Skip to main content

Pintig ng Patul [Volume 3]

Page 1


PARA SA KALIKASAN. Ang pagtuturo ng isang boluntir tungkol sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno sa isang bata. Ang pagmamahal sa kalikasan ay ibinabahagi sa bawat hakbang.

KABATAANG MAKAKALIKASAN

SK Patul, Kaisa sa mga Nanumpa sa Tungkulin

Joe INGARAN

Nobyembre 6, 2023 - Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Santiago, kaisa ng mga konsehal at iba pang tagapamuno, isinagawa ang panunumpa ng mga bagong halal na Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Patul, kasama ang ibang pang konseho mula sa 36 na barangay. Ito ay naganap sa Casa Jardin, Patul, Santiago City.

Kabilang sa mga Panauhin ng selebrasyon ay ang City Local Government Operations Officer na si Mr. Raul R. Melegrito na nagbigay ng paalala ukol sa mga gampanin ng isang lingkod-bayan at ang tungkilun ng isang opisyal. Pinangunahan naman ni Atty. Jenny Mae Gutierrez ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales at siya rin ay nagbigay-paalala ukol sa mga dapat pang ihanda ng mga nagsipagwagi at mga hindi pinalad na kandidato.

Sa ganap na ika-12 ng tanghali, natapos ang Panunumpa ng mga opisyales at indikasyon lamang ito na ang kanilang paninilbihan ay tunay nang nagsimula. #

LATHALAIN

KWENTO NG INSPIRASYON:

Pagtatanim vs Pagkasira ng Kalikasan, itinuro sa Kabataang Patuleño

Bilang tugon sa lumalaking hamon ng pagkawasak ng kapaligiran, ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul, kasama ang mga piling mag-aaral mula sa University of La Salette (ULS) - Senior High School Department, ay nagsagawa ng isang tree planting activity noong ika-9 ng Disyembre, 2023.

Pangunahing layunin ng nasabing inisyatiba ay mabawasan ang mga masasamang epekto ng kalamidad sa barangay, lalo na sa mga lugar na naaapektuhan ng pagbaha.

Isa ang Patul sa mga madalas na dumaranas ng matinding

resulta paagkatapos ng isang kalamidad, gaya ng erosyon sa mga taniman ng magsasaka at pagkaantala ng mga klase dahil sa matagal na paghupa ng tubig-baha.

Maliban dito, idinisenyo rin ang programa upang hikayatin

ang mga Patuleño na pangalagaan ang kapaligiran at ipaalala ang responsibilidad ng bawat isa na protektahan ito.

TOMO 3 BLG 1 NOV 2023 - MAR 2024
Ang Opisyal na Pahayagan ng SANGGUNIANG KABATAAN NG PATUL
Lyra LLANTADA

TUNGO SA MAKABAGONG SK. Puno ng galak ang SK Patul habang hawak-hawak nang kanilang mga sertipiko matapos ang matagumpay na pagtatapos ng SKMT. Isang patunay ng kanilang determinasyon at pagsisikap.

HANDA KA NA BA? HANDA NA!

Mga bagong mukha ng SK, dumalo sa SKMT

Sa hangarin na mapaunlad ang kaalaman at kapasidad ng mga bagong halal na Sangguniang Kabataan (SK) alinsunod sa SK Reform Act of 2015 o RA 10742, lumahok ang SK Patul sa naganap na Sangguniang Kabataan Mandatory Training (SKMT) noong ika-apat ng Nobyembre 2023 sa Isabela Zen Hotel, Santiago City.

Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Santiago, at National Youth Commission (NYC). Ito ay dinaluhan ng mahigit 300 na bagong halal na SK mula sa 37 na barangay at ng iba pang lider-kabataan mula sa lungsod.

Binigyang diin sa SKMT ang kasaysayan ng SK at ang

kasalukuyang estado ng mga kabataan. Tinalakay din ang iba’t ibang mga paksa partikular na sa planning at budgeting, paglulunsad ng mga pagpupulong, paggawa ng mga resolusyon, code of conduct at ethical standards, decentralization, at ang lokal na pamamahala.

Ayon kay SK ng Patul Kagawad Vincent Albino, ang training na ito ay tiyak na nakapagbukas ng oportunidad sa mga opisyal

Alang-alang sa Paglilingkod

upang ihanda sila sa kanilang mga gawain bilang mga bagong halal na lider-kabataan.

“Mahalaga ang SKMT na ito sapagkat makatutulong ito upang mas mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga kabataang lider para tunay na gampanan ang kanilang mga tungkulin sa pinaka maayos at malinis na paraan,” aniya. #

SK treasurers at secretaries, sumailalim sa SKMT

ANG PAGTATAPOS NG SKMT. SK Treasurer Besa, SK Chairperson Valdez, at SK Secretary Metran.

Sa pangunguna ng Local Youth Development Office, sumailalim ang 74 na bagong itinalagang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) na mga sekretarya at tresyurer sa Mandatory Training (SKMT) sa Santiago City noong Nobyembre 23, 2024.

Ang pagsasanay ay naka-ayon sa Republic Act 11768 o mas kilala bilang SK Reform Law. Mithiin nito ang pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga bagong opisyal upang maging epektibo sa kanilang tungkulin. Ang SKMT ay pinangunahan ng LYDO para sa Kabataan sa pamumuno ni Atty. Sheena Tan, sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Santiago at ng National Youth Commission.

Kabilang sa mga tagapagsalita sa pagsasanay sina Ginoong Raul R. Melegrito, CLGOO, na nagtalakay ng Decentraliza tion at Local Governance; si Gi noong Abdulmoin Panglima Jr, OIC LYDO, na nagbigay ng leksyon tungkol sa Kasaysayan at Mahahalagang Tampok ng SK ; at ang kasalukuyang SK Federation President Hon. Christopher Respicio, SKMT

Mga batang mananayaw mula PES, wagi

Harvey FLORES

Humataw sa paghakot ng medalya ang mga batang mananayaw ng dancesports mula sa Patul Elementary School (PES) sa naganap na 2023 Cagayan Valley Regional Athletic (CAVRAA) Meet noong ika-27 ng Abril 2023 sa Ilagan City Community Center, Isabela.

Laban sa mga mananayaw mula sa iba pang siyam na dibisyon ng DepEd Region 2, nanaig ang pambato ng Santiago City na sina Precious Sofia B. Bautista at John Joseph C. Bitangcor na nakakuha ng anim na medalya sa iba’t ibang kategorya ng nasabing patimpalak. Mula sa Bracket 3 (Juvenile Latin- Grade E), nasungkit nila ang gintong medalya sa sayaw na Samba, Rumba, Pasodoble, at Jive. Samantala, nakamit naman nila ang pilak na medalya sa sayaw na Chacha, at sa 5 Dances Marathon (Grade A).

Tulad nina Bautista at Bitangcor, hindi nagpahuli ang iba pang mananayaw mula PES na sina Mica Jane A. Yarcia at Jashan S. Sharma. Nakamit ng pares ang tansong medalya sa 4 Dances Marathon, at ang ika-apat na pwesto sa 3 Dances Marathon (Bracket 2 – Juvenile Latin). Karagdagan, nasungit naman nina Aliyahdel Lavender D. Fernandes at Christian Jay L. Pajaron ang ika-limang pwesto sa sayaw na Foxtrot (Juvenile Standard - Grade E). #

Harvey FLORES
Loyd METRAN
John Joseph Bitangcor (taas) Precious Sophia Bautista (baba)

Proper Handwashing Technique, Pinaigting sa Barangay Patul

LLANTADA

Sa pagkilala sa kalusugan bilang isang pangunahing karapatan, pinangunahan ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul, sa pakikipagtulungan ng University of La Salette (ULS) - Senior High School Department, ang isang symposium sa wastong pamamahala sa kalusugan noong ika-9 ng Disyembre, 2023.

Ipinaliwanag ng mga magaaral mula sa ULS kung bakit dapat linisin nang husto ang mga kamay at hinikayat ang kabataang Patuleño na lumahok sa pagpapakita ng wastong pamamaraan ng paghuhugas ng kamay.

Angat ka, ingat-yaman

Besa, nahalal bilang bise presidente

Sa pangunguna ng Local Youth Development Office (LYDO) – City of Santiago, kasama ang SK Federation at City Youth Development Council (CYDC), naganap ang halalan para sa bagong konseho ng Liga ng mga Sangguniang Kabataan (SK) Treasurers noong ika-23 ng Nobyembre 2023 sa Function Hall, San Andres, Santiago City.

Bilang resulta ng partisipasyon ng 37 SK treasurers mula sa lahat ng barangay ng lungsod, nahalal bilang bise presidente ang SK Treasurer ng Barangay Patul na si Bb. Marifer Angeli Besa. Katuwang niya ang bagong halal na presidente, James Harold Gaffud, ng SK Buenavista. Sa pakikipanayam kay Besa, labis ang kaniyang pasasalamat sa oportunidad na ito bilang bagong halal na opisyal.

Kasama rito ang kaniyang pangako na gagampanan nang mahusay ang kaniyang mga tungkulin upang matulungan ang kapuwa niya SK treasurer.

“Labis ang aking pagkagalak at pasasalamat sa oportunidad na ito. Bilang bagong halal na bise presidente, aking sisiguraduhin na tutuparin ko ang mga obligasyon ko upang maging boses ng mga kasama kong SK treasurer, para na rin sa ikauunlad nila at ng bawat SK,” ayon kay Besa. #

Alinsunod sa ibinahaging talakayan ng mga estudyante, ginagamit ng tao ang kaniyag mga kamay sa halos lahat ng bagay, kaya ito ay isa sa mga pinakamaruming bahagi ng katawan at dapat linisin nang maayos.

Itinuro rin sa mga dumalo ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay, hindi lamang sa konteksto ng pandemya, ngunit pati na rin sa pagiwas sa mga impeksiyon.

“Natutunan ko na ang paghuhugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon ay hindi lamang mahalaga sa panahon ng pandemya; isa itong simple ngunit makapangyarihang paraan upang maiwasan ang maraming iba’t ibang uri ng mga impeksiyon, na nagpapalakas sa iyong pangkalahatang kalusugan,” ani Preciouse Samar, isa sa mga kalahok.

Ayon kay Christian James Valdez, SK Patul Chairman, nakatuon sila sa paglikha ng isang kultura ng wastong pag-uugali sa paghuhugas ng kamay sa barangay.

“In our community, we’re dedicated to establishing handwashing as a regular part of life. We’re encouraging Patuleños to adopt proper handwashing techniques and make it a lasting habit,” iginiit ni Valdez. #

Santiago City KABSAT Teen Center Convergence, idinaos; SK Patul, bumida

Sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos ang Santiago City KABSAT Teen Center Convergence na dinaluhan ng 59 teen centers mula sa iba’t ibang barangay at paaralan ng Lungsod ng Santiago noong ika-5 ng Disyembre 2023 sa City Hall Grounds, San Andres, Santiago City.

Ang pagtitipon na ito ay upang mas palakasin ang pagkakaiisa ng mga Sangguniang Kabataan (SK) councils, mga paaralan, at ng iba pang mga ahensiya sa pagbabahagi ng mga makabuluhang aktibidad para sa mga kabataan. Ibinida ng mga kalahok ang kanilang mga kasalukuyan

at plinaplanong programa na tutugon sa mga pangangailangan ng kabataang Santiagueño, at para na rin mapagtibay ang kanilang partisipasyon tungo sa kaunlaran.

Samantala, sa pamumuno ni SK Patul Chairperson Christian James Valdez, pinarangalan ang BISITA Teen Center (Building

Individuals through Sharing Innovations Toward one Ambition) bilang Best Banner. Patunay lamang ito ng aktibong paglulunsad at pakikilahok ng SK Patul ng mga proyekto para sa ikauunlad ng bawat kabataang Patuleño. #

Harvey FLORES Tara na’t bumisita!
Harvey FLORES
NATATANGING KARANGALAN. Buong saya at tagumpay, ipinagdiriwang ng SK Patul ang kanilang pagkapanalo bilang Best Banner sa naganap na KABSAT TCC.

Tungo sa pantay na Lipunan, GADGST isinagawa

Harvey FLORES

Sa temang “#NagkaKAISAngKabataangSantiagueño, Kaisa para sa Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas”, idinaos ang isang Gender and Development (GAD) - Gender Sensitivity Training (GST) noong Marso 1-2, sa BOSS Function Hall, City Hall Compound, Santiago City.

Ang nasabing training ay dinaluhan ng mga representante ng Sangguniang Kabataan (SK) mula sa 37 barangay ng lungsod, kabilang na ang tagapanguna ng Committee on Social Inclusion and Equity ng SK Patul na si SK Kagawad Harvey Flores. Kasama rin sa pagtitipon na ito ang mga miyembro ng City Youth Development Council (CYDC) at SK Federation – City of Santiago.

GAD-GST P6

Bida ang Husay at Galing

Dela Cruz at Tecson, kinilala sa 2023 KAISAKAbataan Awards

Harvey FLORES

Bilang parte ng selebrasyon ng Buwan ng Kabataan (BNK), idinaos ang 2023 KAISAKAbataan Awards (KKA) noong ika-31 ng Agosto 2023, sa Grand Ballroom - Zen Hotel, Santiago City.

Naging pokus ng pagdiriwang na ito ang muling paggawad sa mga Outstanding Kabataang Santiagueño (OKS) kung saan dalawang kabataang Patuleño muli ang nakatanggap ng prestihiyosong pagkilala. Napabilang sa mga pinarangalan bilang Top 10 OKS sina Jose Benjamin Dela Cruz at Kerby Tecson. Karagdagan, nasungkit din ni Dela Cruz ang pinaka mataas na pagkilala bilang 2023 Most Oustanding Kabataang Santiagueño.

Sina Dela Cruz at Tecson ay parehong nagpamalas ng nakamamahang kontribusyon hindi lamang sa akademiko, kundi pati na rin sa larangan ng paglilingkod, bolunterismo, at makabuluhang pakikilahok sa mga programa’t proyekto ng

ay may malakas na pwersa, at mayroon tayong kakayahang gumawa ng positibong pagbabago. Itinatampok ng pagkilalang ito ang potensyal na taglay natin upang mapabuti ang ating mga komunidad, at ang buhay ng mga nakapaligid sa atin,” ayon sa kaniya.

Samantala, hinamon naman ni Dela Cruz ang mga kabataan higgil sa pagsulong ng kanilang mga adbokasiya upang makatulong sa paglutas sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad at kapuwa kabataan.

“Bilang kabataan, dapat nating gamitin ang ating mga kakayahan at talento sa pagtindig at pagsulong ng ating mga adbokasiya. Patuloy tayong makialam, makilahok at makibaka para protektahan ang ating boses at karapatan,” aniya.

Hinikayat din ni Dela Cruz ang mga kabataan upang manindigan, at maging boses ng pagbabago tungo sa mas maunlad na kinabukasan.

“Ang mga parangal tulad ng OKS ay isang patunay na ang ating impluwensya bilang mga kabataan ay hindi lamang nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan. Ipinapakita nito na tayo rin ay may kapangyarihan na magdulot ng pagbabago

Araw ng Parangal 2023

Mga kabataang Patuleño, pinagpugayan

Trisha ESTRAMERA

Sa pangunguna ng Sangguniang

Kabataan ng Patul, idinaos ang Araw ng Parangal noong ika-29 ng Disyembre 2023, na ginanap sa Baranggay Hall ng Patul ika-1 ng hapon. Ang okasyon na ito ay simbolo ng pagpupugay sa mga bagong lisensyadong propesyunal sa iba’t ibang larangan tulad ng medisina, arkitektura, edukasyon at iba pa. Binigyang parangal din ang mga itinanghal bilang Outstanding Kabataang Santiagueño, bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa kanilang komunidad.

Ang pagtitipon na Ito’y larawan ng kahusayan ng mga kabataang nag-iwan ng isang marka ng tagumpay, pag-asa, at pagkakaisa sa pangarap ng kabataan. Ang nasabing okasyon ay hindi lamang nagbigay-pugay sa mga nagsikap at nagtagumpay, kundi nagdala rin ng inspirasyon at pangako para sa susunod pang henerasyong pagsusumikap para sa hinaharap.

Kabilang sa mga pinarangalan nang tagumpay ay sina Yvette Antonio Sajonia, Aimee A. Alangue, at Arjune E. Tomenio, bilang Licensed Professional Teachers (LPT).

Parangal P6
Jose Benjamin Dela Cruz
Kerby Tecson
Yvette Sajonia, LPT

KALUSUGAN AY INGATAN. SK Patul, kasama ang mga mag-aaral ng PNHS, sa pagdaraos ng feeding program at health literacy

Health literacy at feeding program, laban kontra malnutrisyon

Matagumpay na nakapagbahagi ng pangkalusugang kaalaman at nakapagpakain ang Sangguniang

pamumuno ni Hon. Christian James A. Valdez, SK Chairperson sa 39 na estudyante ng Patul National High School,

Health Literacy and Feeding Program ng SK noong nakaraang ika-27 ng Pebrero.

Ang programang ito ay naglalayong makatulong, maging solusyon sa problema ng malnutrisyon, mapalakas ang kalusugan ng bawat isa at magtamo ng malusog na pamumuhay para sa lahat.

Sa pagsisimula ng programa, nagbahagi ng ilang kaalaman patungkol sa masusustansyang pagkain si SK Kagawad Jamaicah Mae Pascual sa mga kabataang benepesyaryo ng nasa-

bing programa. At sinundan naman ito nang pagtuturo ng tamang paghugas ng kamay na pinangunahan ni SK Kagawad Harvey Flores. Ang pagbibigay ng ganitong kaalaman ay makakatulong upang maiwasan ang pagtaas ng pursyento ng mga batang kulang sa timbang, at ang pagkalat ng mga sakit.

Bakas sa mukha ng mga estudyante ang galak sa mga pagkaing inihanda ng SK para

sa kanila. Nagbigay mensahe naman ang gurong namamahala na si Gng. Verginia Hugo.

“Sobrang saya nila sa mga pagkain na inihanda ninyo. Sa totoo lang ay ngayon lang sila nakapag-feeding ng ulam at kanin. Usually meryenda lamang ang mga inihahanda namin para sa kanila. Kaya maraming salamat sa inyo,” aniya.

Ang mga programa patungkol sa kalusugan ay hindi

lamang nagbibigay ng pisikal na sustansya, kundi ang mga ito rin ay naglalayong palakasin ang buong komunidad sa aspeto ng kalusugan at karunungan. Sa patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa, maaabot natin ang ating layunin na magkaroon ng mas malusog at maunlad na kinabukasan para sa lahat. #

na nagtalakay ng Meetings at Resolution. Kasama rin sa pagsasanay sina G. Romulo Bumagat ng City Budget Office, na nagtalakay ng Planning at Budgeting; at si Ms. May Antonette Bahom, na nagbigay ng leksyon tungkol sa Code of Conduct at Ethical Standards.

Pagkatapos ng pagsasanay, isinagawa rin ang halalan para sa mga opisyal ng Liga ng mga SK Secretaries at Treasurers. Pinangunahan ito ng mga miyembro ng City Youth Development Council (CYDC). Si Ms. Marifer Angeli Besa na SK Patul Tresurer ay nahalal bilang Vice President para sa Liga ng mga SK Treasurers.

Pagkatapos ang pagbibigay ng mga sertipiko at panunumba ay nagbigay naman ng inspirasyonal na mensahe si Atty. Nikki Jane S. Isla at Hon. Arjay M. Siminig, SK Pederasyon Vice President. #

KAISA KA NG KABATAAN. Dinaluhan ng SK Patul ang 2024 State of the City Address noong Enero 30, 2024.

2023 SOCA, idinaos; SK Patul, nakiisa

Aktibong nakilahok ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul sa naganap na 2024 State of the City Address (SOCA) ni Punong Lungsod Alyssa Sheena P. Tan-Dy noong nakaraang Enero 30 sa Bulwagan ng Mamamayan, City Hall, Santiago City.

Suot ang kanilang magagandang modern barong at filipiniana, ang pagtitipon na ito ay nilahukan ng buong konseho ng lungsod, opisyal ng mga sangay ng Local Government Unit (LGU), representante ng iba’t ibang organisasyon at ahensiya, at ang lahat ng bagong halal na Sangguniang Barangay (SB) at Sangguniang Kabataan (SK).

Tinalakay sa SOCA ang mga tagumpay na nakamit ng LGU, at ang mga kasalukuyang programa at proyekto na natatamasa ng mamamayan. Binigyang pokus din ni Punong Lungsod Tan-Dy ang mga plano ng kaniyang administrasyon upang mas mapaunlad ang pamumuhay ng bawat Santiagueño. #

Kabataan (SK) ng Patul sa
bisa ng
Jamaica PASCUAL
Harvey FLORES
SKMT Mula P2
Mayor Atty. Sheena Tan

Gawang Patuleño, umarangkada sa Kabsat on Wheels

Harvey FLORES

Upang mas pasayahin at paningningin ang kapaskuhan sa Lungsod ng Santiago, bumida ang makukulay na mga toktok at mga talentadong kabataan sa naganap na KABSAT on Wheels at Lantern Parade noong ika-15 ng Disyembre 2023.

Sa pinagsanib na pwersa ng Sangguniang Barangay (SB) at Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul, ipinakitang gilas nila ang kanilang galing sa pagdidisenyo ng toktok na hango sa sikat na cartoon na Popeye. Kasama ang iba pang 36 na barangay at piling ahensiya ng Local Government Unit (LGU), lumiwanag ang pangunahing kalsada ng lungsod sa kanilang Disney-

Chairperson, Ikaw na!

inspired na mga toktok. Ang aktibidad na ito ay naging matagumpay sa pangunguna ng Santiago City Information, Culture and the Arts, and Tourism Office (CICATO) sa ilalim ng pangangasiwa ng City Mayor’s Office (CMO), at sa pamumuno ni Mayor Alyssa Sheena P. TanDy. #

Kasama rin sa listahan ng mga bagong board passers sina Shanlerie Baltazar, Kimberly N. Antonio, at Judy Ann R. Genoves, na nagtagumpay bilang Registered Respiratory Therapists (RRT), Registered Medical Technologists (RMT), at LPT, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nagtagumpay rin sa larangan ng kriminolohiya sina Neil Brian Duran at Relson Jay Dominia, na pawang nagsumikap bilang Registered Criminologists (RCrim). Samantalang naging Certified Public Accountant (CPA) si Alyana Justine P. Niño, at Architect (Ar.) si Grant Francis Canlas. Bukod dito, nagtagumpay rin sa larangan ng Physical Therapy si Krystal Shine G. Balabbo bilang Registered Physical Therapist (PTRP) at si Mary Frances S. Santos bilang Registered Nurse (RN).

Kasama rin na tumanggap ng parangal ang mga Outstanding Kabataang Santiagueno na

sina Kerby A. Tecson, Jose Benjamin Dela Cruz, John Vincent A. Albino, Joe Hanzen C. Ingaran, Christian James A. Valdez, at Marifer Angeli B. Besa. Bilang pagpapahalaga sa kanilang tagumpay, personal na inabot ni SK Chairperson, Hon.Christian Valdez, kasama ang kanyang pitong Kagawad ang kanilang mga sertipiko at parangal, na naglalaman ng taos pusong pagkilala sa naiuwing Simbolo ng Tagumpay.

Layunin ng Sangguniang Kabataan na itaguyod ang kahalagahan ng edukasyon at tagumpay sa komunidad, at ang Araw ng Parangal ay isang mahalagang bahagi ng kanilang adbokasiya. Sa kabuuan, ang Araw ng Parangal ay hindi lamang isang pagdiriwang ng tagumpay kundi pagpapakita rin ng pagkakaisa at suporta ng buong komunidad sa mga nagsumikap na kabataan. #

“This tree-planting activity is designed to encourage young people in Patul to care for the environment and take responsibility for protecting it,” saad ni Enjei Lyle Bayang, estudyante mula sa ULS.

Humigit-kumulang dalawampung kabataang Patuleño

SK, sumailalim sa BESPREN YES; Chairperson Valdez, nakibahagi

Harbi FLORES

Sa layong pagbuklurin at mas pataasin ang kapasidad ng mga kabataan, mahigit isang daang Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons mula sa ika-apat na distrito ng Isabela ang nakiisa sa kauna-unahang BESPREN Youth Engagement Summit (YES) noong nakaraang Marso 7-10 sa Boracay Island, Malay, Aklan.

Kabilang sa mga dumalo si SK Patul Chairperson Christian James A. Valdez, na aktibong nakilahok sa iba’t ibang inihandang aktibidad sa nasabing summit. Sa apat na araw, naging sentro ng pagtitipon na ito ang isinagawang team building activities na nagbigay daan sa mga kalahok upang masubok ang kanilang galing hinggil sa kooperasyon, disakarte, at pakikipag-ugnayan katuwang ang iba pang mga lider-kabataan.

Samantala, nagkaroon din ng seminar kung saan tinalakay ang gampanin at responsibilidad ng mga chairpersons bilang mga tagapanguna ng kani-kanilang mga konseho. Binigyang diin din dito ang pagpapataas

ng kamalayan ng mga kabataang lider upang harapin ang iba’t ibang mga hamon, at para mas mapaglingkuran ang mga kabataan.

Sa isang interbyu, inilahad ni SK Chairperson Valdez ang kaniyang pasasalamat sa tagumpay ng BESPREN YES, at sa kahalagahan nito upang mas mapabuti ang kakayahan ng mga SK.

“Ang youth summit na ito ay hindi lamang isang masayang pagtitipon, higit sa lahat, ito ay makatutulong sa paghubog ng bagong mukha ng SK. Kaya naman, labis ang aming pasasalamat kay Congressman Joseph S. Tan, na siyang nagging dahilan upang maging matagumpay ang summit na

ito,” ayon kay Valdez. Tiyak na ang BESPREN YES ay naging makabuluhan, hindi lang upang mas makilala ng mga kalahok ang iba pang mga SK, kundi para mas paalabin ang karunungan at pagseserbisyo ng mga lider-kabataan. #

ang dumalo sa naturang aktibidad na naglalayong ituro ang kabuluhan ng pangangalaga sa kalikasan.

Bago ang pagtatanim, ang mga mag-aaral mula sa La Salette ay nagbigay ng tatlumpung puno para sa proyekto. #

GAD-GST Mula P4

Binigyang diin sa pagsasanay na ito ang mga usapin tungkol sa Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression at Sex Characteristics (SOGIE SC), kasalukuyang kalagayan ng mga kababaihan at LGBTQIA+, at ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian tungo sa mas patas at progresibong lipunan. Binigyang atensyon din sa aktibidad na ito ang pagdiriwang ng buwan ng kababaihan bilang pagkilala sa kanilang karapatan at mga natatanging tagumpay at kontribusyon. #

BESPREN NG KABATAAN. Dinaluhan ng mga SK Chairpersons tubong Distrito Kwatro ang BESPREN YES.

Parangal Mula P4
Liwanag sa Dilim
Tree Planting Mula P1
ILAW AT PALAMUTI. Popeye-inspired toktok na bunga ng malikhaing isip ng SB at SK ng Barangay Patul.

Barangay ko, linis ko!

Clean-up drive, isinagawa bilang pagtalima sa KALINISAN sa Bagong Pilipinas Program

Lyra LLANTADA

Bilang tugon sa panawagan para sa pagbuo ng isang malinis at ligtas na kapaligiran, nakiisa ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul sa kampanya ng pamahalaan na “Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Para sa Bagong Pilipinas Program Clean-Up Activity” nitong ika-6 ng Enero.

Sa pangunguna ni Christian James Valdez, SK Chairman ng Patul, nakibahagi ang lahat ng miyembro ng SK sa mga aktibidad sa paglilinis sa nasabing barangay.

Nananawagan si Valdez sa mga kapwa nito Patuleño upang patuloy na maging responsable at aktibong tagapangasiwa ng kapaligiran sa pamamagitan ng KALINISAN Program bilang unang hakbang para sa mas malinis at ligtas na komunidad.

“Ipagpatuloy natin ang pamamahala at aktibong

Nagkakaisang Ngiti

pangangalaga ng ating kapaligiran, sa pamamagitan ng KALINISAN Program. This program is a crucial first step in fostering healthier and more sustainable communities,” aniya.

Iginiit din niya na ang aktibong pakikilahok ng SK Patul ay isang pagpapakita ng matibay na suporta at kontribusyon para sa pagsusulong ng hangarin ng gobyerno para sa isang mas malusog na kapaligiran para sa lahat.

Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang KALINISAN

Program bilang karugtong ng kampanya ng administrasyon para sa isang holistikong pagbabago sa lahat ng sektor nito.

Hinihikayat ng naturang programa ang mga lokal na yunit na magsagawa ng mga aktibidad sa paglilinis, na kinabibilangan ngunit hindi limitado sa: paglilinis sa baybayin, pag-aayos ng mga baradong kanal, esteros, at iba pang mga daluyan ng tubig; pagputol ng mga sanga ng puno, at pagtatanggal ng mga posibleng pinagmumulan ng mga lamok. #

SANDIGAN NG KALIKASAN. Aktibong nakilahok ang SK Patul sa KALINISAN para sa Bagong Pilipinas Program Clean-Up Drive.

PANAGKAYKAISA 2023, ipinagdiwang; kabataang Patuleño, nakisaya

Kasama ang bawat bata’t kabataang Patuleño, napuno ng kasiyahan at sigasig ang barangay hall ng Patul sa matagumpay na pagdaraos ng PANAGKAYKAISA 2023: SK Patul Year-End Assembly noong ika-29 ng Disyembre 2023.

Sa pangunguna ni Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson Christian James Valdez, katuwang ang buong konseho ng SK Patul, ang pagtitipon na ito ay napuno ng mga aktibidad tulad ng: 1) Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly; 2) Tawag ng Kabataan; 3) Ikot ng Tambiolo; at 4) Araw ng Parangal.

Sa unang parte ng programa, naganap ang KK Assembly na nagbigay daan sa SK upang ilahad ang kanilang mga kasalukuyang proyekto, at mga plano para sa mga kabataan.

Nagsilbing daan din ito upang makapaglabas ng mga saloobin at suhestiyon ang mga kabataang dumalo.

Kasabay nito, layunin din ng konseho na magbukas ng mas malawak na oportunidad para sa mga kabataan upang makiisa sa mga aktibidad ng SK sa pamamagitan ng Tawag ng Kabataan: Call for Youth Volunteers. Naging pokus din sa pagtitipon na ito ang Araw ng Parangal—pagbibigay pugay sa mga natatanging kabataan na nagbigay karangalan sa barangay, at ang mga bagong lisensiyadong

kabataang propesyonal.

Dagdag kasiyahan sa nasabing aktibidad ang pagsasagawa ng palaro para sa mga kabataan, at ang pagpapa-ulan ng papremyo sa pamamagitan ng Ikot ng Tambiolo: SK Grand Raffle Draw. Karagdagan, mas pinasigla pa ang programa dahil sa mahusay na pagtatanghal ng isang drag queen.

Bilang pagtatapos ng pagtitipon, pormal na nagpasalamat ang bawat miyembro ng konseho ng SK Patul sa bawat nagsipagdalo. #

Christian VALDEZ

PINTIG NG PATUL

Opisyal na Pahayagan ng SANGGUNIANG KABATAAN NG PATUL

3 BLG 1 Nobyembre 2023 - Marso 2024

KWENTO NG

Inspirasyon:

Sa bawat yugto ng kanyang buhay, patuloy na nagbibigay-liwanag si Hon. SK Chairman Christian James Valdez sa kanyang komunidad. Ang kanyang kwento ay patunay ng dedikasyon at pagnanais na maglingkod sa kapwa at sa bayan.

Simula pa noong kanyang pag-aaral sa Patul Elementary School, ipinamalas na ni Christian ang kanyang kakayahan sa pamumuno bilang tumanggap ng Leadership Award para sa SPG Peace officer. Sa kanyang paglalakbay sa sekondarya, ipinagpatuloy niya ang kanyang liderato bilang Yes-O President na nagdala sa kanya ng mga parangal tulad

EDITORYAL

SMahal kong mga kabataan ng Patul, Mainit na pagbati! Una sa lahat, nais kong ipabatid sainyo ang taos pusong pasasalamat sainyong maiinit na pagtanggap bilang inyong kinatawan sa Sangguniang Kabataan. Hindi matatawaran ang suportang ipinagkaloob niyo sa akin at sa sampo ng aking mga kasama. Bilang isang kabataang lider na naglalayong maghatid ng programa at aktibidades na kayang punan ang pangangailangan ng aking nasasakupan, ako ay lubos na nagpapasalamat dahil nandiyan kayo upang umalalay. Makakaasa kayo sa PATULoy naming paghahatid-serbisyo, mga minamahal kong Kabataang Patuleno. Ang inyong lingkod, Kuya CJ

ng PNHS Leadership Award at JCI Leadership Awardee.

Nang pumasok sa Unibersidad ng La Salette Inc., pinasok ni Christian ang kursong Bachelor in Medical Laboratory Science at naging Certified First Aider, patunay ng kanyang pangarap na tumulong at maglingkod sa iba.

Bukod sa kanyang tagumpay sa larangan ng edukasyon, ipinamalas rin ni Christian ang kanyang kahusayan at dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad. Bilang Sangguniang Kabataan ng Patul Chairman mula 2023 hanggang kasalukuyan, patuloy siyang nagbibigay inspirasyon sa kabataan at nagtataguyod ng mga proyektong makakatulong sa bayan.

Narito ang ilan sa mga pagkilala at tagumpay ni Christian: Outstanding Sangguniang Kabataan Council 2021; Special Citation sa Search for Outstanding Sangguniang Kabataan Mem-

Hamon ng Kabataan

Joe INGARAN

a malamlam na liwanag ng araw, bumabalot ang nagiging alingawngaw ng problema sa Barangay Patul sa Lungsod ng Santiago. Sa kabila ng yaman at kaunlarang inilalarawan ng lugar na ito, nagiging pangunahing usapin ang patuloy na pag-akyat ng bilang ng teenage pregnancy. Sa paglalahad ng mga datos, napagtanto na ito’y hindi lamang simpleng statistics, kundi isang suliraning kumukuyog sa kinabukasan ng mga kabataang naririyan.

Ang Barangay Patul, kasama ng 36 pang barangay, ay may pangunahing bahagi sa alarmanteng pagtaas ng teenage pregnancy. Sa pagsusuri ng mga kadahilanang nagiging pangunahing dahilan, ang pagkakulang sa wastong edukasyon ukol sa reproductive health ang siyang bumubukas sa pintuan ng hamon na ito.

Dahilan sa limitadong kaalaman ukol sa sekswalidad, maraming mga kabataang taga-Barangay Patul ang nahuhulog sa bitag ng teenage pregnancy. Hindi sapat ang mga kaalaman na kanilang naihahanda, at tila ba ang sistema ng edukasyon ay nagiging bulnerable sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman ukol dito.

Bukod sa pangangailangan ng masusing sex education,

mahalaga rin ang papel ng mga magulang sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon. Dapat silang maging tagapagtaguyod ng tamang values at gabay sa kanilang mga anak. Subalit, kadalasan, ang limitadong oras ng mga magulang at ang kawalan ng desisyon sa pamilya ay nagiging hadlang sa kanilang pagganap ng responsibilidad.

Ang pamahalaan ay kinakailangang magkaruon ng agarang hakbang upang harapin ang hamong ito. Dapat palakasin ang sex education sa mga paaralan at siguruhing ang mga guro ay may sapat na kaalaman at training upang maituro ng maayos ang reproductive health.

Sa pagtutulungan ng komunidad, maaari rin itong maging instrumento sa pag-aangat sa antas ng kaalaman ukol sa teen-

age pregnancy. Ang pag-organisa ng mga workshop, seminar, at iba pang aktibidad na naglalayong magbigay kaalaman sa mga kabataan ay maaaring maging susi sa pagpigil sa patuloy na pag-akyat ng bilang ng teenage pregnancy.

Sa kabuuan, ang hamon ng teenage pregnancy sa Barangay Patul ay isang pangunahing agenda na dapat bigyang-pansin. Ang edukasyon, komunidad, at pampublikong sektor ay dapat magtulungan upang mapigilan ang patuloy na pag-akyat ng bilang na ito. Sa pag-aambag ng bawat isa, maaari nating harapin ang hamong ito at itaguyod ang kinabukasan ng mga kabataan sa Barangay Patul. #

ber 2022; Outstanding Barangay Personnel 2022; Rotary Club of Santiago Leadership Award

Bilang isang aktibong kasapi ng komunidad at iba’t ibang organisasyon, patuloy na nag-aambag si Christian sa pag-unlad at pagpapalakas ng kanilang lugar. Ang kanyang pagiging Founder ng Project BAHAGI sa panahon ng Typhoon Ulysses at ang kanyang pagiging Peer Counselor sa BISITA Teen ay patunay ng kanyang pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.

Sa bawat pagkilos at paninilbihan, ipinapakita ni Christian ang kanyang husay at paninindigan bilang isang lider at tagapagtanggol ng mga kabataan at komunidad. Ang kanyang kwento ay patunay na sa bawat hakbang na ating ginagawa, may pag-asa at tagumpay na naghihintay sa atin. #

PINTIG NG PATUL

TOMO 3 BLG 1 NOV 2023 - MAR 2024

PAMATNUGUTAN

HARVEY FLORES Punong Patnugot

JOHN VINCENT ALBINO Pangalawang Patnugot Tagapag-anyo

LYRA LLANTADA

LOYD METRAN

JOE INGARAN

JAMAICA PASCUAL

TRISHA ESTRAMERA

CHRISTIAN JAMES VALDEZ Mga Manunulat

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook