Kaugnay ng paglaganap ng konsepto ng paminggalan sa komunidad (community pantry) sa loob ng bansa, naglunsad ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Patul, kasama ang Tau Gamma Phi, Patul chapter, ng sarili nitong paminggalan na naglalayong matulungan ang mga residente sa nasabing barangay na naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Itinayo ng mga opisyal ng SK nitong Mayo 18 ang kanilang bersyon ng community pantry ni Ana Patricia Non sa
INFOGRAPHICS
Ano ang mga dapat nating malaman patungkol sa HIV?
PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG KABATAAN NG PATUL - TOMO 1 BLG 1
DOMINO EFFECT
Project PROVIDE, isinulong; Patul SK, SDO Santiago City, inulan ng pagbati
Lyra Mae Llantada
SK Patul sa pagdaos ng MNP ‘21
Pinangunahan ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Patul ang pagdaos sa Mutya ng Patul (MNP) 2021 Coronation Night na ipinalabas sa opisyal na Facebook page ng SK Patul bilang sentro ng pagtatapos ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan. Pitong kandidata ang nagtagisan sa nasabing kompetisyon; dalawa sa mga pamantayan sa pagpili ng mananalo sa naturang patimpalak ay ang adbokasiya ng mga kalahok at puntos mula sa question-and-answer portion. Sa huli, tinanghal na Mutya ng Patul sa Agrikultura 2021 o 2nd runner-up si Pholeen Shane Inductivo ng Purok 1, na siyang nakasungkit din ng titulo bilang Ms. Congeniality, Ms. Photogenic at Ms. Skin Gold.
sa Turismo 2021 maging ang People’s Choice Award.
Samantala, kinoronahan bilang Mutya ng Patul 2021 si Precious April Balabbo ng Purok 7, na humakot din ng iba pang mga parangal tulad ng Ms. Telegenic, Ms. Villa Evangeline, Ms. Skin Gold, Best in Casual Wear, Best in Swimsuit at Best in Long Gown.
Nakamit naman ni Nazarine Alombro ng Purok 4 ang korona para sa 1st runner-up at ang titulong Mutya ng Patul
Bagamat bigong makapasok sa top 3, nakuha naman ni Janella Pica ng Purok 5 ang Best in Production Number, at Trisha Estremera ng Purok 6 ang Best in Advocacy para sa kaniyang adbokasiya patungkol sa pantay na oportunidad sa dekalidad na edukasyon.
Nagbigay naman ng mensahe ang mga panauhin bago matapos ang paligsahan; ilan sa mga ito ay sina SK Patul Chairperson Diosabel Alombro, Punong Barangay Julian Cortez, SK Santiago City Federation Chairperson Lyka Angela Posidio, City Councilor Jamayne Tan at City Mayor Joseph Salvador Tan. #
Umani ng papuri ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Patul, sa pangunguna ng Schools Division Office (SDO) of Santiago City, matapos nitong ipanukala ang project PROVIDE “Project Providing Resources Offline: Variety of Interactive Developed Educational Instructional Materials (IMs)” na naghahangad masuportahan ang mga mag-aaral sa pagpasok sa bagong normal ng edukasyon.
Sa isang panayam kasama si Education Secretary Leonor Briones, ibinida ni Santiago City Superintendent Cherry Ramos ang layunin ng naturang proyektong makapaghatid ng “accesible” IMs sa mga estudyante, ano man ang antas ng mga ito sa lipunan.
Dagdag pa niya, sakop daw nito hindi lamang ang regular na mga mag-aaral, ngunit maging ang mga estudyanteng may espesyal na pangangailangan.
Kasabay nito, isinaad ni Joy Asuncion, isang guro
- P2
Patul SK, Tau Gamma Phi, umaksyon tulong sa mga pamilyang apektado ng COVID
Lyra Mae Llantada
PANTRY - P3
SUBAYBAYAN SA PAHINA 7
Harvey Flores
PULSO NG KATOTOHANAN
MAGBIGAY AYON SA KAKAYAHAN, KUMUHA AYON SA PANGANGAILANAGAN. Naging matagumpay ang inilunsad na community pantry sa barangay Patul na may layuning matulungan ang mga nangangailangang residente. Larawang kuha ng SK Patul
DAGITAB NG TINTA.
KILOS KABATAAN, COVID-19 IWASAN
Patul SK, namahagi ng hygiene kits
Nagpaabot ng tulong pangkalusugan sa pamamagitan ng mga hygiene kit ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Patul, Santiago City sa mga mag-aaral na residente ng nasabing barangay simula May 16 hanggang 30, bilang tugon sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Naglalaman ang bawat hygiene kit ng face mask, face shield, sabon, at alcohol na siyang itinuturing bilang essentials ngayong pandemya.
Dalawang linggong nagbahay-bahay sa pitong magkakaibang purok ang mga opisyales ng SK upang ipamahagi ang nasabing hygiene kits sa mga kwalipikadong residente.
Ayon kay Jullian Saturno, isa sa mga benipisyaryo ng programa, napakaswerte umano ng mga residente na mapagkalooban ng mga naturang disinfectant
na siyang nagsisilbing panangga mula sa kumakalat na virus.
“Malaking tulong na rin ‘yon para makatipid-tipid sa gastos dahil pahirapan ngayong kumita ng pera, lalo pa sa mga natanggal sa trabaho,” dagdag pa niya.
Sinuhayan naman ito ni CJ, ‘di niya tunay na pangalan, na nagsabing lubhang nakatulong ang sinimulang inisyatiba upang mabawasan at maigpawan ang pinansyal na pasanin ng kanyang pamilya.
“Wala pong stable job ‘yong mga magulang ko. Nanay ko po [ay] umaasa lang sa paglalabada, tapos ‘yong tatay ko [ay] karpintero. Hirap na nga kaming pagkasyahin ‘yong kinikita nila, nadagdag pa sa alalahanin namin ‘yong pambili ng face mask at face shield, kung kaya’t lubos po akong nagpapasalamat sa mga hygiene kits na bigay nila sa amin,” ani CJ.
mula sa pampublikong paaralan, kung paano makatutulong ang project PROVIDE sa pagkatuto ng mga estudyante ngayong may pandemya.
“Shifting to a new normal setup in education served as an extravagance to an ordinary
student. It can be observed that not everyone will get a chance to join due to a lack of resources. It is, likewise, adamantly hard to comply with all the internet needs. But, this project PROVIDE opens doors of opportunity to share and learn new knowledge
Tinatayang nasa 340 ang kabuuang bilang ng mga hygiene kit na naipamahagi ng Barangay Patul SK ngayong taon, samantalang nasa mahigit 670 naman ang kanilang naipamigay noong 2020.
Sa ngayon ay mas pinagtitibay pa ng mga opisyales ng Barangay Patul ang kanilang Task Force na pinamumunuan ni SK Chairperson Diosabel Alombro kasama ang mga barangay health worker, midwife, at maging ang mga pulisya.
Patuloy din ang pagpaplano ng lokal na liderato para sa mga susunod na hakbangin, tulad na lamang ng paglalatag ng mas maayos na contact tracing system at information dissemination drives, upang agaran umanong mapagtagumpayan ang kampanya kontra COVID-19. #
SK Patul sa pagdaos ng MNP ‘21
PAHINA 1
Project PROVIDE, isinulong; Patul SK, SDO Santiago City, inulan ng pagbati
PAHINA 1
Santiagueños, nagtagisan sa mural paintings
PAHINA 3
Piling mag-aaral, nagawaran ng Project Skolar
PAHINA 3
for the learners of Patul to grow no matter what the setup,” aniya.
Gayundin, inihayag ni Preciouse Samar, isang mag-aaral mula sa Patul, na sa pamamagitan ng naturang proyekto ay nagampanan ng nasabing SDO at SK ang tungkuling pagtibayin ang kalidad ng edukasyon sa kabila ng paglipat nito sa bagong normal.
“I’m mostly concerned about the quality of education with our current situation. The imposed setup may provide opportunity, but tolerates mediocracy within education. With projects as such, I think our SK council, as well as our SDO, proves that the aim for safety does not equate to the negligence of duty,” wika ni Samar.
Ayon sa pahayag ng isang kawani ng Patul SK, nilalayon umano nilang makapagtalaga ng dalawang computer units at limang router upang matulungan ang mga mag-aaral na matanggap ang IMs mula sa SDO.
Sa kasalukuyan, nakapaglaan na ang SK ng isang computer unit at inaasahang darating pa ang iba bago matapos ang buwan.
Katuwang din ng nasabing SK sa pagpapalaganap ng project PROVIDE ang Patul National High School (PNHS).
Binigyang diin naman ni Region Two Director Benjamin Paragas na ang mga ganitong proyekto ay aksyon ng kanilang sektor para sa ikabubuti ng mga mag-aaral bunsod ng banta ng COVID-19.
“We are motivated more than ever to always give our best in realizing the regional education agenda in realization, too, of the agenda of the national leadership. EduAksyon. May Aksyon. May Solusyon. At patuloy ang daloy ng karunungan para sa ikabubuti ng bawat mag-aaral sa ating rehiyon na siyang sentro ng lahat ng ating pagsusumikap,” giit niya. #
ULO NG MGA BALITA
Lyra Mae Llantada
PROVIDE - MULA P1
TARA, ARAL TAYO. Aktibong sinusuri ng kawani ng Patul SK ang computer unit na gagamitin sa project PROVIDE upang masiguro ang aksesibleng IMs sa mga mag-aaral. Larawang kuha ng SK Patul
SULONG KALINISAN, IWAS KARAMDAMAN. Pinangunahan ng Sangguniang Kabataan ang distribusyon ng hygiene kits sa mga benepisyaryong mag-aaral ng Barangay Patul bilang
tulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga residente laban sa COVID-19. Katuwang ng iba pang SK, makikitang namahagi sina SK Chairperson Diosabel Alombro (kaliwa), SK Secretary Christian Valdez at SK Treasurer Marifer Besa (kanan) sa tatlong mag-aaral na kabilang sa mga benepisyaryo ng proyekto. Larawang kuha ng SK Patul
Santiagueños, nagtagisan sa mural paintings
Harvey Flores
Kinatampukan ng mural paintings ang perimiter fence ng Santiago City Police Office sa inilunsad na Sining Bayanihan Competition na paninangunahan ng Santiago City Police Office at ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).
Layon ng nasabing kompetisyon na paigtingin ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa lumalalang problema sa ilegal na droga at terorismo sa pamamagitan ng sining.
Naganap ang aktibidad nitong Mayo 13 hanggang 21 na may temang, “Kabataan Tayo Mismo: Malikhain at Matapang na Pagtugon sa ano mang Hamon ng Panahon.”
Nilahukan ng mga kabataang pintor mula sa iba’t ibang ba-
rangay ng lungsod ang naturang kompetisyon.
Sa bandang huli, tinaguriang kampyeon ang Panel 6 na ginawa ng mga kalahok mula Barangay Nabbuan at Rosario.
Kasabay nito, nakamit naman ng kupunan mula sa Barangay Patul, Baluarte, Luna at Villa Gonzaga (Panel 4) ang ikalawang pwesto, pati na ang People’s Choice Award.
Samantala, nagtapos naman sa pangatlong pwesto ang Panel 2 mula sa Barangay Calao East, Calao West at Malvar.
Nagbigay din ng ilang special awards tulad ng Most Cheerful Award na nakuha ng kupunan mula sa Barangay Palridel at ang Most Imaginative Award na natanggap ng mga kalahok mula
‘SANA ALL, NO MORE’
Piling mag-aaral, nagawaran ng Project Skolar
K
asabay ng lumalalang krisis sa aspetong pinansya at sektor ng edukasyon dulot ng pandemya, nagpaabot ng tulong pinansiyal ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Patul sa mga piling mag-aaral ng sekondarya at kolehiyo sa pamamagitan ng programang Project Skolar.
Dumaan sa pagsusuri ng SK ang lahat ng aplikante upang matiyak na sila ay residente ng Patul, ganap na mga estudyante, at hindi tumatanggap ng iba pang scholarship mula sa Commission on Higher Education (CHED) at ng Santiago City Collegiate Scholarship Program
Tinatayang higit 30 na mag-aaral ang napili at nakatanggap ng isang libo bawat isa na ibinahagi nitong ika-26
ng abril.
Umaasa si Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Patul Chairperson Diosabel G. Alombro na ang naturang tulong ay magagamit ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at upang mabawasan ang kanilang pasanin hinggil sa usaping pinansiya.
“Mahalaga yung ganitong project para naman makatulong sa mga mag-aaral; para may magamit sila sa online classes nila like pang-load para maka pasok sa klase, and sa pagiging scholar nila ay mala-less yung gastusin for their financial studies,” saad ni Alombro.
Gayundin, tiniyak naman ng SK Patul na magpapatuloy ang nasabing proyekto na gaganapin umano kada Abril ng taon. #
Barangay Abra. Ginawaran ng cash prize, tropeyo at sertipiko ng pagkilala sa Bulwagan ng Mamamayan,
City Hall, San Andres, Santiago City noong nakaraang Hulyo 7 ang mga nagsipagwagi sa nasabing paligsahan. #
Purok 5, Arba, kung saan marami ang natanggal mula sa kanilang mga trabaho.
Matatandaang pinasimulan ni Non ang unang paminggalan sa Pilipinas na tinawag na “Maginhawa Community Pantry” na sinundan naman ng ilang mga naiulat na parehong inisyatiba.
Pinangunahan ng nasabing SK ang pag-oorganisa at pamamahagi ng ayuda sa pantry na tumagal ng mahigit apat na oras.
Dagdag pa rito, inihayag ng mga benepisyaryo ang kanilang pasasalamat sa tulong na naihatid ng naturang proyekto sa kanilang kalagayan ngayong may pandemya.
“Maganda ‘yong mga gan’yan, lalo pa at ganito ‘yong sitwasyon. Marami talaga’ng natulungan ng pantry. Sa ngayon, hindi na lang naman sakit ang kalaban natin, kun’di pati na ‘yong kahirapan at gutom,” saad ni Gia, ‘di niya tunay na pangalan, isa sa mga nakatanggap ng ayuda mula sa pantry.
Sa isang panayam, ipinahayag din ni KC (‘di niya tunay na pangalan), anak ng isa sa mga benepisyaryo, kung paano nakatulong ang paminggalan sa kanyang pamilya hinggil sa mapagkukunan ng pagkain at sa pagpapaalala sa kanilang hindi sila nag-iisa sa panahon ng COVID-19.
“Mahirap na nga ‘yong buhay, mas humirap pa lalo no’ng dumating ‘yong COVID. Pahirapan talaga sa ‘min ‘yong paghahanap ng makakain, no’ng narinig naming may itinayo raw na community pantry ‘yung SK, naging malaking tulong siya sa amin. Kasi nag-benefit kami from it. Kinagabihan no’n, mukha atang first time na may bagong putaheng inihain. Nabigyan kami ng pag-asa na kahit sa ganitong challenge, meron at meron ka pa ring maaasahan,” aniya. Lahat ng mga dumalo ay malayang pumili batay sa kanilang pangangailangan sa naturang community pantry na naglalaman ng bigas, de-lata, talong, kamatis, okra, upo, tuyo, at itlog — na tinatayang kasya sa humigit-kumulang 70 pamilya.
Habang nagaganap ang distribusyon sa paminggalan, pinaalalahanan ng mga opisyal ang mga kasali upang sumunod sa mga interbensyong inilathala ng gobyerno gaya ng social distancing at pagsusuot ng face mask. Alinsunod sa pinakahuling ulat ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG), umabot na sa higit 6,000 ang naitayong community pantry sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. #
PANTRY - MULA P1
Harvey Flores
MENSAHE SA LIKOD NG MGA KULAY. Kupunan ng mga kabataang pintor at mga opisyal ng SK, kasama ang kanilang natatanging gawa upang irepresente ang Barangay Patul, Luna, Villa Gonzaga at Baluarte sa KKDAT Mural Painting Competition. Larawang kuha ng SK Patul
Kultura’t sining, Pagyamanin!
Hezen Flores
Masuwerte ang mga daraan sa Baquiran st. dahil matatanaw nila ang matingkad na isang daang metrong habang mural painting na nagsisilbing pagbaling sa mayamang kasaysayan ng Barangay Patul. Ang proyektong itong pinamagatang Project KULaY (KUltura, LAhi, at Yaman ng Barangay Patul) ay galing sa mapanlikhang isip ng
Month 2021 noong Marso na may temang “Alab Sining, Alay Sigla”.
Itinatampok ng mural na ito ang alamat ng pagdating ng mga sinaunang tao ng barangay Patul, ang saysay ng kanilang pakikibaka para sa kanilang lupain, at ang mga aral na ipinapasa sa mga henerasyon ng mga Patuleño. Ang katorseng pintor na responsable para sa obra maestra na ito ay mga kinatawan mula sa Patul Elementary School, Patul National High School, at Santiago National High School sa pamumuno ni G. Roberto V. Duldulao Jr, na siyang umisip ng konsepto nito. Limang buong araw ng dunong at simbuyo ng damdamin mula Marso 1-5 ang ginugol nila upang makumpleto ito.
Maligaya ang naging pagtanghal ng proyekto sa publiko. Ang
opisyal na “unveiling” ay dinaluhan ng mga tauhan ng Barangay Hall, Patul Elementary School, CICATO (City Information, Culture and the Arts and Tourism
PROJECT KULAY - P6
Arriba,
JB Dela Cruz
Ang Project Humanitree ay isang proyektong nagla layong matugunan ang pangangailangang sosyal ng mga kabataang Patuleño. Kasama sa proyektong ito ang mga aktibidad tulad ng and Terrorism Campaign, Insights on Rising Teenage Preg nancy at Tree Planting Activity
Alam mo ba?
Ang terminong “Plogging” ay nagmula sa kombinasyon ng salitang Ingles na “jogging” at terminong Swedish na “plocka upp” na ibig sabihin ay “pagpulot.” Ang Swedish trend na ito ay ang praktis ng pagpulot ng makikitang mga basura sa daan habang tumatakbo o naglalakad. (https://waste4change. com)
lathalain.
sisyo ng sama-sama ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagpupulot ng mga makikitang kalat sa kanilang paglalakad. Ang naturang gawain ay pinangunahan ni Barangay
Chairman Mr. Julian T. Cortez. Kasama rin sa aktibidad ang ilang mga miyembro ng Barangay Council, Sangguniang Kabataan, at maging ang ilang mga guro at patnugan mula sa Patul National High School (PNHS).
Samantala, nagsagawa naman ng isang webinar ang SK Patul bilang tugon sa isyu ng tumataas na bilang ng teenage pregnancy sa ating barangay. Ginanap ang webinar na pinamagatang “Insights
Larawang kuha ng SK Patul
Larawang kuha ng SK Patul
SK PATUL for THREE!
Hezen Flores
Tatlong puntos para sa kalikasan! - isang mapagbirong palatinigan na kung isasalin sa Ingles ay magiging “Tree points for the environment!”, dahil inilunsad ng Sangguniang Kabataan Council ng Barangay Patul
ang inisyatibang mag-ipon ng mga gamit nang plastik na bote ng tubig, upang mula sa pagbebentahan nito ay makaipon sila ng pondo para sa pangkalikasang proyekto nilang pagtatanim ng puno o “tree parenting”. Kung mas magiging mapaglaro pa, maaaring isipin na ang tatlong puntos ay parang isang 3-point shot sa basketbol. Ang ideya ay galing sa libangan ng marami na pag-“shoot” ng kalat sa basurahan na para bang sa basketbol, sabay sigaw ng “Kobe!”. Maaaring dalhin ng mga residente ng Patul sa Barangay Hall ang mga naipon nilang bote, bilang kontribusyon sa pagkukusa ng Sangguniang Kabataan Council ng Patul na manghikayat ng mga taong kasanayang ang recycling. Habang naroon, walang pipigil sa residente kung nanaisin niyang i-shoot ang mga ito sa lalagyan na parang nagpapasok ng isang 3-point shot – magandang
katuwaan para sa mga residente at sa kalikasan.
Ang mga malikhaing paraan ng panghihikayat sa mga tao –lalo na sa kabataan – ay importante upang ang paraan ng pagpapabuti sa kapaligiran ay hindi imaging sanhi ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Ayon sa Envoy on Youth ng United
3 PTS - P6
Patul!
on Rising Teenage Pregnancy in the Barangay” noong Marso 24, 2021 sa PNHS sa pamamagitan ng isang Zoom call. Tinalakay dito ang mga paksa tulad ng family planning at HIV/AIDS na siyang mabigat na isyu sa reproductive at sexual health ng mga kabataan. Naging pambungad sa webinar ang isang mala-talkshow na pagbati mula sa mga anchor na siyang nakapagenganyo sa mga kalahok. Ang naging sentro ng nasabing webinar ay ang mga pananaw mula sa tagapagsalita na si Johanna Mercy C. Gabriel mula sa Commision on Population (POPCOM) Adolescent Health and Development Program. Bukod dito, napag-usapan din ang mga datos sa kalagayan ng teenage pregnancy sa ating lungsod at barangay. Ipinakita rito na nasa ika-7
barangay na may pinakamataas na kaso ng Teenage Pregnancy. Lingid pa rito, ipinagdiinan din ang kahalagahan ng information dissemination at mga programa at proyekto ng Adolescent Health and Devel opment Program ng POPCOM upang masugpo ang mga isyu ng teenage pregnancy.
Parte rin ng proyekto ang Tree Planting kung saan nakapagtanim ng mahigit 100 kawayan ang sa tabi ng isang ilog sa barangay ang mga lumahok. Ang naganap na tree planting ay isang paraan upang mapaganda ang lugar na siyang magsisilbing tourist attraction park sa barangay. Gayunpaman, inaasahan na ang mga itinanim na kawayan ay makatutulong sa pag-iwas sa mga baha at pagguho ng lupa sa tuwing panahon ng kalamidad. Kalahok sa tree planting ang mga opisyal at mga kawani ng Barangay at Sangguniang Kabataan ng Patul, mga guro mula sa PNHS, mga boyscout, mga kinatawan mula sa Phil ippine National Police (PNP), Tau Gamma Phi, at ilang mga boluntaryo.
Bukod sa mga ito, isinagawa rin ang Anti-Drug and Terrorism Campaign sa pamamagitan ng isang ZOOMposium na siyang nilahukan ng humigit 80 kinatawan mula sa barangay. Hangarin ng inisyatibe na paunlarin ang kama
Larawang kuha ng SK Patul
Kumot. Isa sa mga dakilang tagapagsalba’t kanlungan sa malalamig na gabi.
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pandemyang ating kinahaharap ay nagmistulang dagok sa sanlibutan. Di-mailarawang pangamba ang dulot nito sa atin. Bukod pa rito, kritikal din ang naging epekto nito sa ating mga pangangailangan; pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan, soysal, at edukasyonal.
Sa panahon kung saan isang kalabang ‘di nakikita ang umusbong, sino na lamang ang magsisilbing kumot sa ating lahat? Ang magsisilbing kanlungan at tagapagsalba sa krisis ng kasalukuyan.
Isang inisyatiba ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Patul ang BISITA Teen Center. Inilunsad ito sa layuning makapagbigay suporta sa mga pangangailangan ng mga kabataang Patuleño bunsod ng banta ng virus.
Ang BISITA o Building Individuals through Sharing Innova-
Kumot Kumot
JB Dela Cruz
tions Toward one Ambition Teen Center ay itinatag upang maging ligtas na kublihan na bukas para sa lahat ng kabataan. Ayon kay SK Treasurer Mari Angeli Besa, “ang BISITA Teen Center ay malaking tulong sa ating mga kabataan upang mabigyan sila ng wastong pagsuporta ukol sa iba’t ibang isyu na kanilang kinakaharap o kakaharapin pa lamang.”
Bilang patunay sa kalidad ng serbisyo ng teen center, nasungkit nito ang ikalawang puwesto sa nakalipas na 2020 Search for MOST INNOVATIVE and SUSTAINABLE TEE CENTERCommunity Based na ginanap noong ika-14 ng Disyembre nang nakalipas na taon.
Ano nga ba ang matatagpuan sa loob ng BISITA Teen Center? Makikita sa loob ang iba’t ibang mga Adolescent Friendly Materials o mga materyales na maaaring gamitin ng mga kabataan para sa kanilang mga pangangailangan. Mayroong mga Information, Education, and Communication (IEC) posters na nagbibigay impor-
masyon na makakapagdaragdag kamalayan sa mga kabataan patungkol sa mga pangkaraniwang isyu tulad ng iligal na droga at teenage pregnancy. Dagdag pa rito, mayroon ding Information Board na kung saan makikita ang mga serbisyong inaalok sa teen center, at mga tungkulin ng mga kawani ng SK at mga tagapagtaguyod ng kabataan.
May multi purpose area din na kung saan pwede makipaglaro at makipag-ugnay ang mga kabataan sa kapwa nila kabataan. May mga libro, board games, badminton at volleyball sets na maari nilang mahiram at gamitin bilang libangan.
Mayroon din computer area na maaaring magamit para sa mga naiatang na aktibidad ng kani-kaniyang paaralan. Ang music area naman ay mayroong mga instrumento na pwedeng gamitin para sa mga jamming sessions at makinig sa mga paborito mong mga kanta.
Gayundin, may itinakda rin na U4U help desk sa loob ng teen center na
kung saan maaaring humingi ng tulong ang mga kabataan sa isang teen helper upang matugunan ang kanilang mga alalahanin. Lingid dito, naglaan din sila ng isang counseling room na kung saan pwede kumonsulta ang kabataan sa mga volunteer guidance counselor hinggil sa kanilang pangkaisipang kalusugan. “Sa tulong ng ating mga guidance counselors, peer counselors at teen advocates, ang isang kabataan ay maaaring magkaroon ng kaibigan na kasamang tutugon sa kanyang mga problema,” iginiit ni Besa.
Totoo ang COVID. Ngunit hindi nito magagawang talunin ang bawat Patuleño na bumabaka para sa iisang hangarin - ang hangaring mabigyan ang bawat kabataan ng opurtunidad patungo sa isang matiwasay na lipunan at kinabukasan.
Makikita natin na sa sama-samang pagtutulungan ng iba’t ibang miyembro at kinatawan ng ating komunidad, daig pa nito ang isang kumot sa malamig na gabi. #
PROJECT KULAY - MULA P4
Office), at ng puno ng lunsod na si Hon. Joseph S. Tan. Dagdag sa pagkalugod ng Buwan ng Sining, inimbitahan rin ang Santiago City Balamban Dance Troupe upang mas paligayahin ang programa. Ang mural na ito ay inilunsad hindi lamang bilang palamuti sa blankong pader, kundi bilang pag-alala sa kasaysayan na nagdala sa barangay Patul sa kung nasaang estado ito ngayon, sa bawat makahulugang pahid pintura na magdadala sa mga Patuleño ng mas malalim na pagpapahalaga sa sining at kultura. #
Nations, karamihan sa kabataan ay aminadong nakararamdam ng epekto ng Climate Change, at ang pagpapatuloy nito ay isang malaking banta sa kalusugan ng kabataan hindi lang sa pampisikal kundi pati sa pangkaisipan. Sa matuwaing paraan katulad ng 3 Points para sa Kalikasan, maaaring maiwasang mapangunahan ng panghihina ng loob ang kabataang naghahanap ng maliliit na paraan upang makatulong, bilang parte ng kanilang paglalakbay hanggang sa magkaroon ng kakayahang makagawa ng mas mahusay na paraan upang pagbutihin ang kapaligiran. #
layan ng mga kabataan upang maiwasan ang iligal na droga at pagkakasangkot sa terrorismo. Ang ZOOMposium ay pinangunahan nina Patrolwoman Esteban, na siyang nagbahagi ng mga paraan ng NPA sa pangangalap ng mga kabataan, at ni Patrolwoman Keicee Boydon na siyang nagbahagi naman ng kaalaman hinggil sa usapin ng iligal na droga. Nagkaroon din ng Q&A portion pagkatapos ng talakayan. Ang proyektong ito at ang mga kaukulang aktibidad nito ay patunay na hindi naging hadlang ang pandemya sa ating pagtugon sa mga pangangailangang sosyal ng mga kabataang Patuleño. #
3 PTS - MULA P5
HUMANITREE - MULA P5
Mga larawang kuha ng SK Patul
ANO ANG MGA DAPAT NATING MALAMAN PATUNGKOL SA
HIV?
Ano ang HIV?
Ang Human Immunodeficiency Virus (HIV) ay isang virus na inaatake ang ating immune system. Kapag hindi ito agad na natuklasan at naagapan, ito ay maaaring maging sanhi ng Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).
Anong natutunan natin dito?
Magkaiba ang HIV at AIDS. Hindi lahat ng HIV-positive ay may AIDS.
Natatanggal ba ang HIV sa katawan?
Hindi pa sa ngayon. Kapag nagkaroon ka nang HIV ay habang buhay na itong nasa dugo mo. Pero mayroong tinatawag na Antiretroviral Treatment (ART) na alinsunod na iniinom ng mga HIV-positive na indibidwal upang maging undetectable ang kanilang viral load. Ang ibig sabihin ng undetectable viral load ay sobrang kaunti na lamang ng virus sa iyong dugo na halos 0% na ang tsansang maipasa mo ang virus sa iba sa pamamagitan ng sex. Oo, maaari kang mamuhay nang “normal” kahit HIV-positive.
Paano naipapasa ang HIV?
1. Pagtatalik (Penetrative Sex)
2. Pagpasa ng dugo (blood transfusion, re-using of needles)
3. Mula sa ina papunta sa anak (upon childbirth)
Kapag wala sa listahan ay imposibleng makakuha ka ng HIV mula rito. Hindi, hindi ka makakakuha ng HIV sa laway, pagbili ng ukay-ukay, o paggamit ng banyong ginamit ng HIV-positive. Hindi parang virus ng sipon ang HIV na naipapasa sa hangin. Hindi rin ito ekslusibo sa mga lalaki. Kahit sino ay maaaring makakuha ng HIV.
PAANO MAIIWASAN ANG HIV?
Gumamit ng condom. Huwag gumamit ng needle na ginamit na ng iba. Magbasa.
MAGANDANG BALITA!
Libre ang HIV testing sa City Health Office ng Lungsod ng Santiago (as man dated by the National Government). Libre rin ang ART kung sakaling mag-positibo. Bago at pagkatapos ng testing ay magkakaroon ng counseling upang ipaliwanag ang mga kailangang malaman ukol rito. Huwag mahiyang lumapit sa mga propesyonal. Sila ay hinubog upang tulungan ka. Itapon ang kahihiyan at unahin ang sariling kapakanan. Magpa-test kung may pag-aalala.
ANG PAGLOBO NG
Teenage PregNANCY
SA PILIPINAS
Lagpas
60, 000
ang bilang ng mga batang babaeng Pilipino na nanganganak kada taon (PopCom, 2020).
Humigit-kumulang
540
na sanggol ang ipinapanganak kada araw ng mga batang inang Pilipina (PSA, 2017).
1 sa bawat 10
Pilipina, edad 15-19 ay ina na (PopCom, 2020).
Kumusta,kaibigan?
Alamin kung ano-ano ang mga pamamaraan upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating pag-iisip.
Magkwento tungkol sa mga nararamdaman
Sanaying mag-ehersisyo
Kumain nang mabuti Makipag-ugnayan
Humingi ng tulong
Gawing libangan ang angking talento
Magpahinga
Higit sa lahat, pahalagahan ang sarili
Larawan hango sa Google
infographics.
Mga pamamaraan upang maiwasan ang pagkahawa sA covid - 19:
Maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig nang higit sa 20 segundo
Ang at least 60% alcohol ay gamitin lamang kung walang tubig at sabon. Mas mainam pa ring gumamit ng tubig at sabon kung maaari. Iwasang hawakan ang mukha kung hindi siguradong malinis ang kamay.
Magsuot ng face mask
Siguraduhing natatakpan ng mask ang parehong ilong at bibig. Lahat ng tao na may edad dalawang (2) taon pataas ay dapat magsuot ng face mask kapag nasa pampublikong lugar.
Lumayo sa ibang tao na hindi parte ng sambahayan
Ang pagsusuot ng mask ay hindi kapalit ng social distancing. Mas bababa ang rate of transmission ng Covid-19 virus kung parehong naka-mask at malayo sa iba. Iwasan ang matataong lugar, kung maaari.
Magpabakuna
Libre ang bakuna laban sa Covid-19, kaya magpabakuna na kung may oportunidad- kahit anong brand, dahil lahat sila ay effective. Ang bakuna ay ligtas para sa mga taong may edad 18 pataas. Binibigyan ng gobyerno ng prioridad ang mga senior citizen at people with comorbidities.
JOHN VINCENT A. ALBINO punong patnugot tagalapat
JOHNHAR FLORES kapatnugot
LYRA MAE LLANTADA patnugot sa balita tagapagwasto
JB DELA CRUZ patnugot sa lathalain HEZEN FLORES patnugot sa infographics