Balikan ang mga nakaraan bago masilayan ang pagsibol ng kasalukuyan. Damdamin ang halimuyak ng pagmamahalang pinagtibay ng panahon. Namulat sa magkaibang pook pero puso’y iisa ang tinitibok. Sigaw ng isip at damdamin ay pag-ibig at pananabik.
Mga alaalang tumataglay ng ligaya’t lungkot. Mga lugar na may kwentong makasaysayan ay saksi sa pag-iibigan. Tagpuan ay muling pupukawin ang matatamis na damdamin.
Tahanan. Tadhana. Tagpuan.