
3 minute read
Batangas Business ‘BIG BOOST TO BUSINESS’
61-KM, P45-B Nasugbu-Bauan Expressway nakatakda nang simulan
STO TOMAS City – Nakatakda nang simulan sa susunod na buwan ang Nasugbu-Bauan Expressway matapos lagdaan ang joint venture agreement sa pagitan ng San Miguel Corporation at pronvincial government ng Batangas.
Advertisement
Batangas City nagsagawa ng basic customer skills training
BATANGAS City -- Nagsagawa ng Basic Customer Skills Training ang Human Resource Management Development Office (HRMDO) para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod noong April 17.

Ayon kay HRMDO Head Aurea Castillo, layunin ng naturang gawain na magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa maayos na pakikitungo at pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa mga tao ang mga kawani lalo’t higit yaong mga nasa frontline services.
Idinagdag pa niya na itinuturing ni Mayor Beverley Dimacuha ang mga empleyado bilang pinakamahalagang asset ng lokal na pamahalaan kung kayat malaking tulong aniya ang nabanggit na seminar upang higit na ma-improve ang paraan ng paglilingkod ng mga ito.
Noon pang ika-22 ng Marso 2023 nilagdaan ng dalawang panig ang ₱45-Billion road network project na magkokonekta sa pagitan ng dalawang local government unit ng Bauan at Nasugbu, Batangas.

Ito ay may habang 61 kilometers at kapag natapos na ito, mapapabilis ang byahe ng mga motorista ng 45 na minuto na lamang mula sa dating isang oras at kalahating biyahe.
Ang Memorandum of Agreement ay personal na nilagdaan nina Batangas Governor DoDo Mandanas at San Miguel Corporation (SMC) President and Chief Executive Officer Ramon S. Ang sa Balayan Municipal Hall.
Nagsilbing Resource Speaker si Civil Service Commission (CSC) Field Director Lily Beth Majomot ng CSC Batangas kung saan tinalakay niya ang service excellence and its importance, developing a customeroriented service culture, creating service, excellence environment through customer feedback, understanding ourselves and the customer, skills in building customer satisfaction and challenge of service.
kung saan 70% ng kikitain nito ay mapupunta diumano sa lokal na pamahalaan upang makatulong na mapalago ang ekonomiya at mapabuti ang pamumuhay at ikinabubuhay ng mga Batangueño. Ayon sa SMC, inaasahang matatapos ang tollway sa loob ng 48 buwan (4 years), at paiigsiin ang kasalukuyang 1.5 oras na biyahe mula Nasugbu patunggong Bauan hanggang 45 minuto.
Batangas City
Barangay Zumba Choreo Dance Contest hahataw na sa San Pascual
STO TOMAS City—Inanyayahan ang lahat ng mga kabarangay, at buong bayan ng San Pascual na maghanda na sa paghataw ng pangmalakasang galaw para sa isang “Healthy San Pascual, #HealthyPilipinas.”
Ayon sa Rural Helath Unit, bukas sa lahat ng nais sumali sa kanilang Barangay Zumba Choreo Dance Contest.

Narito ang mechanics:
1. Kung ikaw ay tagaSan Pascual na may edad 18 pataas at may grupo na hindi bababa sa lima (5) hanggang 12 miyembro, maari kang sumali.
2. Bumuo at mag-record ng dalawang (2) video kasama ang grupo. Ang unang video ay naglalaman ng pagpapakilala sa grupo at naglalahad ng kabutihang naidulot ng pagsasayaw o zumba sa sarili at sa kalusugan. Ito ay hindi lalampas sa isang (1) minuto.
3. Ang ikalawang video naman ay ang group presentation na hindi bababa sa 3 minuto at hindi lalampas sa 5 minuto.
4. Ipasa ang mga video recordings via email sa rhu_sanpascual. batangas@yahoo.com. Deadline for submission ay sa April 27, 2023.
5. Ang awarding ceremony ay sa May 11, 2023. Para sa karagdagan impormasyon, makipag ugnayan lang sa inyong mga barangay health workers o tumawag at mag-text sa 09285526988 o sa 043-456 9108.
“Tayo ay sasayaw para sa isang #HealthyPilipinas!” wika ng RHU.
Ayon sa gobernador, kapag nagawa na ang Nasugbu-Bauan Expressway (NBEx), mapapabilis ang biyahe mula sa mga bayan at lungsod ng Unang Distrito ng lalawigan, patungo sa international at local ports ng Batangas City at Bauan.
Sa mensahe ng gobernador, nagpaabot rin ito ng pasasalamat sa SMC, ang pinakamalaking Filipinoowned conglomerate company, dahil sa malaking oportunidad na idudulot ng nasabing road network sa kaunlaran ng mga bayan sa Unang Distrito ng Batangas.
Kasamang pinasalamatan ng gobernador ang mga lokal na opisyal na naging katuwang sa pagsasakatuparan ng proyektong ito. Samantala, binigyang-papuri ni Ginoong Ang si Gov. Mandanas dahil sa kaniyang pagbibigay prayoridad sa magiging pakinabang ng proyekto sa mga Batangueño. Ang NBEx ang kauna-unahang joint venture na nilahukan ng SMC
Nakibahagi rin sa signing ceremony Vice Governor Mark Leviste (gitna, sa kalakip na litrato), SMC Senior Vice President at SMC Infrastructure Head Lorenzo G. Formoso III, 1st District Congressman Eric Buhain, Ist District Board
Members Junjun Rosales at Armie Bausas, 2nd District Board Member Arlene Magboo, 5th District Board
Members Arthur Blanco at Claudette Ambida, Board Member Willy Maliksi, Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Chief of Staff Ma. Isabel Bejasa, former Provincial Administrator Levi Dimaunahan, mga department heads ng Kapitolyo at mga punong bayan at opisyal sa Unang Distrito ng lalawigan.
J. Israel/ With reports from Eric Arellano/Gian Marco EscamillasBatangas Capitol PIO
Department of Agriculture RFO 4-A
STO TOMAS City— Matapos maisagawa ang soil sampling sa dalawang bayan ng Batangas, tumungo naman ang mga tauhan ng
Department of Agriculture
IV-CALABARZON Regional Soils Laboratory upang magsagawa rin katulad na soil sampling sa Morong, Rizal noong ika-11 hanggang 14 ng Abril sa mga piling palayan. Ang lupang nakolekta ay dadalhin sa laboratoryo upang ianalisa upang mabigyan ng rekomendasyon sa angkop na abonong ilagay.

Ito ay suporta sa programang Farm and Fisheries and Clustering and Consolidation (F2C2) kung saan isinusulong ang paggamit ng soil analysis at ng hybrid na palay upang mas mapataas ang ani.
Naisagawa na din ang nasabing aktibidad sa San Juan at Nasugbu, Batangas noong buwan ng Marso.