Skip to main content

Pintig ng Patul [Volume 4]

Page 1


TALAKAYANG INTERNASYUNAL

SK Patul, nakiisa sa DAGYAW 2024 para sa usaping West Philippine Sea

Lyra LLANTADA

Subaybayan

TALAKAYANG PAMBARANGAY

Barangay Patul, nagdiwang ng Litson Festival sa Unang Pagkakataon

Preciouse SAMAR

Subaybayan sa P2

PARTISIPASYON SA IMPORMASYON

Ang Opisyal na Pahayagan ng SANGGUNIANG KABATAAN NG PATUL

SK Patul, Nakiisa sa mga Aktibidad ng LGU bilang Pagtalima sa Pride Month

Lyra LLANTADA

Sa isang pagsisikap na labanan ang diskriminasyon at pang-aapi sa kasarian, nagpakita ng suporta ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul sa mga inisyatiba ng Local Government Unit (LGU) of Santiago City gaya ng Santiago City Pride Parade at Pride Solidarity Night, bilang bahagi ng kanilang selebrasyon ng pride month nitong Hunyo.

(TINTA)LAS. Sa isang hakbang upang mas mahusay na makipag-ugnayan sa mga kabataan at isulong ang transparency, inilunsad kamakailan ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul ang kauna-unahan nitong opisyal na pahayagan, ang Pintig ng Patul.

SK Patul, Magkakaroon ng Opisyal na Pahayagan sa Unang Pagkakataon

Lyra LLANTADA

Sa layuning tugunan ang pangangailangan ng mga Patuleño at magbigay sa kanila ng plataporma upang makisangkot sa mga impormasyon at kasalukuyan pangyayari sa barangay sa kanilang sariling wika, inilunsad ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul ang kauna-unahan nitong pahayagan na tatawaging “Pintig ng Patul”.

Ayon kay Harvey Flores, Pangalawang Punong Patnugot ng nasabing pahayagan, layon nitong itampok ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsusulat at pagpapahayag ng mga kaisipan.

“Naniniwala kami sa Pintig ng Patul na ang pakikipag-ugnayan

sa bawat Pilipino ay pinakamatagumpay kapag ginawa sa kanilang sariling wika. Ang pakikipag-usap sa Filipino ay nagbibigay-daan sa mas malalim na antas ng pagkakaunawaan,” saad ni Flores.

Gayundin, iginiit ni SK Chairman Christian James “CJ”

Valdez na ang hakbang na ito ay isang pagtupad sa adhikain ng barangay na magbigay-halaga sa sariling wika at kultura ng mga Patuleño, patungo sa mas

Layunin ng mga naturang aktibidad na ikintal sa kamalayan ng mga Santiagueño ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng tao, lalo na sa konteksto ng kasarian.

Mula sa mga inisyatibang pinangunahan ng LGU ay nabigyang-liwanag ang patuloy na isyu ng hindi pantay na pagkilala, talamak na diskriminasyon, at iba-iba ang porma ng marhinalisasyon sa ngalan ng kasarian.

Pride Month P5

Nais mo bang maging kabahagi ng PINTIG NG PATUL?

TALAKAYANG PANLIPUNAN

TRADISYON NG PAGLILITSON. Matagumpay na isinagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul ang kauna-unahang Litson Festival noong Abril 21-25, 2024.

SELEBRASYON NG TRADISYON

Barangay Patul, nagdiwang ng Litson Festival sa Unang Pagkakataon

Sa temang “Paglilitson, isang tradisyon, ating bigyang lasa sa ating selebrasyon!” Ipinagdiwang ang kauna-unahang Litson Festival sa Barangay Patul, Santiago City noong Abril 21-25, 2024.

Kasabay nito ang paggunita sa pista ni St. Mark the Evangeline tuwing ika-24 ng naturang buwan. Ayon sa Sangguniang Kabataan Chairman ng barangay na si Christian James Valdez, ang selebrasyon ay pagbibigay pugay sa santo.

Sa pahayag nito, lubos ang kanyang tuwa at pasasalamat dahil sa tagumpay na pagdiri-

Maging updated sa mga proyekto,programa, at aktibidad ng SK Patul!

I-SCAN ANG QR CODE at i-like at follow ang FB Page ng Sangguniang Kabataan ng Patul!

wang sa pista na isa umano sa mga enggrandeng selebrasyon na inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng Patul.

“Sobrang sarap sa pakiramdam dahil narerecognize na ang events na organized ng SK,” saad ni Valdez.

Samantala, upang bigyang buhay ang pista, nag-organisa ang sangguniang kabataan ng

mga paligsahan. Kabilang dito ang ALPAS Sports Fest, Laro ng Lahi, Battle of the Bands, Raffle Draw, at ang Battle of Litson Dish na talagang inabangan ng mga patuleño.

Sa sampung kalahok, tatlo ang binigyang parangal para sa kani-kanilang bersyon ng pagluluto ng litson. Itinanghal bilang kampeon ang litson

sisig ng purok sais, ikalawang pwesto ang litson binagoongan ng purok dos, at nagkamit ng ikatlong gantimpala ang litson kare-kare ng Patul National High School.

Inaasahang magiging mas matagumpay at masiya pa ang mga susunod na taon para sa nasabing pista ng barangay. #

BOLA ANG BALA. Tinapos ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul KAISAKA Basketball Summer Clinic nito noong Hulyo 6, 2024, sa isang culminating game na nagpapakita ng mga kasanayang natutunan ng mga kabataang kalahok.

KAISAKA Basketball Summer Clinic 2024, isinagawa

Harvey FLORES

Sa layong mapaunlad ang kakayahan at kaalaman ng mga bata’t kabataan sa isports partikular na sa larangan ng basketball, inilunsad ang KAISAKA sa SPORTS: KAISAKA Basketball Summer Clinic noong ika-6 ng Hulyo 2024 sa Patul Elementary School, Santiago City.

Dumaan sa buong araw ng puspusang pagsasanay ang mahigit 30 na bata mula 8-16 anyos na kalaunan ay binigyan ng mga sertipiko bilang tanda ng kanilang mahusay na pagtatapos ng nasabing training. Samantala, pinarangal ng pagkilala ang mga sumusunod na manlalaro na nagpamalas ng husay, galing at disiplina sa paglalaro: Mythical 3: Daniel Dancel,

Rex Aquino, at Axel Quimo

Most Behaved: John Lexter Mabanta at Dwane Guttierez

Most Disciplined: Jarley Wayne Bon

Most Defensive: Felix Rudy Agsalud

Most Improved: Kerby James Pascual Best in Dribbling:

Dhan Michael Butac Best in Drills:

John Matthew Mabanta Best in Level 1: Janjo Dela Cruz

Naging matagumpay ang nasabing aktibidad na pinangunahan ng City Mayor’s Office (CMO) sa pamumuno ni Mayor Alyssa Sheena P. Tan-Dy, katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK) Pederasyon – City of Santiago at ng SK Patul. #

Preciouse SAMAR

Para sa Pag-unlad ng Paglilingkod

JAM Team Building, matagumpay; SK Patul, nakiisa

Sa pangunguna ng tanggapan ni Konsehal Jamayne Tan, kasama ang Sangguniang Kabataan (SK) Pederasyon – City of Santiago, at Local Youth Development Office (LYDO), nagtipon ang lahat ng opisyal ng SK sa lungsod para sa kauna-unahang JAMpacked Synergy – SK Officials Team Building noong nakaraang Hulyo 6-7 sa Hacienda Candelaria Hotel and Resort, Plaridel, Santiago City.

Binigyang diin sa unang bahagi ng aktibidad ang pagtuturo sa mga opisyal ng tamang paggamit ng social media bilang mga lider-kabataan, at ang paggawa ng mga ordinansa’t resolusyon bilang batayan ng mga programa at proyekto na maaring ilunsad sa mga barangay. Nagkaroon din ng JAM Talk kung saan mas nakilala si Konsehal Tan. Isinagawa rin ang team building na naging sentro ng pagtitipon. Dito, ang bawat konseho ng SK ay dumaan sa maraming aktibidad na sumubok sa kakayahan, pagkakaisa, at talento ng bawat isa.

Sa isang panayam, inilahad ni SK Patul Kagawad Jamaicah Pascual ang importansya ng ganitong mga aktibidad upang

PATUL, SANTIAGO CITY –

Sa ikalawang regular na sesyon ng Sangguniang Kabataan ng Patul sa taong 2024, isang makabuluhang resolusyon ang ipinasang naglalayong gawing opisyal na organisasyong pangkabataan ang Pintig ng Patul, ang opisyal na pahayagan ng SK ng Patul.

Ang nasabing resolusyon ay inihain upang higit pang pagtibayin at palakasin ang Pintig ng Patul bilang isang mahalagang plataporma para sa kabataan ng barangay. Layunin ng resolusyon na ito na masiguro ang patuloy na pag-unlad at daloy ng pahayagan, at magbigay ng mas malawak na oportunidad para sa mga kabataan na gustong makilahok at mag-ambag para sa kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng pagiging isang opisyal na organisasyong pangkabataan, magkakaroon ng mas matibay na pundasyon ang Pintig ng Patul upang makapagpatuloy sa paghahatid ng mga balita, impormasyon, at adbokasiya na mahalaga sa mga kabataan. Makakapagbigay din ito ng mga programa at aktibidad na magpapalawak sa kaalaman at kasanayan ng mga kabataan sa larangan ng pamamahayag.

Sa pagtatapos ng sesyon, buong suporta at kasabikan ang ipinakita ng mga miyembro ng SK ng Patul sa bagong kabanata ng Pintig ng Patul. Inaasahan nilang magiging inspirasyon ito sa mga kabataan na makilahok at makialam sa mga usaping pampamayanan, at patuloy na magbigay ng mahalagang ambag sa kanilang barangay. #

makilala ang iba’t ibang opisyal na makatutulong upang mas mapaunlad ang kanilang kaalaman.

“Mahalaga ang ganitong mga aktibidad dahil dito natin mas nakikilala ang iba pang mga SK. Nagiging daan ito para matuto kami ng mga aral sa mga kapuwa naming lider,” ayon

kay Kag. Pascual. Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, inaasahang mas mapalalim ang kaalaman ng bawat opisyal at mas palakasin ang kanilang pagnanais upang maglingkod. Ang pagtitipon na ito ay naglalayong higit pang mapaunlad ang bawat konseho ng SK sa Lungsod ng Santiago. #

Adbokasiya ang Nanguna

Agrikultura, bida sa adbokasiya ng Mutya ng Patul 2024

“Agriculture is part of our life.” Bilang kaniyang adbokasiya, binigyang-pansin ni candidate #5 Angel Soriano ang pagpapahalaga sa agrikultura sa Mutya ng Patul na ginanap sa Patul Elementary School noong Abril 24, 2024.

Pagsusulong ng mga patakarang nakatutulong sa mga magsasaka, pagsuporta sa pag-unlad ng agrikultura sa merkado, at pagtangkilik sa kanilang mga produkto ang ilan sa mga itinataguyod ni Soriano sa kaniyang adbokasiya.

“The beauty of our agriculture is [worth] advocating for policies and initiatives that help small-scale farmers thrive and compete in the market,” saad nito.

Naniniwala ito na mahalagang pagtuunan ng atensyon ang usaping pang-agri-

kultura sapagkat ito ang bahagi ng ating araw-araw na pamumuhay.

Hinikayat din nito ang mga kapwa Patulenos na suportahan ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong organiko at walang halong sintetiko na pataba upang matiyak na ligtas at masustansya at abot-kaya ang pagkain ng mga mamamayan.

“We can promote eco-friendly practices, support local farmers [by] encouraging the use of organic to produce food without synthetic pesticides or fertilizers, [and] ensuring [that] people

have access to nutritious and affordable food,” ayon kay Soriano.

Sa kabilang banda, itinanghal si Soriano bilang Mutya ng Patul 2024 laban sa siyam na kalahok sa naturang beauty pageant. Naiuwi rin nito ang parangal bilang Miss Eunicely Beautiful, Miss Patch Collections, at Best in Cape Advocacy.

Payo nito sa mga susunod na hahawak ng titulo ay maging matatag at magtiwala sa kanilang sarili. #

Harvey FLORES
AGREE SA AGRI. Nagtapos ang Mutya ng Patul 2024 sa isang matunog na panalo para kay Angel Soriano, isang kalahok na bumihag sa mga hurado at manonood sa kaniyang adbokasiya para sa agrikultura.
Loyd METRAN
Preciouse SAMAR

ISUSULONG ANG PAGSULONG. Tagumpay na naidaos ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul ang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly nitong ika-24 ng Marso kung saan tinalakay ang mahahalagang isyu at proyekto ng konseho para sa kabataan.

VALDEZ: ‘WE ARE BUILDING A BRIGHTER TOMORROW FOR ALL’

SK Patul Nagsagawa ng KK Assembly, Itinampok ang mga Natamo sa State of the Youth Address

Pinangunahan ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Patul ang matagumpay na Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly noong Marso na idinaos sa Barangay Hall.

Nakatuon ang nasabing pagtitipon, na dinaluhan nina Barangay Captain Erwin Albino, SK Council, mga kandidata ng Mutya ng Patul, at mga residente ng Patul, sa mga nagawa ng konseho ng kabataan magmula ng maluklok ang mga ito sa puwesto.

Sa nasabing pagtitipon, inihatid ni SK Patul Chairman Christian James “CJ” Valdez ang kaniyang State of the Youth Address, na naglalahad ng mga

Bida ang Husay at Talento

natamo at nagawang proyekto ng konseho sa kanilang termino.

Nakasentro ang nasabing talumpati sa limang pangunahing aspeto: kalusugan, kapaligiran, mabuting pamamahala, aktibong pakikilahok ng mamamayan, at edukasyon.

“Kung wala ang kabataan, wala tayong kinabukasan. By investing in our health, education, and engagement in our community, we are building a

brighter tomorrow for all,” aniya.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga natamo, layunin umano ng SK council na ipakita ang kanilang dedikasyon sa pagpapaunlad ng kabataan at hikayatin ang patuloy na pakikipagtulungan sa komunidad.

Ayon kay Valdez, ang KK Assembly ay nagsilbing plataporma hindi lamang upang ipakita ang mga gawain ng SK

kundi upang palakasin din ang pakikilahok ng kabataan at mga lokal na pinuno.

“This assembly served a dual purpose po. Ipinakita nito ang masigasig na trabaho ng SK council, ngunit higit sa lahat, gumawa ito ng isang espasyo para sa pakikilahok sa pagitan ng kabataan at ng ating mga local leaders,” giit niya. #

Talentong Santiagueño, ibinida sa 1st Litson Festival Invitational Battle of the Bands

PATUL, SANTIAGO CITY — Ang pamahalaang Barangay ng Patul, kasama ang Sangguniang Kabataan ng Patul, ay matagumpay na naidaos ang kanilang kauna-unahang Litson Festival: Battle of the Bands noong April 23, 2024, sa Patul Elementary School Amphitheater, 6:00 ng gabi.

Nag-bigay ng sigla at kasiyahan ang iba’t ibang banda mula sa Santiago City na lumahok sa nasabing patimpalak. Ang bawat banda ay nagpakitang gilas sa pamamagitan ng pag-awit ng tatlong kanta: isang rock music mula dekada ‘80s o ‘90s, isang song choice, at isang love song.

Ang mga hurado sa patimpalak ay sina Allan Villanueva at Uriel Calaunan, parehong mga musikero, at si Majielyn Barrera mula sa Local Youth Development Office (LYDO) ng Santiago

City. Matapos ang masusing deliberasyon, ang mga nanalo ay ipinahayag: unang Gantimpala: IMAHE; ikalawang Gantimpala: Short Noticed at; katlong Gantimpala: The And.

Ang battle of the bands ay nagbigay ng oportunidad sa mga lokal na banda upang maipakita ang kanilang talento at kakayahan sa musika. Nagsilbi rin itong inspirasyon sa mga kabataan upang patuloy na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap sa larangan ng musika. #

Shiekah ABUYAN
HIMIG NG MUSIKA. Nagpamalas ng husay sa pag-awit at pagtugtog ang mga Patuleño sa katatapos lamang na 1st Litson Festival Invitational Battle of the Bands na ginanap sa Patul Elementary School nitong ika-23 ng Abril.
Jasmine ALBINO

Men’s Basketball Team ng Patul Naglambat ng Ginto sa Inter-Ganano Tourney Inter-Region Bound!

Nag-uwi ng ginto sa 5x5 Tournament ang koponan ng Barangay Patul Men’s Basketball Team sa katatapos lamang na Inter-Ganano Basketball Tournament Championship Game na idinaos sa Sinili Multipurpose Hall nitong ika-5 ng Hulyo.

Sa kanilang unang laban, nilampaso ng nasabing koponan ang Men’s Basketball Team ng Barangay Plaridel, 78-77.

Habang umuusad ang laro, lumalim ang laban habang nananatiling malapit ang iskor ngunit nanatiling hindi natitinag ang Barangay Patul.

Binuhat ni Sean Kyle Da Jose ang laro matapos makapagtala ng 32 puntos, 11 assists, at 10 rebounds. Sinundan siya ni Ferdinand Mastos na

may 5 puntos. Si King Agunos, sa kaniyang tatlong blocks at limang steals, ay nanguna sa depensa habang nakapag-ambag din ng dalawang puntos. Nakapagbigay rin si Rolson Montero ng dalawang puntos, dalawang rebounds, at dalawang steals para sa grupo.

“Ang sarap lang sa pakiramdam na kami ‘yong nanalo sa championship; worth it lahat ng pagod namin,’’ saad ni Da Jose matapos ang laro. #

NG TORNEO. Pinalalakas ni Sean Kyle Da Jose ang opensa ng Patul sa 5v5 Men’s Basketball Finals sa Inter-Ganano Basketball Championship Game upang palawakin ang agwat sa scoring sa ikalawang set at tiyakin ang pagkapanalo ng kaniyang koponan.

Ipinaliwanag sa mga programang ito na ang mga indibidwal na itinuturing na “kaiba” sa mga pangunahing kategorya na itinakda ng namamayaning kultura batay sa kanilang oryentasyong seksuwal, tulad ng mga bakla, tomboy, asexual, transgender, bisexual, at iba pa, ay madalas hatulan ng mga esteryotipong walang rasyunal na tuntungan.

Maliban dito, nakasentro rin ang mga aktibiad sa umano’y di-pantay na pagkilala at ang patuloy na obdyektipikasyon ng kababaihan.

Hinimok naman ni SK Chairman Christian James “CJ” Valdez ang bawat Patuleño na makibahagi sa pagtataguyod ng isang lipunang may paggalang at pagtanggap sa lahat, anoman ang kanilang kasarian.

Ayon sa kaniya, ang pagpapahalaga sa kapwa at pag-iwas sa paggamit ng masasakit na salita at pag-uugali na nagbibigay-daan sa pagpapalala ng pagkakaiba at di-pagkakapantay-pantay ay mahalaga.

Umani naman ng papuri ang mga naturang aktibidad mula sa mga Santiagueño dahil umano sa pagsentro ng mga ito sa mahalagang papel ng edukasyon at kamalayan sa pagtataguyod ng isang lipunang may pagkakapantay-pantay at kasarinlan para sa lahat.

“The program truly opened my eyes to the power of education and collaboration in dismantling barriers to equality,” saad ni Preciouse Samar, residente ng Patul. #

Pintig ng Patul Mula P1

malawakang pagpapalakas ng identidad at kamalayan sa kanilang komunidad.

“Ito ay isang makabuluhang hakbang para sa pagsulong ng aming pangako na pagpapahalaga sa katutubong wika at kultura ng mga Patuleño. Ang inisyatibang ito ay naglalayong bigyan sila ng mas malakas na pakiramdam ng pagkakakilanlan at mas malalim na pag-unawa sa kanilang ginagalawan,” ani Valdez.

Higit pa rito, ang paglulunsad ng nasabing publikasyon ay sinalubong ng pananabik ng mga Patuleño sa paniniwalang mapabibilis nito ang komunikasyon at pagpapalaganap ng impormasyon gamit ang wikang Filipino.

“Natutuwa ako na nagkaroon na tayo ng publication dito sa barangay, Filipino pa. Nabibigyan kami ng platform to

engage with community news and information in a familiar and comfortable language kaya mas bibilis talaga ang info dissemination sa barangay,” sabi ni Niza Joy Lazaro, residente ng Patul.

Gayundin, ipinahayag din ni Jullian Saturno, isang mag-aaral mula sa naturang barangay, ang kagalakan sa pagkakaroon ng Pintig ng Patul na magtatampok umano ng kritikal na papel ng wikang Filipino sa puwang sa komunikasyon.

Matatandaang unang naglabas ng isyu ang nasabing pahayagan noong taong 2021 bilang entry sa noo’y Tabloid-Making Contest ng dating SK council ng naturang barangay.

Inaasahan namang magiging opisyal na pahayagan na ng barangay ang Pintig ng Patul ngayong taon sa ilalim ng bagong SK council. #

Purok Tres wagi kontra Purok Sais sa Inter-Purok Basketball League

Tuluyan nang nasungkit ng Purok Tres ang kampeonato matapos nilang ungusan ang Purok Sais, 94-81, sa ALPAS: SK ng Patul Basketball League sa Patul Elementary Scool noong ika-8 ng Hunyo, Sabado.

Maagang nadiktahan ng Purok Tres ang laban matapos nilang magtala ng malaking kalamangan sa pagtatapos ng unang tagpo, 89-73.

Sinubukang tapyasan ng Purok Sais ang kalamangan sa mga sumunod na parte ng laro hanggang sa mapababa nila ito sa labing-anim sa pagtatapos ng ikalawang yugto.

Sa kabila nito, hindi pa rin naging sapat ang kanilang paghahabol matapos magpakita ng lakas at gilas ang Purok Tres sa pangunguna ni Joshua Dela Cruz.

“Wala kaming balak magpatalo. Desidido talaga kam-

ing manalo. Gusto naming maiuwi ‘yong championship title”, ani Dela Cruz.

Nagpalmas si Dela Cruz ng isang mala-MVP allaround performance matapos niyang magtala ng 33 points, 7 rebounds, 3 assists, at 9 steals.

Nakakuha naman ito ng sapat suporta kina Sean Kyle Da Jose, Charles Fabros, at Argee Limongco na nagtapos ng may 5 points bawat isa.

Sa kabilang banda, pinangunahan naman ni Marion Manzon ang Purok Sais sa kaniyang 27 points. #

Lyra LLANTADA
TUMIRA
Pride Month Mula P1
Lyra LLANTADA
Husay, Liksi, at Lakas
LIKSI AT BILIS. Ipinamalas ng mga piling kalalakihang kalahok sa basketball ang galing sa paglalaro sa idinaos na Inter-Purok Basketball League nitong ika-8 ng Hunyo.
‘Atin ang West Philippine Sea’

SK Patul, nakiisa sa DAGYAW 2024 para sa usaping West Philippine Sea

Sa pagnanais na palawigin ang kaalaman sa mga isyung kinahaharap ng bansa, nakibahagi ang (SK) Sangguniang Kabataan ng Patul sa DAGYAW (Open Government Town Hall Meeting) Bulwagang Bayan na mga Pagpupulong 2024 a ginanap sa Casa Jardin by Zen noong Hunyo 28, 2024

Sa pangunguna ng (DILG) Department of the Interior and Local Government Region 2 katuwang ng iba pang lokal na pamahalaan at sa temang “Pamana ng Karagatan: Ang Yaman ng West Philippine Sea,” tinalakay ang mga paraan upang protektahan at pangalagaan ang ating karagatan at yamang taglay nito upang masiguro ang kabuhayan ng mga mama-

mayan sa lipunan.

Pinag-usapan din dito kung paanong nakaaapekto ang isyung pangkaragatang ito sa ekonomiya hindi lamang ng bansa kundi pati sa ibayong dagat. Binigyan diin ni Atty. Fretti G. Ganchoon, Senior State Counsel sa Department of Justice, ang karapatang pantao na isa ring banta sa nangyayaring

alitan sa WPS.

Bilang suporta, nagpahayag ng kanyang saloobin si SK Chairman Christian James Valdez kaugnay sa pagpapalaganap ng impormasyon sa mga kapwa patuleño bilang isang mamamayang Pilipino.

“We as Filipinos should have the knowledge and guts to fight for what’s ours. It is important

that each and everyone of us ay may alam tungkol sa kung ano ang nangyayari sa ating karagatan at ano ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno tungkol dito,” ani Valdez.

“Atin ang West Philippine Sea,” saad ng bawat kabataan at iba pang nakiisa sa pagpupulong sa bulwagan. #

ATIN ANG WPS. Aktibong nakibahagi ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul sa kamakailang forum ng DAGYAW 2024, na tumutok sa mahalagang isyu ng alitan sa West Philippine Sea.

Preciouse SAMAR

PINTIG NG PATUL infographics.

Mutya ng Patul 2024 Talakayang Pambarangay

I-SCAN ANG QR CODE at magpasa sa aming FB Page, Sangguniang Kabataan ng Patul! Agrikultura, bida

Nais mo bang mailathala ang iyong kath sa PINTIG NG PATUL?

Ang Opisyal na Pahayagan ng SANGGUNIANG KABATAAN NG PATUL TOMO 4 BLG 1 March - July 2024
Subaybayan sa P3
Preciouse SAMAR

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook