Skip to main content

Pintig ng Patul [Volume 2]

Page 1


LATHALAIN

Welcome ka sa tahanan ko!

SUBAYBAYAN SA PAHINA 7

LIGTAS NA BALIK ESKUWELA

SK Patul, namahagi ng hygiene kits

Naging matagumpay ang pamamahagi ng hygiene kits sa mga estudyante na may layuning magbigay-kaligtasan sa pagbabalik-eskwela. Larawang

Pagtataguyod

sa Reproductive

Health: SK Patul, naglunansad ng seminar

Lyra Mae Llantada

Sa pagkilala na ang karapatan sa Reproductive Health ay isa sa mga pangunahing karapatang pantao, ang Sangguniang Kabataan ng Patul, sa pakikipagtulungan sa mga kawani ng Barangay, ay nagsagawa ng “Yakap ng Kabataan: Symposium on Responsible Parenthood and Reproductive Health,” nitong ika-3 ng Abril.

Dalawampung Patuleño ang dumalo sa naturang sesyon na naglalayong magbigay ng komprehensibong talakayan sa lahat ng aspeto na nag-aambag sa karapatang pantao sa Reproductive Health, kabilang ang sikolohiya at istatistikang aspeto nito.

Ipinagdiinan ni City Government Official Jayson Banavize ang kahalagahan ng yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, gayundin ang mga suliranin na ipinakita ng mga pananaliksik kaakibat ng yugtong ito.

RPRH LAW - P2

ANGAT ANG MAY ALAM

SB at SK Capacitation Workshop, isinagawa

Harvey Flores

Satulong ng Department of Interior and Local Government – Santiago City, matagumpay na isinagawa ang dalawang araw na capacitation workshop/ training para sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay (SB) at Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul noong nakaraang Pebrero 18-19 sa Reginaldo’s Farm Lantap, Bagabag, Nueva Vizcaya. Layon ng pagsasanay na ito na ihanda ang lahat ng mga opisyales hinggil sa paggawa ng mga ordinansa’t resolusyon, at ang pagsunod sa prosesyong parlyamentaryo. Sa unang araw ng nasabing workshop, binigyang diin ng unang tagapagsalita na si G. Earl Derreck Regatchon, LGOO II, ang responsibilidad ng

bawat barangay council. Sinundan ito ng pagtuturo tungkol sa gampanin ng bawat sanggunian at ang paggawa ng mga resolusyon at ordinansa, na iprinisenta ni Gng. Jennifer Masinas, ADA IV. Sa pangalawa’t huling araw ng pagsasanay, tinulungan ni G. Raul Melegrito, MBA, JD ang bawat kalahok hinggil sa parliamentary procedure na sinundan ng aktibidad na konektado sa nasabing paksa.

Bitbit ang kanilang mga sertipiko, natapos ang workshop na puno ng karunungan at pagasang mas lumalim ang kanilang pang-unawa sa kanilang responsibilidad bilang mga kawani ng barangay. #

agpaabot ng tulong pangkalusugan sa pamamagitan ng mga hygiene kit ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul sa mga mag-aaral na residente ng nasabing barangay bilang tugon sa muling pagbubukas ng mga eskuwelahan para sa face-to-face classes.

Naglalaman ang bawat hygiene kit ng face mask, face shield, sabon,

PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG KABATAAN NG PATUL - TOMO 2 BLG 1
Lyra Mae Llantada
KALIGTASAN ANG MANANAIG.
kuha ng SK Patul

DAGITAB NG TINTA.

BASURA KO, RESPONSIBILIDAD KO

Kampanya laban sa paglobo ng basura, isinulong

KAMPANYANG KAALAMAN TUNGONG KALINISAN. Pinangunahan ng

sa

residente patungkol sa bagong ordinansa ng lungsod, City Ordinance 10thCC-033, na

Bilang tugon sa lumalaking hamon ng populasyon ng basura, inilunsad ng Barangay Patul ang isang information drive sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pabatid, gaya ng brochure, ukol sa bagong ordinansa ng lungsod, City Ordinance 10thCC-033, na nagbabawal sa paggamit ng mga single-use plastic at nagpapakita ng tamang pamamahala ng basura.

Sa pakikipag-ugnayan ng barangay sa Sangguniang Kabataan, nagsagawa ang mga ito ng houseto-house upang maipaabot sa mga residente ang mga naturang

ULO NG MGA BALITA

Kilusan kontra fake news, pinagtibay

PAHINA 3

Learning kits para sa PWDs, ibinahagi ng SK

PAHINA 3

Project Vermiculture Production, matagumpay na naisakatuparan

PAHINA 3

SK Patul, nanguna sa selebrasyong ng Earth Day

PAHINA 3

pabatid na siyang humikayat sa kanila upang labanan ang iba’t ibang mga isyu sa kapaligiran at makuha ang kanilang pangako na tumulong sa pagtugon sa pagbabago ng klima.

Gayundin, pinagtuonan din ng mga kawani ang paghahatid ng brochure sa mga manggagawa sa bawat kainan sapagkat malaki raw umano ang naiaambang ng mga ito sa paglaganap ng mga single-use na plastic na kasama ng marami sa kanilang mga paninda.

Bukod dito, ipinakikita rin sa brochure ang mga patnubay para

RPRH

LAW - MULA

Binigyan din niya ang mga kalahok ng impormasyon patungkol sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik at hindi sinasadyang pagbubuntis.

Hinimok ng tagapagsalita ang mga kalahok na gampanan ang kanilang tungkulin sa paggabay sa kanilang kapwa patungo sa mas ligtas at mas mahusay na desisyon patungkol sa Reproductive Health.

sa tamang pamamahala ng basura at multa sa bawat paglabag na hindi baba sa 500 pesos.

Inaatasan ng nasabing ordinansa ang mga barangay na bumuo ng mga inisyatibang magsusulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at tiyakin ang pagtatayo ng Materials Recovery Facility (MRF) sa kanilang mga kapitbahayan.

Hangarin din nito na sanayin ang mga mamamayan sa isang “zero-waste” na klase ng pamumuhay at maging mas responsableng mamimili. #

Project AAA, umarangkada sa Barangay Patul

Harvey Flores

Sapangunguna ng Barangay Council, Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul, at mga kawani ng Patul National High School, sinimulan ang Project AAA (Agarang Alis Amoy) noong ika-26 ng Marso 2021 na naisakatuparan sa iba’t ibang parte ng Barangay Patul.

Ayon kay Preciouse Samar, residente ng nasabing barangay, na ang mga ganitong klase ng programa ay nakatutulong upang mapagbuti ang reproductive at sekswal na kalusugan ng mamamayan na mahalaga para sa buhay ng isang tao.

“Ang mga ganitong inisyatiba ay lubhang mahalaga para sa mga kabataan. Nagbibigay ito ng pangangalagang medikal at komprehensibong edukasyon sa sekswalidad, na nagbibigay sa kanila ng mahahalagang impormasyon kani-kanilang pagkakakilanlan at pagpapahayag ng kasarian. Nagbibigay din ito sa kanila ng awtonomiya sa katawan at kapangyarihan sa sarili nilang buhay,” ani Samar. #

Mga kabataang

Patuleño, wagi sa 2021 BESPREN Kabataan Awards

Nilalayon ng proyektong ito na tulungan ang mga residente na sugpuin ang masamang amoy na nanggagaling sa mga basura at basurahan na nakikita sa paligid ng barangay. Sentro ng proyektong ito ang pagbibigay ng disinfectant granule/powder sa iba’t ibang residente; Ang mga kagamitang naipamahagi ay malugod namang tinanggap ng mga kabahayan na nagsilbing benepisyaryo ng nasabing proyekto. Sa ngayon, ang Project AAA ay isa lamang sa maraming proyekto ng barangay upang masiguro ang kalinisan at kagandahan ng Barangay Patul. #

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Patul ang pagpapamudmod ng mga brochure na naglalayong magbigay kaalaman
mga
nagbabawal sa paggamit ng mga single-use plastic at nagpapakita ng tamang pamamahala ng basura. Larawang kuha ng SK Patul
Lyra Mae Llantada
P1
Mga disinfectant powder. Larawang kuha ng SK Patul

Kilusan kontra fake news, pinagtibay

Sahangarin na mabigyan ang mga kabataan ng Barangay Patul ng mga kinakailangang kasanayan upang malabanan ang paglaganap ng maling impormasyon, ang Sangguniang Kabataan ng nasabing barangay ay naglunsad ng isang seminar nitong Marso 24.

Katuwang ang mga lokal na opisyales ng Patul, itinuro sa mga kalahok ang mga paraan kung paano matukoy ang fake news.

Alinsunod sa talakayan na ibinahagi ni City Government Official Jayson Banavize, mayroong anim na proseso upang maberipika ang isang balita: isaalang-alang ang pinagmulan nito, siyasatin ang may-akda, suriin ang petsa

kung kailan nailimbag ang balita, tiyakin kung ito ba ay isang joke, kilalanin ang mga sariling pagkiling o biases, at magsaliksik.

Binigyang-diin din ni Banavize na bagamat tiyak na kapaki-pakinabang ang kaginhawaang dala ng internet, malaki ang naging gampanin nito sa pagkalat ng pekeng balita.

Kaugnay nito, pinangatuwiranan niya na ang mga Patuleño ay dapat mayroong kakayanang “pangalagaan ang sarili” sa birtuwal na mundo.

“The space in which the vast majority of people interconnect with one another calls for being able to ‘look after oneself,’ as not all things that are available online

can be considered trustworthy,” pagrarason niya.

Hinikayat din ng opisyal ang mga dumalol na tiyakin na ang kanilang ibinabahagi ay “totoo, wasto, at napatunayan,” lalo na sa “mga bagay na may malaking kahalagahan.”

“As society transitions to the new normal, social media and the internet become the primary sources of information. As a result, it is crucial to have a critical mindset and be attentive to incorrect information. Although netizens are not key news sources, they hold the ability to propagate information,” saad ni Banavize. #

SK Patul, nanguna sa selebrasyong ng Earth Day

Learning kits para sa PWDs,

ibinahagi ng SK

Nagsimula nitong Enero ang

Sangguniang Kabataan ng Patul sa paghahatid ng mga materyales sa pag-aaral sa mga estudyanteng nabibilang sa Person with Disabilities (PWDs) sa pampublikong paaralan na lalahok sa face-to-face classes sa ilalim ng Project SINAG 2.0 (Strengthening Individuality and Nurturing Ability towards Growth).

Bilang selebrasyon ng Earth Day, ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul ay nagsagawa ng isang Eco Forum noong ika-22 ng Abril sa Barangay Hall ng Patul. Ang nasabing forum ay masiglang dinaluhan ng iba’t ibang kabataan at mga organisasyon tulad ng Barangay BKD, YES-O, 4-H Club at ng mga miyembro ng SK Patul. Binigyang halaga sa nasabing seminar ang mabisang pangangalaga sa kalikasan at ang pagsugpo sa climate change.

Samantala, binigyang diin ni Ginoong Mario Damance, tagapagsalita, ang mahalagang gampanin ng mga kabataan upang wakasan ang isyung ito at isalba ang mundo mula sa negatibong epekto ng abnormal pagpapalit-palit ng klima.

“It is the duty of the youth to help the planet” ayon kay Damance.

Umaasa na sa pamamagitan ng forum na ito ay mas naging bukas ang isipan ng mga kabataang Patuleño hinggil sa gampaning kanilang hinahawakan. #

Sa pakikipag-ugnayan sa Patul National High School (PNHS), ang SK ay nakapagbahagi ng mga learning material sa anim na PWD na mag-aaral. Nangako rin ang mga kawani na patuloy na makikipag-ugnayan sa mga paaralan sa

barangay para sa posibleng pagkakaloob ng mga kinakailangang materyales na susuporta sa mga PWD.

Ayon kay KC, ‘di niya tunay na pangalan, isa sa mga benipisyaryo ng proyekto, malaking tulong daw umano ang mga ito sa kanilang mga gast bunsod ng muling pagbalalik ng klase.

“Maganda po na mag ganito. Siya pa po kasing aalalahanin kung saka-sakali. Ang mahal pa naman po ng mga bilihin–patuloy ‘yong pagtaas ng mga presyo,” aniya. #

Lyra Mae Llantada
WALANG MAIIWANG PATULEÑO. Sa bisa ng SINAG 2.0, naging makahulugan ang paghahatid ng mga school supplies sa mga PWD na handang tahakin ang face-to-face classes sa susunod na mga buwan. Larawang kuha ng SK Patul

DESERVE NA DESERVE!

Mga kabataang Patuleño, wagi sa 2021 BESPREN Kabataan Awards

Upang bigyang pagpupugay

ang husay at galing ng bawat lider-kabataan sa Lungsod ng Santiago, binigyang pagkilala ang apat na kabataan mula sa Barangay Patul sa naganap na 2021 BESPREN Kabataan Awards na idinaos sa Bulwagan ng Mamamayan, Santiago City noong ika-tatlo ng Setyembre 2021.

Pinarangalan bilang Outstanding Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson si SK Chairperson Diosabel G. Alombro bilang tanda ng pagkilala sa kaniyang makabuluhang pagmumuno ng SK Patul. Samantala, bumida rin sina Arjune E. Tomenio at Harvey John P. Flores na binigyang pagkilala bilang Top 10 Outstanding Kabataang Santiagueño (OKS) 2021 dahil sa kanilang

pagpapakita ng husay sa larangan ng akademiko, pamumuno, at bolunterismo. Sa kabilang dako, pinarangalan din si John Vincent A. Albino bilang finalist sa pare hong patimpalak.

Sa isang panayam, binigyang diin ni OKS 2021 Tomenio ang kahalagahan ng ganitong mga patimpalak at ang pagbibigay importansya sa gampanin ng bawat kabataan sa lipunan.

“Ang patimpalak na ito ay hindi lamang basta padiriwang kundi isang selebrasyon sa bawat kabataang Pilipino. Alam naman natin na mahalaga ang gampanin ng bawat kabataan sa pagbabagong ating inaasam. Naniniwala ako na ang tunay na pag-unlad ay nakakabit sa kabataan. Kaya

‘AKALA MO LANG WALA,

PERO MERON’

Project Vermiculture Production, matagumpay na naisakatuparan

Sakadahilanang maraming nasasayang na raw materials at organic waste na maaring gamitin sa mas marami pang paraan, pinangunahan ng Sangguiniang Barangay ng Patul ang Project Vermiculture Production na sama-samang nilahukan ng mga residente mula Enero hanggang Marso. Sentro ng proyektong ito ang paglilikom ng mga materyal na kadalasang hindi binibigyang pansin, tulad ng dumi ng kalabaw, baka, at kambing.

Kasama rito ang pagkuha ng substrate ng saging. Sa isang buwan, nakagawa ng mahigit 80 na pakete ng pataba na ipinamahagi rin sa mga residenteng higit na nangangailangan nito. Ang proyektong ito ay nagbigay daan upang isulong ang mas ligtas na agrikultura at ilayo ang mga residente sa panggamit ng mga kemikal na maaring makasira sa kanilang kalusugan. #

at alcohol na siyang itinuturing bilang essentials ngayong pandemya.

Tinatayang nasa humigit-kumulang 400 ang kabuuang bilang ng mga hygiene kit na naipamahagi ng Barangay Patul SK ngayong taon, samantalang nasa mahigit 340 naman ang kanilang naipamigay noong 2021.

Ayon kay CJ, ‘di niya tunay na pangalan, isa sa mga benipisyaryo ng programa, napakaswerte umano ng mga mag-aaral na mapagkalooban ng mga naturang disinfectant na siyang nagsisilbing panangga mula sa kumakalat na virus.

pa ring nagkakasakit, sa palagay ko ay medyo maaga pa para masabing tapos na ito,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay mas pinagtitibay pa ng mga opisyales ng Barangay Patul ang kanilang Task Force na pinamumunuan ni SK Chairperson Diosabel Alombro kasama ang mga barangay health worker, midwife, at maging ang mga pulisya.

Patuloy din ang pagpaplano ng mga lokal na liderato para sa mga susunod na hakbangin, tulad na lamang ng paglalatag ng mas maayos na contact tracing system at information dissemination drives, upang masigurado ang kaligtasan ng mga mag-aaral kasabay ng pagbabalik ng in-person classes. # OKS - P5

“Sa tingin ko ang unang bagay na dapat tandaan ay hindi pa tapos ang yugto ng pandemya ng CoViD-19. Sa napakaraming tao

HYGIENE KITS - MULA P1
Harvey Flores
HUSAY AT GALING. Ang pagbibigay-papugay sa mga lider-kabataan ng lungsod bisa ng 2021 BESPREN Kabataan Awards ay isa sa napakaraming paraan upang tanawin at bigyang pagkilala ang naging makabuluhang kontribusyon ng kabataan sa Lungsod. Larawang kuha ng SK Patul
PARA SA MAS MALUSOG NA MGA PANANIM. Nagbigay-daan ang Project Vermiculture Production upang makagawa ng organikong pataba gamit ang mga dumi ng hayop, isang patunay na likas na inobatibo ang mga Patuleno. Larawang kuha ng SK Patul

Pinangunahan ng Patul SK ang pagkakaloob ng cash incentives na may layuning makapag-abot ng kaunting tulong sa mga nagtapos na mag-aaral. Larawang kuha ng

‘SANA ALL, NO MORE’

Mga nagtapos na mag-aaral, napagkalooban ng cash incentives

Bilang

pagkilala sa mga estudyanteng nagsipagtapos nitong taong panuruan 2022, namahagi ng insentibong pinansiyal ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul sa mga piling magaaral ng sekondarya at kolehiyo mula sa nasabing barangay.

Layunin din ng nasabing inisyatiba na matulungan ang kabataang Patuleño bunsod ng lumalalang krisis sa ekonomiya at maging sa sektor ng edukasyon sa bansa.

Sumailalim sa pagsusuri ang bawat mag-aaral ng programa upang matiyak na sila ay kwalipikadong makatanggap ng naturang insentibo; kabilang na rito ang pagsusumite ng mga dokumentong nagpapatunay na sila ay residente ng Patul at sertipikasyon ng pagtatapos.

Alinsunod sa isang post mula

sa Official Facebook Page ng SK, tinatayang higit 30 ang bilang ng benipisyaryong nakatanggap ng tig-isang libo nitong July 3.

Samantala, inaasahan naman ng mga magulang na madagragdagan pa ang mga makatatanggap ng tulong pinansiyal mula sa konseho upang mabawasan umano ang kanilang mga suliranin ukol sa pananalapi.

“Sana mas dumami pa ang mabigyan. Ang hirap talaga ng buhay ngayon, ‘yong kita mo hindi pumapatas sa pangangailangan niyo sa araw-araw,” giit ni Tess, ‘di niya tunay na pangalan, ina ng tatlong mag-aaral ng sekondarya.

Binigyang-diin naman ng SK Patul na patuloy silang maglulunsad ng mga kaparehong proyekto sa pag-asang mapagaan ang pasanin ng mga residente. #

naman, dapat natin mas palakasin ang sector ng kabataan para sa pag-unlad na ating ninanais.” Ani ni Tomenio.

Sinuhayan naman ito ni OKS 2021 Flores na nagbigay hamon sa bawat kabataan na makisangkot sa bawat isyung panlipunan na nararanasan sa ating bansa.

“Ang nararanasan ng bawat kabataan ay hindi nalalayo sa karanasan ng bawat mamamayan sa ating komunidad. Bilang kabataan, tungkulin nating manindigan upang masiguro natin ang pantay at inklusibong kinabukasan. Kaya naman hinahamon ko ang bawat kabataan na magnilay at aktibong makibahagi sa iba’t ibang makabuluhang gawaing panlipunan.” ayon kay Flores. Natapos man ang patimpalak, patuloy pa rin ang mga proyekto’t pakikilahok ng mga nasabing kabataan upang patambulin ang kani-kanilang adbokasiya at tungkulin bilang mga kabataang lider. #

MAKABULUHANG KULAY

Mga kabataang pintor, bida sa Project KULAY 2.0

Upang patambulin ang panawagan hinggil sa pagkapantay-pantay at pagtanggap, isinagawa ang pangalawang taon ng Project Kulay sa Barangay Hall ng Patul na sinimulan noong ika-26 ng Pebrero hanggang

ika-25 ng Marso.

Bitbit ang kanilang mga pintura’t pang pinta, bumida sa nasabing proyekto ang mga kabataang pintor na nagmula mismo sa nasabing barangay. Samantala, nagsilbing gabay naman ang mga

opisyales ng barangay sa pangunguna ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK). Ilan sa mga pangunahing tema ng mga likha ay tungkol sa karapatan ng sektor ng LGBTQIA+ at ang pagkilala sa mahalagang gampanin at sakripisyo ng mga solo parents. Nag-iwan ang proyekto hindi lamang ng makukulang na sining sa mga pader ng barangay hall kundi pati na rin ng mga makabuluhang mensahe’t panawagan. #

KUMPAS NG PINTURA, MENSAHE ANG IBINIDA. Isa sa mga naging panawagan ng makukulay na mga murals sa matatayog na mga pader ng Barangay Hall ng Patul ang
HANDOG SA MGA NAGSIPAGTAPOS.
SK Patul
Harvey Flores
Lyra Mae Llantada

Agwa-bendita ang mga salitang iniluluwa ng dila ng sinuman tungkol sa kaniyang kapwa—subalit sa kabuuan ay hindi ito banal. Ito ang natatanging uri ng pagbibinyag at sapilitang pagmumulat sa mga kasuklam-suklam na kasalanan. Kasama rito ang mga animo’y anak ni Padre Salvi—alipin ng laman, kinakasangkapan ang “mahihinang” uri, at nandudusta ang titig at higit sa lahat, ang salita. Ang iba naman ay dahas ang ipinapa-almusal sa kapwa, kasabay ng paghahain sa altar ng pagkasuklam at mga pagnanasang makalupa.

At ang mga dahilang ito ang nag-uudyok sa mga programang nagsusulong sa pagkakapantay-pantay ng tao, anoman ang kanilang kasarian. At hindi rito kaiba ang isinagawang Project SOGIE Talk 2.0 ng Barangay Patul sa lungsod ng Santiago na tumalakay sa Sexual Orientation and Gender Identity/Expression (SOGIE).

Alinsunod sa talakayan, tunay na tumatayong saksi ang nagbabagong panahon sa paglabag ng tao sa mga ordinansang moral, sibil, at maging doktrinang relihiyoso. Sa ngalan ng kasarian, talamak ang diskriminasyon, at iba-iba ang porma ng marhinalisasyon. Sa lipunang hetero-patriyarkal, lantaran ang pagsasantabi sa mga hindi kabilang sa tikipikal, batayan, o kinikilalang kasarian na babae at lalaki.

Ang mga indibidwal na itinuturing na “kaiba” sa mga pangunahing kategorya na itinakda ng namamayaning kultura batay sa kanilang oryentasyong seksuwal, tulad ng mga bakla, tomboy, asexual, transgender, bisexual, at iba pa, ay madalas hatulan ng mga

inar ng Patul na mayroong anyong tugunan. Sa kabuuan ay binigyan nito ng plataporma ang kabataan ng barangay upang ibahagi ang kanilang mga karanasan.

Mula sa bahagian ay nakilala pang laganap ang di-pantay na pagkilala sa kababaihan at ang patuloy na obdyektipikasyon sa mga naiibang uri. Sa katunayan, sa paradigmo ng pangingibabaw, binibigyang-diin kung paanong higit na mapuwersa ang representasyon ng kalalakihan kaysa kababaihan sa wika. Makikita ito, halimbawa, sa “Semantic Derogation of Woman” na isinulat ni Muriel Schulz. Sa Pilipinas, madalas na gawing panukat ng moralidad ang seksuwalidad ng isang babae. Maiuugat ito sa baluktot na pagtuturo ng Kristiyanismo ng mga Kastila. Ang mga babaeng nakipagtalik bago ikasal ay makasalanan daw. Sa pag-uugnay ng moralidad sa pagkabirhen, nalilimitahan ang mga kababaihan sa kanilang seksuwalidad. Dahil dito, nabibigyan sila ng responsibilidad na pangalagaan ang kanilang pagkabirhen lalo na bago ikasal. Ito na ang ginagawang sukatan ng kanilang dignidad, moralidad, at “kasarapan.” Dito pumapasok ang ilang mga katagang halos sa pagkain inuugnay ngunit ikinakabit na rin sa tao. Kailangan “sariwa” sila para maging kaakitakit. Bahagi na ito ng lexicon ng tao, kasabay ng kanilang mga kahulugan na sa kabuuan ay dergatoryo naman para sa kababaihan.

Sa kabuuan, ang lalaki ay itinatakdang maging lider, ang babae maging maaruga, ang bakla maging komedyante, at ang tibo maging macho. Kinasusuklaman ng kalakhan ng populasyon, higit na ng mga tradisyunal-konserbatibo, ang anumang manipestasyon ng

Hanggang ngayon, tulad sa mga dumalo sa naging pagtitipon sa Patul na pinangunahan ni City Government Official Jayson Banavize, bagaman marami na ang nahuhubog na magkaroon ng lakas ng loob upang ipahayag ang seksuwal nilang oryentasyon, nananatiling manhid at said ang lipunan sa konsepto ng diversity. Nanatiling marahas ang marami sa pagtrato nila sa iba sa gawi at salita. Homophobia pa rin ang umiiral na normal para sa mga hindi marunong kumilala sa identidad at karapatan ng iba. Isa sa pinakamagandang aspekto ng wikang Filipino ang paggamit ng gender-neutral pronouns at gender index, subali pinapatay rin ito ng pagsasari ng wika. Sa kabuuan, halaw sa ibinandila ng seminar-workshop ng barangay, ang pantay na pagkilala sa bawat indibidwal, anoman ang oryentasyong seksuwal nito ay kailangan. Makapangyarihan ang wikang Filipino sa pagmumulat at pag-uumpisang puksain na ang mga derogatoryong pahayag. Ang pagiging masinop, kritikal, at maingat sa paggamit ng mga katagang ilalapat sa pagkatao ng isang indibidwal ay lalong makabuluhan. Subalit hindi ito nangangahulugan ng laging pagpanig sa kanila at pagsasantabi sa iba, lalo’t hindi dapat pinagbabangga ang mga umiiral na sektor, kundi pinagbubuklod. Ang pagkakaisa ay esensiyal; ang paglalayo sa sarili sa danas ng iba ay pagtataksil. Sa gitna ng mga lantad na wangis ng opresyon at paninikil, kasalanan ang pagpikit at ang pananatiling pipi. Sa huli, hindi lang naman kalayaan para sa sarili ang hangad ng mga itinuturing na “iba” sa itinakdang kategorya ng dominanteng kulturang mayroon tayo; ang hinihingi ng kanilang pag-

Lyra Mae Llantada

Welcome ka sa tahanan ko!

ng pagbibigay espasyo upang mas paunlarin ang kapasidad, talento, at kakayang pang-akademiko ng mga kabataan ay isa mga karapatan ng bawat bata’t kabataan simula pa lamang nang ito ay isilang. Ngayong sinusubok ang buong bansa ng pandemya, higit na mas kailangang isulong ang karapatang ito lalo na’t tila napilay ang sektor ng kabataan nang magpatupad ng ilang mga paghihigpit na nagbigay limitasyon sa kanilang pahlalayag sa lugar na umiinog sa kanilang pagkatao. At ang mga dahilang ito ang nag-uudyok sa mga programang nagsusulong sa pagkakapantay-pantay ng tao, anoman ang kanilang kasarian. At hindi rito kaiba ang isinagawang Project SOGIE Talk 2.0 ng Barangay Patul sa lungsod ng Santiago na tumalakay sa Sexual Orientation and Gender Identity/Expression

Habang kasagsagan ng krisis, nakiisa ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Patul upang patambulin ang pangangailangang makapagbigay ng ligtas na lugar upang malayang paunlarin ng bawat kabataang Patuleño ang kanilang mga sarili. Itinatag ang BISITA Teen Center upang maging daan sa paghulma sa mga kabataan upang maging mas maprogresong indibidwal at para suportahan ang mga kabataang hinggil sa aspetong pang-akademiko at kalusugang pangkaisipan.

Ang center na ito ay nagiging tulay upang mas padaliin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga kabataan, paglalatag ng iba’t ibang makabuluhang aktibida’t libangan, at pagsulong ng mga gawaing pang-edukasyon. Karagdagan dito, ito rin ay para suportahan ang kabataan tungo sa mas makabagong paraan ng pag-aaral tulad ng pagbibigay ng libreng internet, paggamit ng kompyuter at printing, makapag-impluwensya ng positibong pag-uugali, at paghubog ng kanilang talento. Higit sa lahat, ang BISITA Teen Center ay tahanan ng bawat kabataan kung saan sila ay malayang nauunawaan ang kanilang karapatan, at naisasagawa ang kanilang aktibong partisipasyon sa gawaing

Kaya naman, halina’t bumisita sa tahanang ito. Ang espasyong malaya ka; ang tahanang tanggap

Lyra Mae Llantada
Harvey Flores

HUMAN TRAFFICKING

ANO ANG HUMAN TRAFFICKING?

Ang HUMAN TRAFFICKING ay isang paglabag sa karapatan ng bata kung saan nire-recruit, binabyahe, itinatago o ibinabahay ang biktima nang sapilitan sa loob o labas ng kanyang bansa. Ang mga biktima ay pinipilit, kinikidnap, nililinlang, inaabuso, pinagsamantalahan ang kahinaan o sinuhulan para pumayag. Layon ng maysala ang magsamantala; kabil ang na dito ang prostitusyon, forced labor, pagpapagawa ng mabibigat na trabaho, at pagtanggal at pagbenta ng mga bahagi ng katawan.

BAKIT NANGYAYARI ANG CHILD TRAFFICKING?

Batay sa karanasan, karamihan sa mga nabibiktima ng trafficking ay lugmok sa kahirapan at mababa ang pinag aralan; ang iba’y nakaranas ng sekswal at pisikal na pang aabuso o pinipilit ng pamilya. Kadalasan mababa ang tingin ng mga nambibiktima sa mga bata. Tinuturing na pag-aari ang bata, na pwedeng ikalakal at pagkakitaan.

ANO ANG REPUBLIC ACT

9208

Ang Republic Act 9208 (R.A. 9208) o Anti-trafficking in Person Act of 2003 ay isang batas na ipinasa para wakasan ang trafficking in persons, lalo na sa mga babae’t mga bata. Layon ng batas na protektahan at suportahan ang mga biktima ng trafficking at maparusahan ang mga lumalabag sa batas na ito.

NG KATOTOHANAN PAMATNUGUTAN JOHN VINCENT ALBINO punong patnugot tagalapat

JOHNHAR FLORES kapatnugot patnugot sa lathalain

LYRA MAE LLANTADA patnugot sa balita tagapagwasto

50%

SA MGA BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING AY MAS BATA SA 16 TAONG GULANG.

MGA IMPORMASYONG NA DAPAT ALAMIN PATUNGKOL SA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook