words sa ilalim ng AGHAM READ ng sa gayon ang maturuan ang mga bata sa mga salitang agham at gayunpaman tumaas ang literacy level ng mga bata sa paaralan.
Ibabahagi din ang
AVKE - Audio Video Learning Kit kung saan ipaparining at ipapakita sa mga bata ang tamang pagbasa ng mga salitang agham upang matulungan silang palawakin ang kanilang bokabolaryo.
Tulong ng plastik
Bagaman kulang sa kagamitan, tiniyak ng nasabing guro na makikipag-ugnayan sila sa paaralan sa pamamagitan ng LAC upang maibahagi sa lahat ng grado ang inobasyong ito.
Marami sa atin ang nagrerefill na tubig sa plastik na bote ng tubig. Sa ating pag-iisip, wala itong masamang naidudulot at nakakatulong sa pagbabawas ng basura. Ngunit, ang gawaing ito na para sa hydration ay makakasama pala sa kalusugan (The asian parent.com). Ano nga ba ang epekto ng plastik sa kalusugan natin? Ano ang pwede nating gawin upang makatulong sa pagbabawas ng basura?
BPA - Ang sangkap na Bispehnol A (BPA) ng mga plastik ng mga plastik na bote ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa kapaligiran at sa kalusugan natin ang kemikal na ito
ay dahilan ng pagtubo ng masasamang bacteria sa craks ng bote. Ito ay makikita sa plastik na straw at maaaring magdulot ng malalang problema sa kalusugan. (theAsianparent.com)
Ang mababang paaralan ng Coleto ay isa sa mga paaralang nag kakampanya ng plastic free evironment sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga aktibidad tungkol sa pag rerecycle ng mga bote upang magamit pa ito sa halip na itapon.
Ang mga mag-aaral naman mula sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang ay gumawa ng mga proyektong gawa sa plastic at ipina bibili nila ito
sa mga guro, ang iba naman ay naka display sa kanilang mga silid-aralaan. May pambaon na sila, nakatulong pa sa kalinisan. Binibigyan din sila ng marka

ng kanilang guro sa EPP at Science. #

Sag-uban
Isports Balita
Citylympics dreams, selyado na
“Sa kabila ng pagiging di matalino sa klase kaya’t hindi nakakasali sa mga patimpalak na nangangailagan ng talino, may karanasan naman ako sa sports na di ko malimutan” - Alreyden
Malayo ang bahay nila sa paaralan, naglalakad pa siya ng isang kilometro araw- araw upang makarating sa paaralan.
Tinatakbo niya minsan pag kapos na sa oras at kung pinapalad, pinapasakay ng mga gurong makakita sa kanya.
Ang kanyang pagtakbo ay naging ehersisyo na rin niya ng maku-
ha siya atleta sa 200m dash ng schoolympics 2023.
Dahil sa sanay ng katawan sa takbuhan, hindi niya inakalang ito ang kanyang magiging di malilimutang karanasan, sapagkat sa 3 taon niyang pagsali, s siya ay naging representante ng paaralan sa athletics at kasalukuyang nagsasanay upang di biguin ang mga taong sumusuporta sa kanya at upang makamitang matagal na inaasam na tagumpay.
Batang atleta, nagpakitang gilas sa Schoolympics 2023
Ang Coleto Elementary School ay nagdaos ng Schoolympics 2023 noong Nobyembre 24, 2023. Ang tema palakasan ngayong taon ay “Batang Malakas, Coleto ES Matatag”.
Ang Schoolympics 2023 ay isang taunang aktibidad na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga magaaral na magpakita ng kanilang mga kasanayan sa iba’t ibang larangan ng palakasan.
Sa Schoolympics 2023, ang mga mag-aaral ay nagpakita ng kanilang mga kasanayan sa mga larong tulad ng Basketball, Volleyball, Athletics, Sepak Takraw, Badminton, Chess, Table Tennis, at Dance Sports. Mayroong mahigit isang daang atletang magaaral ng Coleto Elementary School ang nakilahok dito.
Ang mga atleta ay nahati sa dalawang grupo: Blue Hawks at Red Phoe -

nix. Sa kabuuan, ang Blue Hawks ang nagwagi bilang Overall Champion para sa mga palakasan.
Sinimulan ang Schoolympics 2023 ng Thanksgiving Mass sa loob ng paaralan kasama ang lahat ng atleta at guro. Kasunod nito ay ang unahang pagtaas ng bandila ng mga team leader at muse sa bawat grupo. Nanalo ang Red Phoenix.
Nagpasiklaban naman ang Muse ng Red Phoenix na si Xybelle Jane H. Delos Reyes at Muse ng Blue Hawks na si Joana P. Magpale sa pag representa ng kanilang grupo. Hiyawan ang maririnig sa bawat grupo habang rumarampa ang kanilang naggagandahang pambato.
Sa huli, bagaman
ay nakatanggap ng mga gintong medalya sa mga larangang pinagwagian, ay opisyal na idineklara ang grupo ng Blue Hawks bilang Overall Champion na umani ng 9 pangkalahatang gintong medalya at na -
katanggap ng isang malaking tropiyo.
Matagumpay na natapos ang Schoolympics 2023 noong ika-25 ng Nobyembre 2023 sa ganap na alas-singko ng hapon.

Isports
Kamalayan. Kaalaman. KasanayanAng Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng
Coleto Elementary School
Tomo 8 Isyu 1 Hunyo 2023 - Marso 2024

PURSIGIDO. Matiyagang paghahanda ng mga Chess Players para sa nararating na Citylympics
" Xybelle Jane H. Delos ReyesOne-on-one
Match
puspusang
Coleto ES Basketball team representate ng Bislig 2B District sa Citylympics
Ang Coleto ES basketball team ang magiging representate ng Bislig 2B District sa gaganapin na Citylympics 2024.
Ito ay matapos ang Districtlympics at walang kalaban ang basketball team. Sila ay sa ilalim ng pamamahala ni Ma’am Lina Y. Ybanez, ang kanilang coach.
paghahanda
para sa Citylympics kinasa
Bilang paghahanda sa nalalapit na Citylympics, isang grupo ng mga maglalaro ng chess ang nagtipon para sa isang friendly exhibition game sa Coleto Elementary School upang subukan ang kanilang kakayahan.
Matindi ang laro sa simula kung saan ang bawat manlalaro ay madiskarteng gumagalaw ng kanilang piraso upang makakuha ng bentahe sa kanilang kalaban. Napuno ng katahimikan habang pinag-iisipan ng bawat manlalaro ang susunod nilang hakbang.
Sa pag-usad ng laro, naging mapagmatyaga ang bawat isa upang makalamang si Hazel Mae. Ang bawat galaw ay sinasalubong ng isang
Dweyne Cyrus, nag-uwi ng tansong medalya sa Table tennis
" Xybelle Jane H. Delos Reyes
Nakasikwat ng tansong medalya si Dweyne Cyrus R. Gadi matapos magwagi sa Bracket D ng table tennis boys singles si Gadi. Iuwi niya ang karangalang ito kasama ang Coach na si Devalin C. Anino.
Sa kabila ng pagiging bagohan, nagpursige itong manalo kontra sa malalakas ng kalaban.
“Gi enjoy ra naku ang dula habang naghihintay ng tyempo upang malusutan ang kalaban” aniya.
“Ang kalooban ay dapat malakas kaysa kasanayan. “

kalkuladong tugon at wala sa kanila ang gustong magkamali.
Damang dama ang tensyon sa silid aralan habang papalapit na ang laro sa huling yugto nito.
Sa ilang piraso nalang natitira sa board, ang mga manlalaro ay nauubusan na ng oras at kailangan gumawa ng desisyon.
Sa huli, isang mahusay na checkmate ang nakakuha ng panalo ni Rechiel. Hindi magkamayaw sa palakpakan ng mga manonood sa ipinakitang husay at determinasyon na kanilang taglay.
Golden Movers, 3rd place sa Sepak
Wagi ang Golden Movers team sa Larong Sepak takra. Naiuwi ng tatlong manlalaro kasama ang kanilang coach na si Ma’am Elena D. Silvosa ang tagumpay matapos ang awarding ceremony.
Kagaya ng ibang isports, ang kahusayan ng isang manlalaro ay hindi nakukuha sa maikling panahon ng ensayo. Dibdibang training ang kailangan ng isang atleta upang mangibabaw siya sa iba. Sa isang mapagkumbabang tinig ay sinagot ng mga bata. “Practice lang pirmi.”
