1 minute read

TULA: PANGKASARIAN

“GUHIT ng Palad” ni: Ayezza Nicole M. Aspera

Sa nagdaang siglo ng pakikibaka, Di mawari kung makakamtam sa dulo ng digmaan, Ang ipinaglalabang kalayaan, Sa di patas na pagtingin sa kababaihan.

Advertisement

Makikita ang kanyang halaga

Hindi dahil sa kanyang kakayahan, Kundi sa kung ano ang kanyang suot

At ang nasa ilalim ng telang nakapalibot sa kanyang katawan.

May oportunidad, Ngunit kakaiba ang puhunan, Katawan at itsura

Ang magiging sukatan ng iyong halaga.

Nakabase sa alindog ng katawan, Kinis ng balat, Tangos ng ilong, At yaman ng harapan.

Ito ang imaheng naipinta, Nang komersyalismo at kasaysayan

Sa isipan ng mga mamamayan

Na ang kababaihan ay palamuti lamang.

Isang paanakan, Mahina, sunod-sunuran, Walang kakayahan tumayo sa sariling mga paa, At laging nakadepende sa kalalakihan.

Isang baluktot na pagtingin, At di makatwirang papel na pagpapahalaga sa kababaihan, Na dahilan ng di pag-alpas, Mula sa opresyon at diskriminasyon ng lipunan.

Kailangang buwagin

Ang lumpong kaisipan

Upang makalaya sa tanikalang

Gumagapos sa katawan ng kababaihan.

Kailangan ng iangat ang pedestal ng kababaihan, At ang kanyang gampanin sa lipunan, Sila ay bigyang halaga at hindi ituring na libangan, Dahil kung ano ang kakayahan ni Juan, ito ay kayang higitan ni Maria.

Pantay na posisyon ng dalawang kasarian ang tanging hangad, Pantay na distribusyon ng pagpapasahod, Oportunidad sa iba't ibang lanrangan, At respetong maibibigay sa magkaibang sekswalidad.

This article is from: