
1 minute read
Kahirapan
from FPL PORTFOLIO
by Roshan Umali
Pictorial essay
Kahirapan ang isa sa problema ng ating bansang Pilipinas, ngunit bakit nga ba maraming mahihirap sa bansang ito?Dahil nga ba ito sa gobyerno o sa tao mismo?Hanggang kailan makakahanap ng solusyon dito?Habang buhay nalang ba silang mag hihirap?Pano naman ang mga batang tila na kaguhit na sa kapalran ang buhay nila.
Advertisement
Malaking bahagi ng buhay natin ang nakapaligid na gobyerno sa bansa natin, sila ang may kakayahan magawa ang mga hindi natin magawa, sila ang responsableng tumulong kapag nangangailangan ang mayamayanan nila , ngunit bakit hindi nila mapansin ang mga nag hihirap sa lansangan?Hindi nila nakikita ang mga mamamayan na umiyak at walang makain sa lansangan, mga batang nag tatrabaho upang makatulong sa magulang, mga musmos na natutulog sa kalsada dahil walang matirhan.Lahat ng iyon ay hindi nila nakikita dahil bulag sila sa pera, mas inuuna nila ang pang sarili nilang interest kaysa tumulong sa iba, mas inuuna nila mangurakot ng kaban ng bayan.

Malaking parte rin ng buhay natin ang mga desisyon natin bilang tao at ang pagiging masipag para makuha ang pang sarili nating interest ngunit paano naman ang mga tao na wala talagang choice kundi maging mahirap ang buhay kaya’t ang kailangan lamang nila ay supporta mula sa gobyerno.Mabigyan sila ng sapat na makakain, tirahan at lalong-lalo na sa mga batang nangangailangan ng edukasyon, dahil ayan lamang ang mag babangon sakanila sa hirap at hindi maranasan muli ang hirap sa susunod na henerasyon. Sa pag tutulungan at maayos na pamamalakad ay makakamtan natin ang magandang kinabukasan ng Pilipinas.
