
1 minute read
EPILOGO
from E-PORTFOLIO
Sa loob ng dalawang buwan ng pag-aaral ng asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademiko) ay maraming natutunan ang may akda. Mas natutunan nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino. Ang bawat aralin na tinalakay ay tiyak na makatutulong sa may akda hindi lang sa kasalukuyan kundi ay pati na rin sa mga magiging gawain nito sa hinaharap. Sa paggawa niya ng portfolio ay dito niya napagtanto na napakabilis lamang din ng panahon. Parang kahapon lamang ay bionote pa lamang ang iniisip ng may akda, at ngayon ay naririto na siya at matatapos na sa paggawa ng kaniyang portfolio.
Namangha siya sa naging paglipas ng panahon, at sa loob ng mga ito ay marami rin siyang natutunan na panigurado ay dadalahin niya sa hinaharap. Lubos ang pasasalamat ng awtor sa lahat ng naging bahagi ng kaniyang mga buwan sa pag-aaral ng asignaturang FLPA. Sa kaniyang mga kamag-aral na naging dahilan din upang mas maging magaan ang bawat araw at mga asignatura at pati na rin sa kaniyang guro na walang sawang gumabay sa kanila. Hiling ng awtor na nawa ay mas marami pang mga estudyante ang magmamahal sa asignaturang Filipino at nang sa gayon ay mas ipagmalaki pa nila ang ating wikang Filipino.
Advertisement
10 Epilogo