
2 minute read
Anobatalagaangbare minimum?
Ang "bare minimum" ay ang pinakamababang halaga, antas, o pamantayan na kinakailangan o iniisip na sapat upang maisakatuparan ang isang bagay Ito ay tumutukoy sa pinakabasag na halaga o pangangailangan na dapat tuparin o matugunan, ngunit hindi ito nagpapahiwatig ng isang kalidad o pamantayang katanggap-tanggap. Halimbawa, kung ang isang tao ay nagbibigay ng "bare minimum" na pagsisikap sa trabaho, ibig sabihin ay ginagawa niya ang pinakamababang halaga ng trabaho upang hindi siya maparusahan o hindi mawalan ng trabaho. Hindi ito nangangahulugang nagpapakita siya ng kahusayan o nagbibigay ng karagdagang pagsisikap para sa ikabubuti ng kanyang trabaho o organisasyon. Ang konsepto ng "bare minimum" ay maaaring mag-iba depende sa konteksto at sitwasyon Ito ay maaaring magkakaiba sa iba't ibang larangan tulad ng trabaho, pagaaral, mga responsibilidad sa tahanan, at iba pa
Hindi angkop na tukuyin ang isang "bare minimum" para sa isang tao dahil ang bawat isa ay may mga natatanging katangian, kakayahan, at mga karanasan na humuhubog sa kanilang indibidwal na potensyal at kakayahan Upang tukuyin ang isang bare minimum para sa isang tao, mayroong kaakibat na pamantayan at ito ang pinakama- pinakamababa na maaaring ipakita ng tao Gayunpaman, pagdating sa personal na pagunlad o pagpapabuti sa sarili, ang konsepto ng “bare minimum” ay maaaring maging kapaki-pakinabang Sa kontekstong ito, ang “bare minimum” ay maaaring tumukoy sa pinakamababang pagkilos o pag-uugali na kinakailangan para sa isang indibidwal upang mapanatili ang kanilang kalusugan, kagalingan, at personal na paglago. Maaaring kabilang dito ang mga bagay tulad ng pagkakaroon ng sapat na tulog, pagkain ng balanseng diyeta, regular na pag-eehersisyo, at pagtatakda ng mga layunin para sa personal at propesyonal na pag-unlad.
Advertisement
Sa konteksto ng pagbuo ng malalim at espesyal na relasyon sa tao, ang "bare minimum" ay nagpapatunay ng matinding kakulangan sa ating pagtitiyaga, pagmamahal, at pagbibigay pansin at halaga sa ating minamahal Ito ay nagpapakita kung gaano kakunti at kaliit ang iyong ginagawa upang mapanatili ang isang relasyon Halimbawa, sa paglalaan ng oras at atensyon, pagpapakita at pagpaparamdam ng malasakit at pagmamahal, at pagbibigay ng tulong at suporta sa panahon ng pangangailangan o kapag ika’y nakaramdam ng hinagpis at kalungkutan
Kailanman ay hindi sapat ang fhjhry
"bare minimum" sa pagpapatakbo ng isang matatag at masaya na relasyon Kailangan nating ipakita ang dedikasyon, respeto, paguunawa, at pagpapakumbaba sa ating minamahal Hindi dapat tayo maging kuntento sa kung ano lang ang sa tingin natin ay kaya natin, kundi subukang magsakripisyo para sa ikauunlad at ikabubuti ng inyong relasyon, dahil ito ay tiyak na magpapatibay at magpapalakas ng inyong pagmamahal sa isa’t isa.
Sa huli, ang pagbibigay ng "bare minimum" sa lahat ng aspeto mapatrabaho, relasyon, pamilya o sa sarili mo ay makadudulot ng pagkawalan ng saysay sa kahulugan ng buhay. Datapwa’t, lahat ng kakulangan o “bare minimum” na naranasan natin ay may mahalagang aral tayo na matutunan at yun ang magsisilbing babala at paalala na sa susunod na may magpaparamdam sa ’ yo ng kakulangan sa anumang bahagi ng iyong pagkatao at kasarian ay hindi na ito lubos na makakaapekto sa iyong mental na kalusugan at higit sa lahat ay mapagtagumpayan na makakamit ang tunay na kaligayahan na galing sa iyong pagmamahal sa sarili